"R-Really talaga! Err.. Lumayo ka nga, Eleven!"

Lumayo naman siya pero panay pa rin ang pag-aangat ng gilid ng kanyang mga labi.

"So bakit ka ba pala nagpapart-time job? Diba may business naman ang daddy mo sa New York?" Tanong ko, binabaliwala na ang kanyang pang-aasar.

Pero biglang napawi ang ngisi niya nang marinig niya ang aking tanong. Napakunot ang aking noo.

"I don't need his help." Aniya. "It's his business and I don't want to be involved in anything about it." Tumingin siya sa kanyang wine glass. For a second, nakita kong madilim ang mga mata ni Eleven at napansin ko din na lumamig ang kanyang boses.

I realized I triggered his memories about his father that I don't know of. Alam kong umalis siya ng New York dahil sa problema niya ng kanyang pamilya, pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam tungkol sa buong dahilan niya.

"I'm sorry, Eleven... I didn't mean to--"

"I came back to the Philippines to pay for myself and live by myself. New York was fun but, I have things to do here. Mga bagay na dapat kong balikan. I'm still getting the hang of it you know? That's why I'm living with you and your brother for a while, cuz I have to sort things out before I can get to live in my own place and pay for school at the same time. This is what I get for leaving my father's house. I'm sorry you got involved. I know how much you don't want me in your home." Aniya, naglalaro ang kanyang daliri sa kanyang wine glass at seryoso ang mukha. The playful smirk was no longer showing on his lips.

"Pero di ba nakapagtapos ka naman talaga ng kurso doon tungkol sa negosyo? Bakit nag-aaral ka na naman ngayon? At fine arts pa ang kinuha mong kurso?" Tanong ko.

Hindi ko pa nabanggit pero nang bumalik rito sa Pilipinas si Eleven ay kumuha siya kaagad ng kursong Fine arts. Hindi kapani-paniwala pero magaling magpinta ang lalakeng ito, sabi nila. Mula pa raw noong elementary pa siya ay arts na raw talaga ang hilig niya. Pero hindi ko pa naman siya nakitang nagpipinta kailanman. Hindi naman din siya nagpipinta sa bahay, o siguro nagpipinta siya sa kwarto niya at hindi ko lang alam. Ewan ko nga kung magaling ba talaga siya.

"My mom was a painter." Inangat na niya ang kanyang ulo pero iniiwasan niya ang aking mga mata.

"Nasaan ba ang mama mo?"

Napangiti si Eleven, pero nakita kong iba ang ngiti niya ngayon kumpara sa mapaglaro niyang mga ngiti. Malungkot ang ngiti niya, at bumigat ang pakiramdam ng dibdib ko habang pinagmamasdan siya.

"Kaya nga nandito ako sa Pilipinas para malaman ko rin ang sagot sa tanong na iyan."

Natigilan ako. Bakit? Nawawala ba ang mama niya?

Sa sobrang kuryosidad ko ay nagulat ako nang tumingin na muli si Eleven sakin. Tumawa siya.

"Anyway... I still have to answer your question as to why I'm working part-time right?" Aniya.

Parang isang iglap lamang ay bumalik sa normal ang ngiti ni Eleven. He was avoiding the topic. I'm sure of it.

"Oo nga." tumango na lamang ako at sumakay ako sa kanyang pag-iba ng topic. Naintindihan ko naman kung ayaw niya pa munang pag-usapan ang tungkol sa kanyang pamilya.

"Alam mo bang ayaw ni Jahzi sakin para sa'yo?" Tanong niya bigla.

"A-Ano?" Napaawang ang aking bibig at napamulat ang aking mga mata. Natawa siya sa reaksyon ko.

"It's true. One reason kung bakit kailanman ay wala akong ibang ginawa noon kundi inisin ka lang palagi ay dahil akala ko hindi ka na talaga pwede para sa akin." Ani Eleven. "I never liked it when Jahziel always kept on joking that I should never hook up with you like all the other girls I've been with. God knows you're the reason I hook up with other girls Athalia. I was just too much of a coward back then to even ask you out, you know? Naiinis ako sa sarili ko dahil maliban sa hindi mo ako pinapansin, pati kuya mo at lahat tungkol sa'yo ay off-limits sa akin. It felt like I was punished for just being me. That whatever I do, I'll never win the heart of the girl I've always liked."

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon