Chapter 9

172K 4.1K 34
                                    

#ADMwp Chapter 9

I was practically jumping with glee nung nakuha ko ‘yung approval para sa proposal. Inaya ako para magcelebrate nung mga kasama ko pero tumanggi ako. Gusto ko nang bumalik sa hotel at ayusin ang gamit ko. I can’t wait to check out! I can’t wait to come home!

Pakanta-kanta pa ako habang inaayos ‘yung mga damit ko. Hindi ko na rin masyadong inabala si Maicy dahil balak ko na ako na talaga ang mag-aayos ng kasal ko. I couldn’t wait to be a hands-on bride. Gusto kong maranasan na magtaste test, na magscout sa simbahan... I knew Maicy already took care of that pero gusto ko pa ring gawin. I wanted to do all these things with Uno. I really couldn’t wait to spend my forever with him.

I woke up early the next morning. Ang aga-aga ko sa airport pero excited na kasi talaga akong umuwi. Doon na lang ako namili ng mga pasalubong ko. I was on the edge. I freaking miss everyone!

Sumakay na ako sa eroplano. I didn’t want to sleep last night because of excitement kaya naman buong byahe pa-Pilipinas ay tulog ako. I woke up with a huge smile plastered on my face.

“Glad to be back!” I said as I waved at Uno who was waiting for me at the arrival area.

A Drunken Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon