Prelude

2 1 0
                                    


-

"Oh! I see."

I glanced at the figure who sat beside me. It sighed while rolling its eyes. "You're writing again."

My brows furrowed in an instant. I can't help but remark to those expressions.

"Eh ano naman ngayon?"


I stared for seconds and it replied me a deadpan, stating that the answer should be as a matter of fact.

"Duh!" It rolled its eyes again. "Syempre magtratrabaho na naman ako!"

Meet Guinness. My stingy editor.

Siguro napansin mo, I keep using 'it' as Guinness' pronoun. Well the truth is, this motherfucker doesn't want others to know the true identity behind the name, Guinness. To extent that I was told to use only its surname kung ipapakilala ko siya.

I scrunched my nose while typing at words at my laptop. "Ayaw mo pa yun? May pera ka na naman?"

Itong taong 'to. Ang lakas magreklamo! Akala mo naman hindi pinapasahod!

"Boss, gusto ko ng maraaaming pera," Guinness said, obviously daydreaming. "Pero ayaw kong magtrabaho."

Yeah, right. Si Guinness at ang baluktot niyang pagdadahilan. Hindi ko na lang siya pinansin dahil alam kong ginugulo niya lang ako para hindi ako makapagsulat at para wala rin siyang ie-edit. Napansin niya yatang hinahayaan ko lang siya, kaya muli siyang nagsalita.

"Alam mo minsan, Boss? Nakakainis ka na." Tinapunan ko lang siya ng tingin at muking nagtipa sa laptop ko. I caught the motherfucker sipping my iced coffee in my peripheral vision.

"Just where the hell did you get ideas and inspiration to write shelves of books! And hindi lang yon ah! Plantsado na rin lahat, from characters to the whole plot! Ang dami ko tuloy ine-edit." Bahagyang hininaan ni Guinness ang huli niyang pahayag pero narinig ko pa rin, kaya napairap ulit ako.

Inagaw ko muna sa kanya ang kape ko bago sumagot. "Masyado mo naman na yata akong pinupuri, Guinness. Pero, ewan!" maang-maangan ko. "Ideas just pop out of nowhere." I shrugged.

Guinness doesn't seem to be satisfied with my answer. But I still kept my words brief and didn't explain further.

Alangan namang sabihin ko sa kanya kung saan ko nakukuha yung mga stories ko? Aba! Baka siya pa mismong magpa-admit sa akin sa mental hospital.

Guinness' eyes looked at me with scrutiny, observing every move I make. Noong napagtanto niyang wala talaga siyang mapipiga sa akin, muli niyang ninakaw ang kape kong nangangalahati na.

"Guinness!" saway ko. "Kumuha ka nga ng sayo! Akin yan eh! May laway ko na yan!"

"Oh tapos?"

Humugot ako ng malalim na hininga bago ko pa mapatay ang isang 'to. Ngumiti ako kay Guinness kahit sa totoo lang, gusto ko na siyang ibalibag on the spot.

Tss. World Records!

Nanahimik naman ulit si Guinness. Pero pagkatapos niyang maubos ang iced coffee ko, muli niya akong binulabog. Di rin halatang ayaw na ayaw niya akong pagsulatin 'no?

"Ano na naman?" naririndi at pagod kong tanong sa kanya. Sobrang kulit!  Akala mo naman legit na pusang di pinapakain. Mas lalo niya lang tuloy pinapakulot 'tong buhok ko!

"Wala. Naisip ko lang..." Guinness trailed off while roaming its eyes around the café where we are right now, and cupping its cheeks with both hands. "Tutal ie-edit ko naman yan, why not just narrate that story to me today?"

"Para naman ma-point out natin yung mga flaws!" dagdag pa niyang pangungumbinsi sa akin, kahit alam ko namang gusto lang talaga niyang ma-postpone ang pagsusulat ko.

"Tsk! Tumigil ka na nga, Guinness! Diba shift mo pa lang? Ang mabuti pa, pumunta ka na do'n at nang hindi ako maistorbo," tukoy ko sa pagba-barista niya dito sa café na kinaroroonan namin ngayon. Yung 'La Parissa'.

Bukod kasi sa pagiging editor at sabihin na nating 'assistant' ko, suma-sideline din siya na taga-brew ng kape.

"Nag-off na ko! Pinalitan na nga ako ni Yeula kanina eh. Kaya nga nandito na ako," litanya niya saka ngumisi. "Kaya wala na ring magiging sagabal kapag kwinento mo na sakin yang sinusulat mo."

Tignan mo 'to. Ngingisi-ngisi kasi alam niyang wala na akong madahilan. Knowing Guinness' personality, hindi ka talaga niyan tatantanan hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. Guinness' smirk stretched wider when I sighed exasperatedly and folded my laptop to turn turn it off.

Pero ang lingid sa kaalaman niya, hindi ibig sabihin na itinigil ko na ang aking pagsusulat ay talo na ako.

Me? Parissa Yranon? Isang anak ng mafia boss? Matatalo?!

No way!

Tignan lang natin kung sino dito ang magpapamadali sa akin na tapusin ang mga manuscript, kapag natapos ko nang ikwento sa kanya yung story-ng ayaw niyang ipasulat sa akin ngayon.

"Oh ano na? Kaya ba ngayon?" irap sa akin ni Guinness.

"Oo na nga! Ito na!" Umirap ako sa kanya pabalik, ngunit sa loob ko ay nginingisian ko siya.

"Sisimulan ko na ang kwentong nagmula pa sa lugar na tinatawag nilang Markaria," pagsasalaysay ko. "Kung saan nakatira ang bida ng ating kwento ngayon na si Galexia."

"Ang anak ng mga tala."

-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 10, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Galaxy of FlickersWhere stories live. Discover now