Chapter 5

34 4 2
                                    

Complicated

Pabagsak na umupo si Margaux sa mahabang sofa namin, sa harap ko. Halatang napagod siya sa pakikipaglaro sa anak ko. Maging si Amirah ay bagsak na sa kwarto.

"Grabe napagod ako sa pakikipaglaro kay Amirah!"

"Sign of aging yan."

Natawa siya. "Tama ka. We're not getting younger. Kailangan ko nang mag-asawa."

Kumunot ang noo ko habang tinitigan siya.

"Do you have a boyfriend?" akala ko ba bumalik ka para kay Llyr? Gusto ko sanang idugtong pero nanahimik nalang ako.

Kinagat ko ang dila ko para maiwasang ang magsabi pa ng kung ano.

"Soon." tumawa ulit siya kaya napailing nalang ako.

I get it, she's not yet over him. Now, I felt like I betrayed her for not telling that the man she's in love with is the father of my child.

Nagkwentuhan at kamustahan lang kami ni Margaux. Maraming nagbago sa kanya. I just don't know what. Maybe the way she talk? O yung pananamit niya? Ewan, hindi ko mapin-point.

"Ma'am, may bisita po kayo."

Sumilip ang ngiting-ngiti na si Jazz sa office ko. Kumunot ang noo ko. Tumingin ako sa orasan sa office ko. It's 7 pm. Nag-aayos ma nga ako ng mga gamit para makauwi na.

"Sino?"

Hindi pa nakakasagot si Jazz ay bumukas na ng maluwang ang pinto. Niluwa nito ang isang lalaking naka-red hoodie at wayfarer. Sinarado na ni Jazz ang pinto habang nililibot ng lalaki ng tingin ang office ko.

"What are you doing here?"

Pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga gamit ko. Mula sa gilid ng aking mata, nakita ko siyang umupo sa mahabang couch sa gitna ng office.

"I just want to see you." natigilan ako saglit at napailing.

"What's your game?" tanong ko at humarap na sa kanya.

"I'm not playing." sagot niya. Tinitigan ko siya. Whatever his game is, I hope he'll stop now.

"Oh come on! Don't give me that look, Mirela. I just want a dinner with you. Lagi mong tinatanggihan ang offer ko."

Ano ba kasing problema ng isa na 'to? Month ago, he didn't know me. And now, he acted like we know each other for long time.

"We can't be seen in public, Llyr."

"That's why I'm inviting you to my condo."

"Are you serious? Last time I checked, we're not close and you have a girlfriend."

"I don't have a girlfriend. Now that I said it to you, are we close?"

I mentally groaned because of his stubborness.

"Girlfriend mo si Ashley Ramirez. Siya mismo ang nagsabi." pamimilit ko pa.

"May sinabi ba ako? Come on, I'm a celebrity. Everyone may claim that I am theirs. Bakit naniniwala ka agad?" natatawang sagot niya.

"Well, Ashley is not just like everyone. She was your love team sa last movie mo."

Ewan ko ba kung anong pinaglalaban ko dito. I just want to confirm!

"And so?" kibit-balikat niya.

Tinitigan ko siyang mabuti kung nagsasabi ba siya ng totoo.

"Sigurado ka bang hindi kayo?"

"Why? Are you jealous now?" he smiled. I rolled my eyes.

Wala akong nagawa nang hilahin ako ni Llyr sa condo niya. Kaysa naman sa condo ko siya? Oo, sabi niya kung ayaw ko sa condo niya doon nalang daw sakin. At talaga alam niya ang address ko kaya wala akong nagawa dahil baka bigla niya akong sundan at magkita pa sila ni Amirah.

Tinawagan ko muna si Gabby. Tinanong ko kung may lakad ba siya ngayong gabi. Thankfully, wala naman kaya nakisuyo ako sa kanya na tingnan muna si Amirah.

"Anong gusto mong kainin? I'll order." aniya pagkatapos ko tumawag kay Gabby.

"Palagi bang galing sa restaurant ang pagkain mo?"

"Well, I don't know how to cook."

Natawa ako dahil sa pag-iwas niya ng tingin. May hiya pa pala siya.

"What?" he asked. Nahimigan ko ang pagkairita doon. Nakita ko pang pumula ang tainga niya.

Nangingiting umiling lang ako at dumiretso sa kitchen niya. Tiningnan ko ang laman ng ref. May nakita akong mga can beers sa ibaba. Kahit paano ay may meat, vegetables at kung ano pang matitinong pagkain ang nandoon.

"What are you doing?" tanong niya sa likod ko.

"Magluluto." sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.

Nag-iisip ako ng pwedeng mailuto sa ref niya. Nang may makita akong shrimps ay kinuha ko iyon. Isisigang ko nalang 'to.

"Allergic ako sa shrimps."

Natigilan ako sa akmang paglagay ng shrimps sa malaking bowl. Napatingin ako sa kanya.

"Then bakit may shrimp sa ref mo kung allergic ka pala?"

"Pina-ref ni Drystan. Sira daw ang refrigerator niya." sumimangot pa siya.

Natawa ako. I know Drystan. He's his half brother. At least, they are close to each other. Nakiki-ref pa nga eh. Binalik ko nalang ang shrimp sa ref niya. Akala ko pa naman makakakain na ako nito. Allergic din kasi si Amirah sa shrimps kaya minsan lang ako kumain non. So, isa pala iyon sa mga namana ni Amirah sa tatay niya.

"You know how to cook?" obvious na tanong niya.

Tumango ako habang hinuhugasan ang pork at vegetables. Sinigang na baboy nalang ang lulutuin ko.

"Obviously."

Tahimik lang siyang nanonood sa pagluluto ko. Hindi ko tuloy sigurado kung tama ba ang timpla ko. Kinakabahan ako sa mga titig niya eh. 

"I really think we met somewhere." biglang sabi niya habang nakapangalumbaba.

Natigilan ako pero hindi ko pinahalata.

"I don't think so." sagot ko nalang. Narinig ko ulit ang halakhak niya.

"Hindi ako makapaniwala na may hindi nakakakilala sakin. I mean, I am Llyr Ryuu Cervantes. Who wouldn't know me?" pagyayabang niya.

Sinimangutan ko siya. He's too full of himself. Alam na alam niya talaga ang epekto niya sa mga babae man o lalaki.

"Hindi lahat ng tao kilala ka." tiningnan ko siya ng masama. Tumango siya at bahagyang yumuko.

"Yeah. Hindi lahat kilala ako."

Nag-angat siya ng tingin at ngumiti ng tipid. I don't know why my heart hurts because of that smile. May problema ba siya?

Umiwas ako ng tingin. I shouldn't be attach to him, especially emotionally. It will complicate our complicated situation.

enjoy.

;Sorry late update. I got busy from my scholarship huhu. I'll try to update five chapters this coming holiday. Thank you for reading! Comment down your opinions.

Take Me (ON-HOLD)Where stories live. Discover now