Mindoro 2006

43 3 0
                                    

Otsenta y singko anyos si lola ko nung pumanaw siya, ilang buwan matapos ang paglisan ng lola ay napagkasunduan ng mga anak niya na ibenta ang mga lupa namen sa ibat-ibang probinsiya at paghatihatian ang magiging suma tutal ng kabuuang kikitain, kahit patay na ang aking ama ay alam kong may pakikinabangan pa din kame sa kikitain dahil meron pa din kameng parte doon kahit papaano, mula sa bahagi ng aming ama. Si Ekang na aking tiyahin at siya na ngayong tumatayo sa pinakamatanda sa aming pamilya at yamang isa ring matandang dalaga, ay nagprisinta na siya na lamang ang magaasikaso sa pagbebenta sa aming mga ari-arian, dahil sa walang mga anak na inaalagaan ay madali siyang makakapunta saan man kelanganin. Tinipon ang mga papeles ng mga titulo ng lupa at sinimulang planuhin ang mga susunod na hakbang, at nakapagdesisyon si Ekang na uunahin niyang asikasuhin ang lupa namen sa Mindoro na may dalawang ektarya ang sukat. Sa totoo lang ibat-ibang opinyon ang aming naririnig kung magkano namen ito pwedeng ipagbili, kalahating milyon? isang milyon? dalawang milyon? hindi ko alam... hindi namen alam...
napagpasyahan na lamang ni Ante Ekang na pasyalan ang lupa doon upang ma-estima ng maayos ang tunay na kalagayan ng lupa at ng mabigyan ng akmang presyo at kung papalarin doon na din sa mga taga-roon ipagbili.

Nagsuhestyon si Lelang, isa din sa aking mga tyahin sumunod sa edad ni Ante Ekang, subukang hanapin ang mga dati nilang taga-pangasiwa ng lupa doon ang magasawang sina Mang Atong at Aling Pasing, na pihadong sing edad nila lola at mayroon din daw din itong anak na babae na si Salve, na sa tantsiya nil ay matanda sila ng sampu hanggang labinlimang taon dito.

Mabilis ang progreso sa kanilang mga hakbang na ginagawa at sa hindi ko malamang paraan ay nakontak nila at nakausap si Salve ang nagiisang anak na babae ng mag-asawang Atong at Pasing, Doon ay napagalaman namen na pumanaw na din pala si Mang Atong , at si Aling Pasing naman ay nalumpo na at naging ulyanin nadin dahil sa katandaan, si Salve naman ay hindi na din nakuhang makapag-asawa dahil sa pagaalaga nga sa kanyang ina.

Kaagad na ini-skedyul ni Ekang ang paglarga papuntang Mindoro, at umaasa na sa kanyang pagdalaw sa lupa doon ay may magkainteres at agad maibenta kung maaari.

Ilang araw bago umalis si Ekang ay napanaginipan niya ang isang matandang babae na nakaupo sa wheelchair, na nasa harap ng aming gate sa bahay namen dito sa Maynila, may tatlong beses niya itong nakita sa kanyang balintataw at sa huling pagkakataon na napanaginipan niya ay tumindig ang kanyang balahibo, dahil ang matandang nakaupo sa wheelchair ay biglang tumakbo papunta sa kanya at bigla siyang nilundag. Isa ba itong masamang pangitain o isang simpleng panaginip lang ba na bunga ng kalikutan ng ating kaisipan, walang sinuman ang nakaka-alam.

Dumating ang araw ng pagpunta niya patungong mindoro, madaling araw pa lang ay gumayak na siyang mag-isa, nanalangin na patnubayan ng Panginoon at paburan siya sa kanyang lakad.
Inabot siya ng ilang oras kanyang paglalakbay, mula Maynila papunta sa Batangas piyer at mula piyer hanggang sa Mindoro.

Isang napakagandang lugar ang Mindorong sumalubong sakanya, isang kaaya'ayang lugar na malayo sa ingay ng siyudad ng Maynila, isang napaka-gandang lugar, maraming puno at mga pangilan-ilang lupain, sariwa ang simo'y ng hangin, isang napakatahimik na lugar...

sobrang tahimik, na kahit lumabas ang litid mo sa leeg kakasigaw ay walang makakarinig sayo..

Agad dumiretso sa lupang pagaari si Ekang.

Nadatnan niya na nasa maayos na kondisyon ang may kalawakan na lupang pag-aari, sinalubong siya ni Salve at agad na tinulungang magbitbit ng mga gamit at ilang pasalubong para sa kanila ni Aling Pasing.

Naghahanda si Salve ng makakain ng bisita habang pinaguusapan ang mga planong gawin sa lupa. Napansin ni Ekang si Aling Pasing na sobrang laki na ng kanyang itinanda, wala ng malay, wala ng muwang sa nangyayare sa paligid niya, isang matandang tuluyan ng nilisan ng kanyang alaala, malaking bahagi na ng kanyang kabataan ang nawawala na sa kanyang memorya, isang matandang babae na wala ng malay bagamat dilat ang mga mata ay hinintay na lang ang kanyang oras habang nakaupo sa kanyang tumba-tumba.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mindoro 2006Where stories live. Discover now