i dial her number "nakapatay yung phone"

may kung anong kaba akong nararamdaman wala naman sanang masamang nangyari sa kanya.

magisa lang si avery sa totoong bahay nila wala ang mom and dad nya parehong nasa state kasama ang sister nya. kaya bumili sya ng bahay sa isang malapit na village at doon ako ngayon pupunta.

"bat ba kase nakapatay yung phone nya, nakakainis naman tong babaeng to!"
"avery answer the call! hays!!"

Avery POV

"ugh! sakit.." hawak ko sa ulo ko ng maramdaman kong bigla itong sumakit.

pag kadilat ko sa aking mga mata mga nag kalat na bote ng beer at balat ng chichiriya, "argh! napakasakit talaga.."

"sh*t!!"

bulalas ko ng maalala kong may duty pala ako sa hospital na tinatrabahuhan ko at baka hiihintay nako ni riley.

"ha! napakalaki kong tanga bat ngaba hindi ko muna naisip na may duty ako?!"

sambit ko sa sarili ko at ramdam ko paring may hang over pa ko at napakasakit talaga ng ulo ko at parang hindi ko kayang pumasok ngayon.

"bzz!bzz!bzz!" narinig ko namang nag vibrate slang phone ko at mabilis na kinuha.

"kanina pa pala sya tumatawag ni hindi ko manlang narinig." tukoy ko sa pangalan ni riley.

tatawagan kona sana si riley ng marinig ko ang sunod sunod na katok sa gate.

"tok!tok!tok!tok!tok!tok!"

"avery! buksan mo tong gate!!"
"ano ba avery?! ano bang nang yayari sayo"

"hyss.." napasinghal nalang ako alam kong nag aalala lang sya saken nararamdaman ko naman yon..

at alam kong alam din nya kung ano yung nararamdaman ko ngayon, at sana naiintindihan rin nya ako sa sitwasyon ko ngayon.

"ayan na!" mahinahon kong sigaw.
at binuksan ang gate, at nakahawak parin ako sa aking ulo dahil napasakit talaga balak ko sanang uminom ng gamot mamaya.

"akala ko kung napano kana avery pinag alala mo ko.." sambit nya agad saakin

"pasensya kana.." aniya ko naman sa kanya.

"uminom ka." hindi nako mag tataka kung bakit nya nasabi yon.

"amoy ba?" kunwaring tanong ko.

"so uminom ka nga ave, kelan kapa natutong uminom ave?" at parang galit na sabi nya.

"kagabi, nung malaman ko lahat. haha nakakatawa lang na.. kahit papaano nakakawala sya ng sakit, kahit papaano gumaan yung pakiramdam ko.."

aniya ko sa kanya habang nakasandal at nakatulala at nakatingin sa kawalan.

"avery.. makakamove on ka rin. kahit ilang taon pa yung pinag samahan nyo, kung gusto mong ibaon sa limot lahat ng pinag samahan nyo. makakaya mo ha.."

naramdaman ko naman ang sinsiridad sa mga sinabi nya, at sana nga kayanin ko..

"sana nga kase parang halos lahat ng lugar puro memories, haha magshoshower lang ako tas alis na tayo.."

tugon ko sa kanya at ngumiti ng mapait.

"hindi wag na wag kana lang pumasok sure akong masakit pa yang ulo"

sambit naman nya.

"hindi kaya ko panaman, madadala panaman siguro to ng gamot"

"baka kase.."

"ry please. kung ako lang mag isa dito baka, kung ano ano lang ang pumasok sa utak ko... malulungkot lang ako kaya payagan mona akong pumasok."

"s-sige.. pero kapag masakit na masakit talaga yung ulo mo mamaya, kahit wag kanang mag paalam sa akin umuwi ka nalang ok"

"ahm." tango ko nalang sa kanya tyaka umakyat at naligo.

thank you for reading this chapter 2❤️

252• days to FORGETजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें