"Sayang." Pumitik s'ya sa hangin.

"Bakit sayang?"

"Kung babae irereto ko sana kay Jasper ko."

Natawa ako.  "Uso pa ba 'yan? Maawa ka sa anak mo 'uy.  Hayaan mong pumili s'ya ng gusto n'ya."

"Ok lang sana, kung gano'n lang kasimple." Bulong n'ya.

"Ano kamo?"

"Ha? A, eh. Wala." Kakamot-kamot s'ya.  "Gusto ko lang naman makasiguro na mabait ang magiging biyenan ng anak ko."

Nahuli ko itong sumulyap kay Jon.  Natawa ako.

"Bakit ka tumatawa?"  Anya, nang mahuli n'ya akong humahagikhik.

"Ba't ka tumingin kay Jon?" Pigil-pigil ko ang tiyan kong medyo masakit na. “Natatakot ka bang maging balae ang luko-lukong ‘yan?  Wala pa namang asawa at anak 'yan, h'wag kang mag-alala!”

"Hindi ah! Wala naman akong problema kay Jon. Nagkasundo naman kami 'di ba?.”

"Oh talaga?  Eh bakit kanina ka pa tingin ng tingin sa kanya?”

Mas lumapit ito sa aking tabihan.

“Ano kasi,”  Bulong niya.  “S-sumasakit na ang ulo ko sa kakanta n'ya.  H-hindi mo ba magagawan ng paraan na patigilin ‘yang bestfriend mo?”

Hindi ko na mapigilan ang paghalakhak.  Lintek na Jonathan naman kasi ‘yan!  Ang lakas ng loob kumanta, ang sagwa naman ng boses.

“There is only one way to avoid that.” Sagot ko kay Jason.

“Ano?”

“Umuwi na tayo.”

Hindi naman naging mahirap ang pagpapaalam namin ni Jason sa aming mga Katropa.  Alam naman ng mga tukmol na parehas na kaming may mga pamilyang naghihintay sa bahay.  Hindi na p’wede sa amin ang buhay binata na inaabot ng madaling araw sa galaan.  Ang mag-aksaya lang ng oras sa walang katapusang kulitan at inuman.

Nasa kalagitnaan ako ng traffic nang maisipan kong tingnan ang cellphone ko.  Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita ko kung ilang missed calls ang na-receive ko.  Fourty-two missed calls and 5 text messages. Thirty-eight missed calls from Patricia, two from Laura, one from Rodel at ang huli, kay Itay; ang lahat naman ng text messages ay nagmula kay Patricia.

First Message:  Hi baby, can we meet-up? Puntahan mo ako sa dating meeting place natin, please?

Baby? And why in the the world she calls me baby?

Second Message:  Baby please, I just need to see you.  Please answer your phone!

Same old demanding woman!

Third Message:  Gosh, Art! Please pick-up your damn phone!

Hah! What I just said.

Fourth Message:  I called your home phone.  Your girl cousin said you’re out with your friends.  Anong oras ka uuwi?

Aba, at siya pa ang may ganang magtanong kung anong oras ako uuwi? And, what the-- Girl cousin? Who’s my girl cousin? Si Laura lang naman ang nasa bahay ah.

Fifth Message:  I left a message to your girl cousin. I told her that I’ll be waiting for you in our little love nest.

Naramdaman ko ang biglang pag-akyat ng dugo sa ulo ko; at ‘yung sensasyon na biglang pagtahimik ng buong paligid ko dahil sa paglipat ng lahat ng ingay sa loob ng pagkatao ko.

After almost a year na hindi naman talaga kami nag-uusap ni Patricia, heto ito ngayong araw na ito.  Kinakalampag at ginugulo na naman ang buhay ko ng kanyang mga urgent demands na para bang kami pa!

Kunsabagay.  Ganito na naman talaga si Patricia simula pa noon.  Maihahalintulad ko ito sa isang taong lutang na walang pakialam sa mundo.  Ang mahalaga lang sa kanya, makuha n'ya ang lahat ng gusto n'ya. Pero para lang iwaglit at damputin ulit na tila walang nangyari. Ginagawa nito ang mga baga-bagay na tila ba walang maapektuhan. Na para bang ang lahat ng nakapaligid sa kanya, mga tautauhan lang na sinasamba at hinahalikan s'ya sa kanyang mga paa.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung pa'no ako tumagal sa kanya.  Hindi ko alam kung bakit ako nagtiis no'n na maging kasangkapan lang ng kanyang mga pangangailangang pisikal; ang tawag ng kanyang laman na ipinatutugon din naman nito sa iba.

Sa iba. 

Sa ibang mga lalaking kasangkapan din n'ya.  Mga kasangkapan lang dahil wala naman itong puso.  Hindi ito marunong magmahal at magpahalaga.  Para sa kanya, ang lahat ng bagay ay tila gamit lang.  Nakukuha, napapalitan, naiwawaglit at p’wedeng bilhin o basta na lang kunin.

Nakaramdam ako ng matinding kaba sa  pagdako ko sa harapan ng pintuan ng bahay namin.  Ilang sandali ring animo’y tuod ako na nakatayo lang do’n.  Pilit kong ino-organisa ang isipan kong wala pang iisang oras na ginugulo ni Patricia.  Sinusubukan kong pag-isipang mabuti kung ano ba ang tamang sabihin ko kay Laura.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya ‘yung ‘love nest’ na tinutukoy ni Patricia, na sa totoo lang, hindi ko na gustong puntahan pa?

Ang gulo. 

Ang gulo talaga ng isipan kong parang kanina lang ay wala namang ganitong problema.  Wala pang iisang oras na ang saya-saya ko pa; excited na umuwi para makita ko na ang mahal ko.

Ano kaya ang isasalubong sa akin ni Laura?  Sampal? Suntok? Singhal? O baka naman, iiwan na naman n'ya ako. Diyos ko! ano ba ang gagawin ko?  Pa'no ko ba lulusutan ang biglaang pagsapit ng problema kong ito.

Kaunting dasal pa, pinihit ko na rin ang doorknob.  Dahan-dahan ako sa pagbubukas na tila isang dagtang mabagal na gumagapang. Ang marahang pagpasok kong 'yun na ginulantang naman ng biglaang paghigit ni Laura sa pintuan.   Nagulat ako; bahagyang napatalon. Sobrang tindi ng pintig ng puso ko na tila gusto na nitong sumabog.

“O, bakit ang aga mo?”  Salubong n'ya.  Hindi ko inaasahan ngiting nakaguhit sa kanyang mukha. “Tapos na ba ang gimik niyo?”

“H-ha?” Nag-aalinlangan kong sagot. Gulat na gulat pa rin sa hindi ko inaasahang pagsalubong. “O-oo, nauna na kami ni Jason.”

“Ah, ok.” Isinagad n'ya ang pagbukas ng pintuan, para makapasok ako. "Oh halika na? Nakapag-hapunan ka na ba?"

Pumasok ako. "O-oo.  Naghapunan muna kami bago nag-karaoke."

Tumalikod s'ya at naglakad papunta sa salas. Sumunod ako.  Plano ko sanang yakapin ito mula sa likod.  Pero akmang yayakap na ako nang biglang humarap ito sa akin.

"Oo nga pala. May tumawag dito. G-girlfriend mo raw." Nakakapagtakang masigla naman ang mukha n'ya, " H-hindi n'ya nabanggit ang pangalan n'ya pero, magkita raw kayo ulit sa inyong..." Nakangiti man, kapansin-pansin ang kanyang panginginig. "Tagpuan."

[ITUTULOY]

Finding Mr. Perfect Where stories live. Discover now