"Nay, malaki po ba 'yung bahay ng pinagta-trabahuhan niyo?" tanong ko kay nanay.
Tumango naman siya. "Oo, anak. Alam mo bang sa tagal ko ng nagta-trabaho doon ay hindi ko pa nalilibot ang buong mansyon at paligid nuon." Sagot niya.
Humanga naman ako ng sobra! "Wao, inay. Pwede po ba ako sumama sa inyo next time? Pleaseee" pagmamakaawa ko kay nanay.
Mahigit 7 years na din si Nanay na nagta-trabaho sa pamilyang 'yun at hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakapunta roon. Minsan nga ay hindi pa umuuwi si Nanay at duon na siya natutulog kaya madalas kapag wala siya ay kina Ninang Darcy ako natutulog. I think simula nung nagkaisip ako ay wala na akong kinilalang ama. Sabi ni Nanay ay iniwan daw kami ng Tatay ko. 'Yun lang. Wala na siyang ibang sinabi at hindi na rin ako nagbalak pang magtanong kasi bakit pa ako magkakainteresado sa taong 'yun e iniwan niya nga kami.
"Sa susunod na lang, nak. Masyado pang busy ngayon sa Mansyon." Sabi niya.
"Sige po. Promise 'yan ha!" Masigla kong sagot sa kaniya at tumango naman siya.
Hinanda ko na ang mesa dahil kakain na kami. Nagluto si Nanay ng Ginisang Togue. Masarap magluto si Nanay kaya naman kapag nasa kusina siya ay sinasamantala ko na matuto dahil balang araw ay gusto ko na ako naman ang magluluto para kay Nanay.
Kumain kami ng hapunan at pagkatapos no'n ay nagpahinga na rin si Nanay habang ako ay ito gumagawa ng assignment na kailangan ipasa bukas dahil Lunes na naman.
Tinatamad pa nga ako pumasok. Pero bawal tamarin! kasi kahit minsan ay hindi tinamad si Nanay sakin na ako ay pag-aralin. Kapag ako nakapag tapos babawi talaga ako kay Nanay ng sobra pa sa sobra. Gusto ko sana retire na siya no'n ako naman ang magta-trabaho para sa aming dalawa. And I can't wait for that to happen.
"Bella! Congrats!!!" Sigaw ng kaibigan kong si Cindy. Naglalakad pa lang ako papasok ng classroom namin pero ang ingay ingay na agad nitong babaeng 'to.
I smiled at her. "Congrats din sa'yo!" bati ko.
Umupo na ako sa tabi niya. "Sabi ni Ma'am ay formally daw magbibigay ng certificates ay sa Friday. Isasama daw ang isa sa parents." Saad niya.
"Ganon? Sige, dapat pala sabihan ko na agad si Nanay mamaya." Sagot ko.
Tumango siya. "Oo! Ang bilis naman kasi ng araw, parang dati lang Grade 6 lang tayo. Ngayon nasa kalagitnaan na tayo ng Grade 7. Malayo pa pero atleast Malayo na tayo." dagdag pa niya.
"True!" Bigla namang pumasok ang Teacher namin kaya naputol ang usapan namin.
Umusad ang araw ko na puro Quiz kami ngayong araw. Tama ba 'yon?! Lunes na Lunes puro Quiz. Sasabog na ata brain cells ko. 3pm na ako nakauwi sa bahay at naglinis muna ako at kumuha ng sinampay sabay tinupi ito. Hanggang sa nakaidlip na ako at tumingin sa orasan.
7pm
Tumayo ako at tumingin sa kusina ng pwede mailuto at nagugutom na rin ako. Alam kong wala pa si Nanay kasi walang ilaw ang kusina. Nagluto ako ng itlog at pagkatapos ay kumain na rin. Hindi siguro uuwi si Nanay. Napagdesisyunan kong magpa antok na lang. Hindi na ako pupunta kina Ninang Darcy kasi baka makaabala pa ako.
Kinabukasan ay umuwi si Nanay.
"Nay. Oo nga po pala, sa Biyernes po ay kailangan nasa school po kayo. May ibibigay na certificates po si Ma'am. Nakasalibpo kasi ako sa Top 10 nitong 3rd quarter." I told her.
Natuwa naman si Nanay at agad akong niyakap. "Aba sige at pupunta ako! Nakakaproud naman ang anak kong 'to." Sabay kalas niya sa yakap.
"Pero Nay, 'di po ako Top 1." sabi ko.
