When the Ink Dries (Zodiac Pr...

Oleh CrabLamb

4.1K 326 38

[ ON GOING ] As the body count climbs on the concept of immoral justice. This chilling tale will explore the... Lebih Banyak

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 4

177 19 0
Oleh CrabLamb

"Mamamatay na ako."

Mas lalong humaba ang nguso ko nang makarinig ako ng tawa. Sinamaan ko ng tingin ang nagma-may ari ng boses na iyon.

"Ang tapang mo kasi tumanggap ng ita-translate sa gitna ng gabundok mong commission," pagde-depensa ni Levy sa sarili na mas lalong kong ikinasimangot, "Tapos pumayag ka pang one month ang deadline. Ano ka si Superman?"

"Back pain ang nirereklamo ko, hindi mo ba alam iyon eh parehas na tayong magte-trenta?" madrama kong sabi. "Tsaka hayaan mo nga ako! I love the pressure!"

Napailing si Levy at nagpatuloy sa pag guhit sa drawing tablet, "Sabi ko naman saiyo ay mag youtube ka na."

"Wala akong matinong content na naiisip."

"Bakit hindi ka gumawa ng istorya then i-animate mo?"

"Marunong ako mag translate ng nobela from different language at mag animate, pero hindi ako marunong gumawa ng content mismo."

"Eh di maghanap ka ng writer."

"Akala mo ba madali? Oo, madaling maghanap, pero mahihirap kausapin!" reklamo ko sabay untog ulit ng noo sa center table ng sala. "Una sa lahat kailangan may common understanding kami sa creativity. Pangalawa dapat click ang content sa taste ko."

"Tapos sasabihin mong hindi ka artist?" sarkastikong sabi ni Levy. Bahagya pa siyang tumigil sa pag guhit at supladong tinitigan muli ako. "Isa pa, bakit ikaw ang magde-decide sa content? Ikaw ang gipit, ikaw pa choosy? Desisyon ka?"

"I mean, dapat yung story ay pasok din sa interes ko," pabulong kong sabi habang nakanguso, "Ang hirap mag animate at mag design kung hindi ko feel ang story. Baka masira lang rin ang product."

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Levy, "Kung ganiyan ang mindset mo ay mas mabuting magpa-commission at mag translate ka na lang ng mga nobela."

"Ako ba nag recommend na mag tayo ng channel?"

Hindi na sumagot si Levy. Ako naman ay nagpatuloy na sa pagta-translate ng nobela.

Maulap na byirnes ang bumabalot ngayon sa buong Quezon City. Narito ako sa bahay nila Levy de Asis, kaklase ko simula pa noong high school. Hindi talaga kami close sa isa't isa hanggang sa naging magka-grupo kami sa mini research noong third year, kami lang halos kumikilos noon kaya naging malapit kami.

Noong grumaduate kami ng high school, mas lalo kaming naging malapit dahil pinalayas ako sa bahay. Noong sinabi ko kasi na balak ko maging cadet ng AFP, halos mawala sa katinuan ang mama at mga kuya ko. Determinado akong pumasok sa force noon kaya habang inaasikaso ko ang mga requirements ay kila Levy ako nakituloy. Malugod naman akong tinanggap sa tahanan nila dahil matagal na ring nag ha-hangad ng anak na babae si Tita May, mama ni Levy.

Bago ako mag undergo ng training ay binuksan ni Levy ang isip ko sa digital arts at mga foreign novel, which is na enjoy ko naman. 

Noong na dismissed ako sa army dahil hindi na ako fit mag serve, isa si Levy sa mga tao na nakikipag duet kila kuya sa pag papaalala saakin na uminom ng anti depressants sa tamang oras. Ang risk kasi ng hindi pag sunod ay mabigat bigat na panic attacks at iba pang worst scenarios na dala ng PTSD. 

Mas malala ako noong mga unang taon pagkatapos ko madismiss. Bukod sa panic attacks at  hindi makausap ng mga Psychiatrist ng maayos ay nagkaroon din ako ng anger issues. Ang bilis kong ma-provoke at ma-trigger sa maliliit na bagay na magpapaalala saakin ng digmaan.

Hindi rin nakatulong ang pakikipagtalo sa akin ni mama, bukod kasi sa mag-alala ay isinumbat pa niya sa akin ang desisyon ko na pumasok ng AFP. Magpasalamat na lang daw ako dahil humihinga pa ako. 

Hindi naman sa hinangad ko pero nakatulong ang pag lipad ni mama sa ibang bansa sa mentalidad ko. Unti unting naging bukal sa loob ko ang pag u-undergo ng therapy at unti unti ring nakuha ng psychiatrist ang tiwala ko. Naging mas maayos din ang flow ng pag galing ko dahil sa mga drugs na inerereseta sa akin. Masakit sa bulsa, pero mas mahalagang maging okay ako.

"Nag text si Kuya Gray."

Napa-angat ako ng ulo at nagtaas ng isang kilay.

"Anong oras ka daw uuwi?" pagpapatuloy ni Levy sabay harap saakin ng cellphone niya. "Huwag ka daw papaabot ng alas onse."

Napasimangot ako. "Sabihin mo nga veintinueve na ako!"

"Sang-ayon ako sakaniya, mga 10:25 umalis ka na," gatong ni Levy sabay tingin sa wall clock ng sala. "Ihahatid na din kita."

Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ko, "Hindi na kailangan! Kaya ko naman ang sarili ko." 

Pinakita ko sakanya ang lagayan ng antidepressant ko at inalog alog ito upang iparinig sakaniya na may laman pa.

"Tsaka baka nakakalimutan mong dati akong sundalo?"

"Na may naka stuck na bala sa ulo," habol ni Levy. "Huwag kang makulit, ihahatid kita."

"Anong kinalaman noon sa kakayanan ko na makauwi mag isa?" taas kilay na sabi ko, yoong tono ko ay may halong pangha-hamon.

Sa halip na sumagot ay matagal na nakipagtitigan sa akin si Levy. Hindi naman ako nagpatalo at malalim rin siyang tinitigan.

Mga dalawang minuto ang nakalipas nang siya mismo ang pumutol ng titigan namin. Nagpakawala ng malalim na buntong hininga at napaplantsa ng buhok palikod, muntikan pa akong matawa dahil nakita ko ang malapad niyang noo pero pinigilan ko.

"Stress na stress ka na ba?" burgis na asar ko sakanya habang sinisilid na sa bag ko ang mga gamit .

"Sa konsumisyon," kurot pa ni Levy sa sentido niya. "Mababaog ako saiyo eh."

Naparolyo ako ng mata.

"Mahal mo naman ako."

"Tapos magtataka ka kung bakit inaasar tayo ng mga kaibigan mo," aniya niya sabay talikod muli saakin.

"Masama ba mag mahalan ang magkaibigan?" hindi maintindihan kong pagdadahilan.

Napakibit balikat si Levy, "Mga artista nga na magkatitigan lang ng sampung segundo ay isyu na, tayo pa kayang sobrang malapit na magkaibigan?"

Napa hmn na lamang ako sabay diretso sa kusina nila. Kumuha ng baso sa lagayan ng mga pinggan at kumuha ng tubig sa ref. Mayamaya lang rin ay sumunod sa akin si Levy at kumuha rin ng tubig.

"Pero Levy," pinaseryoso ko ang boses ko habang tulalang iniikot ikot ang tubig sa kamay ko. "Kung mayroon man, huwag kang matatakot na sabihin saakin."

Isang nakakabinging katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa.

Napakurap ako nang tinaasan ako ng kilay ni Levy, yung itim niyang mga mata palagay ko kung nakakahiwa ay kanina pa ako patay.

"Sabihin sayo na?"

"Na mahal mo ako? In that way," medyo awkward at wala sa sarili na sabi ko. May pag-muwestra pa ako ng baso dahil hindi ko masabi ng direkta.

Hindi naman ako bulag para hindi makita ang posibilidad na iyon. Ang mga isyu ay hindi magiging isyu kung walang ugat na pinagmulan. 

Sa kaso namin ni Levy ay hindi malayo na magkaroon ng tinatawag nilang something.

Itinatanggi ko na mayroong namamagitan sa amin dahil iyon ang totoo. Siguro kung ang magiging tanong sa akin ay kung may tsansa ay doon magiging iba ang sagot ko, dahil mayroon naman talaga.

"Oo," sagot ni Levy sa akin na matured kong ikinatango. "Wala naman akong balak itago kung magkaroon man."

Kung nagulat man ako sa pahabol niya, hindi ko na iyon pinahalata. 

Napangiwi ako. "Bakit nga ulit natin ito pinag-uusapan?"

"Kasi umiral nanaman pagkaweirdo ng utak mo?" doon ko lang napansin ang ngiwi sa labi ni Levy.

"Sumasakay ka naman, so weirdo ka din?"  

"Nataas na ng sobra balahibo ko, Gwen. Hindi ka pa ba uuwi?" aniya sabay tapon sa akin ng kaunting tubig na natitira sa baso niya.

Sinamaan ko siya ng tingin saglit pero di rin kalauna'y napatawa nang malakas dahil sa ekspresyon na ipinapakita niya. "Kung makikita mo lang sarili mo ngayon sa salamin, kulang na lang sabihin mo kadiri."

"Iniisip ko na lang talaga na dala ito ng bala mo sa ulo," ikot matang sabi ni Levy sabay tulak sa akin palabas ng bahay nila. "Labas na! Hindi namin kailangan ng panibagong palamunin dito."

Itinaas ko ang gitnang daliri ko sakanya.

"Mag te-trenta ka na niyan?"

Hindi ko siya sinagot at lumabas na ako ng bahay nila Levy.  Nakasalubong ko pa si Tita May na kararating lang galing trabaho.

"Oh Gwen! Uuwi ka na?" bungad niya sa akin kasabay ng pagyakap ko.

"Opo, hinahanap na ako nila kuya," ngiting sabi ko habang kunot noong pinapanood na mag suot ng tsinelas si Levy. "Sabi nang wag mo na akong ihatid eh!"

"Dadalhin niyo ba yung motor nak?" tanong ni Tita May, halatang inignora ang sinabi ko.

"Hindi pa ayos ang preno noon," sagot ni Levy habang chinecheck ang laman ng wallet niya.

Nag abutan pa ng susi ang mag ina bago ako iginaya ni Levy palabas ng gate.

Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Tita May sa may pintuan, "Mag-iingat kayo mga anak!"

Sinuklian ko rin iyon ng ngiting nagpapasalamat ng sobra sobra. Hindi rin nagtagal ay naglakad na kami ni Levy paalis.

Sa dulo ng isang eskinita naka lagi ang bahay nila Levy, kailangan pa naming mag lakad sa bungad para makarating ng main road at makasakay ng jeep. Medyo malayo kaya segu-segundo akong lumilinga kung may da-daang tricycle.

Hindi naman ako natatakot, bukod kasi sa kasama ko si Levy ay may mga tao sa paligid. Isa pa,  naging cadet pa ako ng AFP kung hindi ako nakapasa sa kahit na anong physical training, hindi ba?

Ang kailangan ko lang gawin ay idisarm agad ang mag tatangka para—

Naagaw ang atensyon ko nang makatanggap ako ng text.


06-22-2018

Abo:

Nasaan ka na? 


Nang malaman kong si Kuya Gray ang nag text ay awtomatikong napatirik ang mata ko.


06-22-2018

Me:

Pauwi na 

Abo:

Kasama mo si Levy? 


Napaikot ako ng mata sabay bukas ng data. Binuksan ang messenger at camera nito sabay pagilid na kinunan ng litrato si Levy. Mabilis nga lang niya natakpan ang mukha niya kaya kalahati lang ang kita.


06-22-2018

Me:

Oh iyan, pwede na kayong makahinga ng maluwag 

Gailyermeow:

Nakainom ka na ba ng gamot?

Me:

Opo itay.

Abo:

Kailan ulit susunog na session mo?  


Napahilamos na ako ng mukha.


06-22-2018

Me:

Sunday

Abo:

Hindi ba ice cream iyon? 


"Bwisit," yamot kong sabi habang naghihintay kami ni Levy ng jeep sa sidewalk ng main road. Kapag uwi ko talaga, may itatakwil ako.

Mayamaya lang rin ay nakapara na ng isa si Levy. Abala ako sa pagti-tipa ng sagot sa mga makukulit kong kuya kaya nauntog ako pasakay.

"Ayan, tanga," sabi ni Levy mula sa likuran ko, natawa lang ako sa sarili ko. 

Nang makaupo kami ay siya namang himas niya sa ulo ko. Kita mo itong taong ito.

Binuksan ko pa ang ibang mensahe ko at napagalamang magkakaroon ako ng lakad sa Lunes.

"May Yellow Cab sa Katipunan, diba?" ani ko habang nags-scroll pa rin sa past messages na ngayon ko lang nabasa. Napaayos rin ako ng buhok dahil nililipad ng hangin, nasa may bungad kasi ako ng jeep.

Tila naman naalarma si Levy sa sinabi ko.

"Bakit?"

Kahit hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha niya ay alam ko kung anong sanhi ng pagtatanong niya. 

Malapit kasi iyon sa Camp Aguinaldo.

"May kikitain akong kaibigan."

Hindi sumagot si Levy kaya napatingin ako sakanya, nakatitig lang siya sa akin na tila may sinusukat.

"Kailan kayo magkikita?" tanong niya, yoong tono niya ay parang iniiwasan niyang mag mukhang pakilamero.

"Lunes." 

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagsimangot ng mukha niya. Alam kong laging may lakad si Levy tuwing Lunes, at base sa ekspresyon na pinapakita niya ay binalak sana niyang samahan ako.

"Hoy? Ayos ka lang? Mukha kang tinitibi," nakangiting asar ko sakanya. 

"Mag-iingat ka," tanging nasabi niya lang sabay abot ng bayad sa driver.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga, kung hindi ko lang lubusang kilala ang lalaking ito ay iisipin kong wala siyang pakialam. 

"Huwag ka mag-alala, papa. Mag te-text ako."

Sinamaan ako ng tingin ni Levy na ikinatawa ko lang ng mahina, hindi na siya sumagot at tumingin na lang sa labas ng jeep. 

Mukhang satisfied na siya na magu-update ako.

Mga kalahating oras pa ang binayahe namin bago kami nakarating sa bahay.

"Kuya," bungad ko kay Kuya Gael na nakakrus ang dalawang braso habang naghi-hintay sa may gate.

"Kuya," bati din ni Levy. Tinanguan lang siya ni Kuya Gael.

Nang nakapasok na ako ng gate at napansin kong di pa rin umaalis si Levy ay napakamot ako ng mukha.

"Uwi na," sabi ko sabay tingin sa oras.

"Oo na, ito na," pasupladong sabi ni Levy sabay baling kay kuya Gael. "Aalis na ako, kuya."

"Ingat ka," tanging sagot ni Kuya Gael at sabay naming pinanood si Levy na maglakad palayo. 

Nang nawala na sa paningin ko si Levy ay tumalikod na ako para hubarin ang sapatos ko sa may pintuan.

"Boyfriend mo na ba iyong si Levy?"

Nilingon ko siya. Sa lahat lahat ng malapit sa akin, isa si kuya Gael sa mga mahihirap basahin, kahit pa araw araw ko siyang kasama dito sa bahay ay hindi ko mawari kung anong iniisip niya.

Hindi ko alam kung sakit na ba ng mga panganay ang maging emo at introvert? Simula kasi noon ay isa lang ang naging kaibigan niya, yun nga lang ay maaga rin kinuha. Nagkaroon na rin siya ng mga nobya pero ni isa ay walang tumagal.

Maraming nagsasabi sakanya na mag asawa na dahil ang edad niya ay wala na sa kalendaryo. Trenta'y kwatro pa lang naman siya pero mukhang balak niyang tumanda mag-isa. Ang tawag tuloy sakanya ng mga kamag anak naming maliliit ay ermitanyo.

"Magkaibigan lang kami ni Levy."

Tumango lang si Kuya Gael. Hindi katulad ni Kuya Gray, hindi mahilig mang asar si Kuya Gael. Kaugaling kaugali ni mama.

Naagaw ang atensyon ko nang biglang bumaba si Baste mula sa hagdan. 

"Baste ko!" madrama kong sabi sabay luhod at yakap ng mahigpit sa aking aso. 

Iginala ko ang paningin sa buong bahay at napansin kong halos lahat ay patay na ang ilaw maliban sa kusina. Hindi ko rin mahagilap si Kuya Gray kaya kinonkluda kong tulog na siya.

Sayang at hindi ko maaaway sa joke niya kanina.

"Kikitain ko pala siya sa Lunes," lingong sabi ko. 

Napansin kong napatigil si Kuya Gael sa pagkandado ng pintuan.

"Bakit ka makikipag kita sakanya?" malamig na tanong ni Kuya.

"Wala lang, makikipag kumustahan lang ako," pilya akong napangiti. "Gusto mo rin bang mangumusta?"

Umiwas ng tingin sa akin si kuya at dumiretso na ng akyat.

"Hindi."

Mahina lang iyon, pero hindi nakaligtas sa pandinig ko.

Nabawasan ang ngiti ko at bumaba na lang ng tingin kay Baste, ngiting ngiti ito habang hinihimas ko ang ulo niya.

"Tulog na tayo."



NAPAHIMAS ako ng sentido habang tinitignan ang padagdag na padagdag na commission list ko.

Para sa isang taong walang art degree ay dapat matuwa ako, pero iniisip ko pa lang kung gaano ka kumplikado ang gusto ng mga kliyente ko ay gusto kong magwala. Mabuti kung madali hanapan ng reference ang mga gusto nila pero hindi, pang ibang planeta talaga ang mga gusto nilang ipadrawing.

Hindi lang iyon, may iba pa akong kliyente na nagre-reklamo sa presyo ng mga pinapa cino-commission nila.

"Maryosep," tanging nasabi ko nang dumating na ang order ko. Nahiya pa ako doon sa nag serve at nagpaliwanag na hindi siya ang tinutukoy ko.

Wala pa iyong kikitain ko pero umorder na ako, nahiya kasi ako at pakiramdam ko ay kapag umupo ako sa isa sa mga table ng walang inoorder ay baka palayasin ako anytime.

Naagaw ang atensyon ko nang biglang mag text si Levy.


06-25-2018

Squidward:

Update.


Nawala ang kulubot ng mukha ko at nag reply.


06-25-2018

Me:

 Nakainom na ako ng gamot kaninang meryenda at dala ko ang bago kong batch, papa. 

Squidward:

Ang ibig kong sabihin sa update ay kung nasaan ka na. 


"Suplado," bulong ko sa sarili ko. "Paano ka magkakaroon ng nobya kung ganiyan ka?"

"Sino?"

Ngiti akong nag-angat ng ulo, mas lalo pa iyong lumawak nang makita ko ang isa sa pinaka magandang babae na nakilala ko sa tanang buhay ko.

"Ate," bati ko sakaniya.

Madilim na bahid na kaking mga mata at itim na buhok na umaabot hanggang pwetan ang haba. Nakasuot siya ng long sleeve, pero dahil sa fit iyon ay kapansin pansin ang nagbi-bitakang kalmnan sa mga braso niya, pinartneran rin iyon ng itim na fitted jeans at combat shoes. Pansin ko rin na may hawak siyang itim na sumbrero. 

"Coco Chanel?"  

Napatawa siya.

"But widowed and committed," ngiti ngiti niyang sabi habang umuupo sa katapat kong upuan. "Hindi ka man lang nagulat sa pagdating ko." 

Pinatay ko ang aking phone at isinilid sa bulsa ko.

"Naamoy ko pabango mo."

"Matalim pa rin talaga pang amoy mo," ani ni ate Shaina sabay baba ng tingin sa mga pagkain na inorder ko.

"Pasensya na, nahiya kasi akong umupo nang hindi naorder," kamot sentido kong paghi-hingi ng pasensya.

Nagtaas siya ng kamay, "It's fine. Kailan pa tayo naging mapili sa pagkain?"

Inirolyo niya ang mga manggas niya.

"Isa pa, sobrang stress ako. Kailangan ko nito."

Natawa na lang ako bilang sagot. Imbis na unahin ang kumustahan ay kumain na muna kami, magha-hapunan na rin kasi at hindi ako nakakain ng tanghalian kanina dahil wala sa modo ang sikmura ko, kailangan kong bumawi.

Habang umiinom ng iced tea ay pinagmasdan ko si ate Shaina. Ilang buwan na ba nung huli kaming nagkita? May taon na yata? Yung mga pagkakataon pa na nagkikita kami ay laging maikli dahil sa trabaho niya. Katulad ngayon, hapunan pa kami nakapag kita dahil pumili kami ng oras na pasok sa schedule niya. 

"Kumusta si Sir Moises?" halos pabulong na pagtukoy ko sa ama niya.

Napatigil siya sa pag nguya, mga mata ay unti unting lumamlam.

Napakuyom ako ng labi. Kahit kailan talaga ay hindi ako marunong tumiming, sana pala nagbukas muna ako ng maikling tapika.

Manghi-hingi sana ako ng paumanhin pero biglang natawa si Ate Shaina.

"Ayon kinakausap pa rin ang sarili niya," parang wala lang na sabi ni Ate sabay inom ng iced tea. "Hindi pa rin niya ako makilala. Ang lagi niyang hinahanap ay ang nakakatanda kong kapatid na labing pitong taon nang patay."

Mas lalo akong nakonsensya sa sinabi ni ate Shaina, "Sorry."

"Hindi maiiwasan iyon, ano ka ba? Isa pa hindi iyon ang dahilan kung bakit tayo nagkita ngayon, hindi ba?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Tama, bukod sa kumustahan ay may iba pa kaming dahilan kung bakit kami nagkita.

Ilang segundo ang lumipas nang napagdesisyunan niyang sabihin iyon.

"Gwen, may nakuha akong lead."

Mabuti na lamang at wala akong anumang hawak dahil unti unting nanginig ang mga kamay ko, hindi sa takot kung hindi dahil sa saya.

"Hanggang doon lang ang pwede kong sabihin," sabi ni ate. Halata sa boses niya ang panic dahil sa reaksyon ko.

Tumango tango ako bilang pag sagot. Sapat na sa akin na may lead siyang nakuha. 

Kung darating man ang araw na mahanap na ni Ate ang lahat ng piraso ay tsaka ko lang gusto malaman. Kailangan kong ihanda ang mentalidad ko sa araw na iyon, kahit pa masira ako basta malaman ko lang ang katotohanan haharapin ko.

Napakuyom ako ng kamay, kahit pa kating kati akong tanungin kung anong lead iyon ay kailangan kong tiisin. 

Hindi ako pwedeng mapatid.

Hindi pa ako pwedeng mabaliw.

