100 days?!

By Hollyx

1.1K 8 4

More

100 days?!
Chapter 1.
Chapter 2.
Chapter 4.
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 14.
Chapter 15.
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 18.
Chapter 19.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 25.
Chapter 24.

Chapter 3

46 0 0
By Hollyx

“Any questions?”

Umiling ako at pagtapos nun eh pinalabas na ako ni Mrs. Asoha. Great, just great. Nang dahil dun sa Keri na iyon eh kelangan kong tumulong sa sub-unit head sa mga gawain nila for two weeks! Darn it! Eh alam naman ng lahat na sobrang dami ng ginagawa parati sa sub-unit head. Hay, good luck nalang sa iyo Andy.

Matagal din akong kinausap ni Mrs. Ashoa kaya pagbalik ko eh tapos na maglunch yung mga kasama ko. 

“OH, anong sabi ni Mrs. Asoha?”

Umupo ako dun sa tabi ni Vince tapos nun eh huminga ng malalim. 

“2 weeks of torture. Kelangan ko magstay everyday starting next week para tumulong sa sub-unit head.”

Tinapik naman nila yung likod ko at nagsabi ng mga kung anu-ano para lang maging ayos na pakiramdam ko. Nagtatawanan kami nun kasi may kung anong sinabi si Cheeky ng biglang tumunog yung tiyan ko. Hindi ko pala natapos yung pagkain ko kanina.

“Sis?”

Tumawa ulit sila nun kaya ako eh namula naman bigla. Nag-abot naman si Vince ng sandwich tapos ayun nginitian ko lang siya. At yun, kumain narin ako, sobrang gutom ko narin kasi.

Back to normal na ulit kami pagtapos kong kumain. Nagcontinue na kaagad yung “business” namin at kaya ayun, takbo na ulit ako ng takbo. Yung pinakahuli ko ngang hinabol eh sobrang pasaway, biruin mong pahabulin ba ako sa buong high school building?! Badtrip nga eh. Kaya ayan tuloy, napagod tuloy ako ng di oras. Eh basketball player ba naman ang habulin ko eh.

“Hay, badtrip talaga…”

Hingal na hingal ako nung mga oras na yun at ramdam na ramdam ko yung pagbeat ng puso ko, ang bilis nga eh, as in. at mas lalo pang bumilis yun kasi…

“Wag niyo kasing pilitin ang ayaw.” 

Si MR. SC President pala. Grabe, nagulat talaga ako nun. Bigla ba naman kasing sumulpot eh. 

“Wag ka ngang basta basta lumalabas…baka atakihin ako sa puso niyan eh.”

Hawak hawak ko yung dibdib ko nun kasi nagulat talaga ako sa kanya. Sino ba naman ang hindi magugulat eh nanggaling pa siya dun sa may madilim na corner.

Nag-shrug lang siya tapos nun eh nilagay yung kamay niya sa pocket niya at naglean dun sa wall. Hmm, ano kayang kelangan nito? 

Tumingin ako sa kanya tapos nagtaas lang ng kilay ko tapos hindi naman niya ako kinibo kaya ayun, umalis nalang ako. Hay, may pagkaweird talaga yang taong yan. Hindi mo maintindihan kung may kelangan pa ba o kaya wala naman.

“Nasa chem lab siya.”

Napatingin ako sa kanya. 

“Kung hinahanap mo kung saan si Vic, nasa chem lab siya.”

At pagkatapos niyang sabihin yun eh umalis na siya. Ang weird talaga niya. Bakit niya ako tinutulungan? O baka naman nangloloko lang siya? 

Sinundan ko naman yung sinabi niya at pumunta sa Chem lab at andoon nga siya. Aba, may mabuti rin palang nagagawa yung Kit na yun. Nagulat si Vic nung makita niyang nahuli ko siya at wala narin siyang magawa nun kasi ang higpit talaga ng hawak ko sa kanya. 

At sa wakas! Natapos din ang nakamamatay na “pagpapakasal” nila nung nagrequest, hapon narin kaya uwian na namin. Hay, sobrang saya ko talaga at last day na namin bukas. Ang sakit narin ng mga binti ko sa kakahabol ng mga pasaway na tao tulad ni Vic. Unlike kahapon, sabay sabay na kaming umuwi. Hindi na kasi ako dumaan sa art room kasi pagod na talaga ako. 

Pagkauwi ko ng bahay eh diretso na ako kaagad sa kwarto ko kasi pagod na pagod na talaga ako. Hindi na nga rin ako nakapag-ym kasi pagkahigang pagkahiga ko palang sa kama ko eh nakatulog na ako kaagad.

*****

Teka, bakit ba ang lakas yata ng aircon?! Ano ba yan! Ang lamig lamig naman! 

Tumayo ako mula sa kama ko, madilim pa nung mga oras na yun kaya hindi ko makita yung dinadaanan ko. Ewan ko kung anong meron pero ang sakit ng ulo ko bigla tapos feeling ko sobrang bigat ng katawan ko. Teka nga, eh hindi naman ako nakakain kagabi eh, bakit ako biglang bumigat? 

Binuksan ko muna yung ilaw sa kwarto ko tapos hinanap ko na yung remote ng aircon. Oh, eh napakahina nga lang nung temperature na naka-set eh. Tumingin naman ako dun sa electric fan at napansin na nakapatay. Teka nga, bakit ba ang lamig lamig??!

Tinignan ko yung orasan, grabe 10 pa lang? Akala ko eh 5 na! Hindi pa pala tapos yung araw!? Ano ba yan…

Lumabas muna ako ng kwarto ko kasi bigla akong nauhaw. Pagkababa ko eh nakita ko si Herc na nakaupo sa sala at nakaglue yung mata sa tv. Ewan ko ba diyan sa kapatid ko, may sarili namang tv ayaw dun manood sa kwarto niya. 

“Hoy Herc, bakit di ka sa kwarto mo manood? Wag mong sabihin takot ka parin sa mumu?”

Tinignan niya ako ng masama. “Nililinis ni manang yung kwarto ko kaya pinalabas ako. Saka hindi ako takot sa mumu no!” Hindi raw takot, if I know pag ginulat ko yan eh maiihi yan sa kama niya.

Dumiretso na ako dun sa ref namin para kumuha ng maiinom. Nakita ko naman si ate Cass na nakadikit na naman malapit sa telepono. Nung makita niya ako eh bigla ba naman akong irapan. Aba, wala naman akong ginagawa diyan eh, hay nako, ang arte talaga.

“Nagutom ka rin ano? May nalalaman ka pa kasing mag-skip ng meals eh alam naman natin na sobrang takaw mo.”

Hindi ko na siya pinansin at kinuha nalang yung pitcher. Medyo umikot yung paningin ko tapos bigla naman akong nilamig. Bakit ba ang lakas mag-electric fan nitong si Ate Cass?

“Hoy ate, kung naiinitan ka dun ka sa kwarto mo at mag-aircon ka. Bakit ba ang lakas lakas ng electric fan mo?”

Tumingin naman siya sa a kin na parang nagtataka at gulat na gulat. Tumayo siya dun sa kinauupuan niya at lumapit tapos nilagay yung kamay sa noo ko.

“Ano ba!”

“Nilalagnat ka ah! Hala ka, ano na naman ang ginawa mo at bigla kang nagkasakit? Lagot ka niyan kay Mama!”

Tinignan ko naman siya ng masama. Ako? nilalagnat? Hinawakan ko naman yung leeg ko nun at tama nga siya, sobrang init ko nga. Hindi ko na masyadong napansin yung mga sumunod na nangyari kasi biglang umikot yung paningin ko. The next thing I know, I blacked out.

*****

“Mama, anong nangyari kay Ate Andy? Nadedz ba siya? Kasi nangyari sa kanya yung mga nangyayari dun sa laro ko sa gameboy pag binabaril ko siya eh. Binaril din ba siya ni Ate Cass?”

Teka, si Herc yang maingay na yan ah? AT ano daw? Ako? madededz? Hindi yata no! 

“Hindi siya nadedz Herc, nilalagnat lang ang ate mo.”

Naramdaman ko naman na may pumatong sa kama ko tapos nun eh may biglang malikot sa tabi ko. Panigurado si Herc yan.

“Ang pula naman ng mukha ni Ate Andy. Hmf, sigurado nagmake-up yan para magpaganda kay…*imitates Andy’s voice* Sasha!”

Aba sumosobra na itong kutong lupa na ito ah! Tinaas ko yung kamay ko tapos binatukan ko siya. Pagtapos nun eh binuksan ko na yung mga mata ko. 

“Ang aga aga ang ingay mo. Nakakairita yung boses mo Herc!”

Kinamot naman ni Herc yung place kung saan ko siya binatukan. Oops, mukhang napalakas yata yung batok ko ah. Tumingin naman ako kay Mama tapos ayun parang masesermonan naman ako nito pero nag-iba kaagad yung emosyon niya sa mukha. Aba, mukhang naawa yata sa akin si mother dearest.

“Aray ate! Hmf, totoo naman eh. Saka, anong maaga? Eh alas tres na po no!”

What?! Ibig sabihin…

“WAA! Bakit hindi niyo ako ginising! Papasok pa ako!”

Tatayo na sana ako nun ng bigla akong tinulak ulit ni mama pahiga sa kama ko.

“Hep hep hep! Hindi ka papasok. Gusto mong lumala yang sakit mo? Buti nga eh bumaba na yung lagnat mo. Napag-alala mo tuloy ako pati narin yung ate Cass mo.”

Teka, are we talking about the same Ate Cass Here? Yung si Cassiopeia Quellisha Ongpauco, ang long time evil sister ko?? Wait a minute, naguguluhan ako.

“Si ate Cass?! As in Ate Cassiopeia Quellisha Ongpauco??!?”

“Oo. Paano, sa kanya ka pa nahimatay kagabi. Nagpanic nga siya eh, akala niya kung ano na raw nangyari sa iyo.” Whoa, parang hindi yata ako makapaniwala diyan ah. 

Lumabas narin sina mama at si Herc para daw makapagpahinga ako. Syempre, kelangan ko rin ng energy para next week, lalong lalo pa detention week ko yun. 

Nabore ako buong maghapon kasi wala akong ginawa kung di manood ng tv at maglaro sa computer ko. Ayaw naman ako pababain ni mama kasi daw baka mabinat ako. Asus, sobra naman siya. Para naman bigla biglang tataas yung temperature ko kapag bumaba ako sa hagdanan. Ang weird talaga ni mama minsan.

Nung hapon naman, sobrang tuwa ko kasi bumisita yung barkada. Grabe nga eh, ang ingay nila sobra. More specifically, si Cheeky. Hindi yata naubusan ng kwento ang loka. Akala mo wala ng bukas kung magdadaldal. Pero syempre, dahil matagal tagal ko naring kilala yan, sanay na ako. 

Mga 6 rin nun nung umalis na sila, actually kelangan pa nga silang pauwiin ni mama eh, paano baka mabinat daw ako. Kaya nung wala na sila eh ayun, bored na naman ako kaya ang ginawa ko eh nag-ym nalang. Nagulat nga ako kasi saktong pagkaonline ko eh sangkatutak kaagad na message at buzz ang narinig ko. At isipin niyo pa, sa iisang tao lang galing iyan ah.

cuteboi: hey! 

<DING>

cuteboi: bat di ka ol kahapon?! 

cuteboi: ano nangyari sa iyo? 

<DING>

O diba? Hindi rin naman masyadong halatang inabangan niya ako diba? Hahah.

sassygirl: whoa, easy lang.

cuteboi: hehe, senxa, nag-alala lng.. 

Natawa naman ako dun. Siya? Nag-alala para sa akin? Eh halos di nga kami magkakilala sa personal eh! Talagang sa chat lang kami friends. Whoa, tignan mo nga naman.

sassygirl: nilagnat kxe aq kaya ala aq kahapon.

cuteboi: oh, pro uminom ka na ba ng gamot? 

cuteboi: kumain ka na ba? 

cuteboi: dapat kain k mrami pra galing ka kaagad 

cuteboi: wag muna diet.. 

Hay, ang kulit talaga nitong taong ito. Pero infareness nakakatuwa siya ah. At ayun, nag-usap naman na kami ng matagal. Buti nalang talaga matagal ko ng ginawa yung mga assignments for next week at pwede akong magparelax relax bukas. Hay, ang talino mo talaga Andy.

Maaga ako nun pinatulog ni mama para daw gumaling na talaga ako. Exagge nga si mama eh kasi sinat nalang talaga ang meron ako pero kahit ganun, sumunod parin ako. Syempre, para may energy para sa susunod na mga araw.

Sobrang aga kong nagising the next day, mga 6 pa nga lang ata nun eh. akala ko nga nung una eh may pasok, buti at pinigilan ako ni manang kung di nakakahiyang pumunta sa school tapos wala naman palang mga studyante, well maliban nalang sa mga nagreremedial. 

“Oh, magaling ka na ba talaga?”

Si papa talaga, huli sa balita. 

“Oo naman po. Kagabi pa po pa…”

Tumawa naman siya nun tapos uminom dun sa tinimpla niyang kape. Hindi nagtagal, nagsibabaan narin ang mga bagong gising na sina Ate Cass at Herc. 

“Oi, sa susunod nga na magkakasakit ka eh siguraduhin mo lang na hindi ka mamemerwisyo ng ibang tao ha?”

Tumingin lang ako kay Ate Cass at bigla kong naisip yung sabi ni mama kagabi.

[/I] “...napag-alala mo tuloy ako pati narin yung ate Cass mo.”[/I]

Napangiti naman ako at tumayo ako dun sa upuan ko at biglang sumugod kay Ate Cass. Niyakap ko siya at yun, kung umarte eh parang germs ako.

“Yuck Andy! Ano bang ginagawa mo?! Wag mo nga akong yakapin.”

Tinawanan ko siya tapos nun eh lumayo narin. Baka tadyakan pa ako niyan eh. Hmf, si ate talaga, pakipot pa at ayaw aminin na medyo natuwa rin siya sa ginawa ko. Hayaan mo na nga yang babaeng yan Andy baka magkablack eye o kaya baling buto ka pa ng di oras eh.

Kumain din naman sila at syempre ako eh nung matapos na eh umakyat nalang. Nagtext naman ako sa mga kabarkada ko at nagyaya. Binigyan na kasi ako ng pera after nilang malaman na nawala yung wallet ko. Syempre, may kasamang sermon yun pero at least hindi na ako pulubi ngayon.

Medyo nainis ako kasi nagtext silang lahat na di sila pwede dahil sa mga assignments. Hay, ibig sabihin mag-isa na naman ako? Ganyan naman kasi parati eh kapag nahuhuli sila sa paggawa ng assignment. Ako lang parati ang lumalabas at pupunta lang ako ng playground at magbabantay sa mga batang di ko kilala kahit hindi naman yun ang pakay ko. 

Nagbihis na ako nun, plain shorts lang saka shirt. Hindi rin naman kasi ganoon kalayuan ang playground sa amin eh. pagkalabas ko ng bahay eh bigla akong nagulat kasi si Vince nag-appear sa harap ko.

“Ei.”

Hay, si Vince talaga, maasahan mo kahit kelan. Ngumiti ako sa kanya tapos dumiretso na kami sa may playground. Marami ring bata dun saka mga yaya na nagbabantay. Kami ni Vince eh umupo lang dun sa swing at pinanood yung mga bata batuta na nagtatatakbo at nagkakandarapa sa sobrang bilis nilang kumilos.

“Hay, grabe bakit ba kapag weekend eh gusto kong pumunta sa school para pumasok, samantalang kapag may pasok naman eh gusto ko na kaagad mag-weekend?! Hay buhay! Bakit ba napakakumplikado mo?”

Tumawa lang si Vince nun at syempre ayun, nagkwentuhan narin kami tungkol sa kung anu-ano. Nakuwento ko pa nga sa kanya yung tungkol kay mr. Cuteboi eh. At ayun, nag-ala tatay effect na naman at naging overprotective. Kung si papa nga eh hindi naggaganyan sa akin, paano pa kaya siya? Hindi narin naman na kami nag-usap pa tungkol dun. Binaling nalang namin yung usapan dun sa upcoming detention week ko. Hay, sobrang banas na banas talaga ako dahil dun at gusto ko pa ngang balikan si Keri eh. 

Mga hapon din siguro nung makabalik na kami sa bahay. Sakto andoon si mama. Naggrocery kasi siya nung umalis ako sa bahay. Sobrang tagal nga eh kaya niloloko namin siya na binibili niya yung lahat ng nasa supermarket.

“Hindi ko binili lahat no. Ano ba kayo? Dumaan lang ako sa bahay ng kaibigan ko at nagkausap kami at hindi na namalayan ang oras.”

Uy si mama, defensive. Sabay sabay kaming kumain ng dinner. Ewan ko nga eh, parang nakakapanibago kasi parang ang formal pa ng setting. Nagluto si mama ng roast chicken tapos may mashed potatoe at gravy pa. Teka nga, may occasion ba ngayon?

“Teka mama, anong okasyon at bigla kang naghanda ngayon?” 

Ngumiti si mama ng todo na parang wala ng bukas. Nakakagulat nga eh pero hindi nalang namin masyado inintindi yun. Nakinig nalang kami dun sa explanation niya sa “engrande” naming dinner.

“Well, alam na ito ng papa niyo kasi matagal na namin itong napapag-usapan.”

Aba, may pasecret pa silang nalalaman ah. For sure naman kasi na malalaman at malalaman din namin yun eh.

“Wag mo sabihin ma na lilipat tayo ng AmericA?!”

Sobrang panic nung mga mukha namin nun at sabay sabay pa kaming nagsabi ng “Ayoko nga” kay Mama. Si mama naman eh tumawa lang tapos umiling. Whew, muntik na ah.

“Well, gusto lang namin I-announce na…”

Tumigil si mama tapos tumingin sa akin. Ako naman eh napataas yung kilay ko ng di oras. Pati nga sina Ate Cass at Herc eh, parang gulat na gulat. Teka, ang announcement nila tungkol sa akin?!

“We found a future husband for Andy.”

Asus yun lang pa-----WHAT?!

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...