"Yes, sir. Naka-doble na rin ang mga kadena, katulad ng ni-request mo," Sorren calmly said. "Wala rin kaming na-detect na anumang aktibidad sa libingan niya."

"Good. Did anyone see you?"

Napatingin sa kanyang cellphone ang butler. Naka-loud speaker pa ito habang nakapatong sa ibabaw ng kabaong ng yumaong propesor.

"No, sir. Dahil nirentahan natin ang Eastwood Cemetery ng 24 oras, I made sure to station our guards around the perimeter and even ordered them to put up a large 'Private Property, No Trespassing' billboard. Mukhang wala na rin namang nagtangkang kumwestiyon." Pinulot ni Soren ang kanyang cellphone at umakyat sa pilak na hadgan para makalabas sa malalim na hukay.

"Very well."

But his master's voice sounded anything but relieved. Alam niya kung anong iniisip nito. Napabuntong-hininga na lang si Sorren. "Sir, sa tingin ko ay mas mapapadali ang imbesitasyon natin kung hihingi tayo ng tulong sa---"

"Dare complete that sentence and you're fired, Sorren."

Naitikom na lang ni Sorren ang kanyang bibig. Because a good butler should never question his master's decisions. Isa pa, matagal na niyang kilala ang kanyang amo.

Damien knows what he's doing.

'Still, it wouldn't hurt his ego if he'd be a little less bossy, right?'

"Forgive my rudeness, sir. Ipinahatid ko na nga rin pala diyan ang files na hinihingi mo."

"Good."

Sandaling katahimikan.

Ilang sandali pa, Sorren cleared his throat and asked.

"By the way... Have you found her, sir?"

Matagal na hindi nakaimik si Damien. Maya-maya, bumuntong-hininga na lang ito. Para bang pinag-iisipan pa niya kung anong isasagot...

"Yeah."

"Do you need any help?"

"Nah. I'll take it from here, Sorren. Walang ibang dapat makaalam ng imbestigasyon natin."

Napangiti na lang ang butler bago tuluyang nagpaalam sa kanyang amo. He dusted his white suit, pocketed his phone, and sighed. 'After all these years, that kid is still an enigma,' Sorren thought in amusement. Dahil kahit na ilang taon na niyang pinagsisilbihan ang pamilyang Alcott, hindi pa rin nauubusan ng mga pakulo at sorpresa ang kanyang misteryosong amo...

*

"Patience" wasn't her favorite word in the dictionary.

But right now, she's willing to change that...

Imbes na makinig sa sinasabi ng kanilang propesor, nakatuon ang atensyon ng dalaga sa kanyang relo. She pretended she was scribbling notes. Para hindi halata. Mahirap na at baka matawag pa siyang mag-recite.

Kabado siyang sumulyap kay Damien na kasalukuyang may kinakausap sa kanyang cellphone. It was a miracle their professor hasn't called him out yet.

'Rich bastard.'

The second her watch ticked to 9:00 a.m., agad na tumayo si Nemesis at kinuha ang kanyang backpack.

"Okay, class. Let's end it---"

Hindi na tinapos pa ni Nemesis ang sinasabi ng kanilang propesor at dali-daling hinawakan ang kamay ni Naythan na abala pa sa pakikipagkwentuhan sa katabi niya.

"T-Teka, Nem! Bakit ba tayo nagmama---!"

"Shh!"

When their other classmates stood up to leave, Nemesis used this to her advantage and dragged her bestfriend out of the room. Hindi na niya nilingon pa ang kinaroroonan ng mamamatay-tao. At kahit pa mapansin siya nitong umalis, dahil sa kumpulan ng mga estudyante, paniguradong mahihirapan itong sundan sila.

EPICWhere stories live. Discover now