"Oh ano pa? Dali! Gusto ko pa makinig!" pagpupumilit ko sa kanila ngunit tahimik pa rin sila. "Oh anong nangyari sa mga bulok nyong bunganga at hindi makapagsalita?" humigpit ang kapit ni Kaira sa aking braso ng tinangka kong lumapit sa kanila. "Kukuha muna ako ng gamit bago tayo umalis." ani niya, halatang ayaw niya sa gulo. Tahimik na lamang siyang naglakad patungo sa kanyang mga gamit. "Pasalamat kayo." matalim ang titig ko sa kanila. Hindi naman nagtagal ay natapos ng mag ayos si Kaira kaya humayo na kami. Tahimik lang kaming naglalakad ng basagin ko ito, "Bukas na bukas rin ay ililipat kita ng dormitoryo." ramdam ko ang pagkagulat niya dahil bigla siyang natigil sa paglalakad. "Hindi ba sobra naman yun?" bakas ang pag aalinlangan sa kanyang mga mata, napabuntong hininga naman ako. "Pasensya kana." nabigla siya sa sinabi ko, "Kung nagulo ko ang tahimik mong buhay dahil sa ginawa ko, kung ayaw mo talagang tuluyan ng magulo ang tahimik mong buhay ay maaari ka ng umalis at kalimutan ang lahat ng nangyaring ito." tumalikod nalang ako at nagsimulang maglakad. Ilang sandali ay hindi ko pa rin siya nararamdamang sumunod sa akin.

Napabuntong hininga ako dahil rito, Am I not that an ideal friend? Nakayuko akong naglalakad when I felt that someone just clinged to my right arm. At ng tingnan ko kung sino ito ay bumungad sakin ang nakangiting mukha ni Kaira. This girl. Tss. "Ang arte mo naman Cahira. Ito na nga lilipat na bukas na bukas din!" nakayukong napailing nalang ako. Ako pa ang maarte? "What made you change your mind to come with me? To be my friend?" patuloy lang kami sa paglalakad patungo sa aming pupuntahan. "Hindi ko naman talaga ayaw maging kaibigan mo. It's just that I'm worried what others will think." magsasalita na sana ako ng magdugtong pa siya. "But then I realized, this is my life and not theirs. And my life, my rules."

* * * * *

Maingay ang kapaligiran, punong puno ng kulay ang paligid at maraming tao sa paligid. Napagdesisyunan ko na dito kami pumunta dahil ito ang pinaka malapit. Narito kami ni Kaira sa pamilihan sa gitna ng Vapore at Graund Kingdom. I didn't bother to put any disguise since, as what I've mentioned, wala naman masyadong nakakakilala sa akin, except sa mga estudyante sa Academy but hindi naman makakalabas yun ng Academy. Kaira is wearing a simple prussian blue off shoulder dress.

She's too girly.

While here I am, wearing a simple gray tank top and gray sweatpants. "San ba tayo pupunta Cahira? Kanina pa tayong naglalakad." Kaira looks so weak at first glance but I really sense that she's just afraid. She's afraid of what her power can do, of what SHE can do. As I mentioned when we first met, she doesn't look like a witch. She's more likely to be a baby. Ramdam mo na ang taas lagi ng energy niya, if not because of that 'prince'? I bet she will have a lot of friend-, "Cahira!" para akong nabingi sa lakas ng boses niya. "Ano ba?" nakakunot ang noo ko sa kanya, "Kanina pa ako daldal ng daldal dito tas ikaw parang patay na patuloy lang na naglalakad." napailing nalang ako the way she describes me. She really is exaggerating. "Sa pinakamalapit na park lang tayo." napatango naman siya.

Hindi na din naman nagtagal ang paglalakad namin dahil malapit lang ito, napagdesisyunan ni Kaira na bumili ng makakakain namin habang namamasyal. Simple lang ang park na napuntahan namin, hindi siya gaya ng mga sosyaling garden sa loob ng palasyo. Patuloy kong pinagmamasdan ang simpleng kagandahan ng tanawin ng may napansin ako kakaiba, may isang matanda na aligaga sa pagtakbo. Hindi niya alintana ang kanyang edad dahil patuloy pa rin siya sa pagtakbo. Tumayo ako at sinundan ang matanda, nang maabutan ko siya ay pinahinto ko muna siya sa pagtakbo, "Manang bakit ho kayo tumatakbo?" pagtatanong ko sa kanya dahil desidido talaga siyang tumakbo. Ilang segundo na ang nakalipas ngunit hindi pa rin siya sumasagot, nakatitig lang siya. "Manang? Ayos lang po kayo?" napakurap naman siya ng ilang beses.

Child Of The PastWhere stories live. Discover now