Iyon nga ang nangyari. My wavy hair is now on its medium length. Habang ginugupitan ay in-offer-an niyang kulayan ang buhok ko. Since I have plenty of time, pumayag na ako. I forgot my lovelife problems for a moment. Ang tanging inisip ko habang may kung ano-anong ginawa si Micka ay ang kalalabasan nito. I was impulsive for having my hair shortened and coloured, kaya't sana ay hindi ko pagsisihan.

Mas nagtagal ang pag-aayos sa buhok ko dahil nauna ang paggupit. Sabi kasi ni Micka ay mas  madali sana kung nauna ang pagkulay. Nonetheless, it turned out just fine.

Inabot ko sa cashier ang bayad nang matapos. I felt fresh and reborn. My medium length, brown two toned highlights made me a head turner. Kita ko ang paglingon ng ibang nakakasalubong ko habang palabas. Tila nawala rin ang bigat sa dibdib ko na dala-dala ko kanina dahil sa mga salitang binitawan ni Jarrell. 

I won't be intimidated. Pasasaan pa ang mga effort ko kung susuko rin ako?

Ang ganda ko kaya.

Hindi ko hahayaan na maitsapwera ang ganda ko.

I'm going to work hard in order for him to notice me. I'm going to make sure that his glance will lay on me. 

Pumikit ako nang mariin. Damn. I really like him.

Nang makababa ako galing sa taxi ay gabi na. The sky is dark and the gleam of the moon is evident. Ilang oras din pala ang ginugol ko sa salon, idagdag pa na may traffic kanina kaya inabot ako ng dilim. Pero okay na rin. At least I don't have to spend dull moments here at home. 

Wala naman kasi akong ibang ginawa kung hindi i-message at i-stalk si Jarrell, e.

I walked a few steps more so I could reach our glass door. Malaki kasi ang garden namin dito sa subdivision, kailangan pa ng ilang segundo para makarating sa pinto. When I opened it, I heard noises from the television.

Nandito na si Daddy? May pasok pa 'yon, ah. Lalo na't may bagong project na tinatrabaho sa firm nila. For the past days since we came home, madalas ay alas otse na siya umuuwi. 'Di na nga kami nag-aabot minsan dahil nasa kwarto lang ako. It's only 7pm and he's already here?

Naglakad na ako papasok. Nang tinignan ko ang sala ay naabutan ko si Kuya Ismael, nakasandal sa sofa habang may popcorn na nakapatong sa kanyang hita. Nakapatay ang ilaw at tanging ang liwanag sa TV ang nagbibigay ilaw. 

Akala ko si Daddy. 'Tong tukmol pala na 'to.

''Wala pa si Daddy?'' tanong ko nang lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi. Kuya Ismael looked at me with a bored look. Pinantayan ko 'yon ng tingin. He's wearing his usual jersey shorts and t-shirt.

''Mamaya pa 'yon. What happened to you? You had your hair done?''

Umupo ako sa sofa at sinandal sa sofa ang likod ko. I sighed heavily, feeling the comfort of home. Nasa mahabang sofa ako, kaharap mismo ang TV. Habang siya naman ay nasa pang-isahan na sofa sa gilid ko.

''Yup. Bored ako kanina, e.''

''Bored?'' he laughed as he shook his head. ''You had time? May klase ka, ah? I'm sure that took hours of your time.''

My eyes widen as my lips parted, too.

Shit. Oo nga pala. Isang oras lang ang break time ko! Kung galing akong school at maglalakad ako papuntang mall, that would take 15 minutes of my break. At kung magpapagupit pa 'ko, kakainin na no'n lahat ng oras ko. Eh, nagpakulay pa 'ko ng buhok! Damn. Wala akong kawala kay Kuya!

''Ah. Mabilis lang 'to, 'no,'' I laughed awkwardly as I tried to avoid my brother's gaze. ''One hour lang. Noong break time namin. Ayun. Oo,'' muli akong tumawa at kumamot sa ulo. Ang hirap mag dahilan kay Kuya. He's too meticulous!

''Isang oras lang?'' he sarcastically asked as if what I said was ridiculous. ''As if I'll buy your excuses, Elegancia Lucia,'' Kuya Ismael said intently as he chewed on his popcorn, still boredly looking at me. ''Don't cut classes next time, alright?''

''Hindi nga ako nag cut, Kuya! Kulit, ah.'' I rolled my eyes, still denying that I did not attend my classes earlier. ''Ano? Do I look pretty ba? I'm sure naman na maganda ako but I just want validation, you know.''

''You have always been pretty.'' aniya at tinignan ako. ''I think your appearance just improved.''

''Sus. Nahiya pang aminin na maganda ako,'' I rolled my eyes. I murmured words which I know he couldn't hear. 

''By the way, Dad bought a bag for you. Nasa kwarto mo na. Remember that sling bag you were eyeing on Cali?''

My eyes widen. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ko at nabuhayan. Oh my god! Ang mahal no'n, ah! Dad bought it for me? Alam ko namang afford niya 'yon but I was shy to ask him to buy it for me considering how ly my grades are. Hindi ko inakala na bibilhin iyon ni Daddy at napansin niya pa talagang tinitigan ko 'yon?

''Really?! That's.. expensive!'' gulat kong tugon. The bag is from a really, really known brand and I know it cost thousands! He really bought it for me?!

''You know Dad can't resist your wants. Kunin mo na lang sa taas.'' Sagot niya at muling sumubo ng popcorn.

''Of course! Hihintayin ko si Daddy na makauwi!'' tuwang-tuwa kong tugon at binaling na ang tingin sa TV na pinapanood ni Kuya. ''What's that? Basketball?''

''Yeah. PBA.''

''Oh. Bagong season? 'Di na tayo nakakanood ng live.'' I said while my eyes are still looking at the TV. ''Puro unfamiliar na tuloy sa 'kin. Last time we watched, kilala ko pa ang iba!''

Inabot niya sa 'kin ang bowl ng popcorn. Kumuha ako nang kaunti roon. ''That's because we're busy. Saka hindi ka naman talaga nanonood, e. You're eyeing those good-looking players,'' he fired at me after giving me an eye roll.

I snorted. ''Hindi, ah! I just appreciate them. It's part of watching, anyway! Anong gusto mo? Titigan ko lang yung bola?'' umirap din ako.

Natawa si Kuya habang umiling-iling. Ubos na ang popcorn kaya't tumayo siya ngunit nagsalita muna. 

''Have you had your dinner? Nagluto ako ng lasagna kanina. You want some?'' he offered right after he stood up.

''Yay! Really? Sige, Kuya! Damihan mo, please!'' I excitedly answered. Napasipol pa ako dahil sa tuwa.

Tumango siya at saka naglakad papuntang kusina. Buti na lang at nagluto siya dahil nakalimutan ko palang kumain kanina sa mall. I was preoccupied by having my hair done to the extent of forgetting to eat lunch. Good thing Kuya knew how to cook food. Idagdag pa na favorite ko ang lasagna!

Binaling ko na lang ang atensyon ko sa TV. It is a basketball game between Magnolia vs Ginebra, na ang alam ko ay matagal nang may rivalry sa industriyang 'yon. A man caught my attention. Nakasuot iyon nang pulang polo shirt while instructing some players in a very authoritative manner. 

I don't why but he looked familiar. Mukhang nakita ko na kung saan ito, ah? Saan ba? I can't remember when and where. Basta't sigurado ako na pamilyar siya sa akin. The man I'm watching is tall and moreno with his short curly hair, matanda na iyon. Maybe on his 50s? He has a wrist watch on his left arm at nakapamewang iyon habang may sinasabi sa mga players.

''Marco Pessumal. Legend iyan sa basketball.'' 

Nilingon ko iyon at nakita si Kuya Ismael na papalapit sa akin, may bitbit na isang bowl at isang plato. Nilapag niya iyon sa maliit na mesa sa harap ko at saka umupo. Dumikwatro siya at muling sumandal.

''That's Marco Pessumal. You don't know him? May anak daw 'yan sa university mo ah, I heard. 'Di mo kilala?'' 

My brows furrowed. Pessumal? That's Jarrell's surname! Muli kong pinasadahan ng tingin ang TV at tinignan ang lalaking tinutukoy ni Kuya. Naningkit ang mata ko nang muling binaling sa coach na iyon ang camera. Kaya pala siya mukhang familiar dahil siya ang lalaking nakilala ko sa isang basketball game nina Jarrell! That's his father?

''Marco Pessumal, Kuya?'' I asked as a clarification. Nakakunot pa rin ang noo ko dahil sa pagkalito.

''Oo nga. Bakit? Kilala mo ba?''

Napakurap ako ng ilang beses. Oh my god. Tatay niya pala 'yan! Ang ingay ko pa naman last time na nanood ako ng laro niya! Nakakahiya!

Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)Where stories live. Discover now