My Tag Boyfriend (Season 2)

Per OppaAnja

15.9M 280K 69.7K

Nagsimula ang kwento nila sa maling pagkaka-tag ni Sitti sa pinakasikat na lalaki sa school nila na si Kaizer... Més

Plot
My Tag 1
My Tag 2
My Tag 3
My Tag 4
My Tag 5
My Tag 6
My Tag 7
My Tag 8
My Tag 9 (Special Chapter)
My Tag 10
My Tag 11
My Tag 12
My Tag 13
My Tag 14
My Tag 15
My Tag 16
My Tag 17
My Tag 18
My Tag 19
My Tag 20
My Tag 21
My Tag 22
My Tag 23
My Tag 24
My Tag 25
My Tag 26
My Tag 27
My Tag 28
My Tag 29
My Tag 30
My Tag 31
My Tag 32
My Tag 33
My Tag 34
My Tag 35
My Tag 36
My Tag 37
My Tag 38
My Tag 39
My Tag 40
My Tag 41
My Tag 43
My Tag 44
My Tag 45
My Tag 46
My Tag 47
My Tag 48
My Tag 49
My Tag 50
My Tag 51
THE END

My Tag 42

206K 4.3K 1K
Per OppaAnja

Di na-edit. Ang daming typo. Daming mali. Leave comments. Happy 13th monthsary My Tag Boyfriend. Happy reading, Taggers.

My Tag 42

Sitti's POV

            Dati, isa sa mga pangarap ko sa buhay—maliban sa makabili ng stick notes, makapunta sa Akibahara, Japan at makapuntang South Korea—ang malaman kung sino ba ang nagmamay-ari ng Eastton University at kung ano ba ang pumapasok sa utak niya at ang dami niyang nilalagay na event sa school na namin.

            Saka gusto ko ring malaman kung friend ko ba siya sa Facebook o follower sa Wattpad dahil may pakiramdam ako na basher ko siya o 'di kaya naiinis siya sa mga pinagpo-post ko sa Facebook kaya pinapahirapan niya ako ng ganito

            Bakit? Bakit mauulit na naman yung Mister and Miss Eastton University? Bakit?!

            At bakit may pakiramdam ako na parang pine-personal na ako nang mga taga-student organization kaya nila gustong ulitin ang Mister and Miss Eastton?

            Saka every year lang naman 'to ginagawa dati ah! Bakit ngayon uulitin na naman? Ano 'to every sem dapat may ganito?

            Dapat talaga nagpalipat na ako ng school last semester eh!

            "Ayokong sumali!"

            Tama. Sabi ni Sir Pin kung ayaw daw namin sumali, eh 'di 'wag daw.

            Ibig sabihin... pwede talaga akong hindi sumali! Yes! Yehet! Boom Shakalaka!

            "Hindi pwedeng hindi ka sumali, TG."

            Napalingon ako sa katabi kong panira ng happy moment na si Kaizer Buenavista.

            "At bakit naman hindi huh? Nasa democratic country tayo kaya may karapatan akong tumanggi sa contest na iyon."

            Hindi ko mapigilang mapangiti sa sarili ko nang sabihin ko ang mga salitang iyon.

            Para kasi ang talino ko doon sa sinabi ko. Bwahahaha!

            "Walang silbi ang pagiging democratic ng isang bansa kung may sinusunod tayong mga batas at hindi mo pwedeng laging gamitin na dahilan ang karapatan mo sa demokrasya para lang hindi sumunod sa mga nangyayari sa paligid mo," mahabang eksplenasyon ng bagong professor sa Eastton na si Yabang Buenavista. "At isa pa, hindi ka pwedeng hindi sumali doon dahil ikaw ang kasalukuyang title holder. Kaya sa ayaw at gusto mo, sasali ka sa contest."

            "Tama si Kaizer, Sitti," singit naman ni Patty. "May mga binago kasing rules sa student org ngayon. Naalala mo ba yong mga panahon na madalas kaming nasa meeting nila Kaizer? Isa 'to sa mga inaasikaso namin, ang tungkol sa mga up coming events ng school natin."

            "Isa pa sa mga nabago sa Mister and Miss Eastton ngayon ay 'yong sa talent portion part," sabi naman ni Kris. "Kung anong ginawa mo last sem, hindi mo na pwedeng ulitin ngayon. Kailangang ibang talent na ang ipapakita mo."

            "Ano?!"

            OHMYGAD! Sa lahat ng masamang balita na narinig ko, ito na yata yung pinakamalala.

            Ibang talent daw ang ipapakita! Waaaaah! Anong ibang ipapakita ko eh wala nga akong ka-talent-talent?

            Paano na 'to?

           

            AKALA ko pa naman no'ng pagkakasabi nila na may Mister and Miss Eastton University ulit, magiging mabait na sila sa sa mga estudyante na gaya ko na sobrang problemado sa paparating na event na iyon.

            Pero hindi. Hindi talaga. Tinambakan pa nila kami ng assignments, assignments ulit at mas marami pang assignments!

            Mabuti na lang at alam ko 'yong iba sa mga sagot sa assignment namin kaya maaga ako natapos at ngayon ay nagpi-Facebook na ulit ako...AFTER SO MANY YEARS! Yehey!

            [May Mister and Miss Eastton na naman! Gah! Bakit? Bakit?!]

            Pagkapost na pagkapost ko nang status ko na 'yon, may isa agad na nag-like. At nang tingnan ko kung sino 'yong super bilis kung mag-like nang status na 'yon, nagulat ako nang makita kong ni-like ni Kaizer 'yong status ko. Si Kaizer na isang fictional character.

            "Online pala siya," sabi ko sa sarili ko saka mabilis akong pumunta sa profile niya at nagpadala ng private message.

            Sitti: Hi OP ni Kaizer! Kumusta ka na? May bago bang update?

            Nakita ko na nagta-type na siya nang ire-reply niya sa akin kaya naghintay muna ako ng ilang sandali bago lumabas 'yong reply niya.

            Kaizer: Wala pa. Busy pa daw si ate author ngayon. Baka daw next week pa siya makapag-update.

            Sitti: Ah ganoon ba?   

            Kaizer: Yup.

            Isa sa mga mahirap replyan na message ang "Yup. Yep. Okay. K." Hindi mo kasi alam kung interesado pa bang makipag-usap sa'yo 'yong taong ka-chat o ka-text mo o galit sila sa'yo.

            No'ng magtatanong na sana ako sa kanya kung galit ba siya sa akin at kung kumusta na ba siya, bigla na naman siyang nagpadala ng message sa akin.

            Kaizer: Mukhang ang laki na naman ng problema mo sa status mo ah? Gusto mo kausap?

            Napangiti ako sa obvious na care sa akin ng OP ni Kaizer. Kaya minsan hindi ko maiwasang kiligin kapag ka-chat ko siya. Minsan kasi na-i-imagine ko na si Kaizer talaga na bida sa paborito kong libro at hindi isang operator lang.

            Pero kapag naiisip ko na si Kris din pala 'to, doon nasisira 'yong pantasya ko.

            Bagay talaga kay Kris maging OP. Nagagamit niya dito 'yong playboy skills niya.

            Mabilis akong nag-type ng reply ko sa kanya.

            Sitti: Ang laki talaga ng problema ko. 'Buti pa kayo mga talented! Eh ako? Nganga! Loser forever!

            Kaizer: Wag mong isipin yan.  Hindi ka loser.

            Sitti: Loser kaya ako. Kasi yung mga kaibigan ko magagagandang nilalang, matatalino, tapos ang dami pang alam gawin. Ako? Heto, dakilang patatas.

            Kaizer: Hahaha! May FB account din pala ang mga patatas?

            Sitti: Oo! Ngayon alam mo na. Marunong din silang manood ng anime at gumagawa din sila ng mga assignment. Best friend din ng mga patatas si pareng google.

            Na-miss ko talaga na makipagchat kay Kaizer Buenavista na isang fictional character. Bigla ko tuloy naalala 'yong mga panahon na ang super sipag ko pa sa Facebook tapos siya at siya talaga ang lagi kong ka-chat...gamit si Lyka s'yempre.

            Sitti: Tapos iba pa daw dapat ang ipapakitang talent?! Kakainis! Wala nga akong talent, ibang talent pa kaya? Pwede ba sa mga talent portion 'yong paramihan nang marerecite na anime titles?

            Kaizer: Hahaha. Sa tingin ko hindi counted na talent iyon. Bakit hindi ka na lang sumaway? Tutal naman kumanta ka na nung nakaraang di ba? Pwede na siguro yun.

            Nanlaki mata ko sa nabasa kong suggestion ng OP ni Kaizer.

            Ako? Sasayaw?!

            Sitti: Parehong kaliwa yung mga paa ko. Magbestfriends nga sila eh kaya kapag anong ginagawa ng isa, ginagawa din nung isa. Baka magkalat lang ako sa stage kapag sumayaw ako.

            Kaizer: Bakit hindi mo muna subukan? Mas mabuti ng meron kaysa wala di ba?

            Sitti: Ayoko. Imposible iyon. Alam ko naman yung kakayahan ko eh. Hindi ako bagay sa sayaw.

            Kaizer: Paano mo nalaman eh hindi mo pa nga nasusubukan?

            Ngayon nararamdaman ko na pagiging Kris ng OP ni Kaizer. Ang kulit niya!

            Magre-reply na sana ako ulit kaya lang naunahan niya ako.

            Kaizer: Bakit hindi ka magpaturo sa prinsipe ng Eastton? Marunong sumayaw yun.

            Weh?! Si Kaizer? Sumasayaw?

            Sabagay, si Kris nga pala 'to. S'yempre mas kilala niya si yabang kaysa sa akin kasi best friends sila.

            Pero si Kaizer at sayaw? Parang hindi ko ma-imagine.

            Sitti: Sigurado ka dyan? Marunong talaga sumayaw si Kaizer?

            Kaizer: Oo. Tanong mo pa sa kanya. Sumayaw sya nung unang taon nya bilang Mister Eastton University.

            At humaba nang humaba nang humaba pa ang naging usapan namin sa chat ng OP ni Kaizer na hindi ko na namalayan na super late na pala at malamang sa malamang magiging super late na rin ako sa paggising ko bukas.

            Sitti: Ay Kris! Matutulog na pala ako. Bukas na lang ulit.

            Kaizer: Okay. Good night.

            Magla-log out na sana ako kaya lang may nakikita pa akong tatlong tuldok doon sac hatbox namin ng OP ni Kaizer. Parang may gusto pa yata siya sabihin sa akin.

            Sitti: May sasabihin ka pa ba?

            Wala ulit reply puro Kaizer is typing... lang nababasa ko. Pero maya-maya lang lumabas na rin 'yong message niya na sobrang haba.

            Kaizer: Sitti, na-miss kita.

            Sandaling nag-buffering 'yong utak ko sa nabasa ko.

            Ako? Mami-miss niya? Eh parang kakausap lang namin kanina sa classroom ah! Saka para namang hindi kami nagkikita sa school eh classmate pa nga kami.

            Nako. Siguro naka-switch on na naman playboy radar nitong si Kris.

            Sitti: Alam ba to ni Patty? Sumbong na ba kita? -__-

            Kaizer: Hahaha. Wag.

            Kakabanas talaga 'tong si Kris. Binababoy niya sa imagination ko si Kaizer Buenavista.

            Nakatapat na sa log out button 'yong mouse ko nang magmessage na naman ang OP ni Kaizer.

            Kaizer: Pero seryoso. Nami-miss na kita. At hindi ko na alam kung saan ko pa ilalagay yung pagka-miss ko sayo.

            Sitti: Alam mo itulog mo na yan. May pasok pa tayo bukas.

            Ayaw talaga paawat ng OP ni Kaizer dahil mukhang tina-type na naman siyang nakakaloka na message.

            Isusumbong ko na talaga siya kay Patty bukas!

            Agad na kumunot ang noo ko nang mabasa ko na 'yong message niya.

            Kaizer: Hindi ako si Kris. Kaya kahit na magsumbong ka pa kay Patty, hindi pa rin ako si Kris.

            Sitti: Alam mo ang weird mo ngayon. Para ka na tuloy si MM. Kung hindi ka nga si Kris? Eh sino ka? Si yabang? Naks! Dala-dalawa FB!

            Kaizer: Basta. Sa birthday mo, pupunta ako at doon na ako magpapakilala ng maayos.

            Kaizer: I miss you so much, Felicity. Night.

            Hindi ko alam kung ano ba ang tinira ni Kris ngayong gabi at ganito ang mga sinasabi niya.

            Fan service ba 'to o kinakausap niya ako bilang si Kaizer Buenavista na fictional character? Ah bahala na! Ang gulo-gulo niya!

            Bukas ko na lang iisipin kung sino ba talaga siya.

            "OKAY. So kayo pala ang mga malalakas ang loob na gustong sumali sa contest na 'to huh? Break a leg mga bata! Kaya niyo 'yan!"

            Habang tumatagal talaga, nagiging si Pin na talaga si Sir Pin. Pero gusto kong kondenahin 'yong sinasabi niya dahil una, hindi malakas ang loob ko. Pangalawa, ayoko talaga sumali sa contest na 'to. Napilitan lang ako. Labag 'to sa gusto ko!

            "Felicity Sandoval. Mobi Dela Cruz. Patty Santos. Kaizer Buenavista. Margaret Torres. Kris Lorenzo. Mia Valdez. Jonas Navarro. Kayo ang mga tribute na ipapadala ng klase natin para sa kalokohang contest na 'to. May the odds be ever in your favor."

            Lahat kami napakunot sa paraan ng pagsabi no'n ni Sir sa amin. Fan siguro siya ng The Hunger Games. Ginaya pa niya 'yong salute ni Katniss sa amin eh bago siya umalis sa harapan namin at pumunta sa ibang teacher na nandito rin sa gym.

            Ngayon kasi 'yong official na pagpapasa ng mga pangalan ng mga "siniswerteng" nilalang na isasali ng bawat section sa Mister and Miss Eastton University.

            "Paano ba 'yan, Kaizer? Mukhang magkakalaban na naman tayo?"

            Napaligon ako sandali sa direksyon ni Jonas bago ako napatingin sa direksyon ni Kaizer na nasa tabi ko lang.

            Minsan hindi ko alam kung nang-aasar lang ba talaga si Jonas o sadyang gusto niya lang talaga magpapansin kay yabang eh.

            "Baka gusto mo ng mag-forfeit? Tutal naman ilang taon ka ng nanalo dito 'di ba? Pwede bang ako naman?"

            "Alam mo kung ikaw lang din ang mananalo, mas gugustuhin ko pang sumuka kapag ikaw ang tinawag na panalo sa contest," bagot na sagot ni Kaizer sabay lingon kay Jonas. "Sabagay. Gusto mo pala laging maging bida 'di ba? Bakit hindi ka na lang mag-artista? Gusto mong magpapansin di ba?"

            "Aww. Parang mayroon yatang may masamang umaga dito sa atin ah? Sino kaya 'yon?"

            "Laging masama 'yong umaga ko kapag nag-aaksaya ako ng oras na patulan ka."

            Mukhang tama nga si Sir Pin sa paraan ng panalita niya sa amin kanina. Para talaga kaming nasa loob ng the hunger games ngayon at ang unang magpapatayan sa arena ay si Jonas at Kaizer.

            "Ang hirap kasi sa'yo, Kaizer, ang hilig mo lang magyabang, wala ka namang ibubuga. Puro sabi ka lang. Tingnan mo nga nangyari noon? Di ba lagi kang talo? Kasi pikon ka at wala kang kwenta."

            "Magsalita ka lang nang magsalita d'yan. Specialty mo 'yan 'di ba? Ang itapon ang insulot mo sa sarili mo sa ibang tao?"

            "Huh! Talaga lang huh?"

            "Alam mo hindi ko maintindihan kung anong nakita ni Mia sa'yo noon para ipalit niya ako sa'yo eh napakawalang-kwentang tao mo naman."

            "Para sabihin ko sa'yo, Kaizer Buenavista, ang walang kwentang tao na 'to ang umagaw sa ex-girlfriend mo na sobrang mahal na mahal mo noon. At ang "walang kwentang" taong sinasabi mo 'yong nakatalo sa'yo sa last championship sa basketball. Kahit hindi na ako magsalita, obvious na naman na mas magaling ako kaysa sa'yo kaya hindi na ako magugulat kung isang araw mismong si Sitti na ang lumapit sa akin kasi mas magandang choice ako kaysa sa gaya mo na puro lang naman yabang ang alam!"

            "Ano bang problema mo huh?!"

            Nagulat ako nang bigla na lang sugurin ni Kaizer si Jonas sabay bigla niya 'tong kiniwelyuhan at hinila palapit sa kanya. Mabilis naman kaming kumilos at lumapit sa dalawa.

            Ako, si Kris, si Patty ang pumipigil kay Kaizer habang si MM at Mia naman ang may hawak kay Jonas.

            Waaaaah! Akala ko pa naman ang cool-cool ng mga fight scenes sa mga binabasa kong gangster story! Hindi pala! Waaaaah! Hindi talaga nakakatuwa ang violence!

            "Kaizer, ano ba. 'Wag mo ng patulan 'yan," sabi ni Kris.

            "Tumigil na nga kayo! Nasa school tayo! Gusto niyo bang ipatawag ang mga magulang niyo huh?" sermon naman ni Patty.

            "Ito kasi eh!" angil ni yabang. "Ang tagal-tagal ko nang nagtitiis sa ugali ng lalaki na 'yan!"

            "Wow! For the first time, nagkasundo tayo sa iisang bagay, Buenavista," sagot ni Kaizer sabay hawi ng kapit ni MM sa kanya. "Wala ka pala eh. 'Di ba tama ako? Na hanggang salita ka lang?"

            "Tumigil ka na nga, Jonas! Ano ba?!" si Mia naman ngayon ang nanaway sa kanya.

            "Pwede ba, Mia? Wag mo ngang pinagtatanggol 'tong loser mong ex-boyfriend na puro yabang lang naman at ubod ng walang kwenta."

            Sabi ni mama, masama magtanim ng galit o sama ng loob sa kapwa mo.

            Pero kung ganito ba naman 'yong magpapagalit sa'yo, tingin ko pwede akong mainis sa kanya ngayon.

            Aatakahin na sana ni Kaizer si Jonas nang bigla na lang akong humarang sa pagitan nila saka ko iniharang ang dalawang braso ko para hindi makalapit si Kaizer kay Jonas.

            Hindi na ako lumingon kay yabang. At alam kong magiging agaw-eksena naman ako sa fliptop battle nila pero nakakainis na talaga si Jonas at sumo-sobra na siya!

            "Hoy, Jonas the feeling gangster! Para sabihin ko sa'yo, hindi walang kwenta si yabang—este si Kaizer pala!"

            Lahat ng mga kasama ko sa grupo ay napatingin sa akin kasama na rin si Margaret na tinaasan lang ako ng kilay habang busy siya sa pagkakalikot ng kung ano sa kuko niya kanina noong nag-aawat kami sa away nila Jonas at Kaizer.

            "Wow. Hindi ka na pala sa palda ng nanay mo ikaw nagtatago, Kaizer. Pati na rin pala sa palda ng bago mong girlfriend."

            "Paano magtatago si Kaizer sa palda ko eh suot-suot ko 'to ngayon. Okay ka lang?" pagtataray na sabi ko. "Saka isa pa, uulitin ko, hindi walang kwentang tao si Kaizer! Oo mayabang lang siya pero may maipagmamayabang siya! Saka nakita mo ba 'to?"

            Bigla kong itinuro si yabang mula sa ulo niya hanggang paa niya bago ako ulit nagsalita.

            "Lahat sa kanya maganda. Pati nga penmanship niya ang ganda eh! Nakakainis! Lahat sa kanya maganda kaya hindi siya walang kwenta!"

            "Ows?"

            "Oo! At isa pa, sino ka para i-judge ang isang tao sa pagiging may kwenta niya huh?" sabi ko. "Ang basehan ba ng pagiging may kwenta ng isang tao ay dahil sa maganda't gwapo siya? Dahil sa matalino siya? Dahil sa mayaman siya? Dahil sa magaling siya sa lahat? Ganoon ba ang may kwenta sa'yo? May kwenta ba sa'yo ang isang tao kung kaya niyang tumapat sa'yo? Wow! Sino ka ba? Presidente ng pagiging awesome at lahat ng hindi papasa sa standards mo ay walang kwenta?"

            Dear Papa God, kung ang mga pinagsasabi ko sa nilalang na ito ay masama, patawarin niyo na lang po ako mamaya. Nakakainis lang po kasi siya.

            "Walang kwenta si Kaizer dahil naagaw mo sa kanya si Mia? Walang kwenta si Kaizer kasi natalo mo siya sa basketball game? Walang kwenta si Kaizer kasi mayabang siya? Bakit? Sino ka ba para husgahan siya? Ano bang alam mo sa kanya? Alam mo ba na sobrang bait niyang tao? Alam mo ba na kahit ang yabang niyan, mas inuuna niya 'yong kapakanan ng mga taong mas malapit sa kanya kaysa sa sarili niya? At alam mo ba kung gaano kaganda ang penmanship niya at gaano kagaling 'yong pagsusulat niya ng one paragraph pang-asar sa maliit na size na stick note huh? Take note! Pantay-pantay pa 'yong mga letters niya doon at hindi na niya kailangan gumamit ng ruler pamantay!"

            "Teka, TG. Ang layo na ng sinasabi—"

            "Wag mo kong pigilan, yabang!" pigil ko sa mga sasabihin ni Kaizer. "Hindi pa ako tapos,"dagdag ko sabay harap kay Jonas. "Dahil ba sa away mo sa isang tao, wala na siyang kwenta? Hindi ba ang pagiging kwenta ng isang tao ay nasusukat sa kung ilan 'yong mga magagandang bagay ang nagagawa niya sa mundo? Hindi ba ang good deeds ang binibilang ni Papa God para masabi na isang mabuting tao ang isang tao? Kaya paano mo nasabi na wala siyang kwenta dahil lang sa mas magaling ka sa kanya?"

            Wala ng nagsasalita sa kanila. Kaya nagpatuloy na lang ako.

            "Hindi mo alam kung gaano kabuting tao si Kaizer Buenavista. Oo, sobrang yabang niya pero may maipagmamayabang naman talaga siya. Hindi mo siya kilala kaya wala kang karapatang husgahan siya base d'yan sa standards mo ng pagiging may kwenta ng isang tao."

            Hindi ko na hinayaan pa na dagdagan ni Kaizer 'yong mga sinabi ko dahil ako na mismo ang humili sa kamay niya at sa kanya palabas sa gym na ito.

            "Nakakainis na talaga ang feeling gangster na iyon! Akala mo kung sino! Ang lakas maka-judge eh di naman siya judge! Nako! Nakaka-high blood ang aga-aga! Ang bata ko pa para ma-stress! Kawawa naman ako."

            "TG."

            "Bakit? Porque ba ang galing-galing na niya mananapak na siya ng ibang tao? Aba! Sinong kayang gumawa sa kanya at ang sama ng ugali niya?"

            "TG."

            "Mahanap nga 'yong death note ko sa bahay at isusulat ko pangalan niya katabi ng pangalan ni Freza dahil ganoong level 'yong pagkainis ko sa kanya!"

            "TG!"

            "Ano ba?!"

            Bigla kong naitikom 'yong bibig ko sabay tingin-tingin sa paligid nang bigla na lang ako magtaas ng boses ko.

            Walang teacher di ba? Wala namang nakarinig sa sigaw ko di ba?"

            "Galit na galit ka ah? Hindi naman ikaw ang kaaway ni Jonas kundi ako. Bakit high blood na high blood ka?"

            Nakataas na ang kilay ni yabang at nakakrus na rin ang mga braso sa tapat ng dibdib niya at obvious na naghihintay siya ng isasagot ko sa kanya.

            "Dahil nakakainis siya!"

            "At naiinis ka kasi?"

            "Kasi naiinis ako!" sagot ko sabay parang batang nagdabog sa kanya. "Ano ba, Kaizer? Wag mo ngang papatulan ang mga pinagsasabi noon sa'yo. Masama ang makipag-away!"

            "Ano ako bata? Siya ang nagsimula eh!"

            "Kahit na! Hindi ka dapat nakikipag-away sa mga ganoong uri ng tao!"

            Sobrang sama ng loob ko. Sobrang sama talaga to the point na nagpapawis na 'yong mata ko sa sobrang inis.

            "TG. Teka. Umi... Umiiyak ka ba?"

            "Hindi ah!" sabi ko sabay punas sa luha ko. "Nagpapawis lang mata ko. Nag-aerobics sila kanina. Ngayon lang pinagpawisan."

            Nakita ko na napapatango na lang si yabang habang tinutulungan niya akong alisin 'yong pawis sa mata ko.

            "Umiiyak ka kasi naiinis ka kay Jonas? O umiiyak ka kasi inaway niya ako?"

            "Asa ka na iiyak ako kasi inaway ka niya. Kaya mo na sarili mo ano!" sabi ko sabay singhot. "Naiiyak ako sa mga pinagsasabi niyang masasama sa'yo."

            Naramdaman ko na natigilan si Kaizer sa sinabi ko.      

            "Nakakainis na may mga ganoong uri ng tao na ganoon mag-isip. Bakit? Porque ba nag-fail ang isang tao, walang kwenta na agad siya? Porque ba hindi magaling sa isang bagay ang isang tao, walang kwenta na siya agad? At porque mayabang ang isang tao walang kwenta na agad siya?" sabi ko sa kanya. "Hindi ba kaya nga nagkakamali ang isang tao kasi nga tao siya? Kasi ang tao marunong gumawa ng tama at mali di ba? Wala namang perfect na tao di ba? Lahat naman tayo nagkakamali di ba? Kaya sino siya para husgahan ang isang tao dahil lang sa hindi siya magaling sa ganito, sa ganyan? Dapat na ba nating i-judge ang isang tao dahil lang sa mga bagay na hindi niya magawa at makuha? Dapat bang maging walang kwenta ang tawag sa isang taong nag-fail? Di ba hindi? Di ba kaya nga may learning, second chances at improvement na salita kasi wala namang perpekto sa mundo? Dapat bang laging ipapamukha sa isang taong nagkamali 'yong pagkakamali niya at sabihan agad siya na walang kwenta?"

            "Sitti..."

            "Alam ko sa sarili ko na madami akong mali. Na hindi ako magaling sa kahit ano. Pero hindi ibig sabihin noon, hayaan ko na lang ang ibang tao na tawagin akong walang-kwenta kasi alam ko sa sarili ko na handa akong matuto. Kaya ako naiinis kay Jonas at naiinis din ako sayo kasi hinahayaan mong sabihan ka ng ganoon ng ibang tao eh mas marami ngang maganda sayo kaysa sa akin."

            Inayos ko ang sarili ko sa harapan niya.

            MY GAD! Ano bang pinagsasabi ko. Nakakainis! Nadala ako sa bugso ng aking damdamin! Bad ka bugso ng damdamin! Bad! Bad! 

            "Kaya," panimula ko saka tinitigan siya ng derecho sa mukha. "Kaya wag kang papatol sa mga taong ganoon. At kung hindi mo kayang protektahan ang sarili mo laban sa mga sasabihin pang masasamang bagay ni Jonas sa'yo..."

            Idinuro ko 'yong isang daliri ko sa tapat ng mukha niya bago ako nagsalita.

            "Ako na ang poprotekta sa'yo," determinadong sabi ko. "Hayaan mo next time, susulat muna ako sa papel ng mga magiging speech ko sa kanya tapos—"

            Hindi ko na natapos ang iba ko pang sasabihin nang magulat ako nang bigla na lang akong hapitin ni Kaizer sa baywang ko saka niya ako mahigpit na niyakap sabay patong ng baba niya sa balikat ko.

            Agad uminit ang mukha ko sa ginawa niya saka tinapik-tapik ang likuran niya.

            "H-hoy! A-anong ginagawa mo? Bawal ang PDA sa school! Maawa ka naman sa akin! Gusto ko pang grumad—"

            "Salamat, TG. Salamat."

            Ako naman ngayon ang natigilan saka ako napatingin sa ulo ni Kaizer.

            "Salamat kasi pinagtanggol mo ko. Salamat kasi naramdaman ko ngayong araw kung gaano pala ako ka-importante sa'yo."

            Mas lalong uminit ang buong mukha ko doon sa sinabi niya saka wrong timing niya akong binitawan at nakita niya 'yong grabeng pamumula ng mukha ko.

            Mabilis kong iniwas 'yong mukha ko sa kanya sabay tingin sa malayo with matching basag-basag na pagsipol.

            "Tatandaan ko ang mga sinabi mo ngayong araw, TG. At sorry kasi naubos ang pasensya ko kay Jonas at pumatol ako sa kanya."

            Dahan-dahan akong napalingon ulit sa kanya para makita 'yong sincerity ng mukha niya doon sa sinabi niya.

            "Hindi ka naman talaga dapat nakikipag-away sa school dahil bawal iyon."

            Napangiti na lang si yabang sa akin sabay tango.

            "Saka masama ang violence."

            Ngiti at tango ulit ang sagot niya sa akin.

            "Saka masama mang-judge ng kapwa kapag di ka judge."

            Tango ulit siya."

            "Saka—"

            "Ako puso mo, TG."

            Biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kaizer sabay bigla niya akong hinalikan sa noo.

            Nakatulala lang ako sa kawalan sa ginawa niya habang siya naman ay nakangiti lang sa akin habang ginugulo niya 'yong buhok ko.

            "Salamat kasi nagalit ka para sa akin, TG. Sobrang na-appreciate ko ang ginawa mo."

            Bumalik na naman 'yong pamumula ng mukha ko at gaya ng ginagawa niya kanina, tango na lang din ang sinagot ko sa kanya.

            GAD! Nakakainis talaga si Kaizer Buenavista!

            Dapat ko na ring sigurong isulat ang pangalan niya sa death note ko!

Continua llegint

You'll Also Like

47.5M 802K 79
[ZyMiYa Trilogy: Book 1 - Zylie] Language - Taglish Started in Aug 2011 | Revamped in Feb 2014 | Finished in July 2014 Published into 2 parts (2nd pa...
13.4M 641K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
375K 8.3K 31
Ano kayang mangyayari kay Denise pagkatapos sa nangyari sakanila ni Xylan? Habang buhay ba siyang magluluksa dahil sa pagkamatay ni Xylan? Matututo k...