Cover me, Detective (McMaster...

By princess_kups

413K 9.7K 1.6K

NOTE : my character isn't perfect like you, like us. They fucked up, they make mistakes, they cry and get hur... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

CHAPTER 24

6.5K 185 31
By princess_kups

"Alin don madami ka kasing lalaki diba." tawang sabi ni Zhep kay Rhia. 


"Loyal ako!" pagmamalaki pa nito. 


"Oo, sa dalawa." nasa tabi ko si Khiara na abala sa pag-susulat sa notebook niya. 


Kung ang pag-aaway lang nila Rhia at Zhep ang pag-uusapan hindi na ako mabibigla dahil hindi na bago samin ang araw-araw na pag-aaway nilang dalawa siguro mas mabibigla pa ako kapag nakita ko silang nagmamahalan.


"May soccer player kana may Ralston ka pa." hindi tumigil sa pang-aasar si Zhep hangga't hindi niya makikitang naiinis ni Rhia. 


"Yak, pass kay Ralston." nandidiring ayaw nila. "Ikaw ance!" 


Naalis ang tingin ko sa libro nang marinig ko ang pag-tawag niya sakin. Nakangisi ito na tila may hinihintay ang sasabihin ko, pareho pa sila ni Zhep nang reaksyon nang mukha. 


"Ako?"


"Hindi ba madalas kayong mag-sama ni Ralston?" tanong niya. 


Hindi ako nakasagot. Bakit ako ang tinatanong niya hindi ba mas madalas silang mag kasama na dalawa kaysa sakin. 


"Minsan." sobrang-iikli nang mga sabot ko. 


"Masyado ka namang selosa Rhia." sabi ni Zhep. 


Bigla nawala ang ngiti sa labi niya nang humarap kay Zhep. "Alam mo mas tanga kapa sa taong nang puno ng drum pero butas naman." 


Tumahimik nalang ako at hindi sumali sa usapan nilang dalawa. Sabay kaming naglakad ni Khiara papunta sa building kung saan may lunguage class namin. Narinig ko ang usapan nila Rhia na hindi sila aatend ngayon dahil hindi pa nila tapos ang activity na pinapagawa nang Proffesor, hindi nila alam mas papagalitan sila kapag hindi sila umattend. 


Pagkatapos ay naghiwalay narin kami ni Khiara dahil papunta ako sa sunod na klase ko habang vacant naman sila, baka sila Zhep ang makakasama niya. Wala naman kaming ginawa maliban sa mag pagsulat habang nasa harapan ang Proffesor namin, ang iba sa likuran ko ay sunod sunod na nag reklamo sa dami nang lecture namin ngayon. 


"Ang hindi makapag-pasa nang maayos an activity hindi makakakuha nang maayos na marka, Goodbye class!" tumayo na ito at nag ayos na kami nang mga gamit. 


Matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay agad din akong tumayo para makalabas. 


"A-ance?" huminto ako sa tapat nang pinto.


"Ano?"


Apat na kaklase ko ang nakatayo sa harap at nagtitigan na parang may gustong sabihin sakin. Mukhang aatras pa ang iba sa kanila. "K-kulang kami nang isa, baka pwede-"


"Sige." mabilis na sabi ko. 


"Ha?" sabay sabay na sabi nila na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. 


"S-sasali ka samin?" nanlaki ang mata nila, mabilis naman akong tumango. "Sige! ano name mo sa facebook add ka namin sa group." lumapit siya sakin at nilabas ang phone niya.


Sinabi ko naman ito sa kaniya at dali-dali siyang nag friend request sakin. Tumalikod na ako nang wala na silang sinabi, ngumiti nalang sila saka nag ayos din nag gamit. 


"Mabait naman pala siya." rinig ko bago lumabas.


Sinulit ko ang buong vacant sa library pero hindi din pala ako matatahimik, nagulat nalang ako nang makita ko siyang mag-isang nakaupo, naka tapong pa ang bag niya sa isang upuan para walang maka-upo doon. 


"Huy, deshauna. Dahon ka ba?" mahina ang pag-kakasiko niya sakin. 


