TPS 3: isang bulaklak

Start from the beginning
                                    

“Okay, thank you ate, you’re the best talaga!” tumayo na ito at patalon talon na pumasok sa loob. Kahit makulit, natutuwa siya kay Phineas, she can’t imagine herlself having a crush at that young age…siguro dahil laging nakaharang si Ren at daddy niya, kaya naman wala siyang panahon sa ganyan, pati mga nakakasama niya sa modeling ay hindi nagkakaroon ng chance sa kanya. Naiintimidate daw gaya ng sabi ni Ali, lagi nya naman daw kasing tinatapunan ng cold look. What will she do? Ganoon talaga siya tumingin, normal niya na yun, hindi pa siya galit. Paano pa kaya kung magalit na siya?

Bigla siyang napalingon, pakiramdam niya may nakatingin sa kanya.

……………………………………………………………………………………………….

“Instik lang? Tanghali nanliligaw?” pang –aalaska ni Topher, ang usapan magjojogging lang sila, pero yung jogging nila napunta sa subdivision ng babaeng pinapantasya ng kanyang bestfriend.

Sinamaan naman ito ng tingin ni Yuan, inaagaw ng kaibigan ang atensyon nya kay Ran, minsan nga lang itong matyempuhan sa garden, dapat talaga hindi niya ito sinama. Pinalad pa na wala yung mga bantay.

“Ay intsik ka nga pala,” sabay bawi ni Topher ng mareliaze na Chinese nga pala ang kaibigan. ang lolo ni Yuan ay Chinese, mayaman ito sa China at maraming negosyo.

“Shut up!” tumawa lang ito sa kanya, may silbi rin naman ito dahil look out niya ito kung may parating na iba, naka-akyat kasi siya sa bakod, buti na lang matangkad siya.

“Isang rose lang ang binili mo? Akala ko ba marami ka ng pera?” usisa ni Topher, nadaan kasi sila sa flowershop, imbes na boquet, isang rose lang ang binili ni Yuan. Inirapan lang ito ni Yuan.

Ganoon ba talaga?

“So beautiful,” sabi ni Yuan habang inaadmire ang babaeng pinapangarap, mas lalo talaga itong gumanda, hindi na siya makapaghintay na makalapit dito. Pinaghahandaan niya na ang debut nito, ang kanyang regalo pero sa ngayon, makuntento muna siya sa patingin tingin.

Maganda ang sapatos na ginawa ng kanyang ninang, very classy at bagay na bagay sa kanya. She tried it at talagang gustong gusto niya, ilang sandali pa, nakita na  niyang palapit si Phineas, pero malungkot na ito di gaya kanina.

“Ate, I’m leaving na po, “paalam nito, tinawag niya ito bago tumalikod, may nagbago kasi dito, particular sa damit.

“What happened to your dress, bakit nabasa?” she asked kahit may ideya na siya.

“I was careless kasi kanina, nabasa ko ang sarili ko ng juice ni Ron,” sabi nitong nakanguso, halatang pinpigil ang iyak, marahil inaway ng kanyang supladong kapatid.

“Are you sure?” alam naman kasi niya na pinagtatakpan nito ang kanyang kapatid, bagay na hindi niya maintindihan sa crush crush na yan.

“Opo, sige ate, aalis na ako!” tuluyan na itong umalis.

Hinarang ni Topher ang batang babae na na galing sa loob, bago pa man makapasok sa kotse.  Ito yung nakita nila kanina lang na pumasok na nakausap ni Ran kanina sa loob.

“Hi Cute,” tawag ni Topher dito, naagaw din ang atensyon ni Yuan, bumaba muna siya at humarap sa bata, nagtataka rin ang batang babae sa dalawang lalake na kaharap, napansin niya na ito kanina, nakalimutan niya lang isumbong dahil excited siyang makita si Ron.

“Sino kayo? Magnanakaw kayo?” pasakay na sana ito sa kotse kaya lang yung driver ay wala, nakita nilang kausap yung isang maid nila Ran,lumingon ang bata at hinahanap ito. Tumawa si Topher sa tanong nito, pagkamalan daw ba silang magnanakaw? Pahamak talaga si Yuan sa buhay niya.

“Hey may mga ganito ba kagwapo na magnanakaw?” sabi ni Topher na binuhat ang sariling bangko, ang cute naman kasi ng batang babae kaya lang mukhang galing sa pag-iyak. He extends his hand para pahidin ang luha nito. Her tears bothers him, siguro mga limang taon ang agwat ng edad niya dito.

Para naman itong nakuryenteng lumayo.

“What’s your name?” tanong ni Topher.

“Sabi ng daddy ko, don’t talk to strangers,” ngumuso ito, nagkatinginan si Topher at Yuan, kinuha ni Topher ang bulaklak na hawak ni Yuan. Walang mangyayari kung hawak lang ni Yuan ang bulaklak.

“May friend here, may crush siya doon kay Ran, diba model siya, fan kasi niya ang kaibigan ko eh, can you help us, can you give this flower to her please?” nag beautiful eyes pa si Topher, nakakunot noo naman ang batang kaharap, ngumiti si Yuan dito, sa huli kinuha din nito ang bulaklak.

“Ngayon lang to ah, saka wag kang mag pa cute, mas cute si kuya na may-ari ng flower,” sabi ng bata bago pumasok muli sa loob.

“Pasaway na bata,” sabi na lang na pangiti ngiti na si Topher, habang nakatingin pa rin dito.

“Di mo lang matanggap na busted ka,” tukso ni Yuan, bago muling sumampa sa bakod, nakita niya ang paglapit ng batang babae kay Ran.

Nagtataka si Ran ng muling bumalik si Phineas, at may dalang isang rose.

“Bigay daw noong may crush sayo, cute siya pero mas cute pa rin si Ron, di ko siya crush kasi may crush na ako, cute lang-“

“Cute?” takang tanong ni Ran,  ngayon lang ulit may nagbigay sa kanya ng bulaklak,

Naguguluhan man, nakita ni Yuan na tinanggap ni Ran ang bulaklak.

“YES! Tinanggap niya Topher!”  masayang balita ni Yuan, pero ang loko hinihila siya pababa, konting hila pa baka mahubuan na siya.

“Ano ba! Wag mo nga akong hilain,” reklamo niya dito.

“I know your happy, tinanggap niya, pero please bumaba ka na! as in now na!” pakiusap nito sa pigil na boses, bumaba nga si Yuan sa iritasyon kahit gusto niya pang makita si Ran ng matagal.

“Dapat talaga di ka sinasama, panira ka ng moment.” Inis na sabi niya dito matapos suntukin ng mahina.

“Oo, wag mo akong isama, para hindi lang moment mo ang masira pati mukha at kinabukasan mo.” Sabi nito sa mahinang boses.

“Ano bang sinasabi mo?” naguguluhang tanong ni Yuan.

“Look in front, huli na tayo ng bayaw mo.” Dahan dahang lumingon si Yuan at tama nga si Topher, nakatayo doon ang naka pameywang na si Ren habang matalim na nakatingin sa kanila.

“WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE?”

Napakayabang!

Papatalo ba siya?

…………………………………………………………………………………………………

The Princess's  Stalker (completed)Where stories live. Discover now