KABANATA 6

12.3K 292 40
                                    

NOTE: Rated PG-13

Comments po kayo ha kung ano ang masasabi niyo sa chapter na ito :) :) :)

Vote po ha, huwag din pong kalimutan.SALAMAT!

...................................

KABANATA 6

PAG-UWI  ni Philip ay agad itong dumiretso sa kwarto nito.Nag-pahinga lang siya saglit pagkatapos ay nag-pasya siyang mag-shower na.Pagkatapos niyang magbihis ay nahiga na siya.Bad mood siya dahil sa pag-tawag ni Ronald kay Leah.Aminado siyang nagselos at natakot siya.Takot siya na baka balikan na naman ng dalaga ang lalaking iyon.Natatakot siyang baka tuluyan na siyang iwan nito.Napa-igtad siya nang may biglang kumatok sa pinto ng kanyang silid.Noong una ay binalewala niya iyon.Pero ng paulit-ulit itong kumatok ay napilitan siyang bumangon.Baka may importanteng sasabihin si Aling Puring.Nagulat siya ng pag-bukas niya ng pinto ay agad siyang niyakap ni Leah.

 "Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong nito.

 "H-Huh?" naka maang niyang sabi.

 "Bigla ka na lang umalis kaninang umaga."

 "Ah, k-kasi ano—-"                    

 "Nagselos ka ba? Galit ka ba?"

 "Hindi-Hindi ah." Mabilis niyang kaila saka gumanti ng yakap sa dalaga.

 "Eh bakit wala akong good bye kiss kanina?"

Natawa na lang siya sa mga pinagsasabi ni Leah.

 "Sorry na, sinabi ko na sa kanya na ayoko na.Na ikaw ang mahal ko.Kaya huwag ka ng mag-emote riyan at baka tumanda ka ng maaga.Sayang ang ganda mong lalaki."

 Tuluyan na siyang napahalakhak.

 "Oo na, hindi na ako mag-iisip ng kung anu-ano.O sige na good night na." kumalas na siya mula sa pagkakayakap sa dalaga. "Sweet dreams." Dinampian niya ng mabilis na halik sa mga labi nito.Nagtaka siya kung bakit hindi ito natinag sa pagkakatayo, ang sama pa ng tingin nito sa kanya.

 "O, bakit?"

 "At sino ang may sabi sa'yong sa kwarto ko ako matutulog?" Pagkasabi niyon ay walang sabi-sabing tumuloy ito at agad na nahiga sa kama niya.

 "Come on bestfriendHusby, let's sleep na."

 Napailing na lang siya.Saka nagsimulang lumapit sa dalaga.Nahiga siya sa tabi nito at kagaya kanina, muli siya nitong niyakap.Lihim naman siyang napangiti, lumalabas na talaga ang pagka-malambing ng asawa niya.

"GOOD morning yaya." Bati ni Leah kay Aling Puring na  busy sa ginagawang paglilinis.

 "Good morning din sa'yo hija."

 "Ah, si bestfriendHusby po nasaan?"

 "Nasa may pool."

 "Okay.Sige po ha."

 Tumalikod na siya kaya hindi na niya nasilayan ang makahulugang ngiti na sa mga labi ni Aling Puring.Masaya ito sa isiping, nagka-unawaan na ang mag-asawa.Paglabas niya ng bahay ay natanaw niya si Philip, naroon nga ito,nakatalikod sa gawi niya, hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng binata roon.Maingat ang mga hakbang na nagsimula siyang lumapit sa kinaroroonan ng binata, ayaw niyang makalikha ng anu mang ingay at baka malaman nito na palapit siya.Pagkalapit niya sa binata ay agad siyang nag-jump sa likod nito sabay pulupot ng mga braso niya sa leeg nito.Dahil nagulat ay nawalan ito ng panimbang, ang resulta, nahulog sila sa pool.

 "Ops! Sorry!" Naka peace sign niyang sabi nang humiwalay sa binata.

 "Anong sorry? Kakasuot ko lang nito tapos binasa mo?" kunwari ay pagalit nitong sabi.

Sweet Embrace(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon