CHAPTER : 1

2.8K 53 8
                                    

Tuwang-tuwa si Dennise nang maipanganak na sa wakas ng isa sa mga alagang kabayo nila ang anak nito. Hindi niya maitatago ang kanyang kaligayahan habang hawak-hawak ang bagong silang na kabayo. Iba ang ligayang hatid nito sa kanya sa tuwing may pinaaanak siyang hayop. Ibig sabihin niyon ay matagumpay niyang naihatid sa mundo ang isang bagong buhay.

“furry, nanay ka na.” pagkausap niya sa nakahigang kabayo. The horse neighed loudly. Nararamdaman niya na kagaya niya ay Masaya rin ito. Mabuti na lang at nagdesisyon siya na hindi na muna pumanta sa kanyang clinic. Ilang araw na rin kasi niyang mino-monitor ang kondisyon ni furry. Alam kasi niyang anumang oras ay maari na itong manganak.

Si Dennise ay isang veterinarian. Apat taon na rin ang nakaraan nang matapos niya ang kursong Veterinary Medicine. Half a year later, nakuha niya ang kanyang lisensiya bilang tanda ng pagpasa niya sa board exam. Hindi pa man din niya nakukuha ang kanyang lisensiya ay may naipatayo nang isang animal clinic ang tatay niya para sa kanya. Graduation gift daw nito iyon sa kanya.

Bukod sa pagkakaroon ng clinic, siya rin ang nangangalaga sa kalusugan ng mga hayop sa rancho na pagmamay-ari ng pamilya nila. Bata pa lang siya ay kasa-kasama na niya ang mga hayop sa rancho. Iyon siguro ang nagtulak sa kanya upang maging isang veterinarian. Makakatulong na siya sa rancho, magagawa pa niya ang bagay na pinakagusto niyang gawin. At iyon ay ang mag-alaga ng hayop.

Pagkatapos niyang linisan ang bagong silang na kabayo ay ipinaubaya na niya iyon kay Mang Damyan. Kampante ang loob niya na aalagaan nitong mabuti ang kabayo pati na rin ang bagong panganak na anak nito.

Nag hugas muna siya ng kamay bago tuluyang lumabas sa kuwadra. Palabas na siya roon nang biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niya iyong kinuha sa bulsa ng suot niyang pantalon at sinagot.

“Hello?”

“Dennise anak, nanganak na ba si furry?”

Napangiti siya nang marinig niya ang boses ng kanyang madrasta. “Yes Ma, kapapanganak lang po niya.”

“Mabuti naman. Bumalik ka na rito sa bahay para may kasabay naman akong kumain ng tanghalian.”

“Opo.” Magalang na sagot niya rito.

Nang matapos ang tawag ay ibinalik na niya ang cellphone niya sa kanyang bulsa at nagsimula na siyang maglakad.

Walking distance lang naman kasi ang layo ng kuwadra mula sa mansion ng pamilya nila.

Ilang minuto pa at narating na niya ang bahay nila. Agad siyang dumeretso sa kusina nila at nakita niya ang kanyang madrasta na tumutulong sa pag-aayos ng hapag-kainan.

“Oh Den, tamang-tama ang dating mo. Halika, kumain na tayo.” Wika nito ng makita siya.

Ngumiti lamang siya at umupo na sa isa sa mga upuang naroon. Umupo na rin ang madrasta nito sa katapat ng upuang inookupa niya. Mayamaya pa ay nagsimula na silang kumain.

“Nasa palayan pa ba si Dad?” tanong niya.

Bukod kasi sa pagbi-breed ng mga kabayo, baka at kalabaw ay mayroon din silang malaking taniman ng palay, tubo at mais. Rancho de Lazaro iyan ang rancho na pagmamay-ari ng pamilya nila.

“Oo. Alam mo naman na kapag ganitong panahon ng anihan, talagang tumutulong ang daddy mo sa mga tauhan ng rancho. Pinagsabihan ko na nga na ipaubaya nalamang niya iyon sa mga tauhan niya. Hindi na rin naman siya ganoon kabata para gumawa pa ng mga ganoong klase ng gawain. Pero kilala mo naman ang daddy mo. Basta pagdating dito sa rancho, hindi iyon marunong making.” Mahabang paliwanag niya.

Hindi naman niya maitatanggi ang sinabi nito. Bata palang siya ay nakikita na niya ang kanyang ama na tumutulong sa mga tauhan nila sa rancho. At kahit ngayon na may katandaan na ito ay hindi pa rin siya nagbabago.

STEPSISTERWhere stories live. Discover now