Hindi ngayon.

"Sapat na sa akin iyon," tango tango kong sabi.



"TALAGA bang ayos ka lang mag isa?" may halong pag-aalala na tanong ni Ate Shaina, nakasakay na siya sa driver's seat ng sasakyan niya.

"Ayos lang ako ate. Magkasalungat tayo ng daanan," ayoko ring makaabala.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.

"Mag-iingat ka ha? Kung maaari ay itext mo ang isa sa mga kuya mo para masundo ka," suhestyon niya.

Napangiti ako. Hindi na ako magtataka kung bakit nahulog si Kuya Gael kay Ate Shaina noon, kausapin mo lang ng saglit ang babaeng ito ay malalaman mo na kung bakit.

"Pakisabi naman kay Kuya Gael mo na samahan ka sa susunod, nami-miss ko na rin siya," medyo malungkot na ani ni ate. "Simula nang mamatay si Aseph, hindi man lang siya nangumusta."

Hindi ko naman masabi na niyaya ko si Kuya Gael pero ito mismo ang tumanggi. Siguro ay may nararamdaman pa si kuya pero ayaw niyang idisrespeto si Kuya Aseph.

Sumaludo ako, "Makakarating."

"Uminom ng gamot sa tamang oras ha? Uminom ka na ba?" pagpapaalala niya ulit.

Tumango ako, pero ang totoo ay hindi ko pa naiinom ang pangatlo ko dapat ngayong araw. Kung tama ang estimasyon ko ay isang oras na akong late sa schedule dahil napasarap ang kwentuhan namin.

Iinumin ko na lang pag nakaalis na si ate.

"Oh siya aalis na ako, mag text ka sa akin kapag nakauwi ka na ha?" may pag-aalinlangan pa rin sa boses ni Ate Shaina pero dahil alam niyang tatanggi pa rin ako ay isinantabi na niya iyon.

Tumango ako bilang pag sang-ayon. 

Umatras ako ng isang hakbang at hinayaan siyang humarurot na palayo. Pinanood ko pa ang sasakyan niya hanggang sa mawala ito sa paningin ko.

Habang naglalakad sa sidewalk ay kinuha ko ang metallic tumbler ko sa bag, lagi ko itong dala dahil ang oras ng inom ko ay laging pasok kapag nasa labas ako ng bahay. Inipit ko ito sa kaliwang kilikili ko at kinuha ang lagayan ko ng gamot.

Napatigil ako sa paglalakad nang mapansin kong magaan at hindi ito lumikha ng ingay nang iangat ko.

Kahit pa alam kong naiwan ko ang kabibigay lang saakin ng Psychiatrist ko kahapon sa ibabaw ng tukador ay chineck ko pa rin kung wala na talagang laman ang dala ko.

"Tang ina," pasitsit kong mura nang walang tableta na lumaglag sa palad ko. 

Yung panic ay nag simula nang umangat sa gulugod ko, isang oras na akong delay sa pag-inom, mabuti kung ilang minuto lang...

Agad akong nagpalinga linga kung may malapit na drug store. Lagi ko namang dala ang reseta kaya pwede pa rin akong bumili.

Malas ko lang talaga at ni isang botika ay wala akong nahagilap, nakadagdag pa iyon sa matinding anxiety na nararamdaman ko.

Ah.

Sa sobrang pag-iisip ko, lahat ng pandama ko ay nabuksan sa ikalawang yugto. Doon ko lang napansin na may isa? Hindi... napakaraming mata na nakatingin sa akin mula sa likod.

Hindi maganda ang lugar... Hindi rin maganda ang oras.

Bakit ngayon?

Anong gagawin ko?

Unti unti akong naglakad, pinilit kong huwag ipahalata sa mga sumusunod sa akin na hindi ko sila napansin kahit pa halatang halata na nanginginig ako.

Anong pakay nila saakin?

Bakit hindi pa rin nila ako inaatake?

Mga kasamahan ko rin ba sila dati sa force?

Sila ba iyong humawak sa kaselanan ko noong isang beses na nag training kami?

O baka naman sila iyong nagtanim ng bala sa ulo ko?

Papatayin na ba nila ako ngayon?


"Gwen..."


Nanlaki ang mga mata ko nang biglang pumasok sa isipan ko iyon.


"Hindi ko maramdaman ang mga paa ko."


Bumaliktad ang sikmura ko, pero katulad nang araw na iyon ay nilunok ko iyon.

Agad ako nagpalinga linga muli.

Tao... Kahit sino...

Mula sa hindi kalayuan ay may nakita akong lalaking nakatayo. Hindi ako nag sayang ng oras na pagmasdan at suriin pa siya, naglakad na ako palapit sakanya.

Ilang hakbang lang ang kailangan kong gawin pero pakiramdam ko ay isang bundok ang tinatahak ko, hindi rin nakatulong ang unti unting pagha-hati ng pokus ko.

Bakit hindi pa rin sila umaatake? Ito na ang perpektong pagkakataon para sakanila!

Bakit parang ang layo ng lalaking ito? Halos ilang hakbang lang naman ang kailangan kong lakarin para makalapit?

Bakit putol ang dalawang paa ni Bautista?

"Kuya."

Agad kong naagaw ang atensyon ng lalaki. 


"Magtibay! Tali!" 

Halos hindi ako magkanda ugaga habang pinagmamasdan ang sumisirit ng dugo sa tagiliran ni Soryo.

"Magtibay!"


"Uhm..."

Bahagyang tumagilid ang ulo ng lalaki habang nakatingin sa akin.

"Nakakaintindi ako ng tagalog."

Napakurap ako sa sinabi niya. Sinubukan ko ring pagaanin ang ekspresyon ko at pinilit na huminga ng maayos.

Ngayon ano na?

Humarap ako sa main road. 

Bakit nga ulit ako nandito?

Jeep? Oo jeep, para makauwi ako at makainom ng gamot.

"Pwede bang mag stay ka lang sa tabi ko? Mag-aabang lang ako ng jeep." 

Pero paano ang mga tao sa likuran ko?

Bakit ko ba nilapitan itong lalaking ito?

Hah?


"May mga tao sa likuran natin," ani ni Dagami, hindi inaalis ang paningin sa i-ilang militante sa kabilang building. 


"Huwag kang mag-alala, kung ginambala tayo ng mga iyon. Ako ang bahala."

Hindi siya sumagot.

Halos mamura ko ang sarili ko. 

Napapikit ako ng mariin at iritableng kinurot ang ilong ko.

"Botika."

Nang hindi muli nagsalita ang lalaki ay binuksan ko ang mga mata ko at tumingin sakanya, nakatingin siya sa may likuran ko na tila may sinusuri.

Agad tumaas ang presyon ko at pinisil ang bibig ng lalaki paharap sa akin. Hindi iyon inaasahan ng lalaki kaya pinanlisikan niya ako ng mata.

Hindi ko na alam, nag halo halo na ang mga ideya sa utak ko pero may parte sa akin na pilit na nagsasabing huwag akong mag-isip.


"Gwen, may nakuha na akong lead."


Hindi ngayon!

"Kuya ang sabi ko padala ako sa botika, bingi ka ba?!" 

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

5.3M 237K 82
Vander # 1 Ryu Vander-Morisson 02152019
46.1K 663 46
A Girlinlove Fan Fiction Story <3
Memento Oleh Raiselle

Fiksi Sejarah

5.1K 287 36
WATTYS 2022 SHORTLIST (ERA Series Book 3)-COMPLETED A careless, rebellious daughter faces punishment from her father. She must survive the everyday...
941 55 16
It tells the story about a teenage girl who is a victim of bullying. Instead of fighting back, she wrote story where in she killed her bullies. Later...