“Allow me to study it, Scanver.” Ang hirap talaga kapag hindi ka sanay sa pagnenegosyo, yung simpleng buhay lamang ng pagiging arkitekto ang alam mo.

“Do it as soon as you can, Elvin, baka magahol tayo sa oras.”

“I know. I’m doing my part.” Gusto na naman niyang mairita pero pinigilan ang sarili. Mas maalam naman talaga ito sa kanya pag negosyo ang pag-uusapan.

“Sige, aasahan ko yan.”

Kailangan niya talagang magpuyat nito, ayaw naman niyang may masabi ang Papa ng asawa niya at ang ibang business associates nito. Mas lalong ayaw niyang madisappoint si Kathryn sa kanya. Tinignan niya ang designs, at ang proposal, ilang araw at gabi kaya ang kakailanganin niya para rito?

Tuloy, malalim na ang gabi ay nagbabasa pa rin siya, dahil ayaw niyang maistorbo ang tulog ng kambal, pinili niyang huwag matulog sa nursery room. Subsob siya sa pagbabasa nang pumasok si Kathryn.

“Sinta, that’s enough, anong oras na o.”

“Sandali na lang, Sintas.” Hindi siya tumitingin rito.

“Sige ka, hindi ako matutulog hangga’t hindi ka matutulog.” Umupo ito sa tabi niya, inilapag ang isang basong gatas.

“Sintas, alam mong kailangan kong aralin ang mga ito.” Hinalikan niya sa pisngi ang asawa. “Para na rin kina Kael at Erynn.”

“May bukas pa naman eh. Isa pa, masyado ka ng seryoso, Sinta, hindi ako sanay. Nawawala na rin ang gay lingo mo. Hindi ko nga alam kung matutuwa ako o hindi, kung nakakabuti ba o hindi.” Niyakap niya si Elvin.

“Sintas naman eh, nagpapaka hombre na rin akesh ng 80% para sa mga junakis natin. Knows mo naman naman na hirap akembang pero mas shokot akes na lalaking paminta si Kael! Juice colored! Now I know kung anong pinagdaanan ni Papang before!”

“Sinasabi ko naman, di ba? Hindi issue kung sino ka, Sinta.”

“Sa iyo, yes, but how about the others? Iba ang kultura natin Sintas. Ibang-iba.”

Niyakap na lamang ni Kathryn ang asawa. “Kahit pa ibang-iba, Sinta, hindi pa rin magbabago ang tingin ko sa iyo. Hindi mababawasan ang pagmamahal ko. Hayaan mo sila, ang importante ay tayo, at ang mga anak natin. Natanggap nga ni Papang kung sino ka, ano pa kaya ang sarili nating mga anak.”

“I love you, Kathryn, ang Sintas ko.”

“I love you too, Sinta.”

“Tulog na tayo, Sintas. Pwedeng isang exercise muna, feeling kes kasi majuba na akesha.”

“Suuuureeee! Gora, Sinta!” Natatawang sabi niya sa asawa. Alam na nito ang ibig nitong sabihin.

**********************

Hirap na hirap talaga na aralin ang pagnenegosyo, aminado si Elvin ‘dun, hira pa siyang yakapin ang sobrang pressure galing sa paligid, idagdag pa si Scanver. Lagi namang nakaalalay ang Papa ni Kathryn sa kanya.

“ANo bang target date para simulan ang proyekto na Elvin?”

“I’m still studying the proposal, Pa. Pasensiya na po kayo. Sa totoo lang, hirap po ako sa shipping lines. Hindi po talaga siya konektado sa inaral ko, gustuhin ko man, alam kong kakailanganin ko pa ng matagal na panahon para kabisaduhin ito.” Prangkang sagot niya. Nakikinig naman ang Papa ng asawa.

“Naiintindihan ko. Alam ko namang nahihirapan ka, hindi mo man sinasabi, nakikita ko yun, pero nakikita ko rin kung paano ka magsumikap para lamang matutunan ang pasikot-sikot.”

“Salamat po.”

“Sige lang, Elvin. Siguro mas makakabuting ang ibibigay ko sa iyo ay negosyong nakalinya sa pinag-aralan mo, at magugustuhan mo sa ngayon, pagkatapos ay dahan-dahan sa iba.”

Nakahinga ng maluwag si Elvin.

“Thanks, Pa.”

“Anything for you and Kathryn and for my grandchildren. So, mag-uusap ulit tayo kapag na finalize na, pero anak, I still want the design for the new building.”

“Yes, Pa.”

“ Isa lamang talaga ang hihilingin ko. Be a good husband and a father.”

“I will, Pa. I will.”

***********************************************

Natagalan akong mag connect sa story. Daming nangyari, mabuti na lang may kitchen scramble! I e-end na natin next chapter? Wahahahahahahahaha! Kasi nagtatanong ba naman ng BOOK II eh on-going pa.

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon