When You Realize

By Yelleydoodles

10.8K 212 96

More

When You Realize
Characters
Chapter 1 - Best friends
Chapter 2 - In Denial
Chapter 3 - Jealous of the Eye Candy
Chapter 4 - That Special Feeling
Chapter 5 - The What Ifs
Chapter 6 - The Dance Formal
Chapter 7 - Simplest but Sweetest Gestures
Chapter 8 - First Admission
Chapter 9 - What Happened in Valentine's Day?
Chapter 10 - The Painful Flashback
Chapter 11 - The Reason Why
Chapter 12 - Reading Between the Lines
Chapter 13 - Wedding Bells Went Kaput
Chapter 14 - Keeping Your Friends Close and Enemies Closer
Chapter 15 - What You Didn't Know
Chapter 17 - Confessions
Chapter 18 - The Start of Something New

Chapter 16 - Sparkplug

529 11 3
By Yelleydoodles

Sa halos 3 buwan na nasa Pilipinas si Tin ay abala ito sa pagtulong kina Martina at Gab sa pag aasikaso ng kasal nilang dalawa…Umaattend rin ito sa mga events ng parents niya at kung hindi naman ay kusa siyang naiimbitahan sa mga local charity events ng Manila business club…Isa sa kontribusyon ni Tin ay ang mga paintings nito…Marami na itong naipinta ngunit kakaunti lamang ang nakakakita at nakakakuha nito dahil gusto niyang nakikita ang bawat piece of artwork na ginagawa niya…lahat ng ipinipinta ni Tin ay may sentimental value sa kanya kaya pinipili niya ang mga events na sasalihan niya at talagang umaattend siya nang sagayon ay siya mismo ang mag abot ng painting sa mag mamay-ari nito.

Isa sa mga dinaluhan na events ni Tin ay ang ADMU Alumni Charity Event, at bilang graduate ng  naturang eskwelahan, hindi niya pinalampas ito…Isa sa mga una niyang art pieces ang kanyang idinonate for the said event…ito ay tinawag niyang the aqua lady…ito ang isa sa pinakapaboritong art pieces ni Tin because the painting resembles her personality and the things that she went through before and after the heart surgery…ito rin ang unang painting niya matapos ang kanyang heart surgery at ipinaship talaga ito ng mommy niya mula sa Espanya para i-display sa bahay nila...Naisipan ni Tin na ito ang ipa-auction bilang marami sa mga kakilala niya ang sobrang interesado rito…ngunit hindi naman talaga niya binebenta o basta bastang pinamimigay ang art pieces niya kung kaya’t sa charity event na ito niya piniling ipa-auction ang painting…

Nung gabing iyon, piniling suotin ni Tin ang isang turquoise-shade mullet dress at gold stilettos, bilang simbolo ng paglet go niya sa painting na iyon…nasa backstage si Tin at hinihintay na magsimula ang auction nang bigla itong makaramdam ng kaba habang sumisilip sa mga taong unti unting pumupuno sa mga upuan sa harap…napapikit ito bigla at napadasal.

“Lord,sanawhoever wins the painting will take care of it…” dasal ni Tin sa kanyang isip habang nakapikit sa isang sulok…Bigla nalang nitong naramdaman na may tumapik sa balikat niya…napadilat siya at nagulat nang makita kung sino iyon…

“Are you okay?” tanong nito sa kanya..

“Slater?” Gulat na sabi ni Tin… “Anong ginagawa mo rito?” dagdag na tanong niya rito.

“Well, I’m an Alumnus so I think I’m also invited to this event…” sabi nito kay Tin.

“Ah, okay.” Matipid na sabi ni Tin sabay iwas ng tingin kay Slater at saka sumilip muli sa may kurtina at nagpaikot ikot ng lakad roon.

“Okay ka lang ba? You seem very anxious walking around in circles.” Nagtatakang tanong niya rito.

“I’m okay, you can go now.” Taboy ni Tin rito…

Ngumiti si Slater saka nagsalita. “Don’t worry, she’ll be in good hands.” Biglang nasabi ni Slater saka ito nagpaalam kay Tin at lumabas ng backstage..

Mukhang lalong kinabahan si Tin nang marinig si Slater. “Anong ibig niyang sabihin? Sasali kaya siya sa auction? What if siya ang makakuha ng painting? Naloko na!” sabi ni Tin sa kanyang sarili nang bigla siyang tawagin ng host ng auction na iyon…           

“Help me welcome, the artist behind the Aqua Lady, Ms. Christine Nicole Rodriguez.” Sabi ng host at saka huminga ng malalim si Tin at lumabas sa may gilid ng kurtina…tumayo ito sa tabi ng painting niya ngumiti sa mga tao roon…Ilang saglit lang ay nagsimula na ang bidding…

“Okay, we’ll start the bidding at Fifty thousand pesos!” sabi ng host.

Matapos ang isang Segundo ay agad na itinaas ng lalaki ang kanyang paddle. “55 thousand!” sabi nito.

“55 thousand for number 84.” Sabi ng host sabay acknowledged dun sa lalaking nag bid.

“Sixty!” Sigaw naman ng isang babae sabay taas ng paddle niya.

“Sixty thousand for the Red Lady.” Sabi muli ng host.  “C’mon guys, higher!” anyaya ng host sa mga guests.

“Eighty!” Bid ng isang middle-aged woman sa may harapan.

“Madam just raised the stakes to 80 thousand pesos…Anyone who wants it for a higher price?” tanong ng host.

Nabigla si Tin nang pataas ng pataas ang halaga ng bidding na iyon…umabot na sa P300,000 at wala paring gustong sumuko…Gusto nang maiyak ni Tin sa tuwa dahil para ito sa operasyon at maintenance ng mga bata sa heart center…Although kaya naman niyang mag donate ng pera rito, iba parin kapag may nagagawa kang tulong sa ibang paraan…Napapaisip si Tin ng mga oras na iyon nang marinig niyang ibinagsak ng host ang mallet, sensyales na mayroon nang nakakuha ng painting.

“Sold to Mr. 284 at P750,000!” Sigaw nito. “let’s give him a warm of applause for being so generous in buying this precious art piece for the kids of the heart center.” Naiiyak na sabi ng babaeng host habang inaanunsyo ang partisipasyon nito…

Hinahanap ni Tin kung sino ang nanalo ng painting pero hindi niya ito masilayan…napansin niya ang isang babae na lumapit sa host, tila pinapatawag si Tin dahil tinuturo siya nito…maya maya lamang ay nilapitan ng host si Tin.

“Ms. Rodriguez, are you ready?” tanong niya kay Tin.

“Yes. But I would want to personally turn over the painting to the winner, if you would allow me to.” Nakangiting sabi ni Tin rito.

“Of course…of course… Mr. 284 is now waiting at backstage.” Sabi ng host…

Tumango na lamang si Tin saka pinakuha sa dalawang lalaki ang painting niya at ipinapasok ito sa backstage kung saan naghihintay na raw ang nanalo ng painting…Ipinalapag ito ni Tin sa stand at saka siya naiwang mag isa habang hinihintay ang nanalo ng painting…Habang nakaupo sa couch roon ay naaniagan ni Tin ang isang pigura ng lalaki na pumasok mula sa may sulok ng kurtina…Ngunit nasira ang ngiti nito nang makita kung sino iyon…

“Tsss…Slater? Ikaw nanaman? Talaga bang sinusundan mo ako?” Pagtataray ni Tin.

“Me? Of course not. I just want to claim my painting.” Nakangiting sabi ni Slater rito.

Natigilan si Tin sa narinig…napakunot ang noo nito at tinignan sa mata si Slater. “What do you mean your painting? Oh my!! You’re the one who bought my painting for that amount??????” Gulat na tanong nito sa binata..

“Yep. And just like in the rules…Here’s the check…It’s a pleasure to be receiving this painting, Ms. Rodriguez…” sabi ni Slater saka inabot kay Tin ang cheke na naglalaman ng P750,000..

Hindi ito magawang tanggapin ni Tin… “Nagpapatawa ka ba? Bakit mo naman bibilhin ang painting ko? Wala ka na ba talagang magawa sa buhay mo kung hindi asarin at guluhin ako? Please, Slater. Wag mo namang gamitin ang mga bata for your silly acts. Grow up!” Inis na sabi ni Tin rito saka itinapon ang cheke sa dibdib ni Slater.

Tila nag iba ang aura ni Slater sa ginawa ni Tin. Pinulot nito ang cheke saka pinagpag at inilapag ito sa may lamesa sa tabi. “It wasn’t for you, Tin…This was supposed to be for the kids…if you don’t want me to have the painting, it’s okay…but at least take the check….not for your sake, but for them.” Matipid na sabi ni Slater saka ito tumalikod at naglakad papalayo kay Tin…

Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Tin sa kanyang kinatatayuan…Hindi niya magawang aminin na nagkamali ito ng inaakala…Hindi niya naisip na para pala iyon sa mga bata, at kahit pa si Slater ang nakabili nun, ang mahalaga ay malalaki ang maitutulong ng pera nito para sa pagpapagamot ng mga batang may sakit sa puso…naluha si Tin sa kahihiyan at saka kinuha ang cheke at dali daling ibinalot ng puting tela ang painting niya…maya maya lamang ay ipinasakay niya ito sa kanyang sasakyan at dali dali siyang nagmaneho pauwi sa kanila.

Pagdating nito sa kanila ay dali dali siyang pumasok sa loob ng bahay at ipinapasok sa kanyang yaya ang painting sa loob ng bahay at umakyat na ito sa kwarto niya…inalis niya ang suot niyang sapatos saka napahiga sa kama…nakatulala ito habang nakatitig sa ceiling..

“Shocks, Tin! You could’ve at least said thank you…Nakalimutan mo na it was for charity…” sabi ni Tin sa sarili niya habang pinupukpok ang ulo niya gamit ang palad niya… “Nakakahiya naman dun sa tao…ang laki ng dinonate niya tapos….Errrrr!!! Stupid past!” inis parin na sabi ni Tin sa sarili nito… Maya maya lamang ay nagpasya itong magbihis at saka matutulog nasananang kumatok sa pinto nito ang kuya niya…

“Tin, can we talk?” tanong ng kuya nito nang sinilip siya sa loob ng kwarto..

Umikot si Tin saka nagsalita. “Sure.” Matipid na sagot nito sa kuya Gab niya saka umupo… “About what?” tanong naman nito.

“Just talked to Slater, and I heard about what happened. Why did you do that to him?” Tanong ni Gab sabay bigay ng masamang tingin kay Tin.

“Kuya, I didn’t mean it…Nabigla lang ako, okay?” Depensa naman agad ni Tin rito.

“You could’ve declined it in a nice way…But why did you have to throw the check? I don’t think he deserved that, especially when it’s not about the two of you. And honestly, I was a little disappointed with how you reacted.” Matigas na sabi ni Gab rito.

Natahimik si Tin sa sinabi ng kapatid…Nabigla lang talaga siya ng mga oras na iyon…inakala niyang pang iinis lamang ang ginawang pag bid ni Slater para sa painting niya…Hindi niya naisip na may magandang patutunguhan ang idodonate nitong pera…

“Sorry kuya. I really didn’t mean it…” sabi ni Tin sa kapatid.

“Don’t say sorry to me…I think you already know to whom you should apologize.” Sagot ni Gab rito. “I know masyado kang nasaktan sa ginawa niya noon, but I think it’s time to forgive and totally forget…so both of you can finally move forward…I’m getting married and I don’t want my kids to see our families still fighting over what happened 3 years ago…” Dagdag pa ng kuya nito.

Tinignan nito ang kuya niya saka tumango at pagkatapos nun ay lumabas na ng kwarto si Gab at naiwang nakaupo sakamanito si Tin…

“Siya tong may malaking kasalanan sa akin and I think he deserved that pero why do I feel like I’m guilty? Sakit sa ulo ng lalaking yan! Grrrrr…” sabi ni Tin sa sarili niya… “Bahala na nga si Batman!” sabi niyang muli saka humiga sakamaat pinilit na matulog…

Nung sumunod na araw ay medyo natagalan ng gising si Slater dahil Sabado naman iyon at wala siyang gagawin sa opisina…nagpaikot2 muna ito sa kwarto hanggang sa mapansin niya ang isang malaking bagay na nakatayo sa may work table niya…nakabalot ito ng putting tela ay may nakadikit na card rito…

To the new owner,

Here’s the Aqua Lady…Take care of her. And thank you.

Tin.

Ito ang mga katagang nakasulat sa card na iyon…napatingin si Slater sa bagay na nakabalot ng puti at saka ito dahan dahang binuksan…Namangha ito nang makita sa malapitan ang painting…napangiti ito saka ibinalot muli ang painting at pumasok na sa loob ng banyo para maligo…

Samantalang mag dadalawang linggo nang walang naririnig si Tin mula kay Slater…Linggo linggo kasi ay mayroon itong natatanggap mula kay Slater simula nang umuwi siya ng Pilipinas…ngunit pagkatapos nung charity event ay hindi na ito muling nagparamdam…hindi rin ito masyadong nakkwento ng kuya niya o ni Martina dahil sa loob ng dalawang linggo ay umuwi sa kanila si Martina bilang dumating na ang parents nito mula sa states…Biyernes, araw ng kasal nina Martina at Gab at abala silang lahat para sa espesyal na araw na ito…Nasa suite sila ng isang 5-star hotel at nag aayos kasama ng iba pang mga bridesmaids at miyembro ng entourage…pagkatapos mag ayos ay bumaba si Tin dun sa kwarto nila ng parents niya at kuya niya para dun na magbihis…

Paglabas nito ng dressing room ay napalingon rito ang mga magulang niya saka ang kuya niya…Natigilan naman ito saka tinignan ang sarili sa salamin… “Uh, why are you all looking at me like that? Is there something wrong with the dress? O maymaliba sa ayos ko? Pangit ba?” sunod sunod na tanong nito…

Nilapitan ito ng ina. “Of course not…You’re just perfect! In fact, you’re more than perfect, anak!” Naiiyak na sabi ng mommy niya.

“Mommy talaga…kala ko naman kung ano…kung makatitig kayo, kala mo maymali. Hahaha! Siyempre naman! Mana ako sayo eh!” Pagbibida ni Tin sa mommy niya.

“Ehem!” biglang singit ng Daddy niya. “I think you have to correct yourself there, young lady.. Mana ka sa aming dalawa ng mommy mo…It takes two to tango, diba?” Pagkokorek ng daddy niya sa kanya.

Natawa naman si Tin sa narinig. “Hahaha! Daddy talaga oo…Oo na, mana na ako sa inyong dalawa!” Sabi ni Tin. “Eh wait, bago tayo mag emote, eh diba si kuya ang ikakasal, dapat nasa kanya ang atensyon ngayon..”Dagdag ni Tin sa mga ito.

“Well, little sis, you’ve outdone yourself today…I have to say, you do look extra beautiful today…Looking forward to seeing someone, I guess?” hirit ng kuya niya habang inaayos ni Tin ang midnight blue bowtie nito.

Hinigpitan ang pagkakatali ng bowtie. “Referring to a close friend, kuya? Well, if you are, please erase that thought because I’m not.” Pagalit na sabi niya rito.

“Woah woah! I have a wedding to attend to…Okay okay…Hindi ka na nag effort para sa kanya…just enjoy the party…You know, you might meet guy there that you would actually like.” Sagot ng kuya nito.

“You know Tin, you’re kuya is right. I think 3 years of being single is enough. Enjoy yourself…Meet new friends…New boys.” Sabat naman ng mommy nito.

“Well hon, Gab. Why not let her enjoy her single life? She’s just beginning to blossom, let’s let her be.” Biglang nasabi ng Daddy nito bilang saway kina Gab at Anya

Matapos ayusin ang bowtie ni Gab ay napaupo si Tin saka pinaypayan ang sarili… “Grabe! Kasal ni Kuya pero ako ang hot topic. Pwede bang move on na tayo?” sabi ni Tin sa mga ito.

Natawa na lang ang mga magulang at ang kuya niya sa kanyang sinabi…Maya maya lamang ay kumatok na sa pinto ang photographer at nag initiate itong kunan sila ng family picture…pagkatapos ay isa-isa silang kinunan…Pagkatapos ng ilang saglit ay tinawagan na ng wedding coordinator si Tin para umakyat nang makunan sila ng group shot kasama ang bride…nagpaalam ito sa parents at sa kuya niya na mauunang aalis papuntang simbahan…saka ito sumakay ng elevator papaakyat sa 14th floor kung nasaan ang suite ng bride to be.

Nasa may sala ng suite ang mga bridesmaids na sina Shiela at Sheena, kambal na pinsan ni Martina; si Carla, ang pinsan naman nila ni Gab na lumipad pa from Singapore kung saan ito nagaaral ng international design…Silang 3 ay naka silver na cocktail dresses with blue shoes, na ibinagay ni Martina sa youthful aura ng mga ito. Naroroon rin sa loob suite ang 6 na cute na flower girls na naka turquoise dresses naman at suot2 ng mga ito ang silver berets instead of the regular floral crowns dahil narin sa suggestion ni Tin na wag gawin masyadong traditional ang itsura ng mga parte ng entourage…Natuwa naman si Tin sa nakita at pagkatapos ay pumasok na ito sa loob ng kwarto ng kaibigan niya…Nanlaki ang mata ni Tin nang makita si Martina.

“Besh!!!!” hiyaw ni Tin pagkakita niya sa kaibigan… “OMG!! You’re the prettiest bride ever!” dagdag niya saka bumeso sa kaibigan.

“Well, speak for yourself…You almost outdone me Ms. Rodriguez! But it’s nice to have someone as pretty as you in my wedding…” Sabi ni Martina rito.

“Grabe!! I can’t believe you’re getting married na to kuya…and you’re officially going to be my sister for life! Eeeeeek!!!!” Natatawang sabi ni Tin.

“I know right! At least now, I get to call you sis!” Kinikilig na sabi ni Martina.

“Well, your dream wedding is finally coming true. I’m really really happy for you, Marts.” This time tila gustong tumulo ng mga luha ni Tin. “Ano ba yan! Sabi ko sa sarili ko na hindi ako iiyak pero…waaah!” dagdag ni Tin sabay kuha ng tissue at pinat ang pisngi niya.

“Grabe ka!!! Wag mo akong paiyakin!! Ayokong magmukhang zombie sa kasal ko!!” Naiiyak na sabi ni Martina.

Magkayakap ang dalawa nang biglang pumasok ang mommy Lara ni Martina kasama ang photographer.

“O siya, tama na yang iyakan at malapit na tayong umalis…But before that, kelangan may picture ang bride and her maid of honor.” Sabi nito sabay senyas dun sa photographer na kunan silang dalawa…Panay naman ang pose nilang dalawa habang kinukunan…pagkatapos ay ipinatawag ang mga bridesmaids at flower girls para sa group shot nila roon…at bandang alas dos ng hapon nang sumenyas na ang wedding coordinator na kelangan na raw nilang magtungo sa simbahan…

Kasabay ni Tin sa van ang mga bridesmaids at flowergirls at convoy nila ang cream vintage bridal car sakay si Martina kasama ang parents niya...Dahil wala gaanong traffic at malapit lamang ang Santuario de San Jose sa kanilang hotel ay mabilis itong nakarating…naunang bumaba ng van ang mga flowergirls at bridesmaids saka lumapit ang mga ito sa may entrance ng simbahan kung saan sila ginather ng wedding coordinator…Nasa loob ng simbahan sina Gab at Slater at kausap ang iba pa nilang mga kaibigan nang sinenyasan na ang mga ito na magsisimula na ang seremonyas…Pagpunta ni Slater sa may labas ng entrance ng simbahan ay nakita nito si Tin, ngunit mabilis niyang iniwas ang kanyang tingin nang makita itong papalapit sa kanila ni Gab. Hindi siya pinansin nito at sa halip ay kinausap ang kapatid.

“Kuya, the wedding’s about to start na. Just relax. Okay? Goodluck and I love you!” sabi ni Tin sa kuya niya na halatang kinakabahan habang nakatayo ito roon.

“Thanks, Sis. I’m okay.” Assurance ng kuya nito sa kanya.

Ngunit bago maglakad si Tin papunta sa pwesto nito ay napalingon ito sa gawi ni Slater na nakatingin sa ibang direksyon…Hindi niya alam kung nakita siya nito pero inalis na muna niya ang kanyang isipan sa binata saka nagfocus sa magaganap na kasalan…naglakad ito papunta sa may bridal car kung saan nag hihintay si Martina kasama ang parents niya.

Ilang sandali lang ay pumasok na ang mga bisita sa loob ng simbahan at saka pinatugtog ang kantang Reign of Love ng Coldplay…Isa-isang naglakad ang mga ibang members ng entourage tulad ng mga ninong at ninang, ang partners ng veil and chord, candles, at iba pa…tamang tama rin ang kanta nito sa procession ng groom with his parents at ng iba pang male wedding entourage members…Sumenyas na ang wedding coordinator saka nagsimulang maglakad papasok ng simbahan ang nakaputing tux at blue bowtie na si Gab…Ang laki ng ngiti nito habang naglalakad at saka ito sinalubong ng mga magulang sa may bandang gitna at inalalayan ang mommy niya habang sabay silang tatlo na naglakad papunta sa may dulo ng aisle…Sinundan ito ni Slater na naka black tux at black tie at ngumiti rin ito habang naglalakad hanggang sa makaabot siya kung saan nakatayo si Gab…nagpatuloy ang instrumental music na iyon hanggang sa makarating sa kani-kaniyang upuan ang iba pang male entourage members…

Muling nagchange ang music into a lighter mode para bigyang daan ang pagpasok naman ng female members of the entourage, kabilang na rito ang mga bridesmaids at flower girls…This time, pinatugtog ang kantang Don’t Know Why ni Norah Jones at live itong kinakanta ng hinire na wedding singer ng bride at groom na si Melly...Isa isang naglakad ang mga bridesmaids at pagkatapos nito ay ang mga flower girls naman…alternate ang anim na little girls, tatlo sa kanila ay ang tig iwan ng floral trails aisle habang ang tatlo naman ay tig blow ng bubbles habang naglalakad…sinundan naman ito ng ring, coin at bible bearer na naka white tuxedo rin at nakasilver bowtie naman…kung titignan ang entrance ng simbahan, may puting tela na tila nagsisilbing kurtina nito para hindi makita ang mga papasok…mula sa loob, masisilaw ka sa ilaw na nagmumula sa araw sa labas at ang sumunod na pumasok ay nagpahinto sa mundo ni Slater ng mga oras na iyon…

Iniluwa ng puting kurtina ang napakagandang si Tin…suot nito ang one-strapped flowy turquoise backless long dress na may diamond at swarovsky crystal beading…Hindi niya maiwasang mapatitig rito habang nakangiti itong naglalakad sa aisle…

“God, she is really beautiful!!!!!” Sigaw ni Slater sa isip nito habang nakatitig parin kay Tin…Tila parang naging slow motion ang lahat habang naglalakad ito…Parang mahuhulog ang puso nito nang lumapit si Tin sa kapatid niyang si Gab na nasa tabi lang ni Slater at bineso ito saka niya tinignan si Slater at ningitian ito at nagtungo na sa kabilang side ng aisle kung saan nila aabangan si Martina…

Nagchange narin ang music…this time, pinapatugtog na ang kantang “She” ni Elvis Costello, cue ng pagpasok ng bride sa loob ng simbahan…nagsitayuan na ang mga bisita at lahat ng mata ay nakatuon ay Martina…lahat maliban kay Slater na nakatitig parin sa kapatid ni Gab na si Tin…Bumalik lamang ito sa katinuan nang tinapik siya ni Gab nang mahalata nito ang ginagawa.

“Hey buddy, yang laway mo tumutulo na…stop staring at my sister, this is my wedding…” pang-asar ni Gab rito saka niya iniba ang tingin pero sumusulyap parin kay Tin paminsan minsan…

Nang makarating si Martina sa may dulo ng aisle ay sinalubong ito ni Gab saka kinamayan ang Daddy niya at bineso ang mommy niya…ilang saglit lang ay hinawakan nito ang kamay ni Martina at inalalayan ito paakyat sa may altar at nagsimula na ang seremonyas…seryoso ang lahat sa pakikinig sa sermon ng pari…at naiyak ang halos lahat ng bisita nang magpalitan na ng wedding vows at I do’s ang dalawa...hindi mapigilang sumulyap ni Slater kay Tin ng mga oras na iyon…nakita niya ang mga luha na tumutulo sa mukha ni Tin habang nakikinig sa vows ng dalawa…tila bumigat ang kanyang loob nang maalala ang supposedly wedding nila ni Tin noon…

“If only I was only man enough to have married you.” Sabi ni Slater sa kanyang sarili habang nakatingin rito…ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay napatingin si Tin sa gawi niya kaya agad niyang binawi ang kanyang mga tingin at humarap sa altar...

Sa pagtatapos ng seremonyas ay ipinakilala na sina Gab at Martina bilang asawa… “Ladies and Gentlemen, I now present to you, after being blessed by Lord Jesus Christ on this church, Mr and Mrs. Gabriel Clarence and Martina Angelique Rodriguez…And yes Gab, you may now kiss your bride.” Sabi ng pari saka naghiyawan ang mga tao sa simbahan…

Pagkatapos nito ay pinirmahan na nila ang kanilang wedding certificates at nagsimula na ang picture taking…una ang bride and groom, tapos kasama ang parents ng groom, then yung sa bride tapos sabay na ang apat na parents nila…Hindi rin papahuli ang nag iisang kapatid ni Gab na si Tin na kasama nila sa family picture…Ngunit, tulad ng inaasahan, kasama rin ng bride and groom sa picture and kanilang maid of honor at bestman na sina Tin at Slater…Medyo may ilangan ang dalawa pero pinakusapan naman ito ng bride and groom na umayos muna kahit sa picture lang, kung saan nakisama naman ang dating magkasintahan…

Pagkatapos makapagpapicture ng lahat ay isa isa nang nag alisan ang mga tao papunta sa isang garden reception malapit lang roon…Nagkataong nakita ni Slater si Tin na mag isa sa labas ng simbahan habang hinihintay sa sasakyan ng Daddy nito kaya agad niya itong nilapitan..

“Hey Tin.” Bati ni Slater.

“O, bakit?” Agad naman na tanong ni Tin.

Tila parang natigilan si Slater nang makita sa malapitan ang magandang mukha ni Tin kung kaya’t hindi ito agad makapagsalita.

“Hello? Roxas? May sasabihin ka ba?” Naiiritang tanong ni Tin sa nakatulalang si Slater.

Bumalik sa katinuan. Napakamot sa ulo. “Ah eh…wala naman…Just want to say, you’re beautiful today.” At nailabas rin niya ang kanina pa niya gustong sabihin.

Tinignan ito ng masama ni Tin. “So, ngayon lang ako maganda, ganun?!” pagtataray nito.

“No!!” bilang sabi ni Slater ng malakas na ikinabigla naman ni Tin. “I mean. No, what I meant was you’re extra beautiful today. That’s all. See you later.” Sabi ni Slater saka dali daling nagtungo sa sasakyan nito.

Naiwan roon sa kinatatayuan niya si Tin…tulaley matapos marinig iyon mula kay Slater.

Hahahaha Sorry sa update, medyo busy lang lately... Anyways, hindi ako makahinga sa pictures mula sa GTG ng SLATIN!!! Pabawiin muna natin si Slater kahit ngayon lang…Hahahaha!! Congratulations sa lahat ng mga saging na nagpunta sa GT last Sunday…I’m sure super saya niyong lahat, lalong lalo na dahil live na live ang ka-sweetan ng dalawa!!! Ang saya ng rollercoaster ride na ito! Hahahaha Abanganerts ang mga ganap sa wedding reception at iba pa…Eeeeeeeks!

Continue Reading