Kabanata 29

Mulai dari awal
                                    

Ico is not a man of words so his eyes always spoke for him instead. Hindi niya na kailangang sabihin kung gaano siya ka-dismayado sa 'kin dahil alam ko... ramdam ko. He gave me a look of utter disappointment, tulad na lang ng kung paano ako tignan ni Tita Sora dahil nagkunwari akong si Aurora, at kung paano ako husgahan ng mga taong-bayan dahil ako si Sunny Vega.

It highlighted the distance between us. It reminded me that ever since then, he had always tolerated me not because he cared, but only because he's a good man. Na para sa kaniya, hindi naman talaga ako espesyal. I was just another charity case—someone that needed help, and he's too kind not to show me mercy.

"Leave," I commanded bitterly as I looked away. "I want to be alone."

Napapikit ako dahil ramdam ko ang paghigpit ng dibdib ko habang hinihintay ang magiging tugon niya. Natatakot akong baka sundin niya nga ako.

"Okay..." halos pabulong niyang sambit. "I'll call you." Hinalikan niya muna ako sa noo bago tumayo at bumaba na ng steps. He walked to his car without looking back at me. My tears fell when he finally drove away.

Gusto kong magalit sa kaniya ngunit, sa totoo lang, masisisi ko ba siya? He already looked fed up. Mabait siyang tao ngunit hindi siya bayani para magpaka-martyr. I was holding him down. I was forcing him to become a watered-down version of himself. He did not deserve that.

Ilang minuto na akong tulala at nagbabaka-sakaling bumalik si Ico nang may tumapik sa likod ko. Nang iangat ko ang tingin ko ay nginitian lamang ako ni Laurel. Bahagyang namilog ang mga mata ko. I expected to see Minerva, but her? She hated drama more than anything.

Umupo siya sa puwesto ni Ico kanina. "Nasa morge na si Sab. Andoon din si Minerva upang asikasuhin ang magiging libing niya... Uhm, kamusta ka nga pala? Nagkita ba kayo ni Ico?"

"Oo," tango ko.

"Mukhang 'di maganda ang naging usapan niyo, ah?"

"Laur, sagad na sagad na 'ko." Nabasag ang boses ko kaya huminga muna ako ng malalim upang kumalma ng kaunti. "Pagod na pagod na 'ko. Wala silang alam lahat kundi ang manghusga. Akala ko iba si Ico pero 'di ako tanga para 'di mapansing nagsasawa na rin siya."

"Mahal ka ng lalaking 'yon," pangungumbinsi niya. I was so sure it was only half-meant though. "Uhm, ano, basta. Kapag kasi nagkakausap kami noon, ikaw lagi ang bukambibig niya. Mahal ka no'n, sigurado."

"Mahal nga, pero gusto niya ba ako?"

"Anong pinagkaiba?"

"Marami. Malaki."

Tumingala ako sa buwan at pilit na lamang na kumapit sa sinag at ganda nito. Sabi nila, mas mabuting sa buwan tayo nangangarap at nagdadasal. Bakit? Kasi nakikita natin ito at ang Diyos hindi. Ang buwan ay nangangako gabi-gabi. Minsan umaalis ngunit paniguradong bumabalik.

At kung ganito nga ang sitwasyon... kung ganitong kahit ang Diyos ay 'di magawang mangako, magpakita, paano na lang ako? Ano ang panghahawakan ko?

"Ang pagmamahal ay walang pinipili," patuloy ko. "Involuntary, kumbaga. Unintentional. Pero hindi ba't nakakapagod? I don't want to be someone's 'unintentional' anymore because, for once, I want to be chosen. I want to be wanted. I want to be liked and loved. Not just either."

"E gusto ka rin naman ni Ico, 'di ba? Pag-aaksayahan ka ba niya ng panahon kung hindi?" aniya. "Alam mo, galing akong Fortunate Folks upang humingi ng tulong. Wala na tayong pera dahil nabulilyaso tayo ng mga Casagrande. Gusto kong bigyan ng disenteng libing si Sab kaya hihingi sana ako sa orphanage kaso kulang din ang budget nila.

"So 'yon, dumiretso ako sa Summer House at nadatnan agad si Ico na kararating lang pala galing convention. Hiningan ko siya ng tulong tapos agad naman siyang nagbigay... 200 K ang binigay, Sunny! Grabe, agaran pang kumuha ng tseke at pumirma. Kaya sigurado talaga akong mahal at gusto ka no'n, e!"

Bad Times at Sunrise (La Fortuna Series #3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang