"Girl, kapag hindi umiyak si Payton sa kasal mo ay huwag mo ituloy ang seremonya," pangdedemonyo na naman ni Lily.

Mabilis siyang pinalo ni Mira sa braso at inirapan. "Utak mo talaga!" she then looked at me. Inayos niya ang buhok ko. "Kapag nagmamartsa ka pa lang at hindi pa umiiyak, tumakbo ka na kaagad palabas!"

"Tigilan n'yo nga si Klary!" sabay na pigil nila MM at Denisse sa dalawang lokaret kong mga pinsan.

"Kayo talaga, girls!" Mommy laughed, too. "By the way, I'll be back in my room for a while," paalam niya bago kami tuluyang iniwan sa kwarto.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyang nawala na siya sa aking paningin.

Alam ko kung bakit siya sobrang maldita sa akin noong mga panahon na freshman ako.

She hated Reagan dahil alam daw niyang mas focused sa pangarap ito at sigurado raw siyang iiwan ako kapag nalaman ang sakit ko.

She's right all along.

Ayos lang naman sa akin ang iwan ako para sa pangarap. Huwag na lang sana akong papangakuan.

Sino ba namang tanga ang maghihintay ng pitong tao? Ni wala akong pinanghahawakan noon dahil nakipag break siya. Nakipag hiwalay siya pero kinukulong pa rin niya ako.

That's... katangahan.

I still remember the very first time I introduced Payton to Mommy. She didn't utter a word but just stared at Pay for a while. Wala akong narinig na pag angal mula sa kaniya.

Nalaman ko na lang kay Payton na inihabilin na pala ako ni Mommy sa kaniya.

Sinabi pa ni Mommy na nakita raw niya kung gaano ka matured at kung gaano ako kamahal ni Payton kaya napanatag s'ya. Sa lahat daw ng desisyon ko, si Payton lang daw ang naging tama.

I can't help but just laugh at her.

Talagang sa kaniya ako nagmana ng kamalditahan.

Natapos akong ayusan ay pasado alas tres na ng hapon. Alas quatro ang aming kasalan para saktong sunset ay gaganapin na ang after wedding party. Iniwan na nila akong mag isa at ang kasama ko na lang ay ang mga escort ko.

"Wow, you looked so ready, huh," puna sa akin ni Virgo matapos kong lumabas sa bahay. Inalalayan niya ako hanggang sa makarating ako sa tapat ng aking sasakyan papunta sa church.

Ang sabi ko kay Payton ay gusto ko sana ng beach wedding. Hindi siya pumayag dahil ang kasal daw ay dapat holy. It should be in a church. Iyon din daw ang pangarap niyang venue ng kasal dahil damang dama raw ang kasalan kapag ganoon.

I was amazed by his words that time. Hindi manlang iyon pumasok sa aking isipan kaya naman mabilis akong pumayag nang maisip ko ang essence ng simbahan and how it worked for a wedding.

"I'm a bit nervous," umiling ako kay Virgo. Si Voltron naman ay natawa at humawak sa aking kamay at hinalikan iyon. "Thank you for the assistance," huli kong sabi bago ako tuluyang pumasok sa sasakyan.

"The pleasure is ours, Shawntell. Congrats!" sabi ni Voltron nang hindi ko pa naiisara ang bintana. Tumango ako at ngumiti.

"Thank you!"

They're Jacos and CSLG's men.

Ang pagkakaalam ko ay parte sila ng Platoon Z na nabanggit noon ni Payton. Kasapi nila si Horiah. Under din si Jacos noon dati pero tumiwalag na nang tuluyang pinamunuan na niya ang kaniyang agency.

Well, gunmen things.

Nang makasakay ako sa sasakyan ay sumenyas na si Virgo sa ibang escort na humanda na dahil papaalis na kami. Kalaunan ay pumasok na silang dalawa ni Voltron sa sasakyan. Silang dalawa ang nasa frontseat.

Falling in Reverse (Saint Series #4) COMPLETEDWhere stories live. Discover now