Chapter 1: Personal Training

2K 141 149
                                    

*Kristine's POV*

Maingat na sumilip ako sa labas ng pinto ng silid ko at tiningnan ang magkabilang bahagi ng corridor. Ng makita ko na halos walang tao sa paligid ay saka ako tuluyang lumabas at isinara ang pinto.

Pagkatapos ay may pagmamadaling naglakad ako papunta sa lobby. Doon ay may iilang estudyante na kong nakita na nag-uumpukan at mahinang nag-uusap. Ilan pa sa kanila ay may kulay gintong badge, na kitangkita mula sa itim nilang blazer. Mga Elites.

Naramdaman kong kumabog ang dibdib ko at binilisan pa ang lakad ko. Nakita ko nang mapabaling sa akin ang atensyon ng isa sa mga Elites at agad akong nag-iwas ng tingin.

Halos kumaripas na din ako ng takbo papunta ng pinto.

Narinig kong tinawag ng Elite ang pangalan ko. Pero nagkunwari akong hindi siya narinig at nagpatuloy lang.

Tumingin pa ko sa bracelet ko at kunwari ay may tiningnan doon.

"Hala late na ko!" Malakas na usal ko at mabilis na tumakbo.

Narinig ko pa ng muli niyang tinawag ang pangalan ko. Pero lalo ko lang pinabilis ang takbo ko.

Ang totoo ay hindi pa ko late. At may tatlong oras pa ko bago magsimula ang unang klase ko. Sadyang inagahan ko lang para sana makaiwas sa mga estudyante.

Halos isang linggo ko na din tong ginagawa. Sa una ay nagpapasama pa ko kay Noly na pumasok ng maaga. Pero nitong mga nakaraang araw ay nakita ko ang pagod niya dahil sa mga eksperimento nila ng mga Healer sa lab. Na kadalasan ay inaabot ng dis -oras ng gabi. Kaya nahiya na akong abalahin siya at nagdesisyon gawin ito mag-isa.

Noong una ay wala pa akong nakikitang gising na estudyante ng ganito kaaga. Pero mukhang nakahalata na din sila.

"Haiistt! Kainis!" Nasambit ko habang tumatakbo. "Bakit kasi hindi nalang ako lubayan!"

Halos saglit lang ng marating ko ang Administration building. Dali dali akong punasok doon at tinungo ang hagdan.

Nakarating naman ako sa ikalawang palapag ng may marinig na mga boses sa kanan ko. Napabaling ako doon at nakita ang dalawang Elite ng Nacht na naglalakad sa corridor.

Mabuti nalang at pareho silang nakatalikod sa akin. Kaya hindi nila ako nakita at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Mabilis naman akong pumihit at patakbong pumunta sa kabilang direksyon. Naisip ko ang bakanteng silid sa dulo at naisipan na doon nalang magpalipas ng oras hanggang sa magsimula ang klase.

Pero muli ay may narinig ako mula sa silid di kalayuan sa harapan ko.

Napatigil ako at tiningnan ang likod at harap ko. Naroon pa din ang dalawang Elites sa likod ko at palakas ng papalakas na animo papalabas ng silid ang may-ari ng mga boses na naririnig ko sa harap ko.

Hindi nila ko pwedeng makita!

Nagpapanic na isip ko at mabilis na binuksan ang silid sa gilid ko.

Halos magpasalamat ako sa Maykapal na hindi naka lock iyon.

Mabilis akong pumasok at maingat ngunit may pagmamadaling sinara ang pinto. Pagkatapos ay idinikit ko sa pinto ang tengga ko.

Narinig ko ang mga boses na narinig ko kanina pero imbes na mawala gaya ng inaasahan ko ay nanatili ang mga iyon sa labas.

Marahil ay pinili pa ng mga ito na mag istambay sa corridor.

Napabuntong hininga ko at maingat na pinihit ang lock ng silid. Mabuti na ang sigurado. Kung meron man gustong pumasok sa kanila dito ay hindi nila magagawa.

Wrath of Air (Book 5 Of Fate of Darkness) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon