Chapter 4.

42 0 0
                                    

“You’re joking right?” partner?! What does she mean by that? Arranged marriage!? Hindi pwede yun! Ano ba naman yan! 4th year highschool pa lang ako eh may nakatakda nang ipakasal sa akin! Teka nga, uso pa ba yan?!

“We’re not joking Andy. Ayaw mo nun, you don’t have to find someone kasi nakahanap na kami ng suitable boy for you.”

Are they crazy?! Gusto ko yatang ako mismo yung pipili ng mamahalin ko no!

“Ma naman! Bakit ako? Bakit hindi nalang si Ate Cass? O kaya si Herc? Saka ma, hindi ba napakamodern na natin para sa mga ganyan!?”

“Oi wag mo akong damay sa problema  mo Andy.”

“First of all, hindi pwede si Cass kasi she’s too old for him. Yung lalaking yun eh ka-age mo lang and you go to the same school. Si Herc naman hindi pwede dahil…well I think it’s already obvious. Magtigil ka nga diyan Andy, wag mo nang ipasa yung nailaan para sa iyo.”

Wah! Hindi pwede to! Nakakainis talaga! Ang badtrip naman!

“Ma…please, don’t ruin my life.” 

Tumingin si mama sa akin na parang nagulat sa sinabi ko. Totoo naman eh. it may sound corny pero I want to find my own happily ever after. Ayokong iba ang magdedecide para sa akin nun.

“It won’t ruin your life Andy. We know his family at matagal nang magkaibigan ang pamilya natin sa kanila. You really don’t have to worry about anything.”

Wait, family friend? Matagal nang friend ng pamilya namin? Hindi kaya si Vince yun?!? Wah, hindi pwede. Hindi ko siya mahal!

“Ma…” 

“No more arguments Andy.”

“Sino ba ang malas na pakakasalan nitong si Andy?”

Tumingin ako ng masama kay Ate Cass tapos umirap. Hmf, as if naman hindi pa obvious yun.

“We’ll meet them next Friday.”

Next Friday? Hindi pwede! Hindi pa tapos detention ko nun.

“We can’t.” 

Napatingin naman silang lahat sa akin na parang tinubuan ako ng isa pang ulo.

“Detention for two weeks? Remember?” and for once in my entire life, naging masaya ako at may detention ako.

“Kelan ba matatapos yang detention mo?”

Alam kong medyo asar nun si mama, hindi lang dahil sa makakaharang yun sa plans pero dahil sa point na nagkaroon ako ng detention. Hay, ewan.

“Next next Friday. September 14.” 

“Okay, irereschedule nalang namin dun.”

Hay, wala parin palang takas. Nag-excuse na ako kasi nawala yung gutom ko. Wala na akong pakielam kahit gaano kasarap pa yung pagkaing pinapalampas ko. Nawalan ako ng gana dahil sa stupid Arranged Marriage na yan.

Pagakyat ko sa kwarto ko humiga kaagad ako sa kama. Tinakpan ko ng pillow yung mukha ko saka sumigaw. Argh, nakakaasar talaga. Parang tinanggalan nila ako ng freedom. Naman!

Nung dumating yung Sunday, buong araw akong nagkulong sa kwarto ko. Lumabas lang ako nung nagsimba na kami pero pagtapos nun eh nagkulong nalang ulit ako. Nung Monday naman eh maaga akong nagising. Tetext ko na sana si Vince nun ng…

“Ihahatid ka ni manong ngayon Andy.”

Great, just great. Hindi na ako nakipagtalo kasi sa totoo lang, wala ako sa mood. Siguro hindi pa alam ni Vince yung mga mangyayari kasi hindi man lang siya tumatawag o nagtetext. Hahayaan ko nalang siguro na ganun nalang, malalaman rin naman kasi niya yun pagdating ng September 14 eh. 

100 days?!Where stories live. Discover now