Ang Hardinero at ang Heredero

By Der3ck7

123K 6.8K 1.2K

Sa pagpapanggap ni Enrique bilang Miguel na bagong hardinero sa mansyon ng mga Valdez, makakasalamuha niya si... More

I (Teaser)
KABANATA I
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA IV
KABANATA V
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA VIII
KABANATA IX
KABANATA X
KABANATA XI
KABANATA XII
KABANATA XIII
KABANATA XIV
KABANATA XV
KABANATA XVI
KABANATA XVII
KABANATA XVIII
KABANATA XIX
KABANATA XX
KABANATA XXI
KABANATA XXII
KABANATA XXIII
KABANATA XXIV
KABANATA XXV
KABANATA XXVI
KABANATA XXVII
KABANATA XXVIII
KABANATA XXIX
KABANATA XXX
KABANATA XXXI
KABANATA XXXII
KABANATA XXXIII
KABANATA XXXIV
KABANATA XXXV
KABANATA XXXVI
KABANATA XXXVII
KABANATA XXXVIII
KABANATA XXXIX
KABANATA XL
KABANATA XLI
KABANATA XLII
KABANATA XLIII
KABANATA XLIV
KABANATA XLV
KABANATA XLVI
KABANATA XLVII
KABANATA XLVIII
KABANATA XLIX
KABANATA LI
KABANATA LII
KABANATA LIII
KABANATA LIV
KABANATA LV
KABANATA LVI
KABANATA LVII
KABANATA LVIII
KABANATA LIX
KABANATA LX
KABANATA LXI
KABANATA LXII
KABANATA LXIII
KABANATA LXIV
KABANATA LXV
KABANATA LXVI
KABANATA LXVII
KABANATA LXVIII
KABANATA LXIX
HULING KABANATA

KABANATA L

1.3K 86 50
By Der3ck7

Matapos mabayaran ang mga inorder na pagkain sa isang drive-thru resto, mabilis na inayos ni Enrique ang portable table sa pagitan nila ni Timothy, para paglagyan ng mga pinamili nito.

"Kain ka na baby, masarap ang mga ito habang mainit-init pa." kausap muli ni Enrique sa heredero.

"Busog pa ako." pagsisinungaling na sagot ni Timothy, kahit pa ang totoo'y natatakam na itong tikman ang mga pagkaing sa amoy palang niya'y batid nitong masarap na.

"Ganun ba, basta kuha ka na lang kapag nagutom ka, o kaya'y kapag may nagustuhan kang restong madadaanan natin, ipaalam mo kaagad sa akin, para maibili kita."

Nang walang marinig na sagot sa heredero, minabuti na lamang ng binatang pulis na paandarin na ang sasakyan, nang sa ganun ay makarating sila sa probinsya ng mas maaga.

Inaamin nitong hindi parin nawawala ang nararamdaman niyang galit sa dating nobyo, ngunit sa narinig nitong malungkot na himig ni Enrique kanina, hindi maunawaan ng heredero kung bakit parang sumikip ang kanyang dibdib ng dahil lang dun. Kung tutuusin ay wala pa 'yon kumpara sa sakit na idinulot sa kanya ng dating nobyo, at muli gaya ng paulit-ulit nitong itinatatak sa kanyang isipan matapos ang sakit na idinulot ng pagmamahal niya kay Enrique, hindi na ito magpapadala muli sa matatamis na mga salita ng pulis, pati na ang pag-aalagang ipinapakita muli nito sa kanya ngayon.

...

Muling lumipas ang isa pang oras sa kanilang biyahe at dahil magtatanghali na, ramdam na ni Timothy ang pagkalam ng kanyang sikmura, ayaw naman kasi nitong kainin ang tinanggihan niyang pagkain kanina na galing sa pera ni Enrique.

Batid naman ng binatang pulis ang nararamdamang gutom na iyon ng masungit niyang kasama, at para hindi na tumutol ang heredero, pinili nitong ihinto muna sa isang resto ang kanilang sasakyan.

"Alam kong kinamumuhian mo ako, pero sana'y kalimutan mo muna sandali iyon hanggang sa makakain tayo, baka magkasakit ka kapag nalipasan ka ng gutom." mahinahong kausap ni Enrique sa tahimik paring kasama.

"Mabuti pala at alam mo, sino bang may kasalanan kung bakit narito ako ngayon?" inis na balik ni Timothy sa dating nobyo.

Napayuko na lamang si Enrique na napipi rin sa mga sandaling iyon, tama naman kasi ang katabi na kasalanan niya ang lahat, batid rin nitong kahit paulit-ulit siyang humingi ng kapatawaran sa kanyang pinakamamahal, hindi ito sapat para maalis o mabura ang sakit na siya mismo ang nagdulot.

Gaya kanina, gustong pagalitan ni Timothy ang sarili kung bakit nasasaktan rin ito kapag nakikitang nasasaktan ang dating nobyo. Hindi ba ang dapat na maramdaman niya ay matuwa? Pero bakit hindi nito maramdaman ang bagay na 'yon?

"Pasalamat ka na lang at gutom na talaga ako, sige na pumapayag na ako."

Sa narinig ay doon pa lamang muling nag-angat ng tingin ang binatang pulis, at bago pa magbago ang isip ng heredero, mabilis na bumaba na ito ng sasakyan para pagbuksan niya ito

...

Pagkahanda sa kanilang mga inorder, isa-isang inamoy lahat ni Enrique ang mga pagkaing nasa mesa, sinisiguro nito na walang halong lason ang kanilang kakainin ng heredero.

"Parang kang aso." komento ni Timothy na talagang ipinarinig nito sa kaharap.

Hindi na pinansin pa ni Enrique ang pasaring na iyon ng masungit na heredero, mas mahalaga para sa kanya ang magiging kaligtasan nito.

"Maaari ka ng kumain." pahintulot ni Enrique sa kasama.

Sa hudyat na iyon ng dating nobyo, nagsimula ng kumain si Timothy. At habang abala ito sa pagkain, abala naman ang mga mata ng binatang pulis sa pagtingin sa kabuuan ng resto, at sinisiguro nito na hindi manganganib ang buhay ng heredero.

"Kumain ka na nga! Hindi ako makakain ng maayos dahil sa'yo." mahinang saway ni Timothy sa 'di mapakaling kaharap.

"Sorry." maagap na sagot ni Enrique.

"Whatever!" masungit na tugon ng heredero, na muling ipinagpatuloy ang pagkain.

Nang makasigurong walang banta sa seguridad ni Timothy, tsaka pa lamang mabilisan na kumain ang binatang pulis.

Matapos nilang kumaing dalawa, tinawag na ni Enrique ang waiter para mabayaran ang kanilang naging bill.

"Heto ang card ko." abot ni Timothy sa nasabing card sa waiter.

"Hindi na, ako na lang." tanggi ni Enrique sa heredero.

"Hindi ikaw ang kausap ko, isa pa mas mabuting sa magiging pamilya mo na lang gastusin ang pera mo." masungit na sagot ni Timothy at payo pa nito sa malapit ng ikasal na dating kasintahan.

Wala na ngang nagawa pa ang binatang pulis kundi ang hayaan na lamang ang heredero, isa pa, ayaw nitong mas lalo pang magalit sa kanya ang dating nobyo.

Matapos na maibalik ang kanyang card, tumayo na si Timothy para pumunta ng banyo dahil naiihi na ito.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Enrique sa tila nagmamadaling heredero.

"Sa banyo, sandali lang ako." sagot ni Timothy na hindi na tumingin pa sa kausap, dahil ramdam nitong puputok na ang kanyang pantog.

Naging mabilis naman ang kilos ni Enrique at sinundan rin sa banyo ang heredero.

"Seryoso ka Enrique? Pati ba dito sa banyo susundan mo rin ako?" inis na baling ni Timothy, pagkakita nito sa presensya ng binatang pulis.

"Hindi naman sa ganun baby, bawal bang umihi rin ako eh naiihi rin ako?" mabilis na sagot ni Enrique.

Sa naging sagot na iyon sa kanya ni Enrique, tila napahiya si Timothy, sapagkat may punto naman ang una.

Tila nagdiwang naman ang binatang pulis, dahil sa nanalo ito sa pagkakataong iyon sa masungit na heredero. Kaya naman pasipol-sipol pa ito habang abala ito sa pag-ihi, katabi ang nagpipigil sa inis at umiihi ring si Timothy.

Naunang natapos sa ginagawa si Timothy, na kaagad ring pumunta sa lababo para maghugas ng mga kamay, abala ito sa ginagawa ng mapansin nito ang tila napakong pagtitig sa kanya ng isang lalaki.

"Timothy ikaw ba 'yan?"

