"Okay. If you really want us to have a baby then let's try after our wedding," he smiled sweetly.

"Ang cute ng mga anak ni Astrid. Too bad, the last one died," ngumiwi ako dahil doon.

"I'm pretty sure they're Reego's," ngumisi naman si Payton. I bit my lower lip.

"That's what I've heard when I helped her giving birth. Just don't tell Reegs. I think, she's taking her time," ngumuso ako.

Ako ang nagpaanak kay Astrid dahil wala noong doktor. OJT lang ako noon sa California. I don't know how the hospital put their trust on me that time. I'm just glad that I was the one who helped her after those helpless nightmares of her.

"But, she's unfair somehow. Reego's struggle is no joke," umiling si Payton. I can't help but smile with his concern toward his friend.

Hanggang ngayon ay bilib pa rin ako sa kadramahan noon ni River at Reego pagdating noon kay Astrid. Akala mo ay hindi magkakilala noong una.

Mga sinungaling talaga ang mga santo rito sa amin.

"He'll have them soon, any way," Payton shrugged with confidence. "What's for us is ours only. No matter how long does it take to have them, we'll have them with patience."

Masaya akong tumango. Bilib sa realizations niya kada araw. "What gender do you prefer?" tanong ko. Ibinalik ang aming usapan. Bumaling na uli ako sa salamin.

"I don't know. I want two, eh," he smirked.

Natawa ako at pabiro siyang pinisil sa pisnge. "Kunwari ka pa d'yan na ayaw mag baby, ha!"

"Of course, gusto ko! Ang sa akin lang, gusto ko ikaw muna ang uunahin ko," depensa niya.

"Yes, Babe. Yes," ngumiti uli ako dahil natutuwa ako sa mga oras na ito dahil in love ulit ako sa kaniya.

Sana ay ganito na lang palagi.

"Pero ikaw, Love, ano gusto mo?" tanong niya. Kumuha siya ng suklay at saka pumunta sa aking likuran para suklayan ako.

"Babae," I replied quickly. I took my phone from the table.

Kinuhanan ko ng video ang aming repleksyon mula sa salamin at saka ko siya ini-zoom in.

I posted it on my IG story with a caption, "Home in his little touch".

"Why, though?" balik niya habang abala at seryoso sa pagsusuklay sa akin. He even bit his lower lip just to make sure that they're well-brushed.

"Wala lang. Para maalala mo ako lagi every time you'll look at her." I nodded at my own thought. "Once I get pregnant, I'll pray every day that it should be a girl and be look like me. I want you to see my trace on her face."

"Well... that's... nice."

Inihatid ako sa cafe ni Payton nang matapos ako sa pag aayos. Hindi naman nawala sa isipan ko ang tono ng salita niya kanina. Para siyang takang taka sa sinabi ko. Pero gaya ng palagi niyang ginagawa, pinalagpas niya iyon.

"Call me when you need a car to pick you up," seryoso niyang sabi saka ako hinalikan.

"Take care," huli kong sabi saka ako bumaba sa kaniyang sasakyan.

Nang makarating ako sa loob ng cafe ay mabilis kong nahanap sila Miranda at...

"Maria Margarita!" gulat kong usal at mabilis ko s'yang niyakap. "Oh my, you're back!"

"I have to," she shrugged. Tumango naman ako at pinagmasdan siyang mabuti.

She's way, way more pretty and classy now!

Falling in Reverse (Saint Series #4) COMPLETEDWhere stories live. Discover now