Chapter 1

1 0 0
                                    

Pilit nalang ako ngumingiti habang ine-explain ko sa dalawang nasa harapan ko, namely si Nathan (yung ex ko), at si Allina (yung bago niya, na super clueless sa nangyari dati kasi alam niya noon single yung ex ko).

Minsan nahuhuli ko na napapatingin sakin si Nathan pero hindi ko yun pinapansin. Kung nagtataka siya bakit ako andito, pwes mas nagtataka ako na andito siya sa Pinas, dahil huling balita ko lumipad yan ng US kasama yung pinalit niya sa--I mean, yung bago niyang girlfriend pala.

Medyo naiilang ako kasi habang nage-explain ako at dinidiscuss ko na yung nga ino-offer namin sa wedding events sa pagsulyap si Nathan na para bang hindi mapakali. Parang ewan.

Nang matapos ko nang sabihin lahat ng kelangan jila malaman at binigay ko na ang link para sa Ointerest board nila, bigla naman tinawag nung ex ko yung pangalan ko.

"How are you, Tiff? It's been 3 years," sabi niya na medyo may halong pagkamangha.

'Nakakahiya ka, sa harap ba naman ng girlfriend mo ganyan ka umasta?' sabi ko sa isip ko. Ikakasal na talaga siya eh.

Kunwari namang nagtaka ako kasi tinawag niya ako. Napalingon naman sa kanya si Allina. "You know her?" she looked at me bewilderingly.

Natawa ako ng konti at sinabing, "I'm not sure, but you do look familiar." Hinarap ko yung ex ko, "Oh, I remember," ngumiti ako at tumigil sandali magsalita.

Sobrang tense ng atmosphere na nagtataka na si Allina sa nangyayari. "So, who will answer my question?" she asked.

I looked at her and said, "Oh yes, I do remember. He was actually an old friend," with an emphasis on the word friend, "that I lost touch with years ago," tuloy ko.

Halos lumuwa yung mata niya nung sinabi kong friend but he composed himself and sat straight nung narinig niya yung sinabi ko after.

"It was nothing really, nagulat nalang din ako na ikakasal ka na pala," dagdag ko. "Have you already told Dane and Ean about this? I haven't heard from them as well since we.." pagputol ko sa sinasabi ko.

"Yeah! They know I'm here. We'll be meeting later din," sabi ni Nathan na halatang kinakabahan na pero ayaw niyang ipakita. Bakit siya yung kinakabahan tapos ako wala lang?

"She also knows your friends?" gulat na tanong ni Allina. "OMG, this is perfect! Sa wakas, may isasama na din ako pag magkakasama kayong tatlo! Lagi nalang akong OP sa inyo eh!" Allina exclaimed.

Goddammit, I'm hearing things, right? She just did not INVITE ME with them to hang out?!

Kelangan kong makaisip ng palusot para hindi na siya mamilit. "Oh I see, so nakakasama mo din pala sila," I said, almost incoherently.

Tumayo si Allina at lumipat sa right side ko. "Please go with us later to hang out! I'm begging you, Tiffy!" Ang kapal naman ng mukha kakakilala niya palang sakin, feeling close na agad.

I just smiled at her. "I'm sorry, Ms. Allina, but as much as I would love to, I still have to do some work pa kasi I'm also handling 2 more weddings personally aside from yours, so I'm gonna give you a rain check for now."

Nalungkot naman ang expression ni Allina. Ganito na ba taste ng ex ko? Jusko naman, parang spoiled brat na bata eh.

Nathan cleared his throat. "Allina, we're not her only clients, maybe next time she could come with us," sabi ng gunggong.

Hindi naman ako pumayag in the first place, at ang kapal ng mukha ng lalaking 'to! The audacity!

Pilit nalang akong ngumiti sa kanila nung lumapit na ulit si Allina kay Nathan. "I'll see what I can do, or I'll just inform Dane or Ean nalang later if I can follow."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I've Already Done ThatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon