"Oo nga! Wala namang sinasabi iyon! Siya tanungin mo! Gagong torpe 'to!" at napikon na nga si Romulo.

"Hindi nga nasama sa atin ang gago! Alam mo namang kabute iyon ng grupo!"

"Alam mo naman pala, eh! Bakit ako pinagbubuntunan mo ng galit?!"

"Hindi naman, ah!"

"Oo kaya!"

"Hindi!"

Nailing na lang ako at tumayo saka lumapit sa mga pinsan ko.

Mga isip bata talaga.

They're here para magtalo.

Parang noong nakaraan lang ay natalo uli si Reego sa online game kaya itong si Chano ay nilubos lubos na ang kademonyohan.

Pinagsuot si Reego ng uniform ng St. Agnes. Pang Senior high school.

"By next week kailangan ay naipasa na iyan. Please, keep in mind that things are different and not so easy now," paalala ng aming professor. "Have your lunch now."

Another busy day. Kailangan ay makatapos kaagad ako ng output para may maipasa mamayang hapon. Magkikita kami ni Payton dahil sabay kaming manananghalian sa may bandang St. Valdemor.

Puno na kasi sa ibang malapit na kainan kaya naman kailangan naming dumayo sa iba.

"What time's your next class?" salubong sa akin ni Payton nang sunduin niya ako sa aking building.

Kaagad niyang dinampot ang isang bag na dala ko na naglalaman ng laptop at ilang textbooks.

"2:00? You?" sagot ko.

Hinawakan na niya ang kamay ko at masaya kaming naglakad sa kahabaan ng hallway ng St. Clark. Maya't maya naman ang bati at pag ngiti namin sa mga kakilala.

"1:30. Then game practice right after," he glanced at me. Mabilis akong tumango.

"I'll just go there."

"Okay, thank you," he held my hand tightly. "Sa may Valdemor ang practice namin."

"Okay. Doon ako deretso."

"Hoy, babaita!"

Mabilis akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Kuya. Lumapit siya sa amin.

"Oh?" sagot ko saka humalik sa kaniyang pisnge. Nag fist bump naman sila ni Payton.

"Dumaan ka raw mamaya kay Doc. Solivan. May idi-discuss daw—"

"Ah, oo. Sige, Kuya!" naiilang kong sabi saka hinigit na si Payton.

Mabilis namang kumunot ang noo ni Kuya pero sinundan na lang kami ng tingin papalayo.

"Parang napapadalas ang bisita mo sa doktor? Is there something wrong?" tanong ni Payton.

Kinabahan ako sa tanong niya pero umiling at ngumiti ako. "Hindi naman. Nakalimutan ko siguro mag avail ng vitamins," I pouted.

Nagtataka man, tumango si Payton at tuluyan na kaming nakalabas ng school.

Sumakay kami sa sasakyan niya at mabilis din naman ang naging byahe namin. Dumaan kami sa kahabaan ng Regidor.

Tanaw ko na lunch break na rin nila kaya maraming estudyante ang nagkalat sa labas ng university. Nakita ko pa roon sila Reego at Astrid na magkasama papunta sa parking lot. Malapit iyon sa may boarding house ng PinkLeaf at tanaw iyon mula rito sa labas.

Nanatili ang tingin ko sa dalawa. Mukhang nagtatalo pa sila at iiwan ni Reego si Astrid pero mabilis na sumunod ang babae.

"Nagkalakas din ng loob," tatawa-tawang usal ni Payton habang nakalingon din sa dalawa. Bahagyang binagalan niya ang patakbo ng sasakyan.

Falling in Reverse (Saint Series #4) COMPLETEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin