My Black Valentine

228 18 7
                                    

It's been a year nang mamatay si dad at mom sa isang car accident, I was just lucky para hindi tugisin ni Kamatayan, maybe he was thinking that my parents were enough to die on that day.

Kasama ako sa car accident na 'yon, maraming nagsabi na miracle daw ang pagkakabuhay ko dahil talagang wasak ang kotse na sinasakyan namin. Pero sana nga kasama na lang akong namatay para naman hanggang ngayon ay magkasama pa kami.

I'ts still fresh, nang gabing 'yon nagyaya si dad para magfamily date kami kasi Valentine's Day. Meron pa nga siyang dalang bulaklak and chocolates para kay mom at sa akin. Yearly niya itong ginagawa, kaya naman kahit walang nagbibigay sa akin ng bulaklak during Valentine's Day, hindi ko masasabing huli ako sa celebration.

"Dad, gift namin sa'yo ni mom." Tuwang-tuwa ko pang inabot sa kanya ang isang kahon na nababalutan ng isang pulang papel.  Binuksan niya ito at tuwang-tuwa siya nang makita niyang isang favorite Omega Watch ito, sabay pa niya kaming niyakap.

Inamoy ko ang bouquet of red tulips and roses na bigay ni dad. Natuwa ako nang may dumapo pang isang itim na paru-paro. Nagkatingan si dad at mom, hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga titig na 'yon.

"Huwag na lang kaya tayong lumabas, magpa-deliver na lang tayo." Nagtaka ako bakit biglang nagbago ang isip ni mommy.

"Hon, nagpapaniwala ka kasi sa mga pamahiin." Inakbayan ni dad si mom.

"Mommy naman ang kj," nakapout kong sabi.

Huli na nang maintindihan ko ang mga sinabing iyon ng mommy.

Palagi na lang bumabalik ito sa ala-ala ko kaya sa tuwing makaka-kita ako ng itim na paru-paro, hindi ko maiwasang sigawan ito dahil ang paniniwala ko ay may kinalaman ito sa pagkamatay ng parents ko.

Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit noong ma-aksidente kami, kitang-kita ko ang paru-paro na dumapo sa balikat ko bago ako nawalan ng malay.

Eighteen na ako ngayon, pero never ko pang na-experience mag-celebrate ng Valentine's Day kasama ang ibang tao.  Lalo na ngayon,  sino namang matinong taong magce-celerate nito kung ito mismo ang araw ng pagkamatay ng iyong parents.

~~~

Valentine's Day 2018

Pagdating ko sa sementeryo ay napakaliwanag ng langit, pati mga puno't bulaklak ay mapapansin mong kakaiba ang buhay na nana-na-laytay sa kanila.

Kilala na ako dito ng maintenance kasi nga halos linggo-linggo akong pabalik-balik dito. Binigyan ko rin ng bulaklak 'yong ale na palaging naglilinis sa puntod ni mom at dad.

"Ine, happy Valentines." Nakangiting sabi ng ale habang inabot ko sa kanya ang bulaklak. Si ale talaga, papaano magiging happy ang Valentine's ko gayong andito ako sa sementeryo. Napailing na lang ako sa sinabi ng ale. Kapag dumarating ang araw na ito ay naka-itim lang ako ng t-shirt, kaya minsan tinutukso na lang ako ng mga kaibigan ko. Eh paano nga diba, ang dad at mom lang ka-Valentino ko.

Umupo ako sa bench na pinagawa ng lola ko sa puntod ng parents ko. May shed din naman ito at maraming punong kahoy sa paligid kaya naman hindi masyadong mainit. Inilapag ko ang mga bulaklak.

"Mom, dad. Happy Valentines po. Sobrang miss ko na kayo. Ang daya mo naman dad, bakit wala pa 'yong hinihintay kong flowers." Malungkot kong sabi.

Last year kasi may nagbigay nga pero iniwan lang sa harap ng pintuan, kaya naman nag-assume akong bigay ni dad 'yon from the flower shop where he was buying the bouquet. Pero hanggang ngayon palaisipan pa rin ang taong nag-iwan ng bulaklak para sa akin. Pinipigil ko ang mga luhang nagbabadyang pumatak. Sa totoo lang pagod na rin akong umiyak, dahil kung hindi ako nagpumilit noon na lumabas hindi siguro sila mama-matay.  Unti-unti nang pumapatak ang mga luha ko. Biglang lumamig ang simoy ng hangin na para bang may nakamasid lang sa akin.

My Black Valentine (One Shot)Where stories live. Discover now