+ O39. soobin's

481 29 20
                                    

⠀⠀⠀⠀━
ito po 'yung first date nila
pero pov lang ni soobin.
(if ever hindi nyo po matandaan agad)

[ SOOBIN ]

kumakain kami ni lia ng ice cream ngayon, wala akong ibang maikwento kaya sinabi ko nalang sakanya yung tungkol sa laban namin na hindi naman natuloy.

mukha namang hindi intresado si lia pero nakikinig parin sya kaya pinipigilan kong hwag matawa.

" dilaan mo rin ako, crush. "

alam ko na may pagkaharot 'tong si lia pero nagulat parin ako nang bigla nyang sabihin 'yon, biglaan naman kasi kaya napailing nalang ako.

gusto kong sabihin sakanya na gusto ko sya. gusto kong panindigan 'yung mga sinabi ko sa chat namin nung nakaraan.

pero natatakot ako na baka trip nya lang talaga ako. natatakot ako na hindi kami parehas ng nararamdaman.

" so, kelan mo ako liligawan? " sobrang random kaya hindi ako makasagot agad.

" gusto mong ligawan kita? " tinanong ko ulit para masigurado kasi kung sasabihin nya na gusto ako, gagawin ko talaga.

" joke lang. " napabuntong hininga nalang ako sa sinabi nya na iyon. biro lang pala.

sabagay, si lia 'to e. nakakainis lang na parang nauuto ako tuwing kausap o kasama ko sya tapos para sakanya, biro lang lahat.

mayamaya pa ay may lumapit na mga babae, gusto daw magpa-picture sakin. hindi na ako tumanggi kasi masyado naman yata akong masungit kung ganun.

" she's my friend. " iyon ang sinagot ko.

wala naman ako sa posisyon para sabihin na girlfriend ko si lia kasi unang-una, hindi ko nga alam kung may gusto rin sya sakin e.

hindi ko naman pinipilit na magkagusto rin sya sakin. siguro tanga lang ako para pumatol parin sa mga panghaharot nya sakin kahit alam ko naman na biro lang sakanya ang mga ganoong bagay.

kay beomgyu ang pangalan at number na binigay ko, alam ko naman na hindi iyon magagalit sakin at mas matutuwa pa.

hindi ko binigay ang number ko kasi hindi naman ako intresado makipag-text sakanya-- kay lia lang.

" nagagalit ako pero hindi ako nagseselos! " iba yung sinasabi ni lia sa inaakto nya.

gusto kong matawa sa itsura nya pero pinipigilan ko nalang. cute sya pero hindi ko inaakalang mas cute sya kapag naiinis.

" kay beomgyu yung number na binigay ko. " sabi ko na may pawang katotohanan.

feel kong magpaliwanag sakanya kasi tangina! mukha syang girlfriend na nagseselos sa mga babae kanina.

" wag ka na magalit, first date natin to oh. sorry na, " biro ko.

" pakistan. " syempre hindi ko agad naintindihan ang sinabi nya na iyon.

anong klaseng kondisyon yun? matalino ba sya o bobo lang ako?

" without tan. " naliwanagan naman ako.

hindi ko alam kung nagbibiro ba sya o seryoso pero naging selfish ako, wala na akong pakialam sa iisipin nya at sa mga mangyayari pagkatapos nito.

hinalikan ko sya nang walang pagaalinlangan.

at sa puntong ito, alam ko na mas magiging magulo lang ang sitwasyon sa pagitan naming dalawa.

tangina. nahulog na ako kay lia.

GAY. sooliaWhere stories live. Discover now