The Villains

By xxxxxDiamondxxxxx

93.5K 4.6K 2.7K

Family Series #1 Sebastian Mortem's family is labeled as the villain because of their ruthless and merciless... More

The Villains
Prologue
Chapter 1: New Home
Chapter 2: Home
Chapter 3: Wife
Chapter 4: Ingat
Chapter 5: Work
Chapter 6: Mister and Misis
Chapter 7: Dinner
Chapter 8: Happiness
Chapter 9: Party
Chapter 10: Chase
Chapter 11: Problem
Chapter 12: Wedding Ring
Chapter 13: Mother
Chapter 14: Ducal Family
Chapter 15: Lennox
Chapter 16: Crush
Chapter 17: Assassins
Chapter 18: Getting Started
Chapter 19: Acting
Chapter 20: Mother Empress
Chapter 21: Family Day (Part 1)
Chapter 22: Family Day (Part 2)
Chapter 23: Family Day (Part 3)
Chapter 24: Family Day (Part 4)
Chapter 25: Jealousy
Chapter 26: Storm
Chapter 27: Donation
Chapter 28: Lost
Chapter 29: Stole
Chapter 30: Date
Chapter 31: Case
Chapter 32: Baby
Chapter 33: Petty Fights
Chapter 34: Kidnap
Chapter 35: Confrontation
Chapter 36: Confession
Chapter 37: Confused
Chapter 38: Mission
Chapter 39: Kiss
Chapter 40: Magic
Chapter 41: Moments
Chapter 42: Stunt Double
Chapter 43: True Feelings
Chapter 44: Nervous
Chapter 45: Trial
Chapter 46: Substitute Attorney
Chapter 47: Goddess of Truth
Chapter 48: Head Judge
Chapter 49: Enemies
Chapter 50: Teddy Bear
Chapter 51: Sweet Moments
Chapter 52: Company
Chapter 54: Question
Chapter 55: Preparation
Chapter 56: Asteria
Chapter 57: Chax's Mother
Chapter 58: Visitor
Chapter 59: Breakdown
Chapter 60: Story
Chapter 61: Revelation
Chapter 62: Sergano
Chapter 63: Villain Duchess
Chapter 64: Dead
Chapter 65: Sebastian
Chapter 66: Cravings
Chapter 67: Mood Swings
Chapter 68: Move
Chapter 69: Plan
Chapter 70: Downfall
Chapter 71: Chax
Chapter 72: Promise
Chapter 73: Victoria
Chapter 74: Marriage
Chapter 75: Last Fight
Epilogue
End
Special Chapter 1
Special Chapter 2

Chapter 53: Fateful Encounter

759 45 29
By xxxxxDiamondxxxxx

Chapter 53: Fateful Encounter

I don't know what's gotten into him, really. Ang hirap niyang basahin sa totoo lang.

After what he said earlier, nag-sign na lang ako sa papel bago binalik sa kaniya ang folder. Naalala ko pang nagkatinginan kami ni Chax dahil sa pagtataka pero hindi kami nagsalita o nagtanong man lang.

Napabuntong hininga ako saka pumasok na sa una kong trabaho. "Good morning!" Bati ko sa mga kasama kong cafe staff.

"Fab!" Tawag sa'kin ni Fred. Siya yung parating nanglalandi sa'kin na di ko naman sineseryoso. Buti na lang at naalala ko ang pangalan niya.

"Para saan 'yan?" Taka kong tanong saka tinuro ang cater sa gilid ng cafe nang makalapit ako sa pwesto niya sa cashier.

"Nakalimutan mo na naman? Birthday ngayon ni Linda, yung isa nating ka-trabaho. Surprise natin 'yan para sa kaniya." Tawa nito.

Paano ko maaalala eh sarili ko ngang birthday hindi ko maalala minsan. Ngumiti na lang ako saka nagpaalam na magpapalit na sa uniporme namin.

Nang makapagpalit na ko, kaagad na kong nagsimula sa trabaho. Kinuha ko ang tray na binigay ng barista namin saka naglakad sa table na nasa tabi ng glass wall kung saan kita mo ang labas.

"Here's your order Maam." Wika ko saka inilapag ang tray sa table niya. Isa-isa ko nang inilapag ang mga order niya sa lamesa.

I glanced at the woman and noticed na nakatitig ito sa'kin. She has a black hair and gray eyes na sobrang pamilyar sa'kin. Hindi ko lang maalala kung saan ko nakita. Despite her old age, na pansin naman na, she still looks pretty and a bit young. Siguro kung buhay si Mama ay magka-age na sila.

"The cafe looks so happy today." Wika niya kaya napalingon na ko sa kaniya. Ewan ko ba pero I feel comfortable around her.

"Ah opo, birthday po kasi ng ka-trabaho ko." Sagot ko sa kaniya. She nodded her head before she gave me a warm and motherly smile.

Aalis na sana ako nang mapansin kong may tumawag sa phone niya na malapit lang sa pwesto ko kanina.

Tuluyan na kong tumalikod sa pwesto niya nang sagutin niya ito. Nagtaka ako dahil ang tumatawag sa kaniya ay kapangalan ng former Emperor namin, Mikhael.

I only shrugged my shoulders dahil baka kapangalan lang ito ng tatay ni Miles. Naglakad na ko pabalik sa cashier at hindi ko mapigilang mapalingon sa babae kanina.

Nagulat ako nang magtama ang paningin namin. She smiled at me again bago tinutok ang atensyon sa pagkain ng cake niya at ang pagkausap sa telepono niya.

"Who's that?" I mumbled na narinig ni Fred. "'Yan bang babae? Madalas ko na siyang makita rito noon pa. Napansin ko rin na madalas ka niyang panoorin." Wika niya.

Madalas niya kong panoorin? Imbes na ma-creepy'han ay hindi iyon ang naramdaman ko. Para bang guminhawa ang pakiramdam ko dahil sa sinabi nito.

Nag-iwas na lang ako nang tingin at napalingon sa pinto dahil nag-cling ang bell. And, pumasok na ang ka-trabaho naming may birthday.

Of course we surprised her at bumati naman ang mga customers kahit hindi nila ito kilala. Kumain na rin kami ng cater dahil wala namang bago na pumasok sa cafe ngayon.

At syempre, ako ang nakarami, ano pa ba? Eh sa ang bilis nilang mabusog eh.

"Fab, may tira pa." Wika ni Linda sa'kin habang nakatingin sa cater. "Sayang naman kung hindi mauubos."

"Sige, pakilagay na lang sa Tupperware. May pagbibigyan ako niyan." Wika ko na tinanguan niya naman.

"Kanino mo naman 'yan bibigay?" Tanong naman ni Fred na bigla na lang sumingit.

Tinitigan ko siya saka ngumiti ng kunti. "'Wag ka ngang matanong." Irap ko saka tumalikod na.

Binigay na sa'kin ni Linda yung limang Tupperware. Saktong lima. Para kay Chax, Michael, Faulene, kay Mister at sa'kin.

Nang dumating ang Lunch time, mabilis akong sumakay sa sasakyan ko at pinaandar ito papunta sa school nila Chax.

I parked my car saka kinuha yung paperbag na ang laman ay ang mga Tupperware na may lamang pagkain. Bumaba na ko saka tinext si Chax na nandito ako sa school nila ngayon para bigyan sila ng lunch.

Wait for us mom, me and Michael will just fetch Faulene.

Pinatay ko na ang phone ko saka nagsimulang maglakad nang mabasa ang text ni Chax.

Chax and Michael are classmates in Grade 3. Part sila ng program ng school which is SSC or Special Science Class na siyang program ng pinaka-matatalino at mayayaman sa school.

Faulene on the other hand is in Grade 2 at nasa Regular Class lang siya. She's smart but not that smart, hindi siya nakapasa sa Entrance Exam kaya sa Regular Class na lang siya.

"Hi Manong guard!" Bati ko kay Kuya guard na binati rin ako pabalik. Habang naghihintay ako kila Chax ay nakipag-chika'han na lang ako kay manong.

Naging close ko na siya sa totoo lang. Gusto ko na nga ring pumasok na security guard dahil sa kaniya eh.

"Mom."

Napalingon ako sa tatlong bata na kalalabas lang ng building. Kumaway ako sa kanila at tumigil lang nang makalapit na sila sa'kin.

They kissed my cheeks bago ako binati. Binati ko rin naman sila pabalik.

"Oh, lunch niyo." Sabi ko saka nilabas ang tatlong Tupperware at isa-isa silang binigyan.

Tinitigan ito ni Chax saka ako nilingon. "This isn't Manang's cooking and I am sure this isn't yours either. It looks like it came from cater or something."

"Detective ka na niyan?" Tawa ko saka tumango-tango. "Oo, cater 'yan. May nag-birthday sa'min kanina tapos nagpa-cater kami para sa kaniya."

"Wow, how did you know that?" Lingon ni Fau sa kaniya. Chax only shrugged saka sila nagpaalam na pupunta na sila sa cafeteria para kumain.

Nagpaalam na rin ako sa kanila at kay Manong guard. I walked towards the parking lot pero napatigil ako nang may makitang babae na nakaupo sa bench. May puno sa pwesto niya kaya hindi siya naiinitan at presko ang paligid niya.

She has a long wavy black hair and black eyes. Matangos ang ilong, manipis at mapula ang labi niya, maputi at makinis ang balat niya. Dahil sa uniporme niya, alam kong Regular Class siya. Siguro ay magka-age sila ni Venezio.

Naupo ako sa tabi niya na siyang ikinagulat nito. I smiled at her na pinagtaka niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko saka napatingin sa relo ko. "It's lunch time. Tapos ka na bang kumain?"

Umiling siya saka tumitig lang sa harapan namin kaya ginaya ko siya. "You should eat your lunch na."

"I don't have any lunch." Seryoso nitong wika kaya napalingon ako sa kaniya. "I don't have money to buy lunch. My mom took all of my allowance for her gambling."

Napatigil ako sa sinabi nito. Mapait akong napangiti saka napatitig na lang ulit sa harapan namin. "Naalala ko sarili ko sa'yo. Kung wala akong mga kaibigan, siguro ay hindi na rin ako nakakakain ng lunch ko noon."

Inilabas ko ang isang Tupperware na para sa'kin saka inilahad iyon sa kaniya. "Oh, kain ka na. No worries, wala 'yang poison."

She blinked at me bago dahang-dahan itong tinanggap. "And also here, use this. Ipakita mo 'to sa server ng cafeteria at sabihing uutang ka na lang ng food tapos yung anak ko na ang magbabayad n'on." Sabi ko pa saka binigay ang isang maliit na parang credit card pero ang tanging disenyo niyon ay ang simbolo ng Mortem na may nakasulat na Duchess sa baba nito.

It's a pass. Kapag pinakita mo 'to, walang magagwa ang lahat kundi ang sundin ang sasabihin mo in the name of the Duchess.

"Huh? Why are you helping me?" Taka nitong tanong.

I blinked before smiling at her. "You need my help, of course I'll help." Tumayo na ko. "Alis na ko, may pupuntahan pa ko."

I waved at her na napatulala sa'kin. Pumasok na ko sa kotse ko saka tinext si Chax about what I've said to the girl saka pinaandar na ang sasakyan papunta sa kompanya ni Mister.

I suddenly wondered who the girl's father is. Kawawa naman siya, napapabayaan na ng magulang.

Bumuntong hininga ako saka tinigil ang kotse sa tapat ng kompanya ni Mister. Hindi ko mapigilang hindi mamangha. Mukhang mamahalin ang company.

Lumabas na ko, dala ang paperbag at napansing papasok si Mister kasama ang isang team. Tauhan niya ata sa kompanya.

"Mister!" Sigaw ko at kumaway. Napalingon ito sa'kin. His cold expression turned to confuse pero kalaunay napangiti ito nang makita niya ko.

He hugged me when I walked towards him. "Why is my beautiful Misis here?" He whispered.

Napatawa ako saka humiwalay sa yakap at mabilis na pinatakan ng halik ang labi niya. He grinned at me cutely kaya napangiti rin ako.

Napansin ko namang gulat ang mga kasama niya. Nang nginitian ko sila ay namula sila dahil sa hiya at mangha.

"Saan kayo galing?" Curious kong tanong kay Mister na hinalikan ang noo ko.

"Just came back from a lunch meeting." Sagot niya kaya natigilan ako at napanguso.

"Lunch meeting? So kumain ka na?" Tanong ko saka napatingin sa paperbag na hawak ko. "Sayang naman 'tong dinala kong food."

"Oh no! I still haven't eaten yet." Mabilis itong napailing. Nang masulyapan ko ang mga kasama niya ay napansin kong nagtaka at naguguluhan sila na hindi ko na lang pinansin.

I smiled saka mabilis na binigay sa kaniya ang paperbag. "Sige, ubusin mo 'yan ah? Aalis na ko Mister, papasok na ko sa trabaho."

Hinalikan ko siya sa pisngi saka pumasok sa kotse ko at pinaandar 'yon papunta sa kompanya.

Time to be a Janitress!

Continue Reading

You'll Also Like

456K 17.4K 53
A story that starts in a miserable life. Getting killed by her own family because she's different. Does having a black hair and purple eyes is a curs...
1.1K 180 47
Living under the world i never wanted to be in, anger started to eat me until i become a total different person. I become fearless, fighter, selfish...
16.9K 658 34
She's living like forever, infinitely watching him die. This time, will finally be their last Hi and Goodbye.
447K 16.5K 65
REINCARNATION SERIES #1 SYPNOSIS: She who died in a hopeless way. And she who died in a hurtful way. But only one who could survive and use one body...