Chapter Nineteen (Best friends are the best)

Magsimula sa umpisa
                                    

Bigla na lang may kumuha sa kanya sa pagkakayakap ng kanyang kaibigan. Si Philcan, "Are you alright?" ito naman ang yumakap sa kanya.

"Wow ha! Friend! makyondi ka, sino itong papabols na 'to?"

"Group hug," nakiyakap na rin si Cerus sa kanila, "Uy. Zion group hug," tawag nito sa lalaking estatwa. Itinulak lang ni Philcan si Cerus.

"Hmmp!Damot. Ome..Alala, anong breakfast natin diyan?"

Mukhang nakita nitong inaayos na ni Alala ang mga prinepare niyang almusal kanina. Nag-aalangan si Alala sa mga gamit na nakikita sa kusina mukhang hindi ito sanay gumamit ng mga iyon.

Naramdaman na lang niyang may humila sa buhok niya, "Ang aga-aga, kumekerengkeng!" ang kanyang kaibigan pala. Nakayakap pa rin pala si Philcan sa kanya.

"What are you doing woman?!" asik nito kay Celeste.

Tinaasan ito ng kilay ni Celeste, "Aba't!"

Inunahan na niya si Celeste, "Sige na Philcan, kumain na muna kayo,"

"And you?"

"Later na lang, kakausapin ko lang itong kaibigan ko," hinila niya na sa kanyang kwarto si Celeste.

Pagpasok na pagpasok nila sa kanyang kwarto. Sunod-sunod ang mga tanong nito.

"Oh my God! Friend! sino ang mga lalaking iyon? syet! bakit ang gagwapo nila at talagang niyakap ka pa, maharot ka rin 'no!"

"Celeste, makinig ka nga muna, h'wag ka ngang maexcite r'yan!"

"Pa'nong hindi ako maeexcite, Juice colored naman friend, ang ha-hot kaya nila, saan mo ba napulot ang mga 'yon, isama mo nga ako minsan, teka saan ka nga pala nanggaling?"

"Celeste makikinig ka ba o hindi?"

"Okay, okay, high blood agad,"

Ik'wenento nga niya lahat lahat dito. Walang labis walang kulang. Simula sa dukutin siya ng mga alien hanggang sa makabalik siya rito na aalis din ulit. Pati ang dahilan kung bakit siya dinukot. Naik'wento niya rin na tinangka niyang tumakas. Lahat ng iyon. Alam naman kasi niyang mapagkakatiwalaan ang kanyang kaibigan.

Tiningnan niya ang reaksiyon ng kaibigan matapos ang kanyang kuwento. Mukhang hindi pa rin ma-absorb ng utak nito lahat ng ipinagtapat niya. Literal kasi itong nakanganga. Ilang sandali bago ito nakapagsalita.

"Friend, alam mo namang mahal na mahal kita, lahat ng kalokohan mo ay sinasakyan ko pero alam mo 'yon, ang galing mo lang magk'wento kaya parang totoong totoo, pero friend sorry ha, kailangan mo na atang magpatingin sa isang psychiatrist,"

"Alam kong sasabihin mo 'yan," bumaling siya sa nakasarang pinto ng kanyang kwarto, "Alam kong nandiyan kayo, nakikinig sa usapan namin, pumasok kayo!"

Dahan-dahan bumukas ang pinto, iniluwa n'on ang tatlong itlog, itinutulak ni Philcan si Cerus para ito ang mauna samantalang si Cerus ay tinutulak naman si Zion.

"Philcan, ipakita mo nga sa kanya ang kaya mong gawin para maniwala siya," itinuro niya ang kanyang kaibigan bilang pagtukoy dito.

"Okay," gumawa ito ng isang fireball sa kamay. Nanlaki ang mga mata ni Celeste sa nakita. Maging siya ay nagtaka sa ginawa nito, hindi niya pa kasi nakikita ang kapangyarihan nitong iyon. Ang akala niya ay hangin lang ang kayang kontrolin nito. Pati pala apoy.

Nakita niyang unti-unting bumabagsak si Celeste mabuti na lang ay agad itong nasalo ni Zion.

"Tubig," sabi nito. Mabilis namang nakakuha si Cerus. Isang kurap lang nasa harap niya na ang isang basong may lamang tubig.

"Here," ibinigay agad sa kanya iyon ni Cerus. Subalit imbes na painumin niya ito ibinuhos niya iyon sa mukha ng kaibigan. Nag-iinarte lang kasi ito. Inaamoy-amoy pa nito si Zion at kung makahawak sa balikat wagas.

Nang maramdaman nito ang kanyang ginawa bigla na lang siya nitong sinampal, "Panira ka talaga! Gusto siya lang mayakap. Ganern! Nangbasa pa ng damit!"

"Ewan ko sayo! Tumayo ka na nga diyan, nag-alala pa ako sa'yo, nag-iinarte ka lang pala!"

Hindi siya nito pinansin, "Mga alien talaga kayo?"

"Hindi, mga Xygus kami," si Cerus ang sumagot.

"P'wedeng sumama sa planeta niyo? Lahat ba ng lalaki sa inyo kasing gagwapo niyo?"

"Hindi ko alam, pero ang alam ko, ako ang pinakagwapo sa planeta namin,"

"Bongga!"

"H'wag mo na ngang dagdagan ang kabaliwan nitong kaibigan ko Cerus, at Zion, bitiwan mo na 'yan, nag-iinarte lang 'yan," sabi niya. Nakahilig pa rin kasi ito sa dibdib ni Zion.

"Masusunod," sa ginawa nito ay muntik ng matumba ang kaibigan niya. Na out of balance kasi ito.

Sinimangutan siya ni Celeste, "Teka, sino pala ang bubuntis sa kaibigan ko?"

Itinuro ni Cerus ang nakahalukipkip na si Philcan.

"Ikaw na friend. Talo mo pa si Rapunzel sa haba ng hair!"

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon