"A-Anong ibig mong sabihin?"

"For some reason, this creature knows who to kill. It's an obvious pattern. Ang tatay mo na ang susunod na biktima."

Napasinghap sa gulat si Cristy, hindi makapaniwala sa kanyang narinig. "B-Bakit naman? Walang ginagawang masama si papa!"

"That's what they always say moments before something dramatic happens," Damien nonchalantly responded. "Ngayon, kung ayaw mong tulungan kita, I'll just sponsor the funeral."

Sa huli, wala nang nagawa ang dalaga kung hindi yumuko at i-type ang kanyang numero.

While she was doing this, tahimik na pinagmasdan ni Nemesis ang "transferee". Hindi nakaligtas sa pandinig niya kanina ang kawalan ng emosyon sa boses nito. For some odd reason, Damien's composure didn't even waver. He acted professional and spoke as if this was something he deals with on a regular basis.

'Sino ba talaga ang lalaking ito?'

Nemesis decided she'll do her own investigation on him.

Two can play at that game.

Nang matapos ibigay ni Cristy ang kanyang mobile number, tumango si Damien at binilinan ito, "I'll send you a text later. Save my number. Kapag may napansin kang kakaiba, call me right away."

"O-Of course."

Kasabay nito, binuksan ng isang body guard ang pinto ng limousine. Hudyat na tapos na ang kanilang pag-uusap. Nang tuluyan nang makaalis si Cristy, agad namang tinanong ni Nemesis ang kanina pa gumugulo sa kanyang isip. Her eyes narrowed at Damien who just leisurely drank a glass of red wine. Kung saan naman niya ito kinuha, wala na siyang balak pang alamin.

They have far more important matters to deal with.

"Sino ka ba?"

Damien sarcastically replied, "Damien Alcott. Hindi ka ba nakinig kanina sa klase?"

Mahinang natawa si Naythan, pero agad rin nitong itinikom ang kanyang bibig nang sinamaan siya ng tingin ni Nemesis.

"Sarcasm won't work on me, rich kid. Ngayon kung ayaw mong sagutin ang tanong na 'yon, then fine. Wala akong ganang pilitin ka. But can you, at least, tell me why you stalked me here?"

With that, the transferee paused and opened a compartment beside him. Kinuha nito ang kanyang cheque book at isang Montblanc fountain pen bago muling ibalik ni Damien ang atensyon sa kanya.

"Since we have a crucial situation at hand, I'll just cut to the chase," he started. "Hindi mo ako dapat nakita kahapon. Frankly, you shouldn't even be inside my limo. I prefer to work in secrecy, kaya isang malaking issue sa akin ang may aksidenteng makadiskubre ng mga ginagawa ko."

Mukhang alam na ni Nemesis kung saan ang hantong ng usapang ito.

"Kaya babayaran mo akong manahimik?"

Damien slow clapped. Isang nakakalokong ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi.

"Exactly. How much?"

"You must be kidding me..."

"Gusto mo ba in cash na lang?"

EPICWhere stories live. Discover now