Chapter Seventeen (Under the light of a thousand stars)

Comenzar desde el principio
                                    

"Abby, Okay ka lang? namumula ka na, anong nararamdaman mo?" si Cerus ang unang nakapansin sa kanya.

"Anong nangyayari?" Lumapit naman si Philcan sa kanila. May pag-aalala sa mukha nito.

"Okay lang ako,"

"Sigurado ka?" mukhang hindi naniniwala si Cerus.

"Omega, kunin mo ang life support system," mabilis naman ang pagkilos ni Alala.

"Okay nga lang ako," kung p'wede niya lang sabihin na ito ang dahilan ng paghyhyperventilate niya, pero hindi niya gagawin iyon baka kung ano na naman ang isipin nito.

"Nasa outer space tayo, maraming kakaibang particles dito, may dark matter, electromagnetic radiation, magnetic fields, neutrinos, dust, cosmic rays, lahat ng 'yan ay  may masamang dulot sa katawan," may pag-aalala pa ring sabi nito.

Dumating na si Alala dala ang life support system, nakasunod na rin dito si Zion.

Grabe naman. Ang o-OA naman ng mga ito, simpleng pamumula lang naman ng pisngi dahil naalala niya ang katawan ni Philcan pati ang eeee.

"Namumula na naman siya," napansin na naman ni Cerus.

Chineck ni Philcan lahat ng vitals niya, ng malaman nitong wala naman problema ay huminga ito ng maluwag.

"See, wala naman talagang problema, kayo lang itong OA,"

"Abby naman, h'wag mo naman kaming gawing nerbyoso baka patayin ako ni Patrem kapag may nangyari sa'yo, alam ko na kung bakit ka ganyan," may mapanuksong tingin sa kanya ni Cerus, "Siguro, iniisip mong nakahubad si Philcan kaya ka namumula 'no?"

Napaubo na lang siyang bigla sa sinabi ni Cerus. Binatukan ito ni Philcan, "Puro ka kalokohan nakita mo na ngang masama ang lagay niya,"

"Ako'y iyong samahan Cerus sa command area ng spacecraft na ito, huwag mo nang dagdagan ang mga paghihirap ni A..abby," hinila na nito si Cerus.

Mabuti na lang naisip ni Zion iyon dahil paniguradong kukulitin na naman siya ni Cerus hanggat hindi siya napapaamin. Pero nungka hinding hindi niya aaminin na pinagpapantasyahan niya si Philcan.

"Uy. Si Abby." at talagang may pahabol pa itong panunukso. Tinakpan na naman ni Zion ang bibig nito. Mukhang nagiging mannerism na ni Zion ang pagtakip sa bibig ni Cerus.

"Sabihin mo lang kung nahihirapan ka, patay ako nito kay Patrem kapag hindi ka ligtas na makabalik," sabi naman ng nakaluhod sa tabi niya.

Tumango lang siya.

"Halika may ipapakita ako sa'yo, para marelax 'yang isip mo,"

Teka naniniwala ba ito sa sinabi ni Cerus na marami nga siyang naiisip, katulad na lang..h'wag na nga, pero pa'no kung katawan nga nito ang ipakita sa kanya, punyemas! nag-uumpisa na naman siya, sumunod na lang siya rito ng walang pag-aalinlangan.

Nakarating sila sa ibang bahagi ng spacecraft kung saan salamin ang nasa harapan nila. Makikita doon ang malawak na kadiliman pero makikita rin ang bilyong bilyong stars o parang mga planeta rin, hindi niya lubos akalain na makikita niya iyon. Sa una ay nakakatakot dahil ikaw ba naman ang makakita ng mga stars na mas malaki pa sa sun. Sa TV niya lang napapanood iyon.

"Nakikita mo ba 'yon, 'yon ang eta cassiopeia isa sa mga star ng constellation ng cassiopeia,"

"Nasaan na ba tayo?"

"Malapit na tayo sa solar system, pinakamalapit na star ng constellation ng cassiopeia ang eta cassiopeia,"

"Ang ganda Philcan," manghang mangha siya sa nakikita.

"Oo, mas magandang pagmasdan ang kalawakan lalo na sa banda rito," nang bumaling siya rito nakatitig ito sa kanya.

Gustong magwala ng kanyang tampipi. Hindi niya na talaga makontrol ang nararamdaman niyang kaba, may mga naghahabulang kabayo na naman sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung aware ba si Philcan sa mga ipinapakita nito sa kanyang kasweetan o parang normal gestures lang nito iyon. At ease na at ease kasi ito sa mga pinaggagawa nito sa kanya. Wala man lang awkwardness. Ibang iba sa mga alam niyang definition ng 'may gusto'. Sa earth kasi kapag sinabing 'may gusto' sayo ang isang tao, mahihiya itong gawin ang mga bagay tulad ng parating naghoholding hands. Gaya ngayon nakahawak na naman ito sa kamay niya.

Nagulat na lang siya ng yakapin din siya nito, tulad rin nito basta na lang nangyayakap. Wala na siyang magagawa. Mukhang wala rin itong muwang kaya samantalahin na lang niya. Two points. Advantage ng pagiging maganda. Hum. Ha.

"Sabi ni Cerus yakapin daw kita sa tuwing naguguluhan ako, naguguluhan ako ngayon kaya niyakap kita,"

Ano na naman kayang kabulastugan ang naisip ni Cerus. Pinagtitripan na naman nito si Philcan.

"Naniwala ka naman?"

"Yeah, it's effective, I feel calm right now,"

Oh God forgive me for I have sin.

Taray ng lola mo! Comforter lang ang peg!

Aba nabuhay ka.

Naman! Ngayon ka lang ulit nagkaPOV natural makikisingit ako.

Umalis ka nga.

Che! Gusto lang masolo si Papa Philcan. Landi lang 'te? Ikaw na. Ikaw na may kayakap sa gitna ng mga stars. Kiss na lang kulang. *Kiss me under the light of a thousand stars*

Tumahimik ka na!

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora