One Last Wish

20 3 0
                                        

Same place, same time.... Here I am in the rooftop of this building. Ito yung favorite place ng parents ko. Dito kasi sila unang nagkakilala. 2 weeks ago, nandito rin ako, kasama si mommy. But sadly, the day after we went here, she passed away. At ngayon, mag-isa na lang ako dito.

     Naalala ko pa nung huli naming punta dito..

Flashback:

     (Nakatingin lang kami ni mommy sa langit)

"Nak, nararamdaman ko, malapit na akong pumunta sa langit" - sabi ni mommy na nakangiti

"Mommy naman, wag ka nga magsalita ng ganyan. Hindi pa yan! Matagal pa tayo.magsasama. Matagal na matagal pa. Kapit lang!" - sabi ko kay mommy, sabay ngiti

"Hindi ka pa ba ready? 5yrs na nating alam na darating tayo sa ganito, di ba?" - mommy

"Pano ba kasi paghandaan yon? May tips ba para di malungkot pag dumating na yung araw na yon? Mommy ayoko pa.. Wag muna. Diko pa kaya" - ako

    Ngumiti lang si mommy at hinawakan ako sa balikat, sabay tingin uli sa langit.

"After ko ma-diagnose sa sakit na 'to, wala ka ng ibang ginawa kundi samahan at alagaan ako. Hindi mo na na-enjoy ang buhay." - sabay lungkot ng mata ni mommy

"Everytime na kasama kita mommy, yun ang mga araw na pinakamasaya ako. Those days were blessings for me. Sobra kong saya pag kasama ka at kapag nakikita kang masaya."

"Naniniwala ako na makakaya mo kahit wala ako. Matapang ka eh! Alam kong magiging masaya ka." - mommy

"Ikaw yung tapang ko mommy! Pano pag wala ka na? San ako kukuha ng tapang? Paano?" - naiiyak na ako, di ko na mapigilan.

    Tumigil sandali si mommy at tumayo mula sa pagkakaupo nya sa wheelchair.

"Tingin ka lang sa langit, andon lang kami ni daddy mo, nagbabantay sayo at alam naming matapang ka at lahat makakaya mo. Pag dumating sa punto, na para bang nawawala yung tapang mo, hanapin mo sa puso mo kung ano bang pinaglalaban mo at makikita ng puso mo, ang tapang na hinahanap nito. Lagi lang kaming naka-suporta ng daddy mo sa taas." - mommy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon