Fall Again

By barbsgalicia

13.6M 219K 27.7K

After getting her heart ruthlessly broken, Leila believed that love is a murderer. She became as cold as ice... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE
Special Chapter #1

Chapter 2

11.2K 180 2
By barbsgalicia

***FLASHBACK***

LEILA

PINAUNA NA SIYA ni Sir Levi na maglakad papunta sa left-wing parking lot ng St. Agnes kung saan nakaparada ang sasakyan nito.

As usual, takot itong may makakita sa kanilang dalawa na magkasama. Ganoon naman ito, e. Sobrang ingat. Siya, natatakot din naman, pero kayang-kaya niyang lumaban kung sakaling may makaalam na sa kanilang relasyon.

Para sa kanya, wala namang mali sa ginagawa nila ni Sir Levi. Ang tanging mali lang ay ang lugar at panahon ng pagmamahalan nila. That's all. Minsan nga, hinihiling niyang sana sa ibang lugar niya na lang nakilala si Sir Levi, hindi sa St. Agnes. Baka sakali pang hindi sila ganito. Ang hirap na gusto niya itong makita palagi, pero hindi niya magawa dahil baka may makahuli sa kanila.

Gustong-gusto niya talaga ang kanyang Chemistry teacher. Mahal niya na nga ito, e.

Sinong babae ba naman kasi ang hindi mahuhulog dito? Bukod sa biniyayaan ng kagwapuhan ang guro ay totoong napakabait nito, matalino, at napaka-gentleman. Bakit nga ba kasi ipinanganak pa ito nang sobrang aga kaysa sa kanya? Pero hindi niya na iniisip iyon. Wala na sa kanya ang edad at kung anong iisipin ng ibang tao.

Crush na niya si Levi noong unang araw niya pa lang bilang transferee student sa St. Agnes. Bagong teacher din si Levi noon. Napansin niya na agad ang guro dahil halos pagkaguluhan ito ng ibang mga ka-eskwela niya. All girls school ang pinapasukan niya, at iilan lamang ang mga lalaking guro kaya naman ganoon na lang ka-big deal ang pagdating ni Levi.

Noong una, wala talaga siyang balak na makipag-kompetensya sa mga kaklase niyang patay na patay sa kagwapuhan ni Sir Levi. Hanggang titig na lamang siya sa guro. Lalo na kapag nagtuturo na ito sa klase nila. Sa isip niya kasi, ano namang laban ng isang transferee na katulad niya? Ni wala nga siyang kakilala sa St. Agnes. Sanay kasi siyang kaparehas palagi ng eskwelahan ang nakababatang pinsan niyang si Vannie, pero ngayon ay nagkahiwalay sila. Kaya ayon, daig niya pa ang may nakahahawang sakit sa pagiging loner.

ISANG HAPON NOON sa library ng St. Agnes. Saglit siyang umalis sa mesa kung saan siya nagre-review para kumuha ng panibagong libro na gagamitin. Nagulat na lang naman siya pagbalik niya nang nakitang nakaupo na sa pwestong iyon si Levi. Takang-taka siya, madami naman kasing bakanteng mesa sa library, pero bakit doon pa talaga ito umupo?

Hinayaan niya na lang. Pero sa loob-loob niya, pakiramdam niya ay mahihimatay na siya sa kakiligan. Lalo na noong bumalik na siya sa pwestong iyon? Diyos ko, amoy na amoy niya ang matapang na pabango ng kanyang guro. Doon niya lang ito nakita nang ganoon kalapit. Mas gwapo pala ito sa malapitan. At nang tumingin ito sa kanya para magpaalam kung pwede silang magtabi? Halos bumilis ang pagtibok ng puso niya. Kitang-kita niya pa ang kulay tsokolate nitong mga mata. Mas lalo niya tuloy itong nagustuhan.

Sa isip-isip niya, hindi naman siguro siya tatabihan ni Sir Levi nang ganoon kung wala itong interes sa kanya. Naniniwala siyang may gusto rin ito sa kanya.

Noong araw na 'yon nag-umpisa ang madalas nilang pag-uusap. Nagkaka-text sila at nagtatawagan sa phone tuwing gabi. Nagkukwentuhan din sila pagkatapos ng klase, 'yon ay kung hindi busy sa paggawa ng lesson plan si Levi.

Sa kada pagdaan ng mga araw ay nararamdaman niyang tumitindi na ang pagkagusto niya sa kanyang Chemistry teacher. Hanggang sa isang araw, bigla niya na lang na-realize na hindi na niya ito kayang mawala sa kanya at hindi na niya ito kayang makitang napaliligiran ng mga ka-eskwela niyang babae.

Ang paniniwala niya pa nga noon ay meant-to-be talaga silang dalawa dahil parehong nag-uumpisa ang mga pangalan nila sa letrang 'L'. Tinawanan lang siya ni Levi nung kinwento niya 'yon.

Alam niyang parehas lang ang nararamdaman nila para sa isa't isa. Hinding-hindi niya nga makalilimutan ang araw na sinabi na sa kanya ni Levi na gusto rin siya nito nang higit pa sa isang estudyante. Pakiramdam niya ay pwede na siyang mamatay noong mga oras na 'yon. Ang sarap lang sa pakiramdam na gusto rin siya ng lalaking gusto niya.

She doesn't want any other guy than Levi. Bukod sa wala siyang ka-eskwelang lalaki ay hindi niya hilig ang mga lalaking isip bata at puro computer games lang ang alam gawin sa buhay. She wants a mature guy—someone who can protect her, someone who can take care of her. At para sa kanya, ang lalaking 'yon ay walang iba kung hindi si Levi.

"Ano na namang iniisip mo?"

Nabalik siya sa wisyo nang magsalita na si Levi sa likuran niya. Naabutan na pala siya nito dahil nagmumuni-muni pa siya habang naglalakad.

Hinawakan siya nito sa likod para alalayan papasok sa kotse.

"Wala pala sila mama sa Sabado," sabi niya habang nagkakabit ng seatbelt. "Mag-a-out of town ulit sila. Pwede ba tayong magkita no'n?"

Binuhay muna ni Levi ang makina ng kotse bago sumagot. "Gusto mo ba?"

"Syempre gusto ko!"

Saglit siya nitong sinilip at nginitian, at saka tuluyang nag-drive. "Ano namang ipapaalam mo sa kanila kung bakit ka aalis sa Sabado? Lalo na sa kuya mo?"

"Sasabihin kong gagawa lang kami nila Sheila ng decors para sa Christmas party," mabilis niyang sagot na para bang buong-buo na ang kasinungalingan niyang iyon sa utak niya. "Basta ako na ang bahala."

"Okay. Anything you want. Basta mag-ingat ka lang, wag kang magpapahalata."

"Yes, sir!"

Napangiti si Levi. "By the way, hindi ba magtataka ang mga tao sa inyo dahil gabi na at wala ka pa?"

"'Wag kang mag-alala, hindi nila mapapansin. Wala naman sila mama ngayon e. Si Jerome? Wag ka na nga kasing matakot do'n. Matapang lang ang dating no'n pero wala naman 'yong binatbat sa 'yo."

Napangisi ito sabay umiling-iling. "Hindi ka talaga natatakot sa kuya mo, 'no?"

"Hindi." Nilipat niya ang tingin niya sa bintana ng sasakyan. "Wala akong pakialam do'n. Palagi nila akong pinagbabawalan, pero hindi naman nila ako mapipigilan sa mga gusto kong gawin."

Biglang hinaplos ni Levi ang kaliwa niyang pisngi kaya napatingin ulit siya rito.

Naabutan niya itong nakangiti sa kanya nang matamis bago binalik ang atensyon sa kalsada. "Wala ka talagang inuurungan. My baby is such a tough girl. That's why I like you."

Kinilig siya sa huling sinabi nito. Parang gusto niya pa ngang ipaulit, e. Ang sarap sa tainga. Madalas naman itong nagsasalita ng ganoon, pero parang palagi pa ring bago sa pandinig niya.

HINDI KALAYUAN ANG bahay niya mula sa St. Agnes kaya nakarating agad sila sa tinitirhang village nang wala pang isang oras.

Katulad ng nakasanayan, hininto ni Levi ang kotse bago pa makalagpas sa guard house ng nasabing village.

"Hanggang dito na lang ulit ako," sabi nito.

Mapait siyang ngumiti. "Kailan mo ba ako ihahatid sa tapat mismo ng bahay namin?"

Binuksan ni Levi ang ilaw sa sasakyan para makita ang mukha niya, at saka ito sumagot. "'Di ba pinag-usapan na natin 'to? Makikita nila ako kapag hinatid kita mismo sa tapat ng bahay. Hanggang dito na lang ako."

Tumango na lang siya kahit hindi niya naman talaga tanggap. "Ite-text mo ako kapag nakauwi ka na, ha?"

Sumibol ang matamis na ngiti sa mga labi nito. "Of course. Palagi ko namang ginagawa 'yon. May isang araw bang nakalimot akong mag-text? Sabihin mo sa 'kin, para makapag-sorry agad ako sa 'yo."

Napakalambing ng pagkakasabi nito kaya nakaramdam na naman siya ng kilig.  Ang pula na naman siguro ng mga pisngi niya ngayon.

"O, sige na. Bumaba ka na," sabi nito. "Baka nandiyan na ang kuya mo."

"Okay. Kainin mo 'yong cupcakes, ha?" paalala niya, tapos pinikit na niya ang mga mata niya.

Alam na ni Levi ang susunod na gagawin.

##

PAPASOK PA LANG ng bahay si Leila nang makarinig ng mga boses galing sa dining room.

Natigilan agad siya at kumabog ang dibdib. Parents niya 'yon! Akala niya ba nasa business trip ang mga ito? Hindi ba natuloy?

Nilakasan niya na lang ang loob niya at tumuloy ng lakad papunta sa dining room. Her parents were really there. Naghahapunan ang mga ito, at may kasama pang tatlong bisita na pamilyar ang mga mukha sa kanya. Wala pa ang Kuya Jerome niya, pero naroon ang uncle niya—ang papa ng pinsan niyang si Vannie.

Agad siyang napansin ng mama niya. "Leila! You're finally here. Bakit ngayon ka lang umuwi? Ang sabi ng driver, hindi ka raw niya nakita kanina sa school. What happened?"

Binalewala niya ang tanong kasi umiiral na naman ang pagiging strikto ng mama niya. Nakatingin lang siya ngayon sa binatang ka-edad niya na nakaupo sa dapat ay pwesto niya sa hapag-kainan. Sobrang pamilyar kasi ng mukha nito, kaso hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.

"Sige na, mamaya na lang tayo mag-usap," biglang bawi naman ng mama niya. Ayaw siguro siyang ipahiya sa harap ng ibang tao. "Sit here and eat with us."

Sinunod niya na lang kahit na ang totoo e ayaw niya sanang kumain kasabay ang mga bisita nila.

Umupo siya sa silya na katapat ng binata na kanina niya pa minumukhaan.

"Do you remember them, Leila?" tanong ng papa niya sa kanya pagkaupong-pagkaupo niya.

Sinilip niya ang dalawa sa mga bisita nila. Mag-asawa ang mga ito. Namumukhaan niya rin, pero hindi niya alam ang mga pangalan.

Umiling siya sabay nagsalok na lang soup sa mangkok.

"Oh, dear!" reaksyon naman ng mama niya. "How come you forgot about them? Samantalang one month ago lang, nakasama natin silang mag-dinner. They are Mr. and Mrs. Fajardo. Naalala mo na?"

Ah! Oo, naalala na niya. Hindi naman kasi siya nag-enjoy sa dinner na 'yon kaya hindi niya natandaan ang mga mukha ng mga pinakilala sa kanya. Mas masaya pa sana kung nakasama niya na lang ang kanyang Sir Levi no'n.

"And this is our son, Allen," pagpapakilala naman ni Mrs. Fajardo sa binatang katapat niya.

Napaangat agad siya ng tingin dito. Tinitigan niya nang mabuti ang lalaki.

Allen? Allen Fajardo?

Kulang na lang ay mapapitik siya sa hangin nang tuluyan nang maalala kung sino ito. Ah, okay! Kaya pala pamilyar ang mukha nito. Nakita na nga pala niya ito sa picture. Kung hindi siya nagkakamali, ang Allen na ito ang ka-eskwela at ang lalaking kinababaliwan ng pinsan niyang si Vannie. Ito ang dahilan kung bakit hindi pumayag ang pinsan niyang lumipat sa St. Agnes kasama siya.

Bigla rin siyang tiningnan ni Allen. Nagtama ang mga mata nila, pero agad siyang umiwas. Ang sungit nito kung makatitig, akala mo naman kung sinong gwapo. Sus! E wala naman itong binatbat sa Sir Levi niya.

"Naisip namin Leila . . ."  Nagsalita ulit ang Mama niya. ". . . why don't you and Allen go out together. Friendly date, gano'n? Tutal, malapit na ang Christmas vacation niyo."

Kamuntik na niyang maibuga ang kahihigop niya lang na sabaw. "D-date?"

Humagikgik naman ang mama niya at ang mag-asawang Fajardo sa naging reaksyon niya.

She then looked at her dad. Nagpipigil lang itong mag-react.

Hindi niya alam kung ginu-good time lang ba siya ng mga ito o ano, e! Date? Paano nangyaring gusto ng mga ito na makipag-date siya?

Kahit kailan ay hindi siya biniro ng mga magulang niya tungkol sa date-date na ganyan. Hindi rin siya open sa mga ito tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa opposite sex o pag-ibig dahil sobrang strikto ng mga ito. Too strict to the point na hindi niya magawa nang malaya ang mga gusto niya. Ano bang nangyayari? Hindi niya maintindihan. Nire-reto ba siya ng mama niya sa anak ng mga Fajardo? Anong tingin ng mama niya sa kanya? Kinder na pwedeng asar-asarin sa kung sino-sinong lalaki lang? Oh, please!

"Why, Leila? Allen is such a good-looking young man, isn't he?" kantyaw pa ng mama niya na akala mo naman ay sobrang lapit nila sa isa't isa. "Allen," tawag nito sa binata pagkatapos, "how do you find our daughter?"

At nagsitawanan ulit ang mga ito. Hindi siya sanay na naririnig na tumatawa ang mama niya.

Napatitig na lang siya kay Allen. Hinihintay niya itong mag-react. Nakakunot lang kasi ang noo nito at parang walang ganang kumain. Pinaglalaruan lang nito 'yong soup. Halatang walang interes sa mga nangyayari, katulad niya.

"Allen." Si Mrs. Fajardo naman ang nagsalita. "Go ahead and ask Leila to go out with you."

Biglang kumunot ang noo nitong si Allen at bumuntong-hininga pa. "But I'm already dating someone else."

Natahimik ang lahat.

"Allen Travis!" gigil na bulong naman ni Mrs. Fajardo. "We've already talked about this, right?"

"Tsk, ayokong makipag-date sa kanya, ma."

Napanganga siya bago ito pinanlisikan ng tingin. Feeling naman masyado 'tong lalaking 'to! "Wag kang mag-alala, ayoko ring makipag-date sa'yo."

Napakayabang! Akala mo naman artista. Nagda-dalawang isip tuloy siya kung ito nga ba talaga 'yong lalaking crush na crush ng pinsan niya. Ang sabi kasi ni Vannie, palangiti raw si Allen Fajardo. Pero bakit parang hindi naman? Parang may period 'tong lalaking kaharap niya at inaatake ng dysmenorrhea sa sobrang sungit!

"Fine," biglang salita ulit nitong si Allen. "I will date you. Pero isang beses lang."

"No, thank you! Hindi naman kita type kaya hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo. Ang pangit-pangit mo kaya!"

"Leila!" singhal na Mama niya. "Watch your mouth!"

Hindi niya pinansin. Nakaiinis kasi! Sinira lang ng mga ito ang dapat sana'y magandang gabi niya.

Kinuha na niya ang bag niya sa sahig at walang pasabing tumayo mula sa hapag-kainan para magkulong sa kwarto niya sa itaas.

Siguradong sermon na naman ang abot niya mamaya, pero wala siyang pakialam. Pinakulo ng mayabang na Allen na 'yon ang dugo niya. Hindi niya ito gusto, period!

PAGKAPASOK SA KWARTO ay inis niyang initsa ang bag niya sa kama at mabilis na kinuha ang cellphone mula sa bulsa ng suot niyang uniform.

She called her Sir Levi's number. Umupo siya sa tapat ng computer desk niya habang inip na naghihintay sa pagsagot nito. Sa ika-apat na ring ay sa wakas sumagot na rin si Levi.

"Hello!" sabi niya agad.

"Yes, Leila?"

"Come back here. Itanan mo na kasi ako!"

"W-what? Why? Did something happen? Pinagalitan ka ba?" May bahid ng pinaghalong pagkataranta at pag-aalala sa tono ng mga tanong nito.

"Hindi," sagot niya naman. "Pero gusto nila akong makipag-date sa ibang lalaki. Ayoko! Ayoko no'n! Sa'yo ko lang gustong makipag-date. Come back here, please!"

Biglang tumahimik sa linya ni Levi. Parang hindi yata nito malaman kung anong isasagot. Nag-hello na lang ulit siya para makasigurong hindi naputol ang linya.

She heard him took a deep breath. "I-I'll just call you later, okay? I'm still driving. Kumain ka na muna riyan para hindi ka malipasan. Bye."

'Yon lang ang sinabi nito, tapos binaba na ang tawag.

Ni hindi man lang niya nagawang makapagsalita ulit. Tulala lang niyang sinilip ang screen ng cellphone. Hindi siya makapaniwalang binabaan siya ni Sir Levi nang gano'n-gano'n na lang.

Sa inis niya, binato niya ang cellphone niya sa kama sabay subsob sa katapat na computer desk. Hindi 'yon ang reaksyon na gusto niyang matanggap. Ang inaasahan niya, pakakalmahin siya nito katulad ng palagi nitong ginagawa kapag mainit ang ulo niya. But what was that? Pinabayaan lang siya nito.

Maya-maya ay bigla niyang naalala ang pinsan niyang si Vannie.

E kung tawagan niya kaya ito para ipaalam ang balak ng parents niyang pakikipag-date niya kay Allen? Pero hindi, e. Hindi niya pwedeng gawin 'yon. Sigurado siyang magtatampo ito. Kilalang-kilala niya ang pinsan niya. Matindi iyon kung mang-angkin ng crush. Tsaka patay na patay talaga ito sa mayabang na Allen na 'yon.

Kinalimutan niya na lang ang pagtawag kay Vannie. Hindi niya na sasabihin dito dahil una sa lahat, wala naman siyang balak na makipag-date sa lalaking 'yon.

Tumayo na lang siya para maligo at para kahit papaano ay mabawasan ang init ng ulo niya.

Pagkatapos mag-shower, kinuha niya ang cellphone niyang binato niya kanina sa kama para tingnan kung may nag-text ba.

At napatigil na lang siya sa pagsusuklay sa basa niyang buhok nang makitang may limang missed calls galing kay Levi. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso niya. Hala! Baka nag-alala na naman 'yon dahil hindi siya sumagot.

Naihagis niya ang hawak niyang suklay at dali-dali siyang gumapang paakyat sa kama. Pinindot niya ang number ni Levi para tawagan ito pabalik.

Sa unang ring pa lang ay sumagot na ito. "Leila! Jesus, bakit ang tagal mong sumagot? What happened?"

Hindi siya nakapagsalita kaagad. Napangiti siya nang matamis. Ang sarap lang kung paano mag-alala ang Sir Levi niya sa simpleng hindi niya lang pagsagot sa mga tawag nito.

"Galit ka ba?" dagdag pa nito. "I'm sorry, I'm really sorry. Nagda-drive kasi ako kanina, kaya—"

"Okay lang," putol niya. "Okay na ako."

Which is true. Pakiramdam niya ay nawala na ang pagkainis niya dahil sa lambing ng pakikipag-usap sa kanya ni Sir Levi. Kahit sa telepono, napaka-gwapo pa rin ng boses nito. Lalaking-lalaki. Sino ba naman ang hindi kakalma kapag nakarinig ng ganoon?

"Hindi ka galit?" paniniguro pa nito sa kabilang linya.

"Hindi. Nasa bahay ka na ba? Kinain mo na ba 'yong cupcakes?"

"Oo, kararating ko lang. Hindi pa ako kumakain kasi inuna kong tawagan ka. Hindi ako mapakali. I'm really sorry, baby. Ano na nga ulit 'yong sinasabi mo sa 'kin kanina? They wanted you to date another man?"

Napairap siya sa hangin kasi naalala niya na naman 'yong nangyari kanina. "Man? Baka boy? At ayokong makipag-date sa kanya, 'no. Ang yabang-yabang pa nung lalaki! Allen ang pangalan. Nandito sa bahay. Akala mo naman gwapo, e mas gwapo ka naman sa kanya."

He chuckled. "Alam kong ako talaga ang pinakagwapo sa lahat ng mga lalaking nakilala mo. Pero bakit hindi mo subukang makipag-date sa Allen na 'yon? Baka mabait naman?"

Tila nanghina ang katawan niya dahil sa sinabi ni Levi. Namanhid ang mga pisngi niya, pati na ang kamay niya na nakahawak sa cellphone. "G-gusto mo akong makipag-date sa kanya?"

"Baka lang kasi magustuhan mo siya kapag nakilala mo na siya. Baka magkasundo naman kayo sa huli." Parang natatawa pa ito.

"Kaya mo akong makita na may ka-date na iba?"

Ang tagal bago ulit ito nakasagot. "Hindi." Bigla nang naging seryoso ang tono ng boses nito. "Hindi ko kaya. I... I was just joking. I'm sorry, baby."

Nalungkot siya. Bigla siyang nawalan ng lakas kaya hinang-hina na lang siyang napahiga sa kama.

Natagalan din bago siya nakapagsalita ulit. "Levi? Ayaw mo na ba sa'kin?" malungkot niyang tanong habang nakatulala sa kisame.

"What?" reaksyon naman agad nito. "Leila, I said I was just joking. Please wag mong isipan ng iba 'yong mga sinabi ko. Nagbibiro lang ako. Napalungkot ba kita? I'm sorry then. I'm really sorry."

"Ayoko ng binibiro mo ako ng gano'n."

"O-okay, okay. Hindi ko na uulitin."

Pinikit niya ang mga mata niya Matagal-tagal na naman bago siya nakapagsalita ulit. "Inaantok na ako, sir."

"Sir?" Halatang hindi nito inaasahan na tatawag siya ng 'sir'. Bumuntong-hininga ito bago nagpatuloy. "Nagtatampo ka na naman. Anong pwede kong gawin para hindi na magtampo ang Leila ko?"

She bit her lower lip. "Wala po. Inaantok na kasi ako."

"Leila, wag kang ganyan. Hindi mo ako patutulugin sa ginagawa mo. I already said sorry. What else do you want me to do?"

"Wala nga po. Inaantok na ako. Good night, sir. I'll see you tomorrow."

'Yon lang ang sinabi niya, tapos pinindot na ang end call button nang hindi man lang iyon tinitingnan.

She turned off her cellphone, then she curled to her side.

Totoong nalungkot siya. Parang bigla siyang nakaramdam ng iba sa mga nangyayari. What's happening to her Sir Levi? Bakit kanina pa ito ganoon? Pakiramdam niya tuloy, unti-unti na itong nawawala sa mga kamay niya. Parang lumalayo na ito mula sa kanya.

• • •

Continue Reading

You'll Also Like

477K 2.5K 9
Aeyzha Aviemorr Benevente made her biggest mistake when she accused her close friend for letting their company down. Hindi siya nagtiwala sa kaibigan...
1M 2K 6
Yung feeling na, ang dami mong gustong bilhin pero wala kang pera. Ang dami mong gustong kainin pero wala kang pambili. Ang dami mong gustong hawakan...
114K 2.8K 52
What will you do if you end up in someone else body?
5.3K 1K 30
Everybody knows her story because she is an open book but what they don't know is that Katherine is the Break-up planner. Katherine Faith De Guzman e...