'HANGGANG SA MULING PAGKIKITA'

31 5 8
                                        

This story is dedicated to

flowingsymphony and lixaaaaaachy

sa bangong dala nito. Nang iminulat ko ang aking mga mata ay agad kong nasilayan ang isang ginoong papalapit saakin kinaroroonan.

"Alejandro!" Pagsigaw ko sa pangalan nang ginoong papalapit sa aking kinaroroonan.

"Agnes!" Pagsigaw niya rin sa aking ngalan' nang makatuntong siya sa aking kinaroroonan ay dahan-dahan niyang hinawakan ang aking palad at iginawaran niya ito nang halik, na siyang dahilan kung bakit nagaalboroto ang mga paru-paro sa aking tiyan.

"Paumanhin binibini, hindi ko sinasadyang pag-antayin ka. Nagkaroon nang biglaang okasyon si ama, kaya ay sinama niya ako. Hindi ko na natanggihan pa si ama, dahil tiyak na ito'y magaalboroto kapag ako ay hindi sumama at tumakas". Paghihingi niya nang tawad.

Inaamin kong ako ay nalungkot sa pagkat sa akala ko ay hindi na siya makakarating sa aming tagpuan. Ngunit unti-unti namang nawala iyon nang makarating siya'.

"Hindi mo kailangang humingi nang tawad ginoo. Ang mahalaga ay nakarating ka sa ating tagpuan." Nakangiti kong tugon sa kaniya na siyang dahilan upang ngumiti ito nang pabalik saakin.

Ako si Agnes De Jesus, isang magsisilbi ni Don. Severino isang italyanong mayaman na nagtungo sa lugar nang Pilipinas sa lugar ng San Diego, upang hanapin ang isang Pilipina na nakilala niya pa sa Italya. Na siyang nagpatibok nang kaniyang puso.

Tatlong taon na rin ang nakalilipas ngunit hanggang ngayon ay hinahanap parin niya nakikita ang kaniyang unang pag-ibig.

Madaming nagsasabi na may kabiyak na ito, at hindi na siya' maaalala pa. Ngunit sa kabila nang sinasabi sa kaniya nang karamihan ay hindi siya nawalan nang pag-asa.

Minsan ay nakausap ko ito. Ayon sa kaniya, pinangakuan daw siya nito na babalik ito sa dalawang buwang lilipas ngunit hindi ito bumalik kaya siya na lamang ang pumunta sa pilipinas at hanapin ang binibining nagpapatibok nang kaniyang puso. Hindi daw siya titigil hanggang sa di niya ito makita, kahit pa raw hanggang sa kaniyang huling hiningi.

"Binibini. May iba ka bang nararamdaman?" Nagulat ako sa bigla-biglang pagsalita ni Alejandro.

"Wala naman ginoo" nakangiting ani ko sa kaniya.

Si Alejandro Ruiz ay ang nagiisang anak ni Don. Manuel at Donya Amelia. Ang pinakamayaman sa lahat nang mga mayayaman dito sa San Alejando. Alejandro ang ipinangalan nila sa kanilang anak dahil ito raw ang magmamamana nang lahat nang kayamanan nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hanggang sa muling Pagkikita (One-shot)Stories to obsess over. Discover now