A Drunken Mistake (COMPLETED)

beeyotch tarafından

9.9M 190K 22.2K

"It was just one night... One night that ruined the years we shared. One night that ruined the forever we're... Daha Fazla

Epilogue
Chapter 30
Chapter 29
Chapter 28
Chapter 27
Chapter 26
Chapter 25
Chapter 24
Chapter 23
Chapter 22
Chapter 21
Chapter 20
Chapter 19
Chapter 18
Chapter 17
Chapter 16
Chapter 15
Chapter 14
Chapter 13
Chapter 12
Chapter 11
Chapter 10
Chapter 9
Chapter 8
Chapter 7
Chapter 5
Chapter 4
Chapter 3
Chapter 2
Chapter 1
Prologue

Chapter 6

187K 4.3K 645
beeyotch tarafından

#ADMwp Chapter 6

“What?! No! Colleen, I know this is a huge project pero kailangan ko na talagang umuwi!” nakasapo na ‘yung kamay ko sa noo ko. I was supposed to go home tomorrow pero sinabi nila na extended ang stay ko dito. “Please, kailangan ko na talagang makauwi...”

I was so close to begging. I needed to go home. I had a wedding to fix. Ayoko naman na umuwi na lang ako bigla at kasalan na. I wanted to experience being a hands-on bride.

Colleen sighed from the other line. “Sorry talaga, Mirs... Direct order, e. Makakasuhan tayo kapag nagwithdraw ka. Sa ‘yo nakapangalan lahat ng papers for transaction, e.”

Binabaan ko siya ng tawag. Shit talaga!

I lay on my bed. Paano ko sasabihin kay Uno? Hindi ko alam kung saan ako magsisimula... Kagabi, excited na excited siya dahil uuwi na ako bukas... I promised him na magkasama kami buong araw... Pero ngayon? I didn’t know how to break the news to him.

Dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin, minabuti ko muna na tawagan si Maicy.

“Maicy?” I said pero masyadong malakas ‘yung ingay mula sa lugar niya. “Maice?”

“Hello?” an unfamiliar voice answered my call. Agad na lumakas ang tibok ng puso ko.

“Sino ka? Bakit ikaw ang sumagot sa tawag ng kapatid ko?!”

The voice was totally unfamiliar. Kilala ko ‘yung boyfriend ni Maicy at hindi ganon ang boses niya.

“Ma’am, bartender po ako dito sa bar. Kanina pa lasing na lasing ‘yung kapatid niyo. Susunduin niyo po ba siya?” Shit naman, Maicy! Bakit ka nagpapakalasing ngayon? Ano ba talaga ang problema mo?

I calmed myself down bago ko kinuha ‘yung address ng bar na pinagkalasingan ni Maicy. It was quite far. Bakit naman nakarating pa ng BGC ‘tong babaeng ‘to?

“Thanks,” sabi ko sa bartender. Mukha namang mabait siya. Pinakiusapan ko na rin siya na bantayan muna ang kapatid ko habang hinihintay ang sundo.

I was thinking of whom I should call. Kanina ko pa dinadial ‘yung number ni Justin pero hindi siya sumasagot. Hindi ko na rin siya tinawagan pa ulit dahil baka nag-away sila ni Maicy kaya nagpakalasing ‘yung kapatid ko... Mas lalo namang hindi ko kayang tawagan si Mama! Hindi ko naman kayang ilaglag si Maicy at panigurado na mapapagalitan ‘yun. Kaya naman kahit kinakabahan ako, I dialed Uno’s number.

“Babe! Nakapag-ayos ka na ba ng gamit mo?”

I bit my lower lip. Damn it. Pwede bang kalimutan ko na lang lahat at umuwi na ako agad? I wanted to hug him so bad. I freaking miss this guy.

“Pwedeng humingi muna ng favor?” I asked him. This was important, as well. Bawat segundo na lumilipas, mas kinakabahan ako. Mamaya may manyak na na umaaligid sa kapatid ko.

“Sure, babe,” he said. His voice was really happy. Masayang-masaya talaga siya na uuwi na ako.

“Kasi nasa bar si Maice... Lasing na lasing daw... Pwede bang puntahan mo?”

“Sige, sige. Saan ba? Alam mo na ba kung ano ang problema nun?” he asked as I gave him the address of the bar. Mabuti na lang at hindi nagreklamo si Uno kahit na malayo pa ang idadrive niya.

“Ewan, pero baka sa kanila ni Justin. Sorry, ha? Gabi na pero naabala pa kita...”

“No problem, babe. Parang kapatid ko na rin si Maice,” he said. “Nagpareserve ako sa favorite restaurant mo para ‘dun tayo kakain pag-uwi mo.”

I closed my eyes and then took a deep breath.

“Uno... kasi hindi ako makakauwi.”

Every second passing was making my heart beat so damn fast. I knew I made him feel unimportant again. Alam ko naman na pakiramdam ni Uno mas inuuna ko ‘yung trabaho ko kaysa sa kanya... Hindi naman siya nagrereklamo but I just felt it. And now, I was doing it again.

“What?”

“Naipit kasi ako... Ang dami pang pending transaction at ako ang front... Gusto ko talagang umuwi, Uno... Sorry...” my voice was on the verge of breaking but my tears were already falling one by one.

There was deafening silence.

“Ganyan ka naman palagi.”

And then the line was dead.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
57.6K 1.9K 17
COMPLETED All is fair in love and war. And it's all fun and games until someone falls in love.
7.8M 93.3K 12
Love. Foolishness. And the foolish.
371K 11.3K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.