My Only Exception (Slow updat...

By Cxtelle

15.7K 1K 455

You promised you won't dare to fall in love but what if one day your childhood mortal enemy/rich and incredib... More

My Only Exception
Chapter2 - The Start of War?
Chapter3 - Not alone anymore
Chapter4 - A date in the market(lol)
Chapter5 - Christmas Eve
Chapter6 - Christmas with Him
Chapter7 - How's my Christmas Break?
Chapter8 - How's my Christmas Break? (partII)
Chapter9 - His heartache
Chapter10 - Happy new year too!
Chapter11 - One crazy day
Chapter12 - One crazy day (PartII)
Chapter13 - What Sophia wants...
Chapter14 - Opposite attracts
Chapter15 - Behind his smile
Chapter16 - Best Enemies
Chapter17 - Her fairy godmother
Chapter18 - The Elite's Party
Chapter19 - When his eyes met mine..
Chapter20 - Cedric's game
Chapter21 - Cedric's game (PartII)
Chapter22 - Cedric's game (PartIII)
Chapter23 - It won't be the same again
Chapter24 - Unexpected YOU
Chapter25 - I know now.
Chapter26 - A.B.C.
Chapter27- Bianca's POV
Chapter28 - Unlikely
Chapter29 - I cannot..
Chapter30 - The Lock in their Hearts
Chapter31 - Why
Chapter32 - Little conversation
Chapter33 - Keep that in mind
Chapter34 - Extraordinary
Chapter35 - Maybe this time
Chapter36 - Why I can't
Chapter37- My heart and you
Chapter 38
Chapter39 - Shaken
Chapter 40 - Make and break
Chapter 41 - Fix you

Chapter1- The Beginning of Everything

942 39 18
By Cxtelle

Jer. 29:11 For I know the plans I have for you," declares the LORD, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.





Cha's POV

"ANO!!?? Si Vince ang makakasama ko sa bahay?"

Waaaahh.

Bakit siya pa?

Of all people? Napatigil ako bigla as I realized that there are only few people in the circle. Ako, si Kuya at... ako ulit? Hayss.

Yeah. I'm hopeless.

"Yep, wag kang mag-alala. Pansamantala lang naman siya makakasama mo. And it's been five years noong huli mo siyang nkita. Don't you miss him? ^__^" sabi ni Kuya Micky na hindi ko alam kung inaasar ba ako o concern tlaga.

"Oo, Kuya. Grabe, namiss ko ang pangbubully at pang-aaway niya!"

Kasama namin sa subdivision sina Vince at kapag nakita mo ang bahay nila, isa lang ang maiisip mo. MAYAMAN sila. Wala siyang kapatid kaya naman naging super close talaga sila ni Kuya simula mula noong nagkakilala sila. Kulang na lang sa kanila na tumira si Kuya.

Five years ago, 12 years old pa lang ako samantalang 16 na sina Kuya at Vince. Medyo may pagka-boyish at bully na din dati dahil sa kapatid ko. Panlalaking kilos at galaw, halos na-adapt ko dahil lagi kaming magkalaro noong mga bata pa lang kami.

At noong mga panahon na 'yun, nagdesisyon na pumunta si Vince sa Manila para mag-college at isinama na rin si Kuya. Ang pagkakaiba lang, nagdo-dorm at umuuwi si Kuya tuwing Saturday kapag minsan.

Dito lang talaga sa subdivision namin sobrang nagtagal tumira si Vince na kahit anong pilit ng mga magulang niyang magtransfer siya sa ibang lugar na malapit sa work nila ay hindi talaga magpapilit. Nag-eenjoy daw siyang asarin ako, pagdadahilan niya sakin. Hay nako, reasons!

Pero dahil sa mag-cocollege na sila, niyaya niya na lang si Kuya Micky na mag-aral sila sa parehas na school at 'yun na din ang hudyat ng huli naming pagkikita ni Vince.

Mula noon, naging mapayapa na ang buhay ko, tahimik at malaya sa pang-aasar ng lokong yun.

At ngayon, gusto ni kuyang makita ko ulit siya? At hindi lang basta makita, kundi makasama sa IISANG BAHAY!!?


Bakit ba mainit ang dugo ko sa lalaking 'yun? Paano naman kasi mga bata palang kami, magkakaaway na kami, ako at siya. May puno at may dulo lahat ng bagay, maging ang wagas na pang-aasar niya sakin.

Flashback

Sa playground

Mga maliliit na bata pa kami..

Nasa may swing ako habang nakain ng ice cream. Iisa lang ang swing noon dahil under repair ang isa. At may isang batang lalaki na lumapit sakin. Naka-coat pa siya at jeans at mukhang mayaman. Akala ko ay makikipagkilala siya pero mali pala ako.

"Oy bata, umalis ka dyan. Uupo ako!" sabi ng bata. Hindi ko siya kilala at malamang na bagong lipat sila dahil ganito siya umasta.


"Ayoko nga, ako naman nauna dito e. :P" sagot ko at tinuloy ko ang pagkain ng ice cream. Hindi ko na siya pinansin pa.


"Kanina ka pa dyan e!" galit na sabi nung bata. Sabay hila sa kamay ko na may hawak ng ice cream. Hanggang sa natapon ang ice cream ko sa lupa.


"Waaaahhhh!!!! UNG ICE CREAM KOO!!"

Nagsimula na akong umiyak.

"Belat, ikaw kasi e. Ayaw agad aalis sa swing!" sabi pa ng batang lalaki.

Napakasamang nilalang, 'yun lang naisip ko. Aissh.

"Isusumbong kita sa Kuya ko!!" I yelled at him.

"E di isumbong mo!" Sagot niya sabay tapak sa ice cream na lalong nakapagpaiyak sakin.

Hanggang sa bigla na siyang tumakbo paalis, tumingin ulit at nagbelat?? Nasabi ko na lang sa sarili ko na hindi ko makakalimutan ang mukhang 'yun!

Hanggang sa nagkita ulit kami, this time kasama na niya ang kapatid ko.

"IKAW?!? Kuya siya yung kinukwento ko sayo na umaway sakin sa playground." Pagmamaktol ko kay Kuya habang nakangiti si Vince na para bang hindi agad ako maalala.

"Yung nagtapon ng ice cream mo?" Tanong ni Kuya.

Tumango naman ako at tumingin ng masama kay Vince. Grabe lang, hindi ko hinangad na magtagpo ang landas ulit namin ng taong 'to, dahil this time ako naman ang magpapaiyak sa kanya. Babawi ako!


"Bakit hindi naman ako ang may hawak nung ice cream ah? Hindi ako ang nagbagsak sa lupa, kundi ikaw." -Sambit ni Vince na may tono pa talaga ang pagsasalita.

"Kung hindi mo ako hinigit paalis ng swing e hindi ko sana mabibitawan ang ice cream ko!" Sagot ko at lumakad palapit sa kanya.

"Kung tumayo ka kaagad sa swing hindi sana kita pipiliting umalis." Sagot niya habang humahakbang papalapit sakin at ngayon magkatinginan na kami. Kulang na lang na may lumabas na kuryente sa mga mata namin.

"Kasalanan ko pa?" Tinaasan ko siya ng kilay. Kumunot naman ang noo niya at ngumiti.

"Oo, kasalanan mo." Tugon niya.

Nakaka-init talaga ng ulo ang pagkikita naming dalawa. Arghh. Alam ko na, para makabawi ako..

"AAAARAAY! Ouch!!" -Vince na napapangiwi sa sakit.

I just kicked his sensitive part where it hurts the most. *evil grin

"Buti nga sayo! Haha"

"Ikaaw, araay." Sambit ni Vince hanggang sa napaupo na siya sa sahig. Agad naman siyang nilapitan ni Kuya.


"Charlotte! Bakit mo yun ginawa!? Vince, okay ka lang ba?" Sambit ni Kuya. Wala namang lumabas na salita sa bibig ni Vince at itinuro lang ako hanggang sa napahiga na ng tuluyan sa sahig.

"Cha, mag-sorry ka kay Vince." Seryosong utos ni kuya.

"Ayaw ko nga. Belat." Wahaha. Siya eh! Inaway ako. Tumingin muna ako kay Vince at this time ako naman ang ngumiti ng nakakaasar.

"Cha, you have no idea kung gaano kasakit ang ginawa mo." Sambit sakin ni Kuya. Tumango naman si Vince bilang pag-sangayon. Hahaha. Nakakatawa ang itsura niya.

"E di mabuti." Mataray kong sagot at tumalikod sa kanila. Narinig kong tumatawag sakin si Kuya para mag-sorry ako pero tuloy pa rin ako sa paglakad. Bigla namang tinawag ako ni Vince, "C-Cha.." napalingon ako at bumelat gaya ng ginawa niya sa may playground.

End of flashback

Matapos ng pangyayaring 'yun, naging tubig at langis na kami ni Vince samantalang naging magkaibigan sila, magbestfriend, ni Kuya. Sila na lang lagi ang magkasama kaya naman mas nainis ako kay Vince.

"Cha, mabait naman siya.  At tsaka kailangan niya ng bahay na matutuluyan pansamantala at saktong kailangan mo naman ng kasama for the meantime so I think it's really fate kung bakit kayo ulit magtatagpo." sabi ni Kuya at ngumiti na naman to be more convincing.

"Like to put an end to some unfinished business? Right." Sarkastikong tugon ko sa kanya.

Fresh graduate si Kuya and he's going abroad, that's why we are having this conversation. Tita Sam offered him a job with a nice offer making it even harder to reject. An offer that can pay the bills and have a little extra. And the position is urgent. Aalis na siya next week. Sobrang bilis kasi habang nag-aaral pa lang siya, may offer na. And by the time he graduated, the requirements are fulfilled and he's good to go.

So...I'll be alone in the same house again. Wala naman kaming kamag-anak na malapit samin na pwedeng magbabysit sakin. Besides I cannot go with him dahil nag-aaral pa ako. And it's not that easy kahit gaano ko kagusto.

Well, kaya ko naman magisa sa bahay kaya lang si Kuya masyadong nag-aalala.

"And the fact na you're 17, hindi ka pwedeng maiwan mag-isa dito." pahabol ni Kuya habang inaayos ang mga damit niya.


"Yeah, right. May choice pa ba ako kung di ang mag-agree." Ano pa ba ang magagawa ko if it's all planned ahead of time without my consent nor my opinion. Vince, it is. *sighs

"Good. You know Vince changed alot. You'll be suprise when you meet him. " Kuya said smilingly.


"Whatever." Pssh.

***

Kinaumagahan.

*yawn

Ang liwanag ng araw mukhang kailangan kong paltan ang kurtina with a darker color. Ano bang oras na? Tiningnan ko ang maliit at kulay blue na alarm clock sa tabi ng higaan ko. 9:00 am pa lang. Hmmm. Maya pa namang 11:00 ang pasok ko so I can still sleep.

Bago pumikit, napatingin ako sa family picture na nasa tabi ng higaan ko. "Good morning ma pati na sa katabi mo.." Pinagmasdan ang mga ngiti ng parents ko, ang mga mata nila at ang ngiti namin ni Kuya Micky na kahit kailan hindi na kayang ibalik pa.

I sighed heavily as I grab the picture frame to put it inside my drawer.

***

10:58 na!

2 minutes to go at malalate na ko.

Nagmamadali akong pumasok ng turnstile, nagpacheck ng bag at tumakbo ulit papuntang 4th floor.

Umagang umaga, mukhang haggard ako. Hehe. I heard noises as I entered the room. So wala pa si prof? Yey fo me. Nkahinga ako ng maluwag at naglakad na papunta sa upuan ko hanggang sa napa-aray na lang ako.


Someone tripped me kaya naman heto nasa sahig ako ngayon. And guess who, it's Bianca.

"Oops, Sorry." Sabi ni Bianca sabay smirk. Dapat pa ba akong maniwala sa sorry ng babaeng 'to na mukha namang sinsadya niya.


"Pshh, loser." bulong ko pero I'm pretty sure narinig niya 'yun.


"What did you say?!" Tugon ni Bianca.


"Hindi lang pala loser, medyo slow din." Ako sabay smirk. Narinig ko ang pagtawa ng mga kaklase ko habang naglalakad ako paalis. Nakita ko na pinapakalma si Bianca ng mga kaibigan niya dahil kulang na lang e sugudin niya ako sa kinauupuan ko.


"Hello Cha!" bati ni Andrei, ang aking bestfriend. Akalain niyo nagka-bestfriend ako ng matino. Siya lang ang ka-close ko sa klase. Hindi kasi ako palakaibigan at isa pa, I don't go well with other people.


Actually, ayaw ko tlagang magkaroon ng kaibigan, pero iba 'tong si Andrei, kahit ilang beses kong itaboy, babalik at babalik pa rin. Wala siyang kaibigan, wala akong kaibigan kaya match daw kami. Kaya naman sa huli, pinagbigyan ko na din.

Nakilala ko si Andrei noong fourth year ako at malapit ng magbakasyon.

Flashback

Sa isang alley malapit sa subdivision.

May nakita akong isang lalaki, medyo nerd at lampa na din na napagdidiskitahan ng mga bullies or mga tambay sa kanto na walang magawa pero kung titingnan, mukhang mga kasing edad ko lang ang mga ito at magkakapareho pa sila ng school uniform.

"Hoy, anong ginagawa niyo sa kanya?" tanong ko sa kanila sabay lapit sa dalawang lalaki na nakapalibot sa binubully. Hindi tama ang term na 'bully' sa mga lalaking mukhang tambay na 'to, masyado na silang malalaki at may isip na sila sa mga dapat at hindi dapat gawin sa kapwa in short, mga isip-bata pala 'tong mga kaharap ko.

"Miss, kung ayaw mong masaktan, 'wag ka na lang makialam. At tsaka isa pa hindi kami nananakit ng babae." At sabay tawa ng mga kasama niya na pra bang napakagentleman ng sinabi niya. Masyado niyang pinapahanga ang sarili niya. Tsk.

"At kung ayaw niyo ding masaktan, 'wag niyo siyang paki-alamanan. Sa malayo pa lang alam ko na kung anong ginagawa niyo sa kanya." Sagot ko sabay turo kay Andrei na nakaupo sa lupa kasi tinulak siya kanina ng isang mukhang adik na lalaki. Obvious naman kasing kinukuha nila ang pera ng napagdiskitahan nila.


"Maangas ka din ano."  Sambit ng isang lalaki habang lumalapit sakin ang dalawa pang lalaki.


"At kayo naman, na nang-aagaw pa ng baon ng may baon! Wala ba talaga kayong magawa sa buhay niyo ha!?" sabay apak ng malakas sa paa nung isang lalaki at sipa sa tyan nung isa. Agad naman akong tumakbo kay Andrei at hinila na siya.

"TAKBO!" sigaw ko sa kanya at para namang hindi agad tumalima ang isang 'to sa sinabi ko. Yung tipong hindi pa makapaniwala sa nangyari ang itsura niya kaya naman hinawakan kong mabilis ang braso niya at kinaladkad siya. Binilisan ko ang takbo para hindi na nila kami mahabol pa, mahirap na kung sakali. I am outnumbered. *nods


Hanggang sa nakapasok na kami sa subdivision. Mabuti na lang may guard sa lugar namin at hindi basta-basta ang mga nakakapasok dito.

Kapagod tumakbo. Tumigil kami sa may playground sa malapit, I mean park, at umupo sa bench. Dahil hapon na may mga ilang batang naglalaro kasama ang mga katulong nila. May kumakain at nagda-date pa.


"S-Salamat.." Andrei said while catching his breath.


"Ano ka ba naman! Kalalaki mong tao, hindi mo maipagtanggol ang sarili mo!" bulalas ko sa kanya. Ayys.


"S-sor-" sambit niya pero hindi ko siya pinatapos.


"Hindi ka dapat mag-sorry sakin, say sorry to yourself.  Tandaan  mo na kailangan mong matutong lumaban kasi sa mundong 'to at sa bandang huli, walang ibang tutulong sayo kung hindi ang sarili mo lang din!" - Tumayo ako sa tabi niya at nagsimula ng umalis.


Ayoko sa bullies at ayoko din sa mga binubully na hinahayaan silang masaktan ng ganun.

End of flashback


"Swerte mo Cha, mala-late daw si Sir ng konti." Andrei said cheerfully. It's got to be the best news I heard so far.

"Okay." sagot ko sabay tingin sa labas ng bintana.

I suddenly remembered, bukas na ang alis ni Kuya papuntang US.

It's way too fast.

It feels too sad.

Maiiwan na naman ako mag-isa.

*sigh

Ay nga pla, makakasama ko pala si Vince sa bahay.

Ang saya. Tsss.

Hmmm, sabi ni Kuya nagbago na daw si Vince. Talaga lang ha.

Let's see.

AUTHOR: Hi sa inyo! Sana nagustuhan niyo yung story. ^_^V

Nga pala, on the right side, makikita niyo si cute Bae Suzy. She's perfect to be the Mia Charlotte I imagined.

Enjoy reading. Votes and comments please!

"You only live once, but if you do it right, once is enough."

― Mae West

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...