Ngumiti ako sakanila at sinamahan silang tumingin sa salamin ng pinto ng ICU. Sobrang focus ng mga doctor at nurses sa kanilang mga ginagawa. Samantalang kaming lahat dito ay naghihintay lamang ng kanilang sasabihin.

Pagkadaan ng ilang minuto ay inaya ko si tita lovel na umupo muna dahil alam kong pagod din ito. Mabuti nalang at pumayag. Si tito elmer at tito john naman ay nagpaalam na bibili ng makakain naming lahat.

Masarap sana sa pakiramdam na may libreng pagkain pero hindi ko magawa dahil sa nangyari sa dalawang taong mahalaga saakin. Saksi ako sa pagmamahalan ng Jhobea. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung isa sakanila ang mawala. Hindi naman sana *cross fingers*.

Hindi naman umalis ang mga teammates namin kahit halata sa kanilang mga mukha ang pagkapagod at antok. Ramdam kong maging sila ay sobrang nag aalala para sa dalawa.

Ilang oras pa kaming naghintay ngunit wala pa rin.
Ipinikit ko muna ang aking mga mata para makapagpahinga kahit papaano ng biglang bumukas ang pinto ng ICU kaya naman nagsitayuan kaming lahat at nagsilapitan sa doctor na lumabas.

"Family of Ms. Maraguinot?" Tanong ng doctor at mabilis na tumaas ng kamay si tita lovel at lumapit dito. Sumama din ako sakanya at inalalayan siya just in case na may sabihin ang doctor.

"A-ako po doc. K-kumusta po ang anak ko?" Tanong ni tita lovel pagkalapit namin. Hinawakan ko ang balikat ni tita na parang pinapakalma.

"Naalis na namin ang mga balang tumama sa katawan niya. Sobrang nahirapan kami sa kondisyon ng anak niyo ma'am dahil ang isang bala ay halos tumama na sa kanyang puso kaya naman nagkaroon siya ng internal bleeding." Bigla namang nanghina si tita lovel dahil sa sinabi ng doctor. Mabuti nalang at nahawakan ko ito.

"Pero ligtas na ho siya doc?" Tanong ni maddie dahil siguro alam niyang walang lakas ng loob si tita para magtanong.

" Hindi ko pa ho masisigurado pero gagawin po namin ang lahat para maging ligtas ang anak ninyo. Sa ngayon po ay okay na siya. Mananatili pa siya sa ICU dahil para masigurado namin na hindi na siya nag iinternal bleeding. Maya maya lang po ay pwede niyo na siyang bisitahin. Excuse me po" sabi ng doctor. Nagpasalamat naman kami at inalalayan si tita lovel maupo.

"Juskoo ang anak ko" nanghihinang sabi ni tita lovel. Inalo ko lang si tita at pinigilan ang umiyak. Lord iligtas niyo po si Jhoana.

Pinainom din namin muna siya ng tubig para kahit papaano ay kumalma ito.

Di rin nagtagal ay lumabas ang isang doctor na nag asikaso kay bea.

"Sino po dito ang pamilya ni Ms. De Leon?" Tanong ng doctor at lumapit si tita det kasama si tito elmer na kakabalik lang galing sa pagbili ng pagkain. Maging si tita lovel ay tumayo rin upang malaman ang kalagayan ni bea. Sinamahan ko nalamang muli si tita.

"Maraming dugo ang nawala sa biktima dahil sa ilang beses siyang pinukpok sa ulo dahil dito kailangan siyang masalinan ng dugo para mapalitan ng dugo ang mga nawala sakanya. Kung hindi ay ito ang ikakamatay niya. Madami din siyang mga baling buto at fracture sa ulo. Sa ngayon ay under observation siya. Hindi ko pa ho alam kung kailan siya magigising at kung magigising siya ay kailangan ko pa mag run ng tests sakanya para masiguradong walang ibang problema. " Sabi ng doctor na siyAng nagpaiyak saaming lahat dito.

"Pls doc. Do everything to save our daughter." Sabi ni tito elmer na yakap yakap si tita det na umiiyak.
Tumango lang ang doctor at nagpaalam na.
Maya maya lang ay sinabihan kami ng nurse na pwede ng pumasok kaya pinauna na namin sina tita det at tita lovel kasama sng mga asawa nila.

Naiwan kami sa labas na tulala at hindi alam ang sasabihin o gagawin. Napabuntong hininga ako at napasabunot sa aaking buhok. Biglang may tumapik sa balikat ko kaya naman tinignan ko kung simo ito at si jia pala.

Huling Sandali (Jhobea)Where stories live. Discover now