The Devirginizer's Lady (COMP...

By pinkriverx

22.5M 329K 32K

Lagi na lang atang mananatiling NBSB at birhen si Athalia nang dahil sa epal at napaka-overprotective na si E... More

The Devirginizer's Lady
SIMULA
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE
TDL Series Books
Keep Updated
SOLD OUT/WARNING
NOTE
NOTE II

Chapter 13

456K 7.5K 490
By pinkriverx

Chapter Thirteen

"Attention"

Tumingin muna ako sa kaliwa at kanan kahit na alam kong ako lang mag-isa sa kwarto, nakaupo ako sa kama at nasa harapan ko ang aking laptop. Bumaling ako sa screen at pinindot ko na ang kanyang pangalan.

Brooks Elle Fortaleza

Hindi lamang siya maganda kundi pati ang kanyang pangalan mismo ay maganda din pakinggan. Kiniclick ko ang kanyang profile picture at napaawang ang bibig ko nang makita kong sobrang dami ng naglilike sa kanya. Grabeh. Simpleng picture lang na nakangiti siya sa camera at naka-V sign ang kamay pero parang na siyang artista.

Ano kaya ang kinakain niya at sobrang manipis ng kanyang pangangatawan? 

Pagkatapos ng ilang oras ng pagsastalk sa kanya ay nalaman kong only child pala siya ng isang kilalang businessman. Si Mr. Wilson Fortaleza at Mrs. Kristabelle Fortaleza. Taga-La Union siya at nalaman ko din na siya ang magmamana ng kanilang restaurant business.

Magkapareho lang pala kami ng edad at kumuha siya ng course na culinary arts doon sa US. Magkapareho pa sila ng unibersidad na pinasukan rin ni Eleven doon. Umuwi lamang siya ng Pilipinas para tumulong sa pag-aasikaso ng negosyo ng kanyang pamilya.

Kumunot ang noo ko habang tinitingnan ang mga albums niya sa kanyang profile.

Hanggang sa napahinto ako sa isang litrato nila ni Eleven.

Agad kong niclick ang album na may pangalan "NYC" kung saan ang album cover ay siya at si Eleven. 

Ang daming mga pictures nila kasama ang mga kaibigan nila na taga-New York. Hindi ko din inasahan na ang dami na pala nilang mga lugar na napuntahan ni Eleven, dahil hindi lamang iyon ang mga nahanap kong litrato nilang dalawa kundi nahuli ko pa ang mga litratong namamasyal sila sa ilan pang mga states ng US. Mountain climbing, picture of the beach, nakatopless si Eleven habang nasa tabi niya si Brooks na nakasuot ng bikini. Childhood friends talaga ah? 

Parang kabisadong kabisado na silang dalawa sa isa't isa.

Ugh, ano ba ang silbi nitong ginagawa ko? 

Sinara ko ang laptop ko at sumimangot. Paki alam ko ba kung close sila ng Brooks na yun? Tss! Bahala na nga sila! It's their relationship anyway.

Pero... nakakapagtataka lang talaga. Ilang araw na ang nakalipas magmula noong araw na pinakilala sa akin ni Eleven si Brooks at gabi-gabi paring lumalabas sa bahay si Eleven para sa part time job niya.

Wala naman akong problema na mayroon siyang trabahong pinapasukan. Bakit naman magiging problema ko iyon? Para sa kanya naman iyon 'saka mabuti rin iyon para hindi ko na siya makikita gabi-gabi na nag-uuwi ng babae. Pero nakakainis lang talaga. Nakakainis dahil magmula noong nakita ko sila ni Brooks na magkatabi noong araw na iyon ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko na kung anu-ano na lamang ang mga naiimagine ko tuwing iniisip ko kung ano kaya ang ginagawa ni Eleven doon sa bar na yun. If he's there, I'm sure Brooks is there every night too. Magkasama sila. 

Not to mention na tuwing umaga, kapag magkikita kami ni Eleven ay lagi kong siyang nahuhuli na nakikipagtext sa Brooks na iyon! I don't know, okay? But I just don't like it! Iba ang pakiramdam ko sa babaeng iyon.  

FLASHBACK

"Morning lady!" Bati sakin ni Eleven isang umaga nang pumasok ako sa kusina. Magulo na naman ang buhok ko pero wala naman akong paki-alam dahil si Eleven lang naman ang nakakakita.

"Morning." Walang gana kong sinabi, pagod ako sa kaaaral gabi-gabi. Kinamot-kamot ko ang buhok ko habang antok na antok pa rin.

Umupo ako sa dining table habang inaalala na wala na naman si Kuya Jahziel sa bahay.

"How was your sleep?" Tanong ni Eleven nang nilapag niya sa mesa ang kanyang niluto na pagkain. 

"Okay lang." tipid kong sagot, nakatingin na sa pagkain. Ang sarap ng amoy! Parang nawala kaagad ang antok ko. "Cooking again, huh?"

Ngumiti lang siya sakin at bumaling siya sa kanyang ginagawa sa kitchen table. "Eat well. Para sa'yo itong niluto ko."

"Talaga ah? Wala kang gayuma na nilagay dito?" Unti-unti akong umupo sa dining table.

"Guys like me don't need magic to catch a girl's heart, Athalia."

Napailing-iling na lamang ako. Bumalot sa amin ang katahimikan ng umaga. Tumingin ako sa kanya at pinagmasdan ko siya. Gabing gabi na siya umuuwi, pero nagawan pa rin niyang mas maaga gumising kaysa sa akin para paglutuan ako ng agahan. He doesn't even look tired. Tumingin ako sa baba at kinagat ko ang labi ko.

Siya kaya? Nakakatulog na rin kaya siya ng maayos?

"Um, Eleven?" Tanong ko.

"Hm?"

"Ikaw? How was your sleep?"

Nagulat ako sa tanong ko. Lalo na siya. Napahinto siya sa ginagawa niya at tumingin siya sa akin. Oh damn!

"H-Hindi sa curious ako okay? Ibig kong sabihin ay.. well.. kulang pa ang tulog mo dahil sa part time job mo tapos ang aga aga mo pang gumising kaya nag-aalala lang ako dahil baka napapagod ka na o ano. Iyon lang naman." paliwanag ko at umiwas ako ng tingin. "Patikim na nga ng pagkain! Nagugutom na ako."

Kumuha ako ng kutsara na nakalapag na sa lamesa at agad ko narin tinikman ang niluto ni Eleven. Kung sana'y pangit ang lasa nito ay malalait ko siya, pero hindi. Mas lalong namumula ang mga pisngi ko nang tumingin ako ulit sa kanya at nakita kong unti-unti siyang ngumiti.

"So.." Iniwan niya ang kanyang ginagawa at kinabahan ako nang naglakad siya patungo sa akin hanggang sa huminto siya sa gilid ko, umupo siya sa gilid ng table ng aking inuupuan.

"Nag-aalala ka na pala sa akin Athalia?" yumuko siya habang naka-smirk at nag-ekis ng kanyang kamay. Nagsikap ako na panatilihing matigas ang ekspresyon ng aking mukha.

"Hindi naman ako bato para hindi mag-alala sa iyo minsan." Mahina ang aking boses. "You have to take care of yourself sometimes, you know?"

Lalong lumapad ang ngiti ni Eleven at kinilabutan ako sa aking naramdaman. Tumingin siya sandali sa baba. He bit his lip and licked it. He looked at me again, still smiling to hell. Wala siyang masabi.

"Ganyan ba ang reaksyon mo kapag mag-aalala ako sa iyo? It's not a big deal, Eleven. Alis nga!" Tinulak ko siya ng bahagya pero hindi ko siya napaalis mula sa dulo ng lamesa. He unfolded his arms, and put them in his pockets.

"It's a big deal for me." Aniya, nakatingin sa aking mga mata.

Sa sandaling iyon ay pakiramdam ko'y nawala na ang kusina at ang lamesa at ang lahat ng mga bagay sa mundo at ang nanatili ay kami lamang dalawa ni Eleven. Natakot ako sa aking pakiramdam. 

Ring! Ring!

Tumunog bigla ang kanyang cellphone at sa wakas ay bumalik ako sa akin huwisyo. Kinuha niya ito mula sa kanyang bulsa at tiningnan niya ito.

"Um" Tumikhim ako. "Sino yan?" Tanong ko.

"It's Brooks. Wait a sec, Ath." aniya at kumunot ang noo ko nang umalis siya mula sa dulo ng lamesa at naglakad palayo upang sagutin si Brooks.

And that was it. Araw-araw ay ganyan na. Laging nagtetext sa kanya si Brooks, at lagi naman niya itong nirereplyan na parang obligasyon na niyang gawin iyon. Alam ko namang magkaibigan sila. Childhood friends. Pero kailangan ba talagang araw-araw, minu-minuto ay nagtetext sa isa't isa ang mag "childhood friends" lang? 

Tuwing lumalapit si Eleven sakin at nag-uusap kami, bigla lamang magriring ang cellphone niya at si Brooks na naman ang tumatawag o tumetext. Kung ganyan naman pala ay sana sa bahay na lang ni Brooks nakikitira ang lalakeng ito! Ugh.

*****

"Athalia?" Napasinghap ako nang biglang may narinig akong boses mula sa labas ng pinto ng aking kwarto. Mabilis kong sinara ang aking laptop pagkatapos kong umalis mula sa profile ni Brooks.

"Oo Kuya?" Bumukas ang pinto at pumasok nito ang kapatid ko. Nilingon ko siya.

"Eleven came home early tonight. Nandoon na siya sa kusina. I have a report to finish and maybe he needs some help in the kitchen." aniya.

Napabuntong-hininga ako. "Lalabas din ako."

Tumango si kuya at umalis na rin kaagad. I took my time. Ang totoo ay ayokong tulungan si Eleven sa kusina. Ano naman ang silbi na nandoon ako? He'll just be texting his Brooks all the time. Baka nga ay hindi niya pa mapapansin na nandoon ako dahil titig na titig pa siya sa kanyang cellphone! 

Gayumpaman ay sinuklayan ko ang aking buhok bago lumabas ng kwarto upang magtungo na ng kusina.

Pero paglabas ko ng aking kwarto ay halos mapatalon ako nang bumungad sa akin si Eleven na nakatayo sa harap ko.

"E-Eleven!" Napasinghap ako. "Akala ko nasa kusina ka? Papunta na ako doon para tulungan ka. Pasalamat ka mabait akong kapatid kaya pumapayag akong tulungan ka dahil inutos sa akin ni Jahziel."

"You don't need to help me anymore. Tapos na akong magluto. I think you spent too much time combing your hair." Aniya. Nakapamulsa at gumuguhit na naman ang smirk niya. Napaawang ang aking bibig. Ganun ba siya kabilis magprepara ng hapunan? Damn. Tumikhim na lamang ako at nag-ekis ng kamay.

"Bakit ka nandito sa tapat ng kwarto ko?" Tanong ko.

"Ihahatid kita sa dining room. Ano pa nga ba?" Ngumisi siya.

"Hindi ako pilay Eleven, kaya kong maglakad mag-isa. Atsaka nababaliw ka na ba? Ang lapit ng kusina rito." 

"Ang sungit mo talaga, kaya kita nagustuhan eh." Nanlaki ang mga mata ko nang pinisil niya ang isang pisngi ko. "Your feistiness makes you look sexier."

"Aray! Ano ba?" Tsaka anong sabi niya?

"Can't help it." Nagkibit balikat siya at lalo akong nainis dahil inakbayan niya ako upang sabay kaming maglakad. "Come on."

"Sexy mong mukha mo! Dun ka nga sa Brooks mo!" Sabi ko, agad na tumatakas mula sa mga braso niya. Naglakad ako sa unahan.

"What? Hey..." Nahagip niya ang kamay ko at napaharap ako sa kanya. "Anong Brooks?"

Nagtama ang aming mga mata.

"Brooks mo." Sabi ko, umiiwas ng tingin. "Yung childhood friend mo slash textmate mo. Alam mo naman iyan di ba? Kaya siya ang guluhin mo at hindi ako."

"Athalia." 

Tumingin ako sa kanya at napabutong hininga ako nang nakita ko ang seryoso niyang mukha.

"Punta na nga tayo sa kusina." Tumalikod na ako para magtungo na doon, pero hindi ko nagawa dahil hawak pa rin ni Eleven ang kamay ko.

"Athalia. Hey..." Hindi niya ako binitawan. Nilingon ko siya.

"Don't tell me you're jealous?"

Napaawang ang bibig ko.

"I.. I'm not!"

"Then why are you talking about Brooks like that?"

"Sino ba kasi yan si Brooks, okay? Bakit ang close niyo?" 

Napaawang ang bibig niya. Pati ako ay nagulat sa binitawan kong mga salita. Kung sana ay lalamunin ako ng sahig para makaalis ako sa harap niya ay matagal na akong nagmakaawa sa sahig na lamunin niya ako.

"Athalia, she's a childhood friend." 

"Dapat ba lagi talaga kayong nagtetext? Lagi naman kayong nagkikita doon sa tinatrabahuan mo gabi-gabi ah? Ano bang pinag-uusapan niyo palagi dyan sa cellphone mo?" 

Nanlaki ang mga mata ko.

Shit.. Shit! Bakit yun ang lumabas sa bibig ko?!

Umawang na sana ang bibig niya pero mabilis na akong umirap.

"Athalia, doon ang daanan sa kusina. Saan ka pupunta?"

Napapikit ako ng mga mata habang nakatalikod na sa kanya. "S-Sabihin mo na lang kay kuya wala na akong ganang kumain. Kakain ako mag-isa mamaya kapag gugutumin na ako." Mabilis akong pumasok muli sa kwarto ko at sinara ko ito kaagad.

Narinig ko pa ang boses ni Eleven habang tinatawag niya ako pero hindi ko na siya pinakinggan.

Humiga ako sa aking kama at tumitig ako sa kisame. Ano na bang nangyari sayo Athalia? Bakit basta-basta ka lang sumabog ng ganon? 

Kinabukasan..

"Athalia! Hey!" Bati sakin nina Rui at Rickzyn nang nakita nila akong pumasok sa school.

"Hey! Oh nasaan si Nebuchadnezzar?" 

"May klase pa yun si Zara." ani Rui.

Ilang minuto kaming tatlong nagkekwentuhan sa hallway. Ang iingay namin. Ang sarap talaga ng pakiramdam kapag kasama ang mga kaibigan.

Gaya ng sinabi ko, si Rickzyn at si Rui ay magpinsan. Si Rickzyn Montecarlo ay simple lang pero galing sa isang mayaman na pamilya. Nagmamay-ari sila ng paaralan na nagtuturo ng secondary na edukasyon.

Ang mga magulang naman ni Rui Montefalcon naman ay pareho ring magagaling sa negosyo.

Singkit sila nina Rui at parehong mapuputi ang mga kutis. Loka-loka si Rui at mahilig gumawa ng kung anu-anong jokes at mga trip. Si Rickzyn naman, medyo strikta at minsan nga ay nakakatakot dahil masyado siyang responsable at mature mag-isip pero masaya naman pa rin siyang kasama dahil nababalanse niya ang kanyang ugali.

"Oh sige, alis muna ako guys! Kita tayo mamayang free time!" Sabi ko nang paakyat na ako ng hagdan papunta sa aking klase. Malayo-layo pa naman ang kwarto para sa subject kong iyon. Lilipat pa ako sa kabilang gusali.

"Bye Ath!"

Nagbuntong hininga ako nang nasa tapat na ako ng classroom. Pumasok ako at nakita kong marami-rami na ang mga estudyante sa loob.

Umupo ako sa isang bakanteng upuan.

Nang dumating na ang professor ay inayos ko na ang mga notebooks ko sa desk. Pero biglang...

"Morning. Sorry I'm late."

Nalaglag ang panga ko nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"M-Mr. Adanza? Wait... You are not in this class." Sabi ng professor, nagugulat sa biglang pagdating ni Eleven. Ang mga lalake kong kaklase ay palipat-lipat ang tingin kay Eleven at sa prof, pero ang mga babae ay nagngingitian na at kumukuha ng kanilang mga face powder. 

Ano namang kalokohan ito, Eleven?

"Oh my gosh! Si Fafa Eleven! Ang gwapo!"

"Okay lang po iyan sir, pwede naman sit-in lang muna si Eleven, sir eh. Sige na po!"

"Mr. Adanza, I appreciate your passion to learn from my class, pero hindi pwede ang pagsisit-in dito sa eskwelahan na ito."

"Sir naman!" Nanghinayang ang aking mga kaklase. 

"Come on, sir. It's just for today. Ang galing niyo kasing magturo. You see, your lectures inspire me to become a better student." Ani Eleven, nakasuot ng nakakalokong ngiti, at napakunot ang noo ko. What the hell?

Napangiti ang professor at tumango-tango siya. "Well... Mabuti naman na maganda pala ang epekto ko sa mga estudyante ko."

Nalaglag ang aking panga.

"Okay, class, Mr. Adanza will be with us today. And what is your reason for wanting to learn my subject today, Mr. Adanza?"

Teka, pwede ba talaga ito?!

"My reason?" Kinabahan ako nang nahanap ni Eleven ang mga mata ko. He was only wearing a simple black shirt at jeans, pero mukha na siyang isang propesyonal na modelo. Nakakainis! Kahit araw-araw ko pa siyang nakikita sa bahay ay bakit hindi ako nasasanay sa kanyang kaperpektuhan?

Nagsimula siyang maglakad patungo sa akin. At dahil bakante ang upuan sa tabi ko, ngumiti siya at hindi na ako nakapagsalita nang umupo siya sa tabi ko.

"She's my reason." kalmado niyang sinabi, tiningnan niya lamang ako sandali at bumaling siya sa professor, "And since I can't sit-in everyday, I'd like to enroll in this subject if I could."

"Eleven anong--"

"This jealous girl needs to know that she is the only one who's got my attention. So here I am to prove it to her."

Nalaglag ang panga ko at pakiramdam ko ang pula pula na ng mga pisngi ko. L-Letse! Nakatingin ang lahat sa aming dalawa. Ang mga lalake ay nag-iingay na tinutukso kami, samantalang ang mga babae ay tinitingnan ako mula ulo hanggang paa at nagbubulungon. Ang professor ay napailing iling na minasahe ang kanyang ulo. Damn!

Ano na naman bang pakulo ito Eleven?!

Continue Reading

You'll Also Like

8.5K 373 42
Sa mundong kinalakihan ko, hindi ko inaakalang may mundong magpapabago ng buhay ko. Kung sa ibang tao, yaman ang ipinamana nila sa mga anak nila, sa'...
41.6K 1.5K 39
Aksidenteng nalaman ni Noelle Herrera na ang heartthrob ng school na si Nolan Cureg ay may taning na ang buhay. Sumangayon si Noelle sa pinakiusap ni...
120K 2K 23
[Love, Lies, and Deception Trilogy Book I] [Summary] Simula pagkabata, ni isang beses, hindi naranasan ni Hailey Buencamino ang magkaroon ng normal n...
1.7M 44.1K 51
(COMPLETED) Published under RISINGSTAR Printing Enterprise (149.oo only) Available in all leading bookstores Nationwide- you can also order the book...