''Micka?'' I uttered after her name on it.

''Yup!''

I formed an 'o'. She's pretty! Ang gintong kulay ng buhok at malapad niyang ngiti ay nakakapagpagaan ng vibe ng lugar. Nakaka-guilty tuloy na sinungitan ko siya kanina. 

Nagpaalam sandali sa Micka dahil may dumating na isang customer. It's a couple kaya't hindi ko maiwasang umirap. Mukhang magpapaayos din.

Really? Ngayon pa talaga?

I looked at the salon's magazine once again and have decided to have my hair shortened. Wala naman akong reklamo sa buhok ko, it's just that.. I want to change something on my appearance. Baka kasi may hindi gusto si Jarrell, o 'di kaya ay ang pangit na ng look ko.

''Micka?'' I called her.

Lumapit siya sa akin at ngumiti. ''Have you decided? Anong gusto mo? I'll do it for you, sis! Gora!''

Gano'n nga ang nangyari. I instructed her to shorten my hair length and have it shampooed. Halos isang oras din ang tinagal ko ro'n. Micka was every enthusiastic and energectic, even when customers flocked minutes after we started. Dumama kasi ang tao kaya't naging busy rin siya. 

If it was a normal day, I could be equally active and bubbly as her. But Jarrell's words pierced through me. 

Masakit iyon.

Lalo na't galing sa kanya. Lalo na't gusto ko siya.

Habang nasa kalagitnaan si Micka nang paggupit sa buhok ko ay tumunog ang phone ko hudyat na may tumatawag. Nang tinignan ko iyon ay nakita ang pangalan ni Lia. She's calling me.

''Lucy? Nasa'n ka? 'Di ka ba papasok? Gusto mo puntahan kita?'' Her voice is laced with concern.

''Dahan-dahan! 'Di ako maka-keep up!'' I laughed. ''Hindi ako papasok. Bukas na lang siguro. Saka.. wala bang prof? May time ka na tumawag?''

''Hala, bakit? May nangyari ba?'' she asked again, sounding so soft. ''Walang klase. May in-attend-an daw na seminar ang prof natin, e. Asan ka? Gusto mong puntahan kita? I can cut classes mamaya, Lucy..'' 

I can almost see her creased forehead from here. Naku, si Lia pa naman, masyadong paranoid. Baka mamaya ay isipin no'n na kung ano nang nangyari sa 'kin.

I nibbled my lips. ''Ang sweet naman ng bestfriend ko. Sana si Jarrell din,'' I laughed as a joke. ''Okay lang ako, Lia. Nagpapaganda lang, 'no! Saka.. hindi ka ba pupuntahan ni Toran mamayang lunch? Kayo na lang ang magsabay.''

''Pupuntahan. Sabay raw kaming kakain.. Pero kung kailangan mo naman ako ngayon, mas pipiliin kong puntahan ka.''

My lips parted. Toran really loves Lia. Sa ilang buwan na lumipas, hindi siya pumalyang ipakita at iparamdam iyon sa kanya. Kahit na malayo ang skwelahan kung saan siya nag-aaral ng kanyang masteral ay dumadayo pa 'yon sa amin para sabayan ang kaibigan ko. His efforts made Lia fell.. harder and deeper.

Will I even receive that kind of love? Or am I forever going to just give it to someone who can't reciprocate mine?

Micka waved her hand when I looked in the mirror, signaling me to lay down because she has to wash my hair. Agad kong nakuha ang ibig sabihin kaya't nagsalita ako muli.

''Tawagan kita mamaya, ha? Si Toran na lang ang sabayan mo. I need to go na, e. Love you!''

I ended the call and immediately placed it on my pocket. Lumapit sa akin si Micka at muling tinignan ang buhok ko.

''Boyfriend mo?''

I shook my head. ''Hindi. Kaibigan ko,'' I smiled at her pretty face. ''Shall we continue?''

Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)Where stories live. Discover now