"Hindi." walang emosyong sagot ko. 


"Bakit kasi." inis na sabi niya. 


"E'di bakit?" wala na akong choice. 


Umayos siya nang upo saka humarap sakin. "Kasi feeling ko you're dahon-ly-one for me." 


Matagal pa kaming nagkatitigan dahil sa sinabi niya, pinilit ko naman itindihin ang sinabi niya nag sandaling maintindihan ko iyon at tumango nalang ako. 


"Dahon ka ba?" huminto muna ako sa pagbabasa. 


"Bakit?" excited ang mukha niya. 


"Pakalat-kalat ka kasi." 


Iyon lang ang huling nasabi ko dahil mukhang hindi siya natuwa, bumalik nalang siya sa pagbabasa niya. Minsan ay napapatingin ako sa kaniya at hindi niya naman nahahalata iyon dahil abala siya masyado. Sobrang seryoso nang mukha niya na tila iniintindi talaga ang nasa libro, hindi lang ako makapaniwala kapag ganito siya wala kasi sa mukha niya ang mag aral nang mabuti. Lalo na puro kalokohan ang alam niya sa buhay, nakakapanibago lang na libro din ang hawak niya. 


Pag-uwi ko sa condo ay agad kong napansin si Cobra sa pintuan na parang naghihintay sakin, kinuha ko naman siya at dinala sa kama. Doon siya nahiga habang nagbibihis ako. Pag balik ko sa kama ay para siyang sanggol na tulog. 


Tinanggal mo muna ang salalim ko bago humiga sa kama binuhat ko si Cobra at pinatong sa dibdib ko. Marahan kong dinadampi ang palad ko sa balahibo niya at mukhang nakikiliti naman siya sa ginagawa ko. 


Sa tuwing napapatitig ako sa kaniya na-aalala ko ang unang beses nang makita ko si Cobra, hindi ako makapaniwala na ilang beses niyang sinubukang iligtas ang buhay ko. Nangako ako sa dating nang mamay-ari sa kaniya na aalagaan ko siya nang mabuti, alam ko naman na namimiss niya din ang matanda na amo niya dati. 


Natuto akong tumanaw nang utang na loob sa taong iyon, kung hindi isya dumating nang mga oras na iyon hindi ko alam ang mangyayari sakin. Gusto kong bumawi sa kaniya pero sa paraan na hindi niya napapansin, iyon lang ang kaya kong isukli sa ginawa niya sakin noon. Binigyan niya ako nang tulong kahit hindi ako humingi at bibigyan ko siya nang tulong kahit hindi niya pa hiniling. 


Huminto ako sa paghaplos sa kaniya nang tumunog ang telepono ko. 


[Akin na, deshauna.] narinig ko agad ang boses niya. 


"Ang ano?" 


[Yung puso mo.] malakas ang pag-halakhak niya sa kabilang linya. 


Umirap nalang ako sa hangin, anong oras na gising parin siya? sa bagay ako nga gising parin hanggang ngayon, pero normal na sakin ang mag puyat lalo na madami akong ginawa. 


"Ano nanaman kailangan mo?"


[Ikaw sana pwede ba?]


"Huwag mo akong landiin, paki-usap."  seryosong sabi ko. 


[Iba naman yung nanlalandi sa nagsasabi nang totoo.] sabi niya na tila may kung anong pinag-lalaban. 


Sasagot sana ako nang biglang bumangon sa dibdib ko si Cobrang at mabilis na tumakbo. 


"Hoy, Cob, bumalik ka dito sa kama!" pagalit ko sa kaniya habang nasa pintuan lang siya. 


[Sino yun? may iba kang kasama?] narinig ko ang malamig na tono nang boses niya sa kabilang linya. 


"Wala...sandali lang." binagsak ko ang telepono saka kinuha si Cobra, pag balik ko sa kama ay nakadapa ang phone ko at pag tingin ko ay wala na ang tawag, pinatayan niya ba ako?


Inisip ko nalang na baka nakatulog na siya. Maaga akong pumasok at dumiretso sa room para tulungan ang group ko. Ito ang unang beses kong may katulong sa pag-gawa at hindi naman pala ganon kahirap mag aadjust sa kanila. 


