Balak pa ng mga ito na isuplong siya sa mga taong naghahanap sa kanya at humingi ng malaking halaga kapalit ng pagkupkop sa kanya. Nalaman niya ang mga balak nito ng miminsang marinig niya ang pag uusap ng mga ito.

Pagkatapos ng marinig niya ang pag uusap ng mga ito ay binalak niyang umalis at magpakalayo layo at naisakatuparan niya iyon. Simula noon ay hindi niya na muling nakita ang inakala niyang pangalawa niyang pamilya.

Simula noon ay hindi na muli siya nagtiwala sa iba kahit na kalahi niya pa ang mga ito. Kahit na may lahi siyang werewolf ay hindi siya sumasali sa kahit na anong pack at namumuhay lamang siya ng mag isa.

'Sana ay hindi matulad sa akin ang kapalaran ng pup na ito.' bulong niya sa kanyang isip.

Kahit na sa maikling panahon ay minahal niya rin ang munting panauhin niyang iyon at ayaw niyang mapahamak ito o kahantungan nito ang katulad sa napagdaanan niya.

Niyakap niya ito ng mahigpit at hinalik halikan niya ito kasabay ng pagbulong niya dito ng matatamis na salita na siyang magpapagaan ng kalooban ng paslit.

"Momma sana po ay hindi niyo rin po ako iwan dahil po masasaktan po ulit ako at iiyak tuwing gabi..." mahina at may halong antok na sambit ng munting lobo.

Pinagpatuloy niya ang marahang paghaplos sa batang lobo na siyang nagpatulog dito. Dinala niya ito sa malambot na higaan niya. Marahan niyang pinunasan gamit ng mga kamay niya ang luha na lumandas sa maganda at maamo nitong mukha. Nasisiguro niyang maganda rin ang mukha ng ina nitong pumanaw at maging ang ama nito.

Muli siyang bumalik sa kusina upang ayusin ang mga kalat na naiwan niya roon. Hinanda niya narin ang mga gamit na bitbit ng munting panauhin niya. Napatingin siyang muli sa peras at persimmon na kanina pa nito gustong kainin. Kumuha siya ng ilan ay inilagay sa maliit nitong bag na dala dala kaninang pagpunta nito at pinabaunan niya rin ito ng maiinom.

Napapangiti na lamang siya sa tuwing sumasagi sa isip niya ang kanyang munting panauhin habang nag aayos siya ng mga gamit at ipapabaon niya dito.

Napakagaan ng loob niya sa paslit dahil na rin sa halos parehas nilang napagdaanan, kaya madali niya rin itong nakapalagayan ng loob, hindi man niya aminin ay kahit papaano'y may puwang na ito sa kanyang puso na siyang nagtutulak sa kanya na protektahan ito sa abot ng kanyang makakaya.

Nang matapos siya ay agad siyang muling nagtungo sa kinaroroonan ng paslit upang muling gisingin ito dahil baka hinahanap na ito ng tunay nitong pamilya. Marahan niya itong tinapik upang gisingin ito. Noong una'y hindi pa ito nagmulat ng mata ngunit ng kalitiin at halik halikan niya ito ay tuluyan na itong nagising at bumungad agad ang halakhak at ngiti nito.

"Halika at tumayo ka na dyan upang maaga tayong makarating sa hangganan." paanyaya niya dito
"Naihanda ko na nga pala ang mga gamit na daladala mo maging ang gusto mong iuwing pagkain ay naibalot ko na rin.. Mag ayos ka na lamang dyan at agad na magtungo sa labas." dagdag niya pa na litanya. Ngiti lamang ang balik ng paslit dito.

Lumabas na siya sa bahay at nakasunod naman ang batang lobo sa kaniya. Agad na hinawakan nito ang kamay at nagtago sa tagiliran niyang natatakpan ng kapang pula, katulad lamang ng madalas nitong gawin simula pa lamang ng una silang magkita nito.

Tinahak nila ang kagubatan at habang patuloy silang naglalakad ay nagkwekwento naman ang munting lobo ng kung ano ano.

"Alam niyo po ba ang papa ko ay napakatapang po katulad mo momma. siya po ang hero ko noon pa lang ngunit ngayon ay dalawa na po kayo." pagbibida nito sa sarili nitong ama.

Noong mabanggit ito ng bata ay nag iba ang pintig ng puso niya, bumilis ito na para bang nakikipagkarerahan katulad ng kabayo. Napahawak na lamang siya sa bandang dibdib niya upang kalmahin ito.

Nang makarating sila sa hangganan ay agad na nagpaalam ang paslit dahil nga ay gumagabi na rin.

"Paalam din Mirah hanggang sa muli nating pagkikita..." balik na paalam niya dito.

Pinanood niya itong lumakad ngunit hindi na pa ito nawawala sa paningin niya ng may lumapit at bumuhat dito na siyang tinawag ni Merliah na Papa, ito ata ang ama nito at bakas sa mukha nito ang pag aalala.

Agad siyang nagtago sa pinakamalapit na puno. Kung kanina'y napakalma niya ang kanyang puso, ngayon ay nahuhurumentado muli ito. Muli siyang napasilip sa mag ama nakita niyang parang may hinahanap ito base sa paglingon lingon nito. At ng magtama ang mga mata nila ay may napagtanto siya...

"Mate"









TOCAC 1: His Another Mateजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें