FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie A...

By senseigan

179K 12.1K 1.8K

| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka han... More

ZOMBIE APOCALYPSE
ALL RIGHTS RESERVED 2020
FIGHT ONE
FIGHT TWO
FIGHT THREE
FIGHT FOUR
FIGHT FIVE
FIGHT SIX
FIGHT SEVEN
FIGHT EIGHT
FIGHT NINE
FIGHT TEN
FIGHT ELEVEN
FIGHT TWELVE
FIGHT THIRTEEN
FIGHT FOURTEEN
FIGHT FIFTEEN
FIGHT SIXTEEN
FIGHT SEVENTEEN
FIGHT EIGHTEEN
FIGHT NINETEEN
FIGHT TWENTY
FIGHT TWENTY ONE
FIGHT TWENTY TWO
FIGHT TWENTY THREE
FIGHT TWENTY FOUR
FIGHT TWENTY FIVE
FIGHT TWENTY SIX
FIGHT TWENTY SEVEN
FIGHT TWENTY EIGHT
FIGHT TWENTY NINE
FIGHT THIRTY
FIGHT THIRTY ONE
FIGHT THIRTY TWO
FIGHT THIRTY THREE
FIGHT THIRTY FOUR
FIGHT THIRTY FIVE
FIGHT THIRTY SEVEN
FIGHT THIRTY EIGHT
FIGHT THIRTY NINE
FIGHT FORTY
FIGHT FORTY ONE
FIGHT FORTY TWO
FIGHT FORTY THREE
FIGHT FORTY FOUR
FIGHT FORTY FIVE
FIGHT FORTY SIX
FIGHT FORTY SEVEN
FIGHT FORTY EIGHT
FIGHT FORTY NINE
FIGHT FIFTY
senseigan
FINALE
senseigan
NEW BORN : FFYL 2

FIGHT THIRTY SIX

2.6K 212 24
By senseigan

FIGHT FOR YOUR LIFE
FIGHT THIRTY SIX

QUEEN

Nalingon ko si Jelly nang marinig ang sinabi ni Agatha.

Ililigtas daw kami. Maniniwala na ba ako?

"Ano naman ngayon? Edi umalis na kayo," turan ni Zia na ayaw pa ring magpaawat sa pagsasalita kahit wala na siyang boses.

Ewan ko ba naman kasi sa babaeng ito, pwede namang makipag-away kay Rhio nang hindi sumisigaw.

"Kasama kayo syempre! Ba't ka ganyan? Pare-parehas tayo aalis dito," saad ni Agatha at nameywang sa harap namin.

Napalingon ako sa likod nito nang makitang pumasok na rin ang Kuya niyang si Archer.

"Come with us," saad nito sa seryosong tono.

"Malalaman," simpleng saad ni Jelly at nagkibit balikat.

"Hindi naman sigurado kung maililigtas nga tayo," ani ko at isinandal ang likod sa backrest ng sofa. Tinakpan ko ang aking bibig para maghikab.

Antok na antok ako kahit maaga naman akong natulog kagabi.

"Matulog ka kaya muna ulit?"

Napabaling ako kay Niall nang marinig ang ibinulong nito. Umiling ako bilang sagot. Tinatamad akong kausapin si Niall, hindi ko rin alam kung bakit.

"You should sleep," anas nito na nagpaikot ng aking mata.

"Kailan ka pa naging makulit?" turan ko at bahagya siyang nilingon.

Nahagip ng mata ko si Patricia na nakatingin lang sa aming dalawa ni Niall.

"Kailangan mong matulog para hindi ka hikab nang hikab. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ka ng naghikab," sagot nito.

Naramdaman kong pumaikot ang kamay ni Niall sa ulo ko at hinila ako palapit sa kanya.

"Dito ka na lang matulog," saad nito at iginiya ang aking ulo sa kanyang balikat.

Muli akong naghikab at ipinikit ang aking mata. "Bahala ka," bulong ko at inayos ang pagkakapatong ng aking ulo sa balikat niya.

NIALL

"Bahala ka," rinig kong bulong ni Queen matapos ang paghihikab.

"They said that in two days they'll arrive at Clark Airbase," saad ni Archer habang ang mga mata ay nakatuon kay Jelly.

Parehas kaming lalaki, at alam kong may kakaina sa tingin niya kay Jelly.

"Clark? Eh gago ba kayo? Sa Pampanga pa 'yon!" saad ni Jelly na dumiretso ang likod dahil sa gulat.

"Bakit? Malayo ba 'yon?" tanong ni Agatha.

"Mag rereact ba ako nang ganito kung malapit lang?" sarkastikong turan ni Jelly at itinaas ang kanang kilay.

"Eh, ba't ka nagagalit?" singhal ni Agatha.

Nagbuntong hininga ako at tinakpan ang tenga ni Queen. "Hinaan niyo lang boses niyo," saad ko kaya nagsilingunan sila akin.

"Naku, Niall ha. Tsumatsansing ka kay Queen," bintang sa akin ni Zia.

Napailing na lang ako at hindi pinansin ang panunukso nila.

Aksidenteng nagtama ang mata namin ni Patricia. Ngumiti ito ng tipid at agad na nag-iwas ng tingin.

"Delikado tayo. Lalo pa at dumami ang zombie na nakalalabas sa umaga at gabi," ani ni Jelly at sinundan nito iyon ng pagbuntong hininga.

"Almost four hours din ang byahe mula rito sa Pasay hanggang Pampanga 'di ba?" sabat ni Haslie na tinanguan ni Jelly.

"Sus, wala 'yang four hours na 'yan kapag si Zia nagdrive," nakangising saad ni Agatha at nakipag-apir kay Zia. "Hindi ba?"

Well, kung pabilisan lang din naman ng pagmamaneho si Zia nga ang bahala roon, ang kusa lang ay kawawa ang pasahero.

"Sagot ko na pagmamaneho, ako pa!" mayabang na saad ni Zia na sa bandang huli ay pumiyok.

"Hindi lang yata four hours ang biyahe. Kasi from Pasay to Bulacan almost 4 hours na ang biyahe," sabat ni Jelly na nagpaawang ng labi ni Haslie.

Nahawakan ko ang ulo ni Queen nang bahagya itong gumalaw.

"Hindi tayo kasya sa kotse na dala niyo, so technically magdadalawang sasakyan tayo," saad ni Patricia. "Wala kaming sasakyan dito," dagdag nito at malungkot na ngumiti.

"Kailangan nating maghanap ng pwedeng magamit. 'Yong kasya tayong lahat, delikado kapag maghihiwalay tayo," saad ni Rhio na lahat ay sinang-ayunan pwera kay Zia.

"Sino?" tanong ni Zia na nakatingin kay Rhio.

"Anong sino?"

"Sinong nagtanong." Umirap si Zia kaya napailing na lang si Rhio.

"Unti na lang talaga iisipin kong crush mo ako," saad ni Rhio at ngumisi.

"Huwag kayong magsisigawan dito. Natutulog si Queen," sabat ko para mapigilan ang paparating na bangayan ng dalawa.

"Sus Niall, ikaw na sweet sige," asar sa akin ni Zia.

"Teka, pwede niyong gamitin 'yong sasakyan ni Queen, hindi naman kami aalis eh. Isama niyo lang si Jay saka si Niall," saad ni Jelly at ngumiti.

"No!" bayolenteng saad ni Archer kaya lahat ng mata namin ay natuon sa kanya.

Dude, you act like a fool. Talagang pinapakita niya sa amin kung gaano siya kaconcern kay Jelly.

"Kung hindi aalis si Queen, hindi rin ako aalis," saad ko at seryosong tumingin kay Jelly.

"What the heck!" mura ni Archer at masamang tumingin kay Jelly.

Ang bilis din talaga magbago ng emosyon ni Archer.

"I'm just kidding!" saad ni Jelly at bahagyang tumawa.

"Napag-usapan na namin nina Queen na susubukan naming umalis dito. Para kay Jay, syempre," bawi ni Jelly at ginulo ang buhok ng batang si Jay.

"Sana lang mailigtas nga tayo," bulong ni Jelly. "Sa dami ng zombie na nakalalabas sa umaga at sa gabi, imposibleng makarating tayo ng buhay sa Pampanga. Imposibleng makarating tayong lahat doon ng buhay at walang kagat ni isa. Pero kung mangyari man iyon, sisiguraduhin kong makararating ng Pampanga si Jay na ni isang galos ay walang makikita sa katawan niya," dagdag ni Jelly na ang mga mata ay nakatuon sa bata.

The same goes for me. Sisiguraduhin kong makakaalis sina Queen dito ng buo at buhay na buhay. Kung kailangan kong iharang ang katawan ko para makaligtas sila, gagawin ko. Dahil kung tutuusin, wala na dapat ako ngayon kung hindi sila bumalik sa hospital noon.

"Kung ano man ang iniisip mo, alisin mo 'yan. Mabuhay ka para sa sarili, huwag mo kaming isipin."

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ni Queen.

Gumaan ang aking balikat senyales na umalis na sa pagkakapatong ang ulo ni Queen.

"Oras na lumabas tayo ng bahay na'to, pilitin niyong iligtas ang sarili niyong buhay. Dahil kung pagtutuunan niyo ng pansin ang pagliligtas sa buhay ng kasama niyo, paniguradong ni isa sa atin walang matitira," seryosong dagdag ni Queen na bakas rin ang kaseryosohan sa mukha.

"Kung makita niyo mang makagat ang isa sa amin, magpatuloy kayo. Kasi kaming tatlo," huminto si Queen at tumingin kay Zia at Jelly. "Wala kaming ibang gusto kundi ang makaligtas lang si Jay."

Natahimik ang lahat at ni isa ay walang gustong kumibo.

"What should we do?" basag ni Archer sa katahimikan.

"Kailangan natin ng van, gaya nga ng sabi niyo kanina," tugon ni Queen.

Tinignan ko siya at pinaningkitan ng mata. "Hindi ka natulog?" tanong ko.

"Paano ako makakatulog eh kaliwa't kanan may nagsasalita," nakairap na sagot nito sa akin.

Nagbuntong hininga na langa ko at ipinatong ang ulo sa sandalan ng sofa.

"Ang problema saan tayo hahanap ng van?" tanong ni Jelly.

"Sa kalsada mismo, 'di ba marami namang sasakyan ang nakabalandra sa labas?" saad ni Zia. "Excited na ako, baka magamit ko ng wala sa oras yung bazooka," dagdag na ani nito at ngumisi.

"Huwag ka nang magsalita. Hindi agad babalik boses mo kapag daldal ka nang daldal," baling ni Agatha kay Zia.

Bumalik ang tingin ko kay Queen na mayroong seryosong mukha.

Buo na ang desisyon ko. Masaya na ako makita lang na makaligtas sila Queen. Lalo na ang batang si Jay, dahil alam kong si Jay ang dahilan kaya lumalaban sina Queen.


senseigan

Continue Reading

You'll Also Like

32K 2.1K 40
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
64.8K 2.1K 34
Highest Rank on WP: #5 in undead😉 Mula sa normal na pamumuhay, naging masalimuot kinabukasan. Na sa isang iglap. Lahat ng kinaadikan mo ay mangyayar...
367 59 19
Marami ang magbabago sa buhay ni Centrea Isabel sa pagtungtong nya sa kolehiyo. Sa pagpasok nya sa isang prestihiyosong paaralan, maraming sikreto an...
44.8K 366 5
The Truth is Ruthless.Toothless but fanged. Two faced bruteness.Roofless in the Rain. The crude taste of sane.A suitcase full of pain. The Truth is T...