"Thanks nga pala sa pag confirm sa friend request ko." sabi nila habang nag susulat sa yellow paper. 


Tumango nalang ako. 


Siguro ito din ang ayaw ko kapag mag kakaron ako nang kagrupo mas lalong dumadami ang messages ko, ayaw ko pa naman ang sunod sunod na chats kaya madalas naka mute ang group chat namin nila Zhep, minsan lang akong nag memessage din kapag aksidente kong na naseen ang mga chat nila. 


Next three days na namin ipapasa iyon kaya bawat sa amin ay may kaniya-kaniya trabaho para matapos ang report namin. Siguro ay mamayang gabi ko na ito tatapusin para wala na akong iba pang aabalahin sa susunod na araw ko.


Nasa gym building daw sila Rhia ngayon kaya hindi ko sila makakasabay sa lunch habang hindi ko naman alam kung nasaan si Khiara ngayon kaya mag-isa ako sa table, mas maayos dahil tahimik ang side ko. 


Sa sobrang pagmamadali ko kanina ay nakalimutan kong lagyan nang pag-kain ang lunch box ko kaya sandwich nalang ang kinakain ko ngayon. May ibang table na madaming tao at nag kukwentuhan habang naka-tingin lang ako sa notebook ko. 


Agad kong kinuha ang pen ko nang nalaglag iyon. Bigla akong nagulat nang makita siyang naglalakad papalapit sa table, naka bun ang buhok habang maayos ang sabit nang bag sa likuran at may hawak na isang libro, seryoso lang ang mukha niyang tila ayaw ngumiti. 


Binaba niya agad ang bag saka umupo sa upuan sa harap ko. Parang galit ang emosyon nang mukha niya at ayaw akong tignan. 


"Kumakain ka na ba?" may diin ang pagtatanong niya sakin. 


Kinagatan ko ang sandwich saka nag iwas nang tingin sa kanya. "N-nakalimutan ko yung lunch box ko." 


Bigla niyang nilabas ang sa kaniya saka pinag hiwalay, nakita ko pa na mas madaming pagkain ang binigay niya sakin. Bakit may dala siyang pagkain ngayon ang akala ko ba umoorder siya sa cefeteria. 


"Ubusin mo." tinabig niya sa harap ko ang pagkain. 


Hindi na ako nakapag salita dahil mukhang wala siya sa mood ngayon. Ayaw ko namang mag tanong dahil sobrang sungit niya, kagabi lang ay tumawag siya sakin siya pa nga mismo ang nag baba nang tawag habang kinukuha ko si Cobra. 


Mukhang napansin niya na gutom ako kaya dinadagdagan niya parin ang pagkain ko at hindi namana ko makahindi dahil masarap ang pagkakaluto nang afritada. Wala man lang reaksyon ang mukha niya habang magkasama kami. 


"A-ayos ka lang?" hindi na ako nakatiis at nag tanong. 


"Huwag mo nang tanungin kumain ka nalang." 


Medyo napahiya ako sa sinagot niya, ano bang problema niya sa buhay. "E'di huwag." hindi ko nadin siya pinansin. 


"Tignan mo lang di man lang ako nilambing." hindi ko narinig ang binubulong niya. 


Hanggang sa mag hiwalay kami ay nag paalam lang siya pero hindi man lang ngumiti sakin. Hanggang sa matapos ang huling klase ko ay iniisip ko parin kung may sakit siya ngayon dahil wala siya sa katinuan. 


Sinisara ko na ang locker ko nang mabasa ko ang message ni Khiara na nauna na silang umuwi kasama si Rhia. Nag reply ako na mag cocommute nalang ako ngayon, pero ayaw ko talagang mag commute ngayon pero wala naman akong pamimilian. 


Nasa labas ako nang McMaster nang sunod sunod na nag labasan ang sasakyan nang mga studyante. Pag labas ko nang phone ay nag taka ako kung bakit hindi iyon bumubukas, napasapo ako nang ulo nang ma-alalang lowbat pala ako, paano ako makakapag-grab nito ngayon!


"Pauwi ka na ba?" 


Lumingon ako sa kaniya at nasa kabilang kamay niya ang susi. "Sana.." 


"Malas mo lowbat ka, mag lalakad ka tuloy." sabi niya saka ako tinalikuran. 


Nakaramdam ako nang inis sa sinabi niya. Tumaas ang kilay ko nang muli siyang humarap. 


"Hatid na pala kita." mahinang bulong niya at napapakamot ng ulo. 


"Ayoko." 


"Bakit hinihintay mo yung boyfriend mo?" tanong niya. "Ano nga ulit name non? cody? connie? coney? coby? puta ang bango naman nang pangalan." 


Napaisip pa ako sa pinag sasabi niya. Saan naman nanggaling ang mga pangalan na binanggit niya kahit isa doon wala man lang akong kilala saka saan nang galing ang idea na may boyfriend ako? may sakit ba talaga siya ngayon.


"Ayokong sumakay sa sasakyan mo mukhang wala ka sa mood saka halatang may sakit ka." sabi ko. "Saka wala akong boyfriend at hindi ko kilala ang pinag sasabi mo." 


Nag kunot ang noo niya. "Wala? e sino yung tinawag mo kagabi may binanggit ka pa ngang name."


Ano bang pinag sasabi niya. "Si cobra?" nag hihintay siya sa sasabihin ko. "Yung pusa?" 


Natahimik siya bigla. "P-pusa? yung pusa yung kasama mo kagabi?" napapalunok siya. 


"Oo, saka bakit ba parang ikaw pa yung mukhang galit ngayon hindi ba ikaw ang naunang mag baba nang tawag kagabi." mahinahon pero may inis na sabi ko. 


Nahiya siya bigla. "Tangina nag-selos ako sa pusa?" 


Natigilan ako nang marinig ko ang sinabi niya. Selos? nag selos siya kaya ganon ang mga asta niya kanina? bakit naman siya magseselos sa pusa?


"Wala naman kaming relasyon nang pusa ko." pag lilinaw ko. "Saka wala din tayong relasyon." habol ko.


Madrama siyang humawak sa dibdib. "Minsan ang sakit palang mareal-talk." 


Tinignan ko ang relo ko at late na ako sa pag-uwi, wala akong choice ngayon. "Akala ko ba hahatid mo ako?"


Bigla siyang nabuhayan at ngumiti. "Saan? sa simbahan para diretso na kasalan, doon naman din punta natin." 


Biglang nag init ang pisngi ko, palagi nalang siya nag bibitaw nang kung ano-anong salita at nabibigla ako.  Nag baba ako nang ngiti at minasahe ang panga ko. 


"S-sa bahay ang diretso ko kung gusto mo mag isa ka sa simbahan." 


Tahimik lang akong nakaupo sa shotgun seat habang nagmamaneho siya at sumasabay sa kanta. Bahagyang naka bukas ang binata ko, magkadikit din ang dalawang binti ko at nakatapong sa hita ko ang bag. 


"Hindi ka ba kumportable? gusto mo huminto muna ako tapos lumipat ka sa backseat?" tanong niya sakin. 


Mabilis naman akong umiling sa kaniya. "Hindi, ayos lang. Saka malapit naman na rin yung unit ko." 


Huminto ang sasakyan niya at saka ako bumaba, nagulat pa ako nang bigla siyang sumunod sa likuran ko. 


"Hatid na kita para sure." ngumiti siya. 


Huminga nalang ako nang malalim saka pumasok sa elevator. Nakikita ko ang paglayo siya sakin, hindi ko alam kung nandidiri siya o nag-iingat lang. Basta kapag mag kalapit kami palagi siyang tinatanong kung ayos lang ako. 


Sabay kaming huminto sa unit ko. Binuksan ko iyon at nakita ko siyang nasa sandal sa wall at hawak ang tiyan. Wala sa pinto ngayon si Cobra panigurado nasa kama ko nanaman iyon. 


"G-gusto mong pumasok muna?" yumukom ang kamao ko sa likuran. 


Bigla naman lumiwanag ang mukha niya pero nag bago din iyon. "H-hindi na! hinatid lang talaga kita! aalis narin ako!" 


"Ayos lang sakin na pumasok ka." mahinang bulong ko. 


Tumitig siya sa mukha ko na parang naninigurado. "Kung okay sayo e'di sige." umirap ako nang pumayag siya, aayaw ayaw pa tatango din naman. 


Sa sofa agad siya dumiretso habang nag paalam muna ako na mag bibihis, mukhang gutom siya saka plano kong mag-luto tutal pagkain niya ang inubos ko kanina kaya siguro walang laman ang sikmura niya.


"Fuck shit! tangina! hoy! deshauna!" papunta ako sa gawi niya nang bigla siyang tumitili. 


Nakita kong tinalunan siya ni Cobra, habang gulat na gulat ang reaksyon niya at yumakap pa sa sarili. Mabilis na tumakbo si Cobra at hindi ako pinansin. 


"Huy gago, ang wild nang pusa mo nangangalmot nang bisita." hawak niya ang kabilang palad. 


"Hindi ka naman mamamatay mas malinis pa si Cobra kaysa sayo, ako pa nag papaligo don." sabi ko. 


"How to be him? sana all." 


Nang lingunin ko siya ay tinitignan niya ang kalmot sa kaniya ni Cobra, bahagyang dumudugo iyon. Pumunta ako sa kwarto at nakitang nandon si Cobra't naka talikod, kinuha ko ang medicine kit saka bumalik sa sofa.


Umupo ako sa tabi niya, nagulat pa siya nang hingin ko ang palad niya parang tignan ang kalmot, mas maganda parin kung lilinisin ko iyon. Mukhang nagdadalawang isip pa siyang inabot sakin pero sa huli pinahawak din naman niya. 


Habang nililinis ko ang sugat niya ay napansin kong sa ibang bagay siya nakatitig at hindi sakin, hindi ko gustong mag-isip nang kung ano-ano kung bakit siya ganon, hindi ko din gusto ang nasa utak ko. Sinasadya niya talagang hindi lumapit sakin. 


"Kaya ka ba umiiwas kasi-" napahinto ako.


"Nag-iingat lang ako. Ayaw ko lang na hindi ka maging komportable kapag mag kasama tayo, huwag kang mag-isip nang kung ano-ano dahil hindi iyon ang dahilan ko kaya ako umiiwas. Alam kong hindi ka ganon ka-komportable kapag may ibang lalaking lumalapit sayo, hindi ko gusto na ikaw pa ang tumulak sakin papalayo saka masaya naman ako kahit mag kasama lang tayo kahit hindi mahawakan, okay lang sakin." nanginginig ang boses niya sa pagpapaliwanag.


Para akong nakahinga nang malalim nang iyon ang maging dahilan niya, siguro malulungkot ako kapag nag iba ang turing niya sakin hindi ko ba alam kung bakit ganito ang pakiramdaman ko. 


"H-huwag ka sanang mag bago." sabi ko at tumingin sa kaniya. "Komportable ako kapag ikaw, mas sanay ako kapag nasa tabi kita, s-saka pakiramdam ko ligtas ako." hindi ko magawang tagalan ang tingin sa kaniya. 


"Deshauna, pwede ba kitang yakapin?" 


Nawala ang panginginig nang kamay ko sa sinabi niya. Hindi ko pa alam ang isasagot ko sa kaniya, nang sandaling matagpuan ko ang mata niya ay bigla akong nanlambot at tumango. 


Hindi naman siya nag papigil at mabilis na yumakap. "Bakit ang hina ko pagdating sayo..."


PRINCESSKUPS.








Continue Reading

You'll Also Like

7.4M 144K 60
[Possessive Series 1] MATURED CONTENT. Read at your own risk. R18. "The moment I laid my eyes on you...your heart, your soul, and your body become...
13.4M 641K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
3.5K 134 26
Being in a relationship at a young age, Laure Ri Daza only knew one man. And that is Creed Sinclair, her long-time boyfriend. Before their wedding, C...