Aurora's POV
HUWAG kang hihinga, Ara.
Mahigpit ang pagtakip ko sa nanginginig kong mga daliri. Pigil din ang paghinga at ang maiingay na yabag.
Jusko... hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sana hindi nila ako nakita. Sana, sana, sana!
Diretso lang ang lakad, Ara. Umayos ka nga ng lakad, kontrolin mo ang binti mo huwag kang manginig! Huwag kang umiyak! Bakit ka ba umiiyak!
Ala una nang madaling araw. Tanging ang dilaw na ilaw na lang sa poste ang kasama ko sa daan. Tulog na ang lahat ng tao—maliban sa 'kin at sila.
Tinakpan ng nanginginig kong mga kamay ang aking bibig upang walang makarinig sa mga hikbi ko habang nilalandas ang daang walang kasiguraduhan sa kaligtasan.
Gusto ko nang makalayo... dahil baka ngayong gabi tapusin na rin nila ang buhay ko...
"Hoy!" napako ako sa kinatatayuan ko. 'Wag kang lilingon, Aurora. Kunwari wala kang narinig!
"Anong nakita mo, ha?"
Naghahabol na ako ng hininga. Kinuyom ko ang aking kamao. Labanan mo ang takot, Ara. Pucha kasi, kakasunod mo sa kanya ayan tuloy kung ano-anong nakita mo!
Dahan-dahan akong naglakad muli at umaktong walang narinig. Walang ilaw sa kinaroroonan ko kaya kung lilingon man ako ay hindi nila makikita ang mukha ko, hindi lang ako lilingon dahil ayaw kong makita kung sino ang lalaking nasa likod ko.
Hindi ko na siya dapat sinundan.
Pagkatapos ng gabing ito, kung makakaligtas pa ako, hindi ko na siya susundan.
Kakalimutan ko lahat lahat magkaroon lang ulit ng tahimik na buhay.
"HOY!"
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig kong tumatakbo na siya palapit sa 'kin kaya naman wala na akong hinintay na dahilan para tumakbo na rin palayo. Takbo, Ara, takbo!
*bug*
"ARAY!" masamang tingin ang binato ko kay Dorothy, "anong problema mo!"
Lumayo siya ng bahagya dahil alam kong hahabulin ko siya.
"Nasaktan ka? Talaga? Kunwari buhay ka pa ganon? Hahaha!"
"Oo na wala talaga akong naramdaman! Bakit ba?" alas dose nang madaling araw na at nasa harapan ng Hegglin river kami, nakaupo at naghahanap ng bagong makakasama.
"Kuda kasi ako rito nang kuda tas wala naman palang nakikinig, hays," pagmamaktol ni Dorothy na hindi ko na lang pinansin.
"Saan daw ba nagpunta si Aling Luisa? Sa makalawa pa ang alis niya ah? Si Betty din nasaan na?"
"Pinuntahan ni Aling Luisa yung anak niya para magpaalam. Ewan ko kay Betty baka naghahanap na naman ng matatakot sa daan."
Tumayo ako at pinanood ang mga awtoridad na hanapin ang bangkay ng namatay sa Hegglin river. This time, babae ang hula ko pero si Dorothy lalaki. Paniguradong namatay siya dahil sa pagkalunod.
Umihip ng malakas ang hangin ngunit wala kaming naging reaksyon na dalawa.
"Hoy Aurora, pakiramdam ko 'yun na ang nanay," nilingon ko ang tinuro ni Dorothy. May kaedaran na itong babaeng lumabas sa isang lumang kotse, balot siya ng balabal at mukhang kagagaling lamang sa iyak.
Pinanood namin ang mga sumunod na pangyayari. Tila ordinaryong kaso lamang ito ng pagkamatay. Hula ko namatay yung biktima dahil sa pagkalunod na hindi sinasadya tapos si Dorothy naman tumalon daw sa Hegglin river dahil gustong magpakamatay. Well, kung sino ang tatama, malalaman naman namin mamaya kapag nakasama na namin yung mismong biktima.
YOU ARE READING
It Ends Tonight
RomanceMatapos ang apat na buwan ng pagkamatay nito, hindi pa rin tumitigil si Aurora na kilalanin ang pumatay sa kanya at paghigantihan ito. Ngunit kada sumasapit ang alas dose ng gabi sa Alder street, mag-isang binabagtas ni Aurora ang daan patungo sa b...