"Do I know you?" balik na tanong ni Timothy sa estranghero.

"Wow! Ikaw nga, oh sorry It's me Rex, we've met last year sa birthday party ni Ninong Sergio remember?" sagot ng binata ng makumpirma nitong ang kinakapatid nga ang lalaking pamilyar ang mukha sa kanya.

"Now that you mentioned it, yeah I do remember you, you're with your cousin Cindy right?" masayang saad ni Timothy ng maalala na kung sino ang lalaking kausap.

"Yeah, so anong ginagawa mo dito sa probinsya?" curios na tanong ni Rex.

"Namamasyal lang, eh ikaw?"

"Busy sa pagmamanage nitong resto, by the way kumain ka na ba?"

"Yeah katatapos ko lang actually at paalis na rin ako."

"Oh nagmamadali ka ba? May ibibigay sana ako sa'yo, bawi ko na rin dahil hindi naging libre ang pagkain mo dito sa resto."

"Hindi na kailangan Rex, isa pa nakakahiya rin."

"I insist, please Timmy?"

"Fine, just drop that nickname please." saway ni Timothy sa kinakapatid.

Sa pag-uusap ng dalawa, pigil naman ni Enrique ang nararamdamang selos. Bilang lalaki, ramdam nitong may gusto ang nagngangalang Rex sa mahal niyang heredero. Naiinis rin ito dahil imbes na siya dapat ang dahilan ng masayang mukha mayroon ngayon si Timothy, heto't ang asungot na kausap ng heredero ang siya pang may kagagawan.

"Mapagkakatiwalaan mo ba ang taong 'yon?" komento ni Enrique ng maunang lumabas ang lalaki at maiwan sila ng heredero.

"Kumpara sa'yo? Oo." maagap na sagot ni Timothy tsaka iniwanan na si Enrique, para sundan naman si Rex.

Sa pagtalikod sa kanya ni Timothy, ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Enrique. Mas masakit pa pala kumpara sa mga natanggap nitong sipa kanina na galing sa bodyguard ng una, na sakit lamang sa kanyang tagiliran ang idinulot, pakiramdam ng binatang pulis ang mga salitang binitawan sa kanya ng mahal na paulit-ulit rin nitong naririnig sa kanyang isipan ay tila patalim rin na paulit-ulit na bumabaon sa kanyang puso.

'Kaya mo ito Enrique, ang mahalaga'y kasama mo na siya ngayon.' pagbibigay lakas ng loob sa sarili ng binatang pulis, at mabilis na nitong inayos ang sarili para puntahan at siguraduhing magiging ligtas ang minamahal.

...

"This is our best seller dessert, triple chocolate cake, naalala ko favorite mo ang chocolate right?" ngiting abot ni Rex sa isang maliit na box ng cake kay Timothy.

"You're right, hindi ko tatanggihan ito, thanks." ngiting sang-ayon at tanggap ng heredero sa nasabing cake.

"Anyway, what's your relationship to that man? Eh kung nakamamatay lang ang tingin ay baka kanina pa ako patay." natatawang saad ni Rex, na napatingin sa direksyon ng lalaking kasama nila sa banyo kanina ni Timothy.

Sinundan naman ng heredero ang tinitingnan ng kausap, at hindi na ito nagtaka nang si Enrique nga ang tinutukoy ng kasama, na seryoso ang mukhang mayroon habang nakatingin sa direksyon nila.

"Don't mind him, isa lang sa tauhan ni dad." pagsisinungaling ng heredero.

"Really? Akala ko kasi boyfriend mo, oo nga pala can I get your number? Alam mo na para may contact tayo sa isa't isa."

"Of course, sandali lang." maagap na sagot ni Timothy, kasunod nun ang pagkapa nito sa suot para sa kanyang cellphone.

Lihim naman na natutuwa si Enrique sa nasasaksihan, gaya nga ng kanyang inaasahan, naging tama ang naisip nitong 'wag munang ibalik ang cellphone na pag-aari ni Timothy na naiwan nito kanina sa mesa. At dahil dun, malabo ng makuha ng lalaking asungot ang numero ng heredero.

"Sorry Rex, I don't know where my phone is." paumanhin ni Timothy ng bigo nitong makita ang gamit na cellphone.

"Its okay, here, I can just give you my calling card." kaagad na nakaisip ng paraan ang binata.

