Chapter 54: Question

686 44 13
                                    

Chapter 54: Question

Gosh, super daming nangyari today. Nalaman pa ni Mister ang mga trabaho ko tapos may pinatalsik pa ko paalis sa kompanya niya.

"Nasa garden na sila." Sabi ni Manang nang makapasok ako sa mansyon.

Tumango ako bago dumiretso sa kwarto namin ni Mister. I changed to my house clothes bago pumunta sa garden.

My mouth opened in awe nang makita ang disenyo. "Ang ganda!" I smiled.

"Syempre, kami pa." Proud na sabi ni Loren na nasa tuktok ng ladder na hawak ni Yerin. Nagkakabit siya ng mga disenyo sa puno.

"Dalian mo nga, nangangalay na ko rito." Iritang wika ni Yerin na tumingala kay Loren. Ngumisi si Loren saka binagalan ang pagkakabit na siyang ikinainis ng isa.

"Bahala ka na nga." Wika ni Yerin at binitawan ng ladder. Nanlaki ang mga mata ni Loren at niyakap ang puno para hindi siya mahulog.

"Wah! Sorry na Yerin!" Iyak ni Loren. Tinitigan lang siya ni Yerin bago ngumisi at tumalikod sa kaniya.

Napabuntong hininga si Jasmine na may dalang mga table cloth sa bisig niya. She stopped in front of Yerin na nagtaka.

"Finish it already will you?" Malamig na wika ni Jasmine. Napalunok si Yerin saka mabilis na bumalik sa trabaho.

Napailing ako at napalingon sa babaeng mabilis na tumakbo papunta sa'kin. "Queen, anong gusto mong design, eto ba o eto?" Pakita ni Sara sa'kin ng dalawa niyang hawak.

"I think this will look better." Turo ko sa hawak niya sa kanang kamay niya.

I'm not really good at designing to be honest. I hate art the most, next to physical education. Good thing at nandito sila Sara para tulungan ako. They narrow down the two best saka nila ako papipiliin.

"This one then." Mabilis na tumakbo palayo si Sara para sabihin sa mga maids ang gagawin.

Patapos na ang pagde-design. Just needed some small touch and then, tapos na!

"Manang, nabili na po ba ang lahat ng ingredients para sa handa?" Pumasok ako sa loob para tanungin si Manang.

"Ay oo, kompleto na lahat. Bukas na nga lang masisimulan para hindi makahalata si Sunday." Sagot niya saka mabilis na lumabas sa garden para tumulong.

Lumabas na rin ulit ako at tumulong sa pag-aayos. I fixed the locations of the tables, the table for the food, the table for the cake, everything!

Nagpalabas din ako ng sofa at pinalagay sa gazebo para roon pumwesto si Chax 'pag ayaw niyang makihalubilo.

"Madame, susunduin ko na po si Lord Sunday." Paalam ni Kuyang driver. Tumango naman ako sa kaniya. Mabuti na lang at na-text ko kay Chax kanina na ang driver ang susundo sa kaniya ngayon dahil busy ako.

Mas binilisan na namin ang pag-aayos dahil ilang minuto na lang ay dadating na si Chax.

"Madame, code red!" Humahangos na sigaw ng isang katulong na nasa loob ng mansyon.

Mabilis naming tinapos ang lahat ng dapat tapusin saka pumasok sa loob. A maid locked the door that leads to the garden saka sila pumunta sa kani-kanilang trabaho rito sa mansyon.

Inayos ko ang sarili ko saka mabilis na tumalon sa sofa. Saktong pagkaupo ko ay pumasok si Chax kasama si Mister at ang driver.

"Hey Mom." Bati ni Chax saka hinalikan ang pisngi ko. Hinalikan naman ni Mister ang labi ko saka sila sabay na pumunta sa second floor para magpalit sa kani-kanilang kwarto.

The VillainsWhere stories live. Discover now