Lantria Supremo De Luna

By jewelofthediamond

2.9K 256 2

"You are the chosen legendary warrior." ************ Karie is one of the gifted people who can see spirits an... More

Kabanata 1: Historia
Kabanata 2: Lumang Mansyon
Kabanata 3: Lluรฑira
Kabanata 5: Pagbabago
Kabanata 6: Esmeraldang mga mata
Kabanata 7: Banta
Kabanata 8: Ibalik ang oras
Kabanata 9: Pagbabalik sa Lumang Mansyon
Kabanata 10: Kaluluwa sa hawla
Kabanata 11: Wolf Moon
Kabanata 12: Azares
Kabanata 13: Fire and Water
Kabanata 14: Captured
Kabanata 15: Lantria
Kabanata 16: Heart of Wolffire
Kabanata 17: Dorm mate
Kabanata 18: Halik ng Kapre
Kabanata 19: Aolffara
Kabanata 20: Valley de Hades
Kabanata 21: Cloudy dust
Kabanata 22: Villain of the Light
Kabanata 23: Practical Test
Kabanata 24: Calm Water
Kabanata 25: Consequence
Kabanata 26: Hemuna
Kabanata 27: Mount San Cristobal
Kabanata 28: Arnis
Kabanata 29: Saving Warriors
Kabanata 30: Pagpasok sa Academia
Kabanata 31: Moving forward
Kabanata 32: Aking Ina
Kabanata 33: Khole
Kabanata 34: Part of his Plan
Kabanata 35: Pagtakas
Kabanata 36: Prinsesa ng Falleria
Kabanata 37: Mate
Kabanata 38: Purpose
Kabanata 39: Closer
Kabanata 40: Together
Kabanata 41: Simbolo ng Buhay
Kabanata 42: Paggising ng Mandirigma
Kabanata 43: Dugong Bughaw
Kabanata 44: Katotohanan ng nakaraan
Kabanata 45: Aramina
Kabanata 46: Elona Azares
Kabanata 47: Ensayo
Kabanata 48: Kapalaran ng Mandirigma
Kabanata 49: Emosyon
Kabanata 50: Liwanag mula sa Kadiliman
Kabanata 51: Prinsesa ng Buwan
Kabanata 52: 8th Blood Moon
Kabanata 53: Dimensiyon ng Salamin
Kabanata 54: Prinsesa ng Araw
Kabanata 55: Eklipso
Epilogue

Kabanata 4: Ang Napili

103 7 0
By jewelofthediamond

3rd Person POV

Nawalan ng malay sa ere si Luna, ito ang pangalang tinawag sa kanya ng makapangyarihang libro ng Lluñira ng hindi nalalaman ng dalaga. Hindi na nagawang tulungan ni Dyna ang kaibigan ng bigla uling malakas na umihip ang malamig na hangin at tumilapon ito palayo sa pabagsak na dalaga.

Hindi niya alam kung bakit biglang umihip ang hangin gayong tahimik ang paligid ngunit isa lang ang tanging alam nito sa mga oras na iyon. Napili na ng libro ang bagong mandirigma at ito ay si Karie, na mas tatawagin sa pangalang nararapat sa kanya, sa ngalang Luna. Ngunit bakit siya? Anong ginawa ni Karie para siya ang mapili ng mga diyos at diyosa?

Si Karie ay nagmula sa pamilya ng Lapaz, isang pamilya na ang ninuno ay mula sa bansang Espanya na nahaluan ng dugong Pilipino. Hindi ba dapat isang purong dugong Pilipino ang taong pipiliin ng tadhana? At isa pa, walang karanasan sa pakikipag-laban ang kanyang kaibigan. Nasaksihan niya ang pagpasok nito sa paaralang kanyang binabantayan at kita niya kung paano ito umiiwas sa mga gulo. Alam niyang matapang ito ngunit mayroon itong malambot na puso na ang tanging gusto ay ang magkaroon ng maayos na buhay ang kanyang pamilya.

Kaya bakit siya? Ganoon din ang tanong na naglalaro sa isipan ng kapreng bantay ng mansyon. Hinayaan niyang makapasok ang dalawa sa mansyon. Kilala nito si Dyna, at alam niya ang pakay nito na paghanap sa libro at sa bagong taga-pangalaga nito. Alam niya rin na imposibleng mahanap ng mga ito ang Lluñira. Ngunit hindi niya akalain na ito ay matatagpuan at mahahawakan dahil kilalang mailap ang libro. Higit sa lahat, nagpakita at nagpahawak ito sa babaeng kasama ni Dyna na ikinagulat niya.

Mula sa sinag ng bilog na buwan ay lumitaw sa kanyang gilid ang dyosa na si Haliya, ang dyosa ng buwan. Nakatingin ito sa pabagsak na dalaga, walang makitang emosyon sa mukha nito kaya hindi mawari ng kapre kung ano ang bagay na tumatakbo sa isipan ng dyosa ng buwan. Itinaas ng dyosa ang kanang kamay nito at itinapat ang liwanag ng buwan sa mga puno.

Lumabas ang dalawang engkanto na naninirahan sa dalawang puno at pinagalaw nila ang ilang sanga nito, pinalapad din ng mga ito ang mga dahon at sinambot ang walang malay na dalaga. Yakap nito sa kanyang dibdib ang libro ng Lluñira. Mataman itong pinagmasdan ng dalawang engkanto na pawang nagulat ng makilala kung sino ang babaeng kanilang tinulungan.

Nagpatirapa sila sa dumating na si Haliya kasama ang kapreng kanilang kaibigan. Sa di kalayuan naman ay lumutang si Dyna at lumapit sa kaibigan. Nagulat ang dalawang engkanto sa kanya ngunit nginitian lang niya ang mga ito.

Nilapitan niya ang kanyang kaibigan, labis siyang nagulat ngunit mas nangibabaw ang kanyang pag-aalala ng makitang wala itong malay. Kung alam lang niya na mangyayari ito, ay mas pipiliin niyang magpakita na lamang sa kapre. Ngunit natakot siya ng mga oras na iyon dahil hindi lamang siya isang pangkaraniwang kaluluwa. Kaya siyang patayin ng mga elemento kung nanaisin ng mga ito. Akmang gigisingan niya ito ng pinigilan siya ng dyosa.

"Huwag mo muna siyang gambalain. Kinakausap siya ng libro."

Sambit nito sa kanya. Itinapat ng dyosa ang kanang kamay nito sa nakahimlay na dalaga, mula dito ay mas lumiwanag ang buwan at nabalutan ng liwanag nito ang napiling mandirigma. Pagkatapos nito ay nag-wika ang dyosa ng buwan.

"Ikaw na hinirang ng mga dyos at dyosang makapangyarihan. Ikaw na pinili ng iyong inang bayan. Ang tagapag-tanggol, taga-pangalaga, at taga-pagbantay ng inang kalikasan. Ikaw ay akin ngayong binabasbasan. Liwanag ng buwan, ikaw ay papangalagaan. Ituturo sa iyo ang tamang daan. Ng sa gayo'y tungkuli'y maayos mong magampanan. Simula sa araw na ito. Ikaw ay tatawagin sa ngalang Luna. Napiling mandirigma ng Lantria."

***

Sa kabilang banda naman ay nagising si Luna sa isang madilim na lugar. Wala siyang makitang liwanag, mag-isa lamang siya doon at tila pakiramdam niya ay gusto siyang lamunin ng kadiliman. Nagtataka siya sa mga nangyayari ngunit hindi niya magawang makahingi ng tulong dahil tila ang boses niya ay nawala sa kanyang bibig.

Lumingon siya sa kanyang likuran at lumitaw doon ang isang liwanag na binalot ang kadilimang kanyang tinutuntungan. Mula doon ay may isang tinig siyang narinig na nagsimulang ipakita sa kanya ang isang napakaganda at malawak na mundo ng mahika. Ang Lantria.

  Ang probinsiya ng Lantria, isang kakaiba at mahiwagang lugar na hindi nakikita sa mapa ng Pilipinas. Ito ay nasa rehiyon 4-A CALABARZON ngunit kahit sa mismong mapa din ng rehiyon ay hindi rin ito matagpuan. Maraming tao ang nakakaalam na ito ay totoo, ngunit wala sa kanila ang makapag-patunay dito. Ayon sa mga alamat. Isa itong lugar kung saan naninirahan ang mga mabubuting elemento, engkanto, at iba pang mga kakaibang nilalang na nagtataglay ng mga kakayahan.

Panimula ng boses. Nawala ang malawak at nakakabighaning lugar na unang ipinakita. Lumabas sa kanan niya ang mas pinalawak na berayon ng naunang lugar.

Ang probinsiyang ito ay nahahati sa limang rehiyon. Pinangungunahan ng rehiyon ng Aralpha kung saan nakatayo ang kaharian nitong nababalot ng palamuting berde at puti. Dito nakatira ang mga diwata at taong namumuno sa rehiyon. Ang rehiyon kung saan naninirahan ang mga Diwata, ang mga Lakda o ang mga taong nagtataglay ng abilidad ng mahika na napiling manirahan dito, ang mga Garies na nangangalaga sa mga hardin, ang mga Holian na siyang tagapag-bigay ng basbas sa mga bagong panganak na diwata, at ang mga duwende na siyang tagapag-mina ng mga ginto at dyamante upang gawing palamuti sa kanilang palasyo. Ito ay pinamumunuan ng dyosa ng kapayapaan na si Amihan.

Ang mga diwatang ipinanganak dito ay nagta-taglay ng kakayahang magpalit ng anyo sa anyo ng isang hayop. Ang kanilang pinaka-pangunahing kakayahan ay ang pag-kontrol sa hangin sa gabay ng kalikasan. Ang kakayahang ito ay inihandog sa kanila ng Inang kalikasan ilang daang taon na rin ang nakakalipas.

Sinundan ito ng rehiyong Hemuna kung saan nakatira ang mga nilalang na responsable sa pagpapanatili ng kapayapaan sa pagdating ng dilim. Dito matatagpuan ang mga Owrel, ang mga kwagong inuunahan ang dilim, ang mga Enkanto na naninirahan sa mga puno, ang mga mabubuting Kapre na taga-pagbantay sa mga malalaking puno kung saan nakatago ang mga makapangyarihan at sinaunang armas ng mga diyos at diyosa ng Lantria. Naninirahan sa mga lawa at ilog ng rehiyong ito ang mga Naga, isang nilalang na hindi nalalayo sa mga sirena. Ang kaibahan lamang ay ang mga naga ay may buntot na katulad ng sa uli-ur o eel sa ingles. 

Ang rehiyong ito ay pinamumunuan ng diyosa ng buwan na si Haliya. Ang mga naninirahan dito ay ang mga Lakda na may kakayahang kontrolin ang liwanag na nagmumula sa buwan. Kaya rin nilang gumawa ng isang makapal na ulap at sila din ang nag-uutos sa mga maliliit na hayop gaya ng kuliglig at kulisap na magsimulang kumalat sa gabi. Nakatayo dito ang kanilang kahariang kulay puti na halong lila na kumikislap dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan.

Pumapangatlo dito ang rehiyon ng mga nilalang na may pakpak. Ang rehiyon ng Leshisa. Ito ang tirahan ng mga taong may pakpak ng isang lawin, kilala sa tawag na Alawi. Mga taong may pakpak ng agila na tinatawag na Maglia. Mga taong may pakpak ng isang paro-paro na tanyag sa tawag na Kroada. Matatagpuan din dito ang mga diwatang nangangalaga  sa apat na klima na nararanasan sa Lantria—.

  Nakaupo at mataman na nakikinig ang dalaga ng biglang maputol ang pagkukwento ng tinig na siyang ikinagulat niya. Ang tangi niyang alam ay nasa isa siyang magandang panaginip kung saan ipinapakita sa kanya ang isang mundong kagaya ng mga mundo ng mahika na nababasa niya sa wattpad at sa iba pang libro.

Tumayo siya ng biglang lumitaw sa kanyang likuran ang isang anino na unti unting lumapit sa kanya. Sa di niya malamang dahilan hindi siya nakaramdam ng takot. Hindi niya ito tinakbuhan palayo, matapang niya itong hinarap hanggang sa ito ay mag-anyong taong naka-itim sa kanyang harapan.

"Sino ka?" Tanong ng dalaga dito gamit ang kanyang isipan. Hindi niya pa rin magawang matagpuan ang kanyang boses.

Ngumisi ng nakakapangilabot ang lalaki ngunit hindi ito nagsalita.

"Sino ka?!" Ulit niya dito ngunit hindi siya ulit nito sinagot. Nagulat na lamang ang dalaga ng biglang siyang sinugod nito at sinakal ng mahigpit. Laking gulat na lamang niya ng hindi niya maramdaman ang higpit ng sakal ng lalaki. Kunot noo niya itong tiningnan at saka hinawakan ang kamay nito at tinanggal sa kanyang leeg.

Nagulat ang lalaki at agad na lumayo sa dalaga.

"Ikaw nga ang pinili." Saad nito sa malagom na boses.

"Ngunit hindi ka rin magtatagal. Papaslangin kita sa muli nating pagkikita. Luna." Dagdag nito at naglaho sa kanyang harapan.

Anong nangyayari? Sino ang lalaking iyon? At sino si Luna? Bakit niya papaslangin yung Luna? Mga tanong na tumatakbo sa kanyang isipan bago niya naramdaman ang malakas na pagyugyog sa kanya ng kung sinuman.

Continue Reading

You'll Also Like

12.9K 359 105
Just some brutasha stuff โš ๏ธREQUESTS ARE OPEN!โš ๏ธ โš ๏ธSLOW UPDATESโš ๏ธ
89.8K 2.5K 26
"๐œ๐š๐ฎ๐ฌ๐ž ๐ข'๐ฏ๐ž ๐ก๐š๐ ๐ž๐ฏ๐ž๐ซ๐ฒ๐ญ๐ก๐ข๐ง๐ , ๐›๐ฎ๐ญ ๐ง๐จ ๐จ๐ง๐ž'๐ฌ ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ๐ž๐ง๐ข๐ง๐ , ๐š๐ง๐...
199K 7.8K 30
""SIT THERE AND TAKE IT LIKE A GOOD GIRL"" YOU,DIRTY,DIRTY GIRL ,I WAS TALKING ABOUT THE BOOK๐ŸŒ๐ŸŒš
168K 10.5K 47
Elizabeth has been ruling her kingdom for 3 years now. She's gone through countless advisors in those 3 years. When she's finally ready to give up on...