"Don't worry, I call you asap kapag nakita ko na ang phone ko, sige aalis na kami." paalam ni Timothy, matapos na mailagay sa wallet ang calling card na bigay ni Rex.

"Sige, samahan na kita palabas." maagap na sagot ni Rex, tsaka lakas-loob itong umakbay sa balikat ng heredero.

Ang tuwang naramdaman kanina ni Enrique ay kaagad napalitan ng inis at selos, sa sunod nitong nasaksihan sa dalawa. Kung iba lang ang sitwasyon nila ni Timothy, kanina pa niya tinanggal ang brasong nakaakbay ngayon sa heredero. Kaya kinakain man ng selos, walang nagawa ang binatang pulis kundi tiisin ang masayang pag-uusap ng dalawa, hanggang sa makalabas sila sa restong iyon.

"Thanks ulit dito Rex, sige alis na kami." ngiting paalam ni Timothy.

"No worries and next time na magawi ka ulit dito sa resto, libre na basta ikaw." ngiting tugon ni Rex.

"Loko, baka malugi ka nun, sige kita tayo soon." muling paalam ni Timothy na kumaway pa, bago ito pumasok sa passenger seat ng sasakyan.

"No worries, libre basta ikaw, kala mo naman kung sinong guwapo." bulong ni Enrique at tila pang-uuyam nito sa sinabi ng kakilala ng heredero.

Hindi naman malaman ni Timothy kung maaasar ba ito o matatawa sa narinig nito sa katabi. At dahil dun, sinagot nito ang pang-aasar na iyon ni Enrique.

"Guwapo naman si Rex ah, nasaan na ba kasi ang phone ko, nang matignan ko kung single pa ba iyon."

Sa kanyang narinig lalo pang tumindi ang nararamdamang pagseselos ni Enrique, kaya naman para hindi ito tuluyang sumabog, ang paghawak ng mariin sa manibela ng minamanehong sasakyan ang naisip nitong paraan para maibsan ang kasalukuyang nararamdaman.

"Hindi mo ba nakita ang phone ko?" baling ni Timothy sa katabi, at sandali pa itong natigilan pagkakita nito sa seryoso at madilim na mukha ni Enrique.

"Nakita ko." sagot ni Enrique na napalitan ng ngisi, ang seryosong anyong mayroon ito kanina.

"Nasa'n? Akin na kung na sa'yo." lahad ni Timothy sa kanyang kamay.

"Kung gusto mong makuha, kapain mo, nasa loob ng brief ko." lalo pang lumawak ang ngising mayroon ang pilyong pulis.

"Bwisit ka Enrique, hindi ako nakikipaglokohan sa'yo." asar-talong sagot ni Timothy.

"Kapag akong kausap mo asar na asar ka, eh sa asungot na lalaki kanina ang lawak-lawak ng ngiti mo, isa pa hindi ako nakikipaglokohan, totoong nasa loob ng brief ko ang cellphone mo, kaya kung atat na atat ka ng magamit iyon kunin mo na, 'wag ka ng mahiya nakita at nahawakan mo naman na dati si junior." mahabang balik ni Enrique, na hindi parin maalis ang ngisi sa mukha.

"Bastos!" kasunod nga nun ay mga hampas ang ibinigay ng heredero sa pilyong katabi.

"Hahahahaha." malakas na tawa naman ang isinukli ni Enrique sa herederong patuloy na humahampas sa kanya.

At masaya ang binatang pulis sa mga sandaling iyon, na kahit pansamantala lang, tila nagbalik ang dating pakikitungo nila sa isa't-isa ng pinakamamahal nitong heredero.

Continue Reading

You'll Also Like

106K 7.8K 58
"Miracles do happen, it's just up to you if you considered it to be a blessing or a curse." ◆◇◆◇◆◇◆◇ Ang buhay ni Gino ay tipikal, boring at simple l...
303K 12.3K 43
Highest Ranked: #1 boyxboy #2 androgynous #8 bl Ako ay simpleng bakla na laging napapagkamalang babae dahil sa angkin kong kagandahan, ako ay college...
37.3K 1.9K 52
#1 IN ROMANCE After he has succeeded his father's chairmanship in the Madrigal-Espinosa Group of Companies, the problems never left him. His enemies...
21.4K 1K 51
Meet Aldi Saavedra, a 21 year old BSEd-MATH teacher, he is a prudent-type of person. However, when he's inlove, he tend to be "Tanga and Marupok" tha...