Chapter 7 - Simplest but Sweetest Gestures

398 10 8
                                    

Simula nung gabing iyon ay naging mas transparent na ang dalawa sa kanilang nararamdaman…bagamat wala pang umaamin ay kitang kita ng mga tao sa paligid nila kung anong meron sa pagitan nila…Ilang buwan na ang lumipas at lalo silang nagiging mas sweet sa isa’t isa…Laging masaya si Tin at lagi na itong nakaayos…gayun rin si Slater na laging nakangiti at sobrang daldal na, kahit sa kanyang mga magulang…ayaw man nilang sabihin ay hindi naman maitatago na higit sa pagiging magkaibigan ang turingan nilang dalawa..

Isang hapon sa bahay ng mga Roxas ay nasa may pool area nila si Slater at tinutugtog ang kanyang gitara habang may mga nakakalat na mga papel sa lamesa…tila parang sinusulat nito ang bawat nota na nagagawa niya sa paggigitara…Nasa gitna ito ng pagsusulat nang abutan siya ng kanyang ama na kakauwi lamang mula sa opisina…

Anton: O son…mukhang busy ka ata ah…

Slater: (Napansin ang pagdating ng Daddy niya) O Dad! Nandito na pala kayo…(inilapag ang gitara) Hindi naman po, may ginagawa lang…

Tatayo nasanaito nang nilapitan ito ng ama at kinuha ang ilang papel mula sa table saka ito sinuring mabuti…

Anton: You’re writing songs? Since when? (nagtatakang tanong nito)

Ang totoo kasi matagal naman nang susulat ng kanta si Slater, pero never niya itong sinabi sa kanyang mga magulang, nahihiya kasi ito at tanging si Tin lamang ang nakakaalam ng sikreto niya…

Slater: Ah eh..Opo…medyo matagal narin po..(nahihiyang sagot nito)

Anton: Why didn’t you say so? (tinignan yung papel) This looks good ha…You should have told us,sanawe could’ve recorded it…sayang yung music room natin, walang gumagamit…

Mahilig rin kasi si Anton sa musika, marahil at dito namana ni Slater ang talento niya…Kasama ni Anton si Nicholas sa isang banda nung college pa sila, kaya pati si Tin ay musically inclined rin, katulad ni Slater…

Slater: Hehehehe nothing serious naman po…Just trying my luck lately..

Anton: Well, something is inspiring you lately…or should I say, someone??? (pang iintriga ng daddy nito)

Slater: hahahaha Si Dad talaga!! Wala po…

Anton: Are you sure? C’mon, this is the first time that I’ve ever seen you write a song…Now tell me, who’s that special girl…

Naiilang si Slater na pagusapan ang lovelife nito…never kasi nabanggit ni Slater na nagkagusto ito sa isang babae…ang totoo, never rin siyang nagka girlfriend dahil busy ito sa school at hindi ito ang focus niya sa ngayon…kahit pa maraming nagkakandarapang mga babae na maka-date lamang siya…

Slater: Uh…Ehh…Ano po kasi…(sabi nito at napakamot sa ulo)

Anton: Is she someone we know? Someone we know very well? (mas malaman na tanong nito)

Slater: Yes. (nakangiting sagot ni Slater)

Anton: And does she make you happy?

Slater: Yes (proud na sabi nito)

Anton: Well, if that’s the case…No more questions should be asked…If you’re happy, I’m happy for you, son…(sabi nito saka inakbayan si Slater)

Slater: hehehe Thanks Dad! (sagot nito) By the way, where’s mom? Isn’t she supposed to come home with you?

Anton: Ahh! She’s with Anya and Tin…I think they’re discussing some business over merienda…

Slater: Talaga po? (nagtatakang tanong ni Slater) Nasaan kaya sila? (dagdag pa nito sa kanyang isipan)

Anton:MakatiShang…(nakangiting sabi ng Daddy niya sabay hagis ng susi ng sasakyan) Can you pick her up? Medyo masakit na kasi ang ulo ko eh…(alibi nito)

When You RealizeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon