Capítulo Cuareinta Y Cuatro - Instead

Start from the beginning
                                    

“Dahan-dahan naman huy!” sabi ko sabay naman ng pagtapik ni Jaki sa kamay niMadc para sawayin ito. Wala naman din kasing alam yung bata. 

“Kumusta pala Madc yung raket nyo?”

“Ah, ano matagal na kami huminto sa raket, medyo matumal na rin kasi mga fiesta kaya alam mo na, tsaka para mabantayan na rin si Bullet. Ayoko naman na lumaki ‘to tapos di ko nagagabayan.”

“E yung sa opisina nyo noon? Di ba yun yung permanent nyong work?”

“Alam mo ikaw, hanggang saan pa yung memory mo? Parang paubos na e.” 

“Matagal na kaming resigned doon!” paliwanag pa niya na medyo may gigil habang kumakain. Nahalata nya yata yung pagtataka sa mukha ko kaya nya sinabi yon.

“Gaano na katagal?” tanong ko pa

“Di ba nung ano, nung nahulog ka sa hagdan..siguro mga 2 months after non. Ito, parang ewan.”

“Excuse me, mag-ccr lang ako” Bigla naman tumayo si Jaki kaya’t nagmadali na rin ako tumayo para makadaan siya.

“Di ba nung inalagaan ka ni Jaki full time..Nagresign sya non di mo alam?” Mahina nyang paliwanag sa akin noong di pa nakakalayo-layo yung kaibigan nya.

Wala syang trabaho noon? Habang inaalagaan nya ko? Bakit ngayon ko lang nalaman.. bakit parang puro sarili ko na lang naiisip ko. Pinilit kong irecall kung may nabanggit sya pero wala. Nagstay lang sya sa tabi ko noon. Hindi ko man lang naitanong. Di ko man lang naisip ‘yon. Napabuntong hininga na lang ako. Sa dami ng nangyari ni minsan hindi talaga sumagi sa isip ko yun, napakaselfish ko.

Bumabalik na naman ako sa pag-iisip kung ano bang dapat kong gawin at maramdaman. Okay naman na ko, natatanggap ko naman na pero kapag nalalaman ko yung mga ginagawa nya para sa akin dati. Bakit parang mahal ko pa pala sya.

Di rin naman nagtagal sa cr si Jaki. Di rin naman nagtagal yung pagmemerienda naming dito. 

“Tito, next time po ulit ah? Thank you po sa libre nabusog po ako”  aba oo nga no? 

“Nakalibre ka na naman ng merienda, kahit kelan ka talaga.”

hinatid ko sila sa labas, naghihintay na makasakay.. noong dumating na yung grab na binook nila, inunahan ko na ng aya si Jaki, baka kasi sumabay kila Madc may gusto pa akong malaman

“Hmm, Jaki, may pupuntahan ka pa ba? Pwede ka ba makausap?”

“Parang wala naman.”

“Sa sasakyan na lang siguro, ako na rin maghahatid sa’yo.”

Habang papunta sa main road tinanong ko kung saan ba sya uuwi o ihahatid.

"Sa bahay mismo. Di naman kami lumipat. Sa dati pa rin" matamlay na sagot niya.

Hindi ko malaman kung paano sya kakausapin. Naroon ang pagtipa ng mga daliri ko sa manibela. Paghinga nang malalim.. lalo na't nagmamaneho ako. Masyadong magulo utak ko baka maaksidente pa kami.

Sa kalagitnaan ng byahe ay biglang nagtanong siya.

"Kanina ka pa hindi mapakali. Ano ba yung gusto mong pag-usapan?" Ganon nya ba ko kakilala?

Di na ko nagpaligoy-ligoy

"Jaki bakit? Bakit mo ginawa yun kanina?" Deretso ko nang tanong sa kanya.

"Gusto ko lang makatulong."

"Jaki, okay na ko. Nag-uusap lang kami. May gusto lang siyang tapusin. Hindi mo naman kailangan gawin yun."

"Big deal ba 'yon?"

"Oo! Dahil di ko alam. Di ko maintindihan. Di ko malaman kung anong nasa isip mo."

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now