My Love from 18th Century [CO...

By Eager_writer

8K 2K 605

Ang pagbabasa ng nobela ang naging sandigan ni Liam upang matakasan ang magulo at malungkot na reyalidad ng b... More

MENSAHE NG MAY-AKDA
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
EPILOGO
MENSAHE NG MAY-AKDA
ESPESYAL NA KABANATA

KABANATA 3

244 47 15
By Eager_writer

Te Amo, Mi Cielo
I

Hunyo 6, 1750
Sa Bayan ng San Asuncion

"Binibini, hindi ba't ngayon tayo magtutungo sa pamilihan?" tanong ni Catalina sa amo niyang si Victorina na hanggang ngayon ay abala pa rin sa pagbabasa sa hawak niyang aklat at mukhang walang balak na gumayak.

"Iyon ay ipagpaliban na muna natin. Marami pa akong dapat na pagka-abalahan dito sa bahay," tugon ni Victorina nang hindi pa rin inaalis ang paningin sa hawak na aklat. Wala naman talaga siyang mahalagang gagawin, gusto lamang niyang tapusin ang binabasang nobela. "At kung maaari, ibig ko sanang ipagtimpla mo ako ng tsaa," utos pa nito sa kaniyang kasambahay.

"Binibini, huwag niyo sanang masamain ngunit baka magalit ang donya kapag nalaman niyang hindi pa nakahanda ang inyong kasuotan para sa nalalapit na pagpupulong para sa kaarawan ng gobernador heneral," nababahalang usal ni Catalina sa kaniyang amo. Marahil ay siya na naman ang makakagalitan ni Doña Carmen kapag nalamang hindi pa nakahanda ang anak nito.

"Bueno, ipaghanda mo na ako ng tsaa at ako'y maliligo na rin sa aking palikuran," pagpapakalma ni Victorina sa kaniya.

Sinunod nga ni Catalina ang utos ng kaniyang amo habang si Victorina ay naligo na rin at naghanda para sa kanilang lakad. Pagkatapos maligo ay nagpatuyo ito ng katawan at buhok at isinuot ang kaniyang asul na baro na tinernuhan ng asul din na saya. Naglagay din siya ng kaunting kolorete sa kaniyang mukha para mas lalong mapatingkad ang taglay niyang kagandahan. Isinuot niya rin ang paborito niyang mga bakya na iniregalo pa ng kaniyang ama.

"Binibini, narito na ho ang inyong tsaa. Pinagdala ko na rin kayo ng mainit-init pang kakanin," wika ni Catalina at ibinigay ang mga dala niyang pagkain kay Victorina.

"Salamat. Saluhan mo na rin ako," ani Victorina ngunit tumanggi si Catalina dahil ito'y nahihiya.

Nang matapos ni Victorina ang kaniyang agahan ay inanyayahan na niya si Catalina na magtungo sa pamilihan. Nagpaalam muna sila kay Doña Carmen na abala sa pagbuburda. Wala ngayon si Don Antonio sa kanilang tahanan dahil abala siya sa pag-aasikaso sa kanilang hacienda at maging sa mga tungkuling ginagampanan nito sa kanilang bayan.

"Catalina, ikaw na ang bahala sa aking unica hija. Tiyakin mong makakauwi kayo nang walang galos," habilin ng senyora bago sila hayaang lumisan.

Sakay ng kanilang kalesa na pinatatakbo ng dalawang kabayo ay sinamahan sila ni Mang Kanor patungo sa pamilihan. Hindi maiwasang mamangha ni Victorina habang pinagmamasdan ang napakalawak na hacienda na pinaghirapan pa ng kanilang mga ninuno. Hanga rin siya sa kaniyang ama dahil nagawa niyang panatilihin ang taglay nitong ganda at kapayapaan.

"Binibini, masama po ba ang inyong pakiramdam?" nag-aalalang tanong ni Catalina nang mapansing kanina pa walang imik si Victorina.

"Hindi naman. Pinagmamasdan ko lamang ang aming hacienda," ngiti nito.

"Natitiyak ko pong mas lalong gaganda iyan kapag ipinasa na sa inyo ang pamamahala riyan," papuri naman ni Catalina.

"Naku, huwag mo na ngang bilugin ang aking isipan! At isa pa, huwag ka nang gumamit ng 'po' dahil hindi naman ako matanda at hindi naman nalalayo ang ating mga edad. Victorina na lang din ang itawag mo sa akin."

Dalawampung taong gulang na si Victorina habang si Catalina naman ay nasa edad na labing walo. Isang linggo pa lamang simula nang mamasukan si Catalina bilang kasambahay sa Hacienda Sanchez upang matustusan ang pangangailangan ng tatlo niyang kapatid at ng kaniyang ina at ang pagpapagamot sa kaniyang amang may malubhang karamdaman.

"Mang Kanor, maiwan na lamang ho namin kayo rito upang bantayan ang mga kabayo," habilin ni Victorina kay Mang Kanor.

"Masusunod, binibini," tugon naman nito.

Nang makarating sa pamilihan ay nagtungo kaagad sila  sa paboritong tindahan ng mga damit ni Victorina. Napakaraming pamimilian doon kaya nahirapan siya sa pagpili kung alin ang kaniyang bibilhin.

Sa huli, napili niya ang isang puting baro't saya na may palamuting makukulay na mga perlas. Mayroon din itong nakaburdang kulay asul na ulap kaya mas lalo itong nagustuhan ni Victorina. Kung ang ibang kababaihan ay nagagandahan sa mga palamuting bulaklak, disenyong ulap naman ang paborito ni Victorina. Parang gumagaan ang kaniyang pakiramdam kapag pinagmamasdan niya ang mga ulap sa kalangitan.

"Ito na lang ho ang aking bibilhin," wika niya sa tindera. Nagalak naman ang tindera nang mapagtantong ang anak pala ng kanilang gobernadorcillo ang bumibili sa kaniyang paninda.

"Magandang araw, Binibining Victorina. Ngayon ko lamang kayo namukhaan, kayo pala iyan," magalang na bati niya rito. Ang pamilya Sanchez ang isa sa mga pinaka kagalang-galang na pamilya sa bayan ng San Asuncion.

"Magandang umaga rin ho. Natutuwa ho ako sa magagandang disenyo ng inyong mga panindang mga damit," papuri ni Victorina sa tindera. Kinagigiliwan din ng mga tao si Victorina dahil bukod sa maganda at matalino, siya rin ay mapagpakumbaba at magalang. Ang ibang mga anak kasi ng mga opisyales ay mga matapobre at walang galang sa mga nakatatanda lalo na kung mababa lamang ang katayuan ng mga ito sa lipunan.

"Salamat, binibini. Ikinagagalak kong natuwa kayo sa aking mga paninda." Hindi na maitago ng tindera ang kaniyang tuwa dahil sa magandang komento ni Victorina sa kaniyang mga paninanda. "Wala na ho ba kayong ibang nais na bilhin?" tanong nito.

"Huwag ka nang gumamit ng 'ho' dahil hindi pa naman ako matanda." Isa sa mga ayaw ni Victorina ay ang paggamit ng magalang na pananalita sa kaniya ng mga tao dahil sa mataas niyang antas sa lipunan. Para sa kaniya ay mas karapat-dapat na ibigay ang paggalang na iyon sa mga nakatatanda. "Bibilhin ko na rin ang pulang baro't saya na ito para sa aking kasama," anito kaya biglang nagningning ang mga mata ni Catalina.

"Talaga po? Bibilhin niyo ako ng bagong baro't saya?" hindi makapaniwalang tanong ni Catalina na abot tenga ang ngiti. May lahi rin itong Intsik kaya halos hindi na makita ang kaniyang mga mata kapag ngumingiti.

"Bakit naman hindi?" ngiti ni Victorina sa kaniya.

"Salamat, mahal na binibini. Tatanawin ko itong isang malaking utang na loob," labis ang tuwang sambit ni Catalina. Madalas kasi ay nagtitiis siya sa mga gutay-gutay na kasuotan na pinaglumaan pa ng kaniyang ina dahil wala naman silang sapat na salapi para makabili ng panibagong kasuotan.

Humanap pa sila ng ibang mga kasuotan para naman sa ina at sa mga nakababatang kapatid ni Catalina. Bumuli rin si Victorina ng iba't ibang mga palamuti sa buhok at mga kolorete sa mukha bago lisanin ang tindahang iyon.

"Saan ang susunod nating pupuntahan?" tanong ni Catalina sa kaniya.

"Sa tindahan ng mga papel at pluma," tugon niya.

Kakalabas lamang nila sa tindahan nang mga damit nang biglang tumilapon ang mga pinamili ni Victorina dahil nabangga siya ng isang binatang matulin na tumatakbo. Nagkalat tuloy ang mga pinamili niyang damit sa kalsada kaya naagaw nila ang atensyon ng lahat.

"Paumanhin, binibini. Hindi ko sinasadyang mabangga ka at maitapon ang inyong mga dala," aligagang wika ng binata at dali-daling pinulot ang natapon na mga damit. Mas lalo pa siyang nakaramdam ng takot nang mapagtantong ang anak pala ng gobernadorcillo ang kaniyang nakabanggaan.

"Ayos lamang," mabait na tugon ni Victorina. "Mag-ingat ka na lamang sa susunod," dagdag pa nito kaya gumaan ang pakiramdam ng binata.

"Maraming salamat, binibini. Buong akala ko ay paparusahan niyo ako." Halos lumuhod na ang binata dahil sa pagpapasalamat.

"Hindi kami basta-basta nagpaparusa sa mga inosenteng tao," ani Victorina. "Kung iyong mamarapatin, maaari ko bang malaman kung bakit ganoon na lamang ang pagtakbo mo ng mabilis?" tanong niya sa binata.

"May isang estranghero ho kasing hinahabol ng mga guardia civil." Napabuntong hininga na lamang si Victorina nang marinig niyang sambitin nito ang salitang 'ho'. "Sa takot na madamay ay mabilis akong tumakbo para makalayo," pagpapatuloy pa nito.

"Ganoon ba? Basta sa susunod ay mag-ingat ka na lamang," tugon ni Victorina. "Ako nga pala si Victorina," pagpapakilala niya.

"Amado ang aking ngalan," sagot ng binata. Makikipagkamay sana ito ngunit naalala niyang isang kapusukan ang paghawak sa kamay ng dalaga kaya yumuko na lamang siya.

"Nagagalak akong makilala ka, Ginoong Amado," matamis ang ngiting wika ni Victorina.

"Ganoon din ako, Binibining Victorina," tugon naman ni Amado.

"Binibini, kailangan na nating umuwi. Baka hinahanap na kayo ng senyora," pumagitna si Catalina sa kanilang dalawa. Sa sobrang pagmamadali ay nakalimutan na nila ang pagbili ng papel at pluma.

Sa kanilang daan pauwi ay hindi naiwasan ni Catalina na tuksuhin ang kaniyang amo. Aniya ay napapansin niya raw ang kakaibang pagtingin ng binata kay Victorina. Todo tanggi naman si Victorina sa paratang nito sa kaniya.

"Naku, Catalina. Tigilan mo ako sa mga kalokohan mong iyan," ani Victorina habang inaalala pa rin sa kaniyang isipan ang mukha ng binatang nakausap kanina lamang.

"Wala namang masama sa paghanga, binibini. Ang mahalaga ay huwag lamang humigit doon," payo ni Catalina habang pababa sila ng kalesa dahil nasa tapat na sila ngayon ng mansyon ng mga Sanchez.

"Hindi naman ako humahanga kay Ginoong Amado, ngunit anong masama kung humigit sa paghanga ang nararamdaman mo sa isang tao?" nagtatakang tanong ni Victorina kay Catalina.

"Binibini, kilala ko kasi si Ginoong Amado. Isa siya sa mga anak ng mga magsasaka sa hacienda," kwento ni Catalina.

Nakaramdam naman ng panghihinayang si Victorina. Sa mga nakikita o nababasa niya kasi ay nagkakaroon ng suliranin kapag nagka-ibigan ang isang mayaman at isang dukha. Napasampal naman siya sa kaniyang sarili nang mapagtanto kung ano ang mga bagay na sumasagi sa kaniyang isipan.

"Sino ang anak ng magsasaka?" tanong ni Doña Carmen na siyang ikinagulat ng dalawa. Nasa hardin pala siya kasama ang kanilang mayor doma na si Matilda.

"Wala ho, Senyora. Pinag-uusapan lamang namin ni Binibining Victorina ang tungkol sa nabasa niyang nobela," pagpapalusot naman ni Catalina.

"Bueno, kailangan ko nang pumasok sa loob. Sumunod na lang kayo," sagot ng senyora. Nakahinga naman nang maluwang ang dalawa dahil naniwala ito sa palusot ni Catalina.

"Sa nobela nga ba?" sarkastikang tanong ni Matilda bago tuluyang sumunod sa kanilang senyora. Hindi nalalayo sa tunog ng pangalan nito, may taglay ding kamalditahan ang matandang mayor doma ng pamilya Sanchez.

***

"Kuya, nandiyan ka ba?" patanong na sambit ni Leanna habang kumakatok sa pinto ng silid ng kaniyang kuya Liam. Isang kamay ang ginagamit niya sa pagkatok habang ang isang kamay naman ay ginagamit niya sa paghawak sa mga librong nais niyang ipabasa sa kaniyang kuya.

Bigla namang bumukas ang pinto at tumambad sa kaniya ang inaantok pang mukha ng kaniyang Kuya Liam na pumupungay pa ang mga mata.

"Oo, nandito ako. Anong kailangan ng aking paboritong kapatid?" malambing na tanong ni Liam sa kaniya. Imbis na sumagot ay iniabot lamang ni Leanna ang tatlong libro na naglalaman ng love stories. "Anong gagawin ko sa mga ito?" tanong niya pero tinanggap din niya ang mga libro.

"Kuya, ano bang ginagawa sa mga libro?" ngisi ni Leanna sa kaniya.

"Binabasa," inosenteng tugon ni Liam.

"Exactly," ani Leanna.

"Leanna, alam mo namang hindi ako mahilig magbasa ng mga libro," reklamo nito sa kapatid at isa-isang tinignan ang mga libro. "Love stories? Mga babae lang ang mahilig magbasa niyan," dagdag pa niya.

"Kuya, hindi naman kailangang mahilig kang magbasa para makapagbasa ka ng libro. Lahat din ng tao ay may karapatang magbasa ng love stories, hindi lang 'yan ginawa para sa mga babae," pamimilit ni Leanna sa kaniyang kuya.

"Sige, susubukan ko kapag may time ako," napipilitang ani Liam kahit na wala naman talaga siyang balak na basahin ang mga ito.

"May happy ending din sa mga love stories kung iyon ang gusto ng author. Hindi katulad sa totoong buhay na ang hirap hulaan ng wakas," pangungumbinsi pa niya rito. Sa mga nobela kasi ay nagagawang kontrolin ng may akda kung ano ang mga gusto niyang mangyari. Maaaring ito ay maging masaya o masalimuot, depende sa gusto ng may akda. Hindi katulad sa totoong buhay na ang Diyos lang ang maaaring kumontrol sa lahat.

"Sige, try ko," walang ganang sagot ni Liam.

Inilapag lamang ni Liam ang mga aklat sa kaniyang lamesa at wala siyang balak na basahin ang mga ito. Tinawagan niya ang mga kaibigang sina Kian, Martin, at Kiel para sana yayaing gumala pero pare-parehong busy ang mga ito.

Hindi namalayan ni Liam na kumuha na pala siya ng isa sa mga libro dahil sa sobrang kainipan. Sinubukan niyang basahin ang unang bahagi nito at napilitan siyang basahin din ang sumunod na bahagi dahil nabitin siya sa pagbabasa.

Napagtanto na lamang niya nagpupuyat na pala siya dahil sa pagbabasa ng isang nobela.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

200K 1.7K 13
"Lahat ba ng nerd tahimik at harmless?" HIGHEST RANK ACHIEVED #1
4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...
721K 4.7K 7
Her unknown journey starts here "Unjaena youngwonhee." Choarla and Jio
197K 5.8K 67
Catherine McKinley in short Cath, isang popular student ng kanilang school una sa lahat maganda at sobrang talino, manang mana sa grandparent